You are on page 1of 17

4 Music

Ikalawang Markahan – Modyul 3:


Pinakamataas at
Pinakamababang Tono

CO_Q2_Music 4_Module 3
Music – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Pinakamataas at Pinakamababang Tono
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Maria Lourdes E. Abunda
Editor: Charina S. Sogue
Tagasuri: Leah May A. Melendrez, Ana Lyn S. Nanol, Alemer O. Veloso
Tagalapat: Jaypee E. Santillan
Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Reynaldo M. Guillena
Mary Jeanne B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada Fortunato B. Sagayno
Jeselyn B. Dela Cuesta Elsie E. Gagabe

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City

Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147


E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
4

Music
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Pinakamataas at
Pinakamababang Tono
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral
sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman
ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa
bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat
isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang
guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Sa modyul na ito ay malalaman mo kung paano nakikilala ang


pinakamataas at pinakamababang antas ng mga tono sa musika
at nasusukat ang lawak ng tunog nito (MU4ME-IId-4). Inaasahang
magagawa mo ang mga sumusunod na kasanayan:

1. Nakikilala ang pinakamataas at pinakamababang antas ng


mga tono sa musika.

2. Nasusukat ang lawak ng tono na ginamit sa awitin.

1
CO_Q2_Music 4_Module 3
Subukin

Awitin at suriin ang ng awiting “Ako ay may Lobo”. Alamin ang


note na may pinakamataas at pinakamababang antas ng tono sa
awiting ito. Isulat ang sagot sa gabay na mga katangungan sa
sagutang papel.

Gabay na mga katanungan:


1. Ano ang pitch name ng nota na may pinakamataas na tono sa
awiting ito?
2. Ano ang pitch name ng nota na may pinakamababang tono sa
awiting ito?
3. Base sa iyong kasagutan sa una at pangalawang bilang, ano
ang lawak ng tono ng awiting ito?

2
CO_Q2_Music 4_Module 3
Aralin
Pinakamataas at
1 Pinakamababang Tono

Balikan

A. Iguhit sa staff ang mga Pitch Names gamit ang whole note.
Gawin ito sa sagutang papel.

B. Isulat sa sagutang papel ang mga pitch name na makikita


sa staff.

3
CO_Q2_Music 4_Module 3
Tuklasin

Sa musika, ang bawat awit o tugtugin ay nagtataglay ng


mataas at mababa na tono. Binibigyang pansin ang pinakamataas
at pinakamababa na tono upang malaman ang lawak ng tono na
ginamit sa awitin.

Gawin mo ito:

1. Suriin ang bahagi ng awiting “Bahay Kubo”.


2. Tingnan ang daloy ng mga nota na pataas at pababa.
3. Bilugan ang nota na nasa pinakamababang tono at
pinakamataas na tono.

4
CO_Q2_Music 4_Module 3
Suriin

Ang lawak ng dalawang tono ay maaring malawak o maikli.


Malalaman ito sa pamamagitan ng pagtukoy sa pinakamataas at
pinakamababang tono o pitch na ginamit sa isang awitin.

Maikli ang pagitan ng


dalawang tono

Masasabi na maikli ang lawak ng tono kung ang pagitan ng


pinakamataas at pinakamababang tono ay isa hanggang limang
(1-5) bilang.

Malawak ang pagitan


ng dalawang tono

Masasabing namang malawak ang lawak ng tono kung ang


pagitan ng pinakamataas at pinakamababang tono ay anim o
higit pa (6 pataas) ang bilang.

5
CO_Q2_Music 4_Module 3
Ang pagbilang ng pagitan sa pinakamataas at
pinakamababang tono ay mula sa unang nota na tinutukoy
hanggang sa kasunod nito. Hanapin ang tinutukoy na unang nota,
lagyan ito ng bilang 1 at ituloy ang pagbilang nang pataas o
pababa.
Halimbawa:

8
12 67
3 5
4
5 34
12
Maikli Malawak

Pagyamanin

Gawain 1
Pag-aralan ang mga sumusunod na nota. Isulat ang sagutang
papel kung ang lawak ng tono mga nota ay maikli o malawak.
1. 2.

_______________ _________________

3. 4.

_______________ _________________

6
CO_Q2_Music 4_Module 3
5. 6.

_______________ _________________

Gawain 2
Pag-aralan ang mga staff sa ibaba. Isulat ang pitch name ng
pinakamababang tono at pinakamataas na tono. Sabihin kung
ang lawak ng tono ay malawak o maikli. Gawin ito sa sagutang
papel.

1.
A. Pinakamababang tono: ______
B. Pinakamataas na tono: ______
C. Lawak ng tono: ______

2.

A. Pinakamababang tono: ______


B. Pinakamataas na tono: ______
C. Lawak ng tono: ______

3.

A. Pinakamababang tono: ______


B. Pinakamataas na tono: ______
C. Lawak ng tono: ______

4.
A. Pinakamababang tono: ______
B. Pinakamataas na tono: ______
C. Lawak ng tono: ______

7
CO_Q2_Music 4_Module 3
5.

A. Pinakamababang tono: ______


B. Pinakamataas na tono: ______
C. Lawak ng tono: ______

Isaisip
1. Ang taas at baba ng mga tono o pitch ay siyang
nagpapaganda ng awitin o tugtugin.
2. Ang pinakamataas at pinakamababa na tono sa awit ay
nagpapakita kung ano ang lawak ng tono ng awitin.
3. Ang lawak ng tono ng awit ay maikli kapag isa hanggang
lima (1-5) lamang ang agwat ng pinakamataas at
pinakamababa na tono ng awit.
4. Ang lawak ng tono ng awit ay malawak kapag anim o higit
pa (6 pataas) ang pagitan ng pinakamataas at
pinakamababang tono ng awit.
5. Mahalagang malaman ang lawak ng tono ng awitin upang
maawit ang kanta sa tamang tono at maipahiwatig ang
tamang damdamin sa awitin.

8
CO_Q2_Music 4_Module 3
Isagawa
Pag-aralan ang awiting “Twinkle Twinkle Little Star” sa
ibaba at isulat sa sagutang papel ang kasagutan sa bawat bilang

1. Ang pitch name ng pinakamababang tono sa awiting ito ay


_______.
2. Ang pitch name ng pinakamataas na tono sa awiting ito ay
_______.
3. Isulat kung ang lawak ng tono ay malawak o maikli.

9
CO_Q2_Music 4_Module 3
Tayahin
Tingnan ang pagitan ng dalawang nota. Isulat sa sagutang papel
kung maikli o malawak ang lawak ng tono.

1. _____________________

2. _____________________

3. _____________________

4. ______________________

5. ______________________

10
CO_Q2_Music 4_Module 3
Karagdagang Gawain

Panuto: Sukatin ang kakayahan sa pamamagitan ng pag-awit ang


“Bahay Kubo”. Bigyang pansin sa pamamagitan ng pag awit ng
may damdamin ang pinakamataas at pinakamababang tono.
Pumili ng tatlo (3) o higit pa na kasama mo sa inyong bahay na
magsisilbing tagapanood at sya ring magbibigay ng marka sa iyo
gamit ang rubric sa ibaba.

Pamantayan Napakahusay Mahusay Di-


(3) (2) gaanong
Mahusay
(1)

1. Nakapagpapakita
ng sigla at galak
sa pag-awit.
2. Nakaaawit nang
tamang tono
3. Nakapag-uukol
ng panahon at
sarili sa
pagsasanay ng
gawain.
4. Nagpapakita ang
tiwala sa sarili
habang umaawit
5. Nakaaawit nang
may damdamin
ayon sa tono ng
awitin.
Kabuoang Marka /15

11
CO_Q2_Music 4_Module 3
CO_Q2_Music 4_Module 3
12
5. A: C
Pagyamanin Subukin
B: C
C: Malawak Gawain 1 1. G
Isagawa 2. C
1. Malawak 2. Maikli 3. Maikli
1. C 3. Maikli 4. Maikli
2. A Balikan
5. Malawak 5. Malawak
3. Malawak A.
Gawain 2
Tayahin 1. A: E
B: A
1. malawak
C: Maikli
2. maikli
3. maikli 2. A: G
4. malawak B: C B.
5. maikli C: Maikli
3. A: E
B: A
C: Maikli Tuklasin
4. A: C
B: C
C: Malawak
Susi sa Pagwawasto
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like