You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Pagadian City

Filipino
Unang Kwarter – Modyul 2:
Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita sa
Pamamagitan ng Pormal na Depinisyon

Learning Activity Sheets


(Extracted/Modified from CO/RO10 SLMs)

Pangalan:
Baitang at Seksiyon:
Guro:

DO_Q1_Filipino 4_ Modyul 2
Alamin

Ang nasa ibaba ay ang mga dapat matutunan sa modyul na ito;

Layunin:
• Nabibigyang kahulugan ang salita sa pamamagitan ng
pormal na depinisyon.

Paano matuto sa Modyul na ito:

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin


ang mga sumusunod na mga hakbang;

• Basahin at unawain nang Mabuti ang aralin.


• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat
pagtataya at pagsasanay.
• Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay.

Subukin

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang kahulugan ng salitang may


salungguhit.

1. Kapirasong tela ang ibinigkis paikot sa tiyan ng sangol.


A. Ipinupunas B.Inilalagay C.Itinatali
2. May mga paaralang nagpapa-aral nang libre sa mga
matatalinong mag-aaral.
A. Abogasya B.Mahal C.Walang bayad
3. Hindi nagbabayad ng matrikula ang mga magulang ni Nena
dahil siya ay iskolar.
A. Tubig B. Bayad sa pag-aaral C. kuryente

1
DO_Q1_ Filipino 4_ Modyul 2
Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita sa Pamamagitan
ngPormal na Depinisyon

Ano ba ang
ibig sabin ng
matrikula?
Kailangan na daw
magbayad ng matrikula
sabi ng guro.

Balikan

• Ano-ano ang mga katangian ng bawat kasapi ng isang


pamilyang Pilipino?
• Gaano ka halaga ang pagiging magalang sa pananalita sa
iba’t ibang sitwasyon?

Tuklasin

Hanapin ang mga salita sa “Crossword Puzzle at bilugan ito


Mabait magalang matiyaga
O M S Y M A T A T A G P
L M N O N I N K I A M N
S M A G A L A N G Y L R
T A D B U A G I A U O P
Y B A F I K T K S S K R
M A T I Y A G A A I H Q
B I N T I S O A O N M I
K T O R A N B K D A O Y

2
DO_Q1_ Filipino 4_ Modyul 2
Suriin

Basahin natin ang “kuwento” tungkol kay Jose ang Batang


Magalang.
(Yaman ng Lahi p.3-6 LM)

Bukas ay araw na ng pasukan. Eksayted ang lahat batang


pumasok sa paaralan, isa na rito si Jose na nag-aayos ng
kanyang mga gamit ng bigla syang tawagin ng kaniyang Nanay
Lorna.
“Jose, Magtatanghalian na, bumili ka muna ng mga
kakailanganin natin para sa lulutuin kong adobong manok.”
“Opo nay, ano po ba ang bibilhin sa tindahan? Tanong ni
Jose.
“Bumili ka ng paminta, mantika, suka, at toyo” tugon ni
Nanay Lorna kay Jose.“ Sige po Nay!”
Pumunta na si Jose sa pinakamalapit na tindahan ni
Mang Melchor.
“Magandang tanghali po, Mang Melchor!” bungad ng
masiglang bata sa may-ari ng tindahan.
“Magandang tanghali ri sa iyo Ano ang bibilhin mo?”
tanong ng tindero.
“Pinabibili po ako ni Nanay ng halagang limang pisong
paminta, isang bote ng mantika, suka at toyo.”
“Magkano po lahat?” Tanong ni Jose.
“laha’t –lahat ay Limampung piso” tugon ng nakangiting
tinder.
“Salamat po, Mang Melchor.”
“Walang anuman, Jose!”

3
DO_Q1_ Filipino 4_ Modyul 2
Umalis na si Jose palayo sa tindahan ng nakasalubong
nya si Aling Helen.
“Magandang araw po, Aling Helen. Pupunta pala kayo rito
sana ako na lamang ang pinabili ninyo para hindi na kayo
napagod.”
“Naku, oo nga e, may kulang pala ako sa aking lulutuing
pananghalian. O di ba may pasok ka na bukas?”
“Opo, kaya nga po nag-aayos na ako ng aking mga gamit
at hindi muna ako nakipaglaro sa aking mga kaibigan. Sige po
mauna na ako.”
“Magandang araw po, Mang Caloy” bati nya sa kanyang
kaibigang abala sa pag-aayos ng kaniyang tricycle, sabay
kaway.
At sa wakas, nakauwi rin si Jose sa kanilang bahay. May
ngiti sa labi dahil nakatulong siya sa kaniyang nanay at nakita
niya at nabati ang mga taong malapit sa kaniyang puso.

1. Tungkol saan ang Kuwento?

2. Paano ipinakita ni Jose ang pagiging masunurin?

3. Ano ang kanyang ginagawa habang tinawag siya ng


Nanay?

4. Bakit matatag ang ugnayan ng bawat mamayanan?

5. Paano ipinakita ni Jose ang pagiging magalang?

4
DO_Q1_ Filipino 4_ Modyul 2
Pagyamanin

Alamin ang kahulugan ng mga salita gamit ang diksyunaro.

1. Masayahin
___________________________________ ____________
2. Matatag
______________________________________________
3. Matiyaga
_____________________________________________
4. Masunurin
_____________________________________________

Isaisip

Maghanda ng diksyonaryo at hanapin ang kahulugan ng


sumusunod na salita. Gamitin ang salita sa pangungusap.

1. Malapit
_________________________________________________
2. Pananghalian
_________________________________________________
3. Nakasalubong
_________________________________________________
4. Magalang
_________________________________________________
5. Tindahan
_________________________________________________

5
DO_Q1_ Filipino 4_ Modyul 2
Isagawa

Hango sa kwentong binasa, pumili ng isang gagawin.

1 –Iguhit ang simbolo ng batang magalang

2 - Gumawa ng rap na awitin hango sa batang magalang

6
DO_Q1_ Filipino 4_ Modyul 2
Tayahin

Basahin ang bawat pangungusap. Ibigay ang kahulugan ng


salitang may salungguhit gamit ang diksyunaryo.

1. Sino ang batang magalang na nabanggit sa kwento?

2. Saan si Jose pumunta?


_________________________________________

3. Ano ang binili ni Jose sa tindahan?


_________________________________________

4. Eksayted ang lahat na mga batang pumasok sa


paaralan.

____________________________________________

5. Sana ako na lamang ang pinabili ninyo para hindi


na kayo napagod.
___________________________________________

Karagdagang Gawain

Gamit ang diksyonaryo. Hanapin ang kahulugan ng mga


sumusunod na salita.

Masipag

Matatag

Matiyaga

7
DO_Q1_ Filipino 4_ Modyul 2

You might also like