You are on page 1of 21

10

Modyul 6: SANAYSAY
MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG SOUTH AMERICA AT NG MGA BANSANG
KANLURANIN
Self-Learning Module
Ikalawang Markahan – Modyul 6 Sanaysay
Ikalawang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ma. Christine Estorque Villanueva


Editor: Arlene C. Bagayas and Ezequil J. Orillo
Tagasuri: Evelyn C. Frusa PhD, Prima A. Roullo, Rolex H. Lotilla and Arvin M. Tejada
Tagalapat: Karl Edward B. Panceles
Pabalat na may Malikhaing Disenyo: Reggie D. Galindez
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV- Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V- Assistant Regional Director
Crispin A. Soliven Jr., CESE- Schools Division Superintendent
Roberto J. Montero CESE- Asst. Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. - REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug-REPS, ADM
Leonardo B. Mission- REPS, Filipino
Belen L. Fajemolin PhD- CID Chief
Evelyn C. Frusa PhD- Division EPS In Charge of LRMS
Bernardita M. Villano- Division ADM Coordinator
Prima A. Roullo-EPS, Filipino
[[[[[

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education - SOCCSKSARGE


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of
Koronadal Telefax: (083)-228-8825/ (083)-228-1893
E-mail Address: region12@deped,gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga


paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay
at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na
paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa
inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang
mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat
isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng
ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pag- unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na
matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Binabati kita sa matagumpay mong pagtatapos sa lahat ng Gawain sa Modyul l.


Sigurado akong mas kagigiliwan mong ipagpapatuloy ang mga interesadong
kaalaman na iyong matutunan sa Modyul lalo na ang Sanaysay . Sa araling ito,
ipakikilala ang sanaysay, ang halimbawa nito, susuriin natin ang mga kaisipang
nakapaloob, at maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng bawat pangyayari sa loob
ng binasang akda.
Layunin: Sa araling ito, inaasahan na ang mga mag-aaral ay;
1. Nabibigyang-kahulugan ang sanaysay.
2. Nabibigyang-kahulugan ang mga salita gamit ang word association;
3. Nababasa ang talumpati ni Dilma Rousseff mula sa bansang Brazil;
4. Nasusuri ang iba’t ibang pangyayaring nakapaloob sa binasang
talumpati;
5. Naisusulat ang sariling reaksiyon sa ilang mahahalagang ideyang
nakapaloob sa talumpati;
6. Nagagamit ang mga ingklitik, komplemento at pang-abay sa pagpapalawak
ng pangungusap.

Kasanayang Pampagkatuto:
1. Naiuugnay ng may panunuri sa sariling saloobin at damdamin ang
naririnig na balita, komentaryo, talumpati at iba pa.
2. Naiuugnay ang mga argumentong nakuha sa mga balita sa mga artkulo sa
mga pahayagan, magasin at iba pa sa makasulat na akda.
3. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang di-lantad sa tulong ng word
association.
4. Naipapahayag ang sariling kaalaman at opinyon tungkol sa isang paksa sa
isang talumpati.
5. Nasusuri ang kasanayan at kaisahan sa pagpapalawak ng pangungusap.
6. Nagagamit ang kahusayan sa gramatikal at diskorsal ng isang organisado
at makabuluhang akda.
Subukin

Sa pagtataya na ito ay susukatin natin ang inyong paunang kaalaman


tungkol sa tatalakaying paksa. Sagutin ang mga sumusunod na bilang.
Panimulang Pagtataya
1. Isang sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na
maaaring tumalakay sa anumang isyu sa kapaligiran. Isa itong
matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa.
A. Editoryal B. Sanaysay C. Talumpati D. Talambuhay
2. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon
tungkol sa isang tiyak na paksa.
A. Epiko B. Nobela C. Sanaysay D. Tula
3. Ang kauna-unahang babaemg pangulo ng Brazil.
A. Corazon C. Aquino C. Dilma Ruosseff
B. Dilma Rousseff D. Dilma Ruseff
4. Siya ang kumuha kay Dilma Rouseff bilang konsultan noong
2002.
A. Carlos Araujo C. Luis de Silva
B. Ferdinand Marcos D. Magallanes de Fraujo
5. Ang bilang ng taon ng pagkakakulong ni Dilma Rouseff.
A. 2 B. 3 C. 4 D. 5
6. Ito rin ay tinutukoy na tulang pambigkasan.
A. Elihiya C. Spoken poetry
B. Sabayang pagbigkas D. Talumpati
7. Ito ay isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng
isang napapanahong pangyayari upang magbigay ng kaalaman,
makapagpaniwala o makalibang sa mambabasa.-ugnay ang dapat na
gamitin upang mabuo ang pangungusap?
A. Editoryal B. Cartooning C. Diyaryo D. Pahayagan
8. Ito ay isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na nagtataglay
ng mga pagpapaliwanag, sanligan at impresiyon ng sumulat. Hindi ito
kathang-isip lamang. Ito ang kasingkahulugan ng yungib.
A. Editoryal C. Lathalain
B. Himpilang panradyo D. Talumpati
9. Ito ay isinulat upang bigkasin ng mananalumpati sa harap ng
publiko sa paraang masining, madaling masundan, at maunawaan
ng mga tagapakinig.
A. Editoryal B. Himpilang panradyo C. Lathalain D. Talumpati
10. Ito ay panlahat na bahagi ng pangungusap
A. Panaguri C. Panaguri at paksa
B. Paksa D. Panaguri at pang-ugnay
Aralin SANAYSAY/PAGPAPALAWAK
NG PANGUNGUSAP AT
1 PAGSUSURI

Balikan

Sa ating nakalipas na aralin, pinag-aralan natin ang iba-ibang


uri ng panitikan sa nakalipas na aralin kung saan ating nilakbay ang
iba’t ibang bansa at napaibig sa kagandahan ng kanilang lugar,
paniniwala at kultura.Tinalakay natin ang mitolohiya,
nobela,maikling kuwento, at tula. Maaari ka bang magtala ng mga
pamagat sa mga nabanggit na paksa?
1. Mitolohiya
Pamagat: ___________________________________________________________________
2. Dula:
Pamagat: ___________________________________________________________________
3. Maikling Kuwento
Pamagat: ___________________________________________________________________
4. Nobela
Pamagat: ___________________________________________________________________

Magaling! Ngayon alam ko ng ikaw ay handa ng harapin ang mga


bagong aralin sa Modyul 6.

Tuklasin

Gawain 1. Subukan Natin!


Sa ikalulubos na pang-unawa sa ating susunod na paksa, hayaan
munang ipagawa ko sa iyo ang sumusunod na aktibiti na iyong napag-
aralan sa Modyul l. Sagutin ayon sa tamang bilang ng pagkasunod-
sunod. Isulat ang inyong sagot sa aktibiti notbuk kasama ang
pamagat ng gawain.

Pamagat ng maikling Mga Tauhan Regalo ng mag-


kwentong tinalakay 1. _________________ asawa sa isa’t
1. __________________ 2. _________________ isa:
Manunulat: 1. _____________
1. __________________
2. ______________
Matapos mong mapunan ang Gawain l, bigyan mo naman ng hinuha ang
mahahalagang tanong sa aralin sa tulong ng ANA (Alam na, Nais
malaman, Ang Nalaman ko na). Sagutin mo muna ang tatlong naunang
kolum. Pagkatapos nating pag-aralan ang modyul na ito ay saka mo
sagutin ang huling kolum.

a. Paano pinahahalagahan ng mag-asawa ang regalo nila sa isa’t


isa?

b. Sa iyong palagay, maisasakripisyo mo ba ang mga tao na


mahalaga sa iyo mapaligaya mo lamang ang iyong mahal sa
buhay?

Suriin

Natapos na nating sagutin ang mga detalye na gawain para mas lubusan
natin maunawaan ang ating tatalakayin sa araw na ito ang talumpati.
Alam mo ba na...
Kung paanong may tinatawag na tulang pambigkasan, may
sanaysay rin na binibigkas – ang talumpati? Ito ay kabuuan ng mga
kaisipang nais ipahayag ng isang mananalumpati sa harap ng publiko.
Ang mga kaisipang ito ay maaaring magmula sa pananaliksik,
pagbabasa, pakikipanayam, pagmamasid, at mga karanasan. May
paksang pinagtutuunan ng pansin at isinasaalang-alang din ang
tagapakinig o bumabasa, pook, pagdiriwang at iba pa. Maaaring isaulo
ng bumibigkas nito ang nilalaman ng talumpati at maaari rin na
biglaan na kung tawagin sa Ingles ay extemporaneous.

Paano ang pagsulat ng mabisang talumpati?


Ang unang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati ay ang
pagpili ng paksa. Nakasalalay sa paksa at sa mananalumpati ang
ikatatagumpay ng isang pagtatalumpati. Ano-anong katangian ang
dapat taglayin ng paksa ng isang talumpati?
1. Tumutugon sa layunin – naisasagawa ang pagtatalumpati
dahil sa sumusunod na layunin:
• magturo
• magpabatid
• manghikayat
• manlibang
• pumuri
• pumuna
• bumatikos
2. Napapanahon – ang paksa ng talumpati ay napapanahon
kung may kaugnayan sa okasyong ipinagdiriwang

Paano naiiba ang talumpati sa iba pang uri ng sanaysay?


May mga uri ng sanaysay na karaniwang nababasa natin na
nakasulat sa pahayagan. Halimbawa nito ay ang editoryal at
lathalain.

Ano ba ang editoryal? Ito ay isang mapanuring pagpapakahulugan


ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang magbigay
ng kaalaman, makapagpaniwala o makalibang sa mambabasa.

Ang lathalain naman ay isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na


nagtataglay ng mga pagpapaliwanag, sanligan at impresiyon ng sumulat.
Hindi ito kathang-isip lamang. Bilang isang karaniwang sanaysay,
nagtataglay ito ng madamdamin, personal o mapagpatawang ideya o mga
pananaw. Pangunahing layunin nito na manlibang kahit maaari ring
magpabatid o makipagtalo.
Ang tatlong uri na nabanggit: talumpati, editoryal, at lathalain ay
naglalayon na magbigay-kaalaman sa mga mambabasa. Ang tanging
pagkakaiba ay nasa priyoridad na rin ng bawat uri. Tandaan lamang na
ang talumpati ay isinulat upang bigkasin ng mananalumpati sa harap
ng publiko sa paraang masining, madaling masundan, at maunawaan
ng mga tagapakinig.
- Mula sa Talumpati, Debate at Argumentasyon, (Villafuerte, 2002) at
Pamahayagang Pangkampus, (Ceciliano, 1991)

Alam kong handa ka ng tuklasin ang mga karunungan na iyong


matututuhan sa araling ito. Ang mga gawaing inilaan ay inaasahang
makatutulong sa iyo upang masagot mo ang mga tanong na: Masasalamin
ba sa talumpati ang kalagayang panlipunan ng bansang pinagmulan nito?
At paano nakatutulong ang kasanayan sa pagpapalawak ng pangungusap
sa pagsulat ng talumpati?

Gawain 2: Character Profile


Basahin at unawain ang talata na nagpapakilala kay Pangulong Dilma
Rousseff. Pagkatapos ay punan ng impormasyon ang talahanayan sa
kasunod na bahagi.

Sino ba si Dilma Rousseff?


Noong Enero 1, 2011, nanumpa ang kauna-unahang babaeng pangulo
ng Brazil Natapos manalo sa eleksiyon noong 2010. Siya ay si Dilma
Rousseff.
Isinilang siya noong Disyembre 14, 1947 sa Belo, Horizonte, Brazil. Ang
kaniyang ama ay isang Bulgarian at ang kaniyang ina ay isang
Brazilian. Estudyante pa lamang si Dilma ay naugnay na siya sa isang
militanteng sosyalistang grupo kung saan nakasama niya si Carlos
Araujo na kinalaunan ay siya niyang naging pangalawang asawa. Noong
1970, dahil sa kaniyang pakikipaglaban sa diktaturyal siya ay nakulong
na tumagal ng tatlong taon. Habang nasa kulungan, nakaranas siya
nang labis na pagpapahirap tulad ng electric shocks. Nang siya ay
makalaya, tinapos niya ang kaniyang pag-aaral (1977) at pumasok sa
lokal na politika bilang kasapi ng Democratic Labor Party. Sa loob ng
dalawang dekada, ginampanan ni Rousseff ang pagiging kasangguni at
mahusay na tagapamahala ng partido.
dekada- sampung taon kasangguni- tagapayo
Nang mangampanya si Luis “Lula” de Silva bilang pangulo noong 2002,
kinuha niya si Rousseff bilang consultant. Matapos ang eleksiyon
hinirang siya bilang Minister ng Enerhiya. Dahil sa kaniyang
kahusayan sa hinawakang posisyon, siya ay kinuha ni Pangulong
“Lula” bilang Chief of Staff noong 2005 hanggang mapagdesisyunan
niyang tumakbo sa eleksiyon bilang kahalili ni “Lula” noong 2010.

Biography of Dilma Rousseff, kinuha noong Marso 1,2014,

Mula sa (http://www.infoplease.com/biography/var/dilmarousseff.html)

Sagutin:

Anong impresiyon ang iyong nabuo matapos mong malaman ang ilang
impormasyon kay Pangulong Dilma Rousseff?

PANGALAN : __
TIRAHAN :
ARAW NG KAPANGANAKAN: _ _
MGA TAGUMPAY : _
: _
: _
MGA KATANGIAN : _
: _
: _
GAWAIN 3: Concept Mapping

Bumuo ng hinuha at palagay kung ano kaya ang sasabihin ni


Pangulong Rousseff sa kaniyang kababayan. Pagkatapos ay subuking
palawakin ang ideyang ibinigay sa pamamagitan ng pagpapalawak ng
pangungusap. Isulat ang inyong sagot sa aktibiti notbuk kasama
ang pamagat ng gawain.

Basahin at unawaing mabuti ang kasunod na talumpati upang malaman


mo kung masasalamin ba sa talumpati ang kalagayang panlipunan ng
bansang pinagmulan nito.

Sipi mula sa Talumpati ni Dilma Rousseff sa Kaniyang Inagurasyon


(Kauna-unahang Pangulong Babae ng Brazil)

Enero 1, 2011

Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina

Minamahal kong Brazilians,

Tinitiyak ng aking pamahalaan na lalabanan at susugpuin ang labis na


kahirapan, gayundin, ang lumikha ng mga pagkakataon para sa lahat.
Nakita natin noon sa dalawang terminong panunungkulan ni Pangulong
Lula kung paano nagkaroon ng pagkilos sa kamalayang panlipunan.
Gayunpaman, nanatili sa kahihiyan ang bansa sapagkat hindi nawala
ang kahirapan at nagkaroon ng mga hadlang upang patunayang
maunlad na nga tayo bilang mamamayan.
Hindi ako titigil hangga’t may Brazilians na walang pagkain sa kanilang
hapag, may mga pamilyang pakalat-kalat sa mga lansangan na
nawawalan ng pag-asa, at habang may mahihirap na batang tuluyan
nang inabandona. Magkakaroon ng pagkakaisa ang pamilya kung may
pagkain, kapayapaan at kaligayahan. Ito ang pangarap na
pagsisikapan kong maisakatuparan.
Hindi ito naiibang tungkulin ng isang pamahalaan, isa itong kapasiyahan
na dapat gampanan ng lahat sa lipunan. Dahil dito, buong
pagpapakumbaba kong hinihingi ang suporta ng mga institusyong
pampubliko at pampribado, ng lahat ng mga partido, mga nabibilang sa
negosyo at mga manggagawa, mga unibersidad, ang ating kabataan, ang
pamamahayag, at ang lahat na naghahangad ng kabutihan para sa
kapwa.
Sa pagsugpo nang labis na kahirapan, kailangang bigyang prayoridad
ang mahabang panahong pagpapaunlad. Ang mahabang panahong
pagpapaunlad ay lilikha ng mga hanapbuhay para sa kasalukuyan at sa
darating pang henerasyon.
Kailangan ang paglagong ito, kasama ang matatag na programang
panlipunan upang malabanan ang hindi pantay na kita at pagkakaroon
ng rehiyunal na pagpapaunlad.
Nangangahulugang ito at muli kong sasabihin na ang pagpapanatili ng
katatagan ng ekonomiya ang pinakamahalaga. Sa nakasanayan na natin,
kasama ang matibay na paniniwala na sinisira ng pagpapalabas ng labis
na salapi ang ating ekonomiya na nakakaapekto sa kita ng mga
manggagawa. Nakatitiyak ako na hindi natin papayagan ang lasong ito
na sirain ang ating ekonomiya at magdusa ang mahihirap na pamilya.
Patuloy nating palalakasin ang ating panlabas na pondo upang matiyak
na balanse ang panlabas na deposito at maiwasan ang pagkawala nito.
Gagawin natin nang walang pag-aalinlangan sa mga multilateral na
paraan na ipaglaban ang maunlad at pantay na mga polisiyang pang-
ekonomiya, na pangangalagaan ang bansa laban sa hindi maayos na
kompetisyon at dapat na maunawaan ang daloy ng kapital na
ipinakikipaglaban.
Hindi natin pahihintulutan ang mayayamang bansa na pinapangalagaan
ang sariling interes na nagpapahirap sa maraming bansa sa mundo sa
kabila ng kanilang sama-samang pagpupunyagi ay walang pagbabagong
nagaganap.

Ipagpapatuloy nating mapahusay ang paggastos ng pera ng bayan.


Sa buong kasaysayan ng Brazil, pinili nitong itayo ang isang estado na
nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan at kapakanan ng
mamamayan.
Malaking halaga ang kakailanganin nito para sa lahat, ngunit
nangangahulugan ito na may tiyak na pensiyon, unibersal na
pangangalaga sa kalusugan at mga serbisyong pang-edukasyon.
Samakatuwid, ang pagpapaunlad ng serbisyo publiko ay kailangan
habang isinasaayos natin ang paggastos ng pamahalaan.
Isa pang mahalagang salik sa maayos na paggasta ay ang pagpapataas
ng antas ng pamumuhunan sa punto ng pangkaraniwang gastusin sa
pagpapatakbo ng negosyo. Mahalaga ang pamumuhunang pampubliko
sa pag-iimpluwensiya sa pamumuhunang pampribado at kasangkapan
sa rehiyonal na pagpapaunlad.
Sa pamamagitan ng Growth Acceleration Program at My House, My Life
Program, pananatilihin natin ang pamumuhunan sa mahigpit at maingat
na pagsusuri ng Pangulo ng Republika at ng mga Ministro.
Patuloy na magsisilbing instrumento ang Growth Acceleration Program
na pagtutulungan ng pagkilos ng pamahalaan at boluntaryong
koordinasyon ng pamumuhunang estruktura na binuo ng mga estado at
mga munisipalidad. Ituturo rin nito ang pagbibigay ng insentibo sa
pamumuhunang pampribado na pinahahalagahan ang lahat ng insentibo
upang buuin ang pangmatagalang mga pondong pampribado.
Ang pamumuhunan sa World Cup at Olympics ang magbibigay ng
pangmatagalang pakinabang sa kalidad ng pamumuhay sa lahat ng
bumubuo ng rehiyon.
Magiging gabay rin ang prinsipyong ito sa polisiya ng panghimpapawid
na transportasyon. Walang duda na dapat nang mapaunlad at mapalaki
ang ating mga paliparan para sa World Cup at Olympics. Ngunit ang
pagpapaunlad na nabanggit ay nararapat na isagawa na ngayon sa
tulong ng lahat ng Brazilian.
Dilma Rousseff Inauguration Speech: Brazil’s First Female President
Addresses, Congress in Brasilia, kinuha noong Pebrero.
26, 2014, mula sa
(http://www.huffingtonpost.com/2011/01/03/dilma-rousseff-
inaugurati_1_n_803450.html)
GAWAIN 4: Opinyon Mo’y Ipahayag.

Magbigay ng sariling pananaw o opinyon tungkol sa mga pahayag na


binanggit sa talumpati na tinutukoy sa sumusunod na aytem.

1. Tinitiyak ng aking pamahalaan na lalabanan at susugpuin ang labis


na kahirapan, gayundin ang lumikha ng mga pagkakataon para sa lahat.
2. Nananatili sa kahihiyan ang bansa sapagkat hindi nawala ang
kahirapan at nagkaroon ng mga hadlang upang patunayang maunlad na
nga tayo bilang mga mamamayan.

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

Bigyan ng pansin kung paano pinalawak ang mga pangungusap sa


akda at tekstong binasa.
Panaguri – Nagpapahayag ng tungkol sa paksa.

1. Ingklitik – tawag sa mga katagang paningit na laging


sumusunod sa unang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri o
pang-abay.Mga halimbawa ng ingklitik ay
Mga ingklitik:
ba pala na nga man daw/raw yata
kaya kasi muna lang din/rin pa
naman
lamang tuloy sana

Halimbawa:
Batayang Pangungusap : Si Dilma Rousseff ang pangulo ng Brazil.

Si Dilma Rousseff pala ang pangulo ng


Brazil. Si Dilma Rousseff ba ang pangulo
ng Brazil?
Batayang Pangungusap:
Ibinaba ang bungad ng kahirapang kita o ang halagang dapat
kitain ng isang pamilya na may limang miyembro.

Ibinaba rin ang bungad ng kahirapang kita o ang halagang dapat kitain
ng isang pamilya na may limang miyembro.

Pansinin ang gamit ng rin, ito ay ginagamit kapag ang sinusundang


salita ay nagtatapos sa patinig ( a,e,i,o,u ).

Dapat tandaan:
Ang tamang gamit ng rin/raw ay kapag ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa patinig ( a,e,i,o,u ). Ang din/daw ay kapag ang salitang
sinusundan ay nagtatapos sa katinig.

2. Komplemento/Kaganapan ng Pandiwa – bahagi ng panaguri na


nagbibigay ng ganap na kahulugan sa pandiwa. Sangkap ito sa
pagpapalawak ng pangungusap.

1. Kaganapang Tagaganap – bahagi ng panaguri na gumaganap


sa kilos ng pandiwa. Matutukoy ito sa mga pantukoy na ni o
ng.
Halimbawa:
Sinang-ayunan ni Dilma Rousseff ang karaingan ng mamamayan.

Paliwanag: Sa pangungusap na ito, ang kilos ay ang salitang sinang-


ayunan at ang tagaganap ay Dilma Rousseff.

2. Kaganapang Tagatanggap – bahagi ng panaguri na nagsasaad ng


sinuman 0 anuman na makikinabang sa kilos ng pandiwa at
ginagamitan ng pang-ukol na para kay o para sa.

Halimbawa:
Ang napipintong pagkain sa almusal ay tortang kamatis, kape para sa
matatanda, gatas para sa bata.
Paliwanag: Sa pangungusap na ito, ang pandiwang ginamit ay napipinto
at ang bahaging tagatanggap ay para sa bata.

3. Kaganapang Layon – bahagi ng panaguri na nagsasaad ng bagay na


direktang tatanggap ng kilos ng pandiwa. Ginagamitan ito ng
pantukoy na ng.

Halimbawa:
Ipagpapatuloy natin ang mahusay na paggamit ng pondo ng bayan.
(layon)
Paliwanag:
Sa pangungusap na ito, ang pandiwa ay ipagpapatuloy at ang bahaging
layon ay pondo. Hindi maaaring ang sagot ay bayan dahil ang
pinakadirektang tatanggap ng kilos ng pandiwang paggamit ay ang
salitang pondo.

4. Kaganapang Ganapan – bahagi ng panaguri na nagsasaad


ng lugar na pinangyayarihan ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Nagtalumpati ang pangulo sa plasa.
Paliwanag:
Sa pangungusap na ito, ang kilos ng pandiwa ay nagtalumpati at ang
lugar kung saan pangyayarihan ng kilos ay sa plasa.

5. Kaganapang Sanhi – bahagi ng panaguri na nagsasaad ng dahilan


ng kilos ng pandiwa.Ginagamitan ng salitang dahil sa.

Halimbawa:
Dahil sa mga pagbabagong ito, ang bilang ng mahihirap na pamilya
ay bumaba mula 4.9 milyon hanggang 3.9 milyon.
Paliwanag:
Sa pangungusap na ito, ang kilos ng pandiwa ay bumaba at ang sanhi
ay dahil sa mga pagbabagong ito.

6. Kaganapang Kagamitan – bahagi ng panaguri na tumutukoy sa


anumang gamit o instrumento upang maisagawa ang kilos ng
pandiwa.Ang panandang salita ay sa pamamagitan ng o gamit ang.
Halimbawa:
Pinagaganda ang larawan ng kahirapan sa pamamagitan ng
pagmamanipula sa
mga panukat. (kagamitan)
Paliwanag:
Sa pangungusap na ito, ang kilos ng pandiwa ay pinagaganda at ang
kagamitan ay sa pamamagitan ng pagmamanipula sa mga panukat.

7. Kaganapang Direksyunal – bahagi ng panaguri na tumutukoy sa


pook na pinuntahan upang gawin ang isang kilos. Laging tandaan na
sa kaganapang direksyunal ay may paggalaw ng kilos mula sa isang
lugar patungo sa isa pang lugar kumpara sa ganapan na iisang lugar
lamang ang pinagdarausan ng kilos ng pandiwa.Matutulungan ka nito
gamit ang panandang sa.

Halimbawa:
Nagtungo ang mga tao sa harap ng palasyo upang makinig sa
talumpati ng pangulo.
Paliwanag:
Sa pangungusap na ito, ang kilos ng pandiwa ay nagtungo at ang
direksyon ay sa harap ng palasyo.

3. Pang-abay – Nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-


abay.

Batayang Pangungusap :
Nagtalumpati ang pangulo.
Sa Pagpapalawak:
Mahusay na nagtalumpati ang pangulo kahapon at totoong humanga ang
lahat.
Paliwanag:
Sa pangungusap na ito ay ginamitan natin ng salitang mahusay na
naglalarawan sa pandiwang manalumpati . Ang salitang totoo ay
nagbibigay-turing sa pandiwang humanga.
Paksa – Ang pinag-uusapan sa pangungusap
1. Atribusyon o Modipikasyon – May paglalarawan sa paksa ng
pangungusap
Halimbawa:
Pakinggan mo ang nagpapaliwanag na opisyal na iyon.
Paliwanag:
Ang paksa ay iyon at ang atribusyon ay ang nagpapaliwanag na opisyal
ay iisa.

Halimbawa:
Ito si Dilma Rousseff ang pinakamahusay kong pangulo.
Paliwanag:
Ang paksa ay Dilma Rousseff at ang atribusyon ay ang
pinakamahusay na pangulo.

2. Pariralang Lokatibo/Panlunan – ang paksa ng pangungusap ay


nagpapahayag ng lugar.

Halimbawa:
Inaayos ang plasa sa Brazil.
Paliwanag:
Ang paksa ng pangungusap ay ang plasa sa Brazil
3. Pariralang Nagpapahayag ng Pagmamay-ari – Gamit ng
panghalip na nagpapahayag ng pagmamay-ari.
Maayos na maayos ang talumpati ng aking mag-aaral.
Pakikinggan ko ang talumpati ng kapatid ko.

Paliwanag:
Sa pangungusap na ito makikita sa bahaging panaguri, ang parirala
na ng aking mag-aaral at ng kapatid ko ay nagpapahiwatig ng isang
pagmamay-ari.

Pagyamanin

Gawain 5 : Basahin at unawain ang usapan ng tatlong mag-aaral. Pumili


ng limang pangungusap. Suriin ang ginamit na paraan sa pagpapalawak
ng pangungusap maaaring nasa panaguri o paksa. Sundin ang pormat
na nasa ibaba. Isulat ang inyong sagot sa aktibiti notbuk kasama ang
pamagat ng gawain.
Halimbawa ng Pagsagot.

Pangungusap Paraang Ginamit sa


Pagpapalawak ng
Pangungusap
1. Nagbabasa ng aklat sa silid-aklatan Kaganapan ng Pandiwa
si Kesiah.
2. Hindi raw siya sasama. Ingklitik
3. Ang mga laruan ay sa kapatid ko. Parariralang nagsasaad ng pagmamay-ari

Isaisip

Gawain 6. Basahin nang mabuti ang talata. Punan nang wastong sagot
ang bawat patlang. Isulat ang inyong sagot sa aktibiti notbuk kasama
ang pamagat ng gawain.

Sa pagpapalawak ng pangungusap palaging tandaan ang mga (1)


sa bahaging(2) . Ang (3) ay mga katagang
paningit na mga salita na laging sumusunod sa unang pangngalan,
panghalip, pandiwa, (4) o pang- abay.
Ang mga ingklitik na (5) at (6) ay ginagamit kapag ang
sinusundang mga salita ay nagtatapos sa patinig. Ang (7) naman ay
bahagi ng panaguri na nagbibigay ng ganap na kahulugan sa pandiwa.
Ang (8) naman ay nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri
at kapwa pang- abay. (9) o
modipikasyon ay paglalarawan sa paksa ng pangungusap Ang
Pariralang Nagpapahayag ng (10) gamit ng
panghalip na nagpapahayag ng pagmamay-ari.

Isagawa
Napakagaling mo na. Ngayon mahalagang maunawaan mo ang kabuuan
ng araling ito sa paggamit ng mga salita sa pagpapalawak ng
pangungusap at pagsusuri sapagkat ang mga natutunang konsepto ang
makatutulong sa iyo upang maisagawa ang gawaing ito .
Gawain 7. Mula sa mga nakatalang paksa, bumuo ng mga pangungusap.
Sikaping mapalawak ito sa tulong ng panaguri o paksa. Pumili ng isang
paksa. Ipaliwanag ang paraang ginamit sa pagpapalawak ng
pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Pagdami ng COVID 19 Variant
2. Mataas na Halaga ng Faceshield
3. Pagdami ng Nawalan ng Trabaho sa Panahon ng Pandemya
4. Korupsiyon sa PhilHealth
5. Kalidad ng Modular na Pagtuturo

Pormat:

Pangalan: Seksiyon:
Aktibiti: Petsa:

Diskriminasyon sa mga
Frontliners

Sa panahon ng kawalan ng lunas sa Pandemya ng COVID 19,


marami sa ating mga kababayan ang nakaranas ng diskriminasyon
sa pamamagitan ng pagpapaalis sa kanilang inuupahang
bahay,pagbubully gamit ang social media at pandidiri ng iba. Sa
kalagayan ng kahit sinuman, nandiyan ang kaba para sa kani-
kanilang kaligtasan at sa pamilya. Marami ang nangangamba dahil
sa takot na madapuan ng sakit na ito at higit sa lahat maaaring
mamatay ang sinumang nakaranas na dulot ng sakit na ito.

Sadyang makasarili ang iba sa atin. Marami ang nagpapakita ng


kawalan ng pang-unawa sa kapwa lalo na sa mga frontliners na
nagbubuwis ng kani- kanilang buhay at pamilya sa gitna ng salot na
ito. Kung may pagpipilian lamang sila maaaring walang doctor,
nurses, medtech, pulisya at iba pang LGU units na buong katapatang
nagsisilbi dahil sila man ay naniniguro sa kanilang kaligtasan.

Sa gitna ng takot at pangamba, huwag naman sanang mawala


ang malasakit at pagmamahal sa kapwa.

Pormat sa Pagpapaliwanang sa Ginamit na Pagpapalawak ng


Pangungusap at Pagsusuri

Sa talatang ginamit sa pagpapalawak ng pangungusap at pagsusuri


, ang ginamit ko ay kaganapan ng pandiwa at ingklitik. Makikita ito
sa mga sinalungguhitang parirala at salita. Sa pamamagitan nito
nagiging mas malinaw ang pagpapaliwanag at pagsusuri na aking
ginawa sa paksang napili.

Tayahin

Gawain 8. Sa pagsusulit na ito ay susukatin natin ang inyong natutunan


sa tinalakay na paksa. Sagutan ang mga sumusunod na bilang. Isulat
ang malaking titik ng napiling sagot sa aktibiti notbuk at ang
pamagat ng Gawain na ito.

Panapos na Pagtataya
1. Ito rin ay tinutukoy na tulang pambigkasan.
A. Elihiya B. Sabayang pagbigkas C. Spoken poetry D. Talumpati
______2. Ito ay isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng
isang napapanahong pangyayari upang magbigay ng kaalaman,
makapagpaniwala o makalibang sa mambabasa.-ugnay ang dapat na
gamitin upang mabuo ang pangungusap?
A. Editoryal B. Cartooning C. Diyaryo D. Pahayagan
3. Ito ay isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na nagtataglay
ng mga pagpapaliwanag, sanligan at impresiyon ng sumulat. Hindi ito
kathang-isip lamang. Ito ang kasingkahulugan ng yungib.
A. Editoryal B. Himpilang panradyo C. Lathalain D. Talumpati
4. Ito ay isinulat upang bigkasin ng mananalumpati sa harap ng
publiko sa paraang masining, madaling masundan, at maunawaan
ng mga tagapakinig.
A. Editoryal B. Himpilang panradyo C. Lathalain D. Talumpati
5. Ito ay panlahat na bahagi ng pangungusap
A. Panaguri B. Paksa C. Panaguri at paksa D. Panaguri at pang-ugnay
6. Isang sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na
maaaring tumalakay sa anumang isyu sa kapaligiran. Isa itong
matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa.
A. Editoryal B. Sanaysay C. Talumpati D. Talambuhay
7. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon
tungkol sa isang tiyak na paksa.
A. Epiko B. Nobela C. Sanaysay D. Tula
8. Ang kauna-unahang babaemg pangulo ng Brazil.
A. Corazon C. Aquino C. Dilma Ruosseff
B. Dilma Rousseff D. Dilma Ruseff
9. Siya ang kumuha kay Dilma Rouseff bilang kasangguni noong
2002.
A. Carlos Araujo C. Luis de Silva
B. Ferdinand Marcos D. Magallanes de Fraujo
10. Ang bilang ng taon ng pagkakakulong ni Dilma Rouseff.
A. 2 B. 3 C. 4 D. 5

Karagdagang Gawain

Aktibiti 9. Halina’t Magsaliksik.

Magsaliksik ng isang artikulo sa diyaryo o di kaya bahagi ng isang


talumpati at suriin ang mga pandiwang ginamit, ingklitik pang-abay o
pariralang nagpapahayag ng pagmamay-ari. Isulat ang pangungusap na
kakikitaan ng mga nabanggit.
Halimbawa lamang:

Pangungusap Paraang Ginamit sa


Pagpapalawak ng Pangungusap

1. Umabot na ang bagyo sa Seoul, Kaganapag Direksyunal


Korea at
nanalasa ng kabahayan sa matataas
na lugar.
2. Ang dalang panganib sa buhay ng Kaganapang Sanhi
tao ng Pandemya ng COVID 19 ay
nakakatakot kaya
sinuspendi ang klase at pagpasok sa
trabaho sa mga lugar na tinamaan nito.
3. Hindi raw pababayaan ng Ingklitik
pamahalaan ang
mga biktima.

Pamantayan:
Nilalaman 10 puntos
Paggamit ng Pagpapalawak ng Pangungusap 10 puntos
Kabuuan 20 puntos
Binabati kita dahil maluwalhati mong natapos ang mga gawaing
nakatulong sa iyo upang madagdagan ang iyong kaalaman sa konsepto
ng modyul na ito. Sana ay mas gumaan ang pakiramdam ninyo sa kabila
ng pandemyang ating kinakaharap.Sa pagsunod ng mga patakarang
pangkaligtasan ng ating gobyerno, isang bansa tayong babangon na may
kasamang pananalig sa Panginoong Diyos. Mabuhay tayong lahat!
IMCS),2015.
Filipino.Pasig City: Instructional Materials Council Secretariat (DepEd –
Ambat, Vilma C. et.al Panitikang Pandaigdig 10 Modyul ng Mag-aaral sa
Aklat:
Sanggunian
TAYAHIN:
1. D
2. A
3. C
4. B
5. C
6. C
7. C
GAWAIN 2: 8. B
CHARACTER PROFILE 9. C
1. Dilma Vana Rousseff 10. B
2. Belo, Horezonte, Brazil
3. Disyembre 14, 1947
MGA TAGUMPAY: Panimula ng
GAWAIN 6: Consultant ng Democratic pagtataya
1. parirala Labor Party 1. C
2. panaguri Minister ng Enerhiya 2. C
3. ingklitik Chief of Staff ni Pangulong 3. B
4. pang-uri Luis de Silva 4. C
5. rin Kauna-unahang Babaeng 5. B
6. raw Pangulo ng Brazil 6. D
7. komplemento/ MGA KATANGIAN: 7. A
kaganapan ng pandiwa Matapang 8. C
8. pang-abay May matatag na Prinsipyo 9. D
9. atribusyon Malakas 10. C
10. pagmamay-ari
Susi sa Pagwawasto
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing layunin na ihanda at
tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul
na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng
Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng
bawat mag-aaral ng SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan
2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul sa
ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng puna,
komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like