You are on page 1of 16

Filipino

Ikatlong Markahan – Modyul 7:


Pagbibigay ng Sumusuportang
Kaisipan
Filipino – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 7: Pagbibigay ng Sumusuportang Kaisipan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Relialyn A. Ramos
Editor: Ramon S. Gravino Jr., Maylen F. Sardido
Tagasuri:
Tagawasto: Merla S. Silva
Tagaguhit at Tagalapat: Jay Mark M. Alocelja, Lee Wilson C. Precellas
Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Cristy C. Epe
Janette G. Veloso Beverly S. Daugdaug
Analiza C. Almazan Mary Joy B. Fortun
Ma. Cielo D. Estrada Imelda T. Cardines
Mary Jane M. Mejorada Joan M. Niones

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City


Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
3

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 7:
Pagbibigay ng Sumusuportang
Kaisipan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong
tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM
na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Maligayang pagdating sa isa na namang panibagong modyul na
iyong pag-aaralan.

Sa modyul na ito, matututuhan mo kung paano magbigay ng mga


sumusuportang detalye mula sa pangunahing kaisipan ng tekstong
iyong binasa.

May iba’t ibang gawain akong inihanda para sa iyo upang


mahasa ang iyong kakayahan at madali mong maintindihan ang
modyul na ito.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• nakapagbibigay ng mga sumusuportang kaisipan sa
pangunahing kaisipan ng tekstong binasa. (F3PB- IIIe - 11.2)

Subukin
Sa iyong pagsisimula, basahin at unawain ang talata.

Galit na Langit
Galit na galit ang langit. Ang buhos ng ulan ay napakalakas
na para bang wala nang bukas. Ang kulog na maririnig ay parang
Mula sa iyong
malakas binasa, sagutin
na pagsabog. Angang mga sumusunod
matatalim na tanong
at nakatatakot at ay
na kidlat
isulat ang sa
makikita titikmadilim
ng iyong
nasagot sa kuwaderno.
papawirin.
2
1. Tungkol saan ang binasang talata?
a. galit na langit
b. malakas na ulan
c. matatalim na kidlat
d. nakabibinging kulog

2. Ano ang pangunahing kaisipan sa binasang talata?


a. Ang kulog na sumasabog.
b. Galit na galit ang langit.
c. Ang kidlat na matatalim sa papawirin.
d. Ang napakalakas na buhos ng ulan.

3. Alin ang nagpapatunay na galit na galit ang langit?


a. ang malakas na buhos ng ulan
b. ang kidlat na matatalim ang nakikita sa papawirin
c. ang kulog na maririnig ay parang malakas na pagsabog
d. lahat ng nabanggit

4. Ano naman ang makikita sa madilim na papawirin?


a. ulan
b. kidlat
c. kulog
d. buwan

5. Ano ang tawag sa mga pantulong na impormasyon sa


pangunahing kaisipan?
a. unang kaisipan
b. pangwakas na kaisipan
c. sumusuportang kaisipan
d. wala sa nabanggit

3
Pagtalakay sa Leksiyon

Balikan

Dugtungan ang pangungusap upang makabuo ng isang talata


batay sa larawan. Isulat ito sa papel.

Sina Alyssa at Arky ay mababait na anak………

4
Tuklasin
Basahin ang talata

Mga Dakilang Magulang


Si Nanay Martha at Tatay Berto ay mga dakilang magulang.
Sila ay nagsisilbing ilaw at haligi ng aming munting tahanan.
Magkatuwang sila sa pagsisikap upang kaming apat na
magkakapatid ay mabuhay nang matiwasay. Araw -araw
silang nagtatrabaho upang maibigay ang aming
mga pangangailangan.

Suriin
Batay sa nabasang talata, sagutin ang sumusunod na mga
tanong. Isulat ang iyong sagot sa papel.
1. Sino ang mga tauhan sa akda?
2. Paano inilarawan sina Nanay Martha at Tatay Berto sa
talatang binasa?
3. Bakit kaya nagsilbing ilaw at haligi ng kanilang tahanan sina
Nanay Martha at Tatay Berto?
4. Ano ang pangunahing ideya sa talata?
5. Ano ang mga kaisipang sumusuporta sa pangunahing ideya?

5
Pagtalakay sa Leksiyon
Balikan

Ang pangunahing kaisipan ay ang


pangunahing ideya sa talata. Kadalasan itong
makikita sa unahan, gitna, at hulihan ng
pangungusap.

Ang mga sumusuportang kaisipan naman


ay mga pangungusap na nagbibigay ng
karagdagang detalye na sumusuporta sa
pangunahing kaisipan.

Pangunahing Kaisipan:
Si Nanay Martha at Tatay
Berto ay ang aming mga dakilang
magulang.

Sumusuportang Kaisipan: SumusuportangKaisipan:


Sumusuportang Kaisipan:
Magkatuwang sila sa
Sila ang nagsisilbing pagsisikap upang kami
ilaw at haligi ng aming ay mabuhay nang
munting tahanan. matiwasay.

Sumusuportang Kaisipan:
Araw - araw silang
nagtatrabaho upang
maibigay ang aming
mga pangangailangan.

6
Pagyamanin
Basahin at unawain ang talata. Punan ng sumusuportang kaisipan
ang grapikong pantulong. Gayahin ang pormat sa kuwaderno.

Diyaryo
Ang diyaryo ay pinagkukunan ng iba’t ibang
impormasyon. Ito ay nagbibigay sa atin ng kaalaman kung
ano ang nangyayari sa ating lipunan. Nagsisilbi rin itong
pahayagan ng mga saloobin ng mga taong kasapi nito.

Pangunahing Kaisipan:
Ang diyaryo ay pinagkukunan
ng iba’t ibang impormasyon.

Sumusuportang Kaisipan: Sumusuportang Kaisipan:

7
Isaisip

Kumpletuhin ang pangungusap upang mabuo ang diwa ng


paksang pinag-aralan.

1. Ang pangunahing kaisipan ay ______________________


______________________________________________________
______________________________________________________
_____________________________________________________.
2. Ang mga sumusuportang kaisipan naman ay _______
______________________________________________________
______________________________________________________
_____________________________________________________.

Isagawa

Isulat sa papel ang √ kung ang pangungusap ay nagsisilbing


sumusuportang kaisipan sa ibinigay na pangunahing kaisipan at ×
naman kung hindi.
Pangunahing kaisipan:
Napakaganda ng Pilipinas.
__________1. Napapalibutan ito ng luntiang kapaligiran.
__________2. Marami kang makikitang basura kahit saan.

8
__________3. Ang karagatan ay ipinagmalaki dahil sa pinong
mga buhangin at mala kristal nitong katubigan.
__________4. Ang mga punong kahoy ay pinuputol.
__________5. Ang Banaue Rice Terraces sa Ifugao at
Chocolate Hills sa Bohol ay iilan lamang sa mga
lugar na puwede mong mapuntahan.

Tayahin
Piliin sa kahon at isulat sa papel ang angkop na mga
sumusuportang kaisipan batay sa ibinigay na
pangunahing kaisipan.
Mahalaga ang punongkahoy sa ating kalikasan.

Pangunahing kaisipan
Pantulong na kaisipan:
1._________________________________________________________
2._________________________________________________________
3._________________________________________________________
4._________________________________________________________
5._________________________________________________________

9
Nagsisilbi itong tahanan ng mga ibon at ibang hayop.
• Maaari itong putulin nang basta - basta.
• Tayo ay mabubuhay kahit wala ang mga punongkahoy.
• Tumutulong itong sipsipin ang tubig-baha.
• Ito ay nagbibigay ng oxygen upang tayo ay makahinga.
• Nakakukuha tayo ng pagkain mula rito.
• Ginagamit ito bilang materyales sa paggawa ng papel at
iba pang kagamitan.

Karagdagang Gawain
Sa iyong kuwaderno, sumulat ng suportang kaisipan sa
pangunahing kaisipan na ibinigay sa ibaba.

Pangunahing kaisipan:
Napakasaya ng aking bakasyon.
Sumusuportang kaisipan:
• ____________________________________________________
• ____________________________________________________
• ____________________________________________________

10
11
Tayahin Pagyamanin
⚫ Nagsisilbi itong tahanan ng mga ibon Pangunahing kaisipan:
at ibang hayop.
⚫ Ang diyaryo ay pinagkukunan ng iba’t
• Tumutulong itong sipsipin ang tubig- ibang impormasyon.
baha.
Sumusuportang kaisipan:
• Ito ay nagbibigay ng oxygen upang
tayo ay makahinga. ⚫ Ito ay nagbibigay sa atin ng kaalaman kung
ano ang nangyayari sa ating lipunan.
• Nakakukuha tayo ng pagkain mula rito.
⚫ Nagsisilbi rin itong pahayagan ng mga
• Ginagamit ito bilang materyales sa saloobin ng mga taong kasapi nito.
paggawa ng papel at iba pang
kagamitan.
Suriin Isaisip
1. Si Martha at Berto ⚫ Ang pangunahing kaisipan ay ang
2. Sila ay mga dakilang magulang. pangunahing ideya sa talata.
3. Magkatuwang sila sa pagsasakripisyo ⚫ Ang mga sumusuportang kaisipan naman
upang mabuhay ang kanilang mga anak ay mga pangungusap na nagbibigay ng
karagdagang detalye na sumusuporta sa
4. Si Martha at Berto ay ang aming pangunahing kaisipan.
dakilang magulang.
5.
Isagawa
⚫ Magkatuwang sila sa pagsasakripisyo.
1. √ 2. .× 3.√ 4.× 5.√
⚫ Araw - araw silang nagtatrabaho.
Balikan Subukin
⚫ Sina Alyssa at Arky ay mababait na 1. a 2. b 3.d 4.b 5.c
anak.Si Alyssa ay tumututulong sa
kanyang ina sa paglilinis. Si Arky ay
tumutulong sa kanyang ama sa
pagkukumpuni ng mga gamit.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Curriculum Guide sa Filipino 3 pahina 54 ng 190. F3PB- IIIe - 11.2.
Sunga Dolores T., et,.al. Lundayan: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik. Rizal: Olympia Publishing House, 2013.

12
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – (Bureau/Office)

(Office Address)

Telefax:

Email Address:

13

You might also like