You are on page 1of 8

ARALIN :2 Ang kahulugan ng Salita sa pamamagitan ng Pormal na Depinsiyon

Araw ng Pagkatuto: IKALAWANG LINGGO

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

Ang mag—aaral ay……


Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan at ang kakayahang
sa mapanuring pakikinig at pang-unawa sa napakinggan.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP

Ang mag-aaral ay…

Naisasalaysay muli ang nabasang kuwento o teksto nang may tamang pagkakasuno-
Sunod at nakagagawa ng poster tungkol sa binasang teksto.

Para sa modyul 2, ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pamantayang pagkatuto kung saan
pagkatapos mong aralin ay iyong susuriin at lalagyan ng tsek ang kolum na naglalarawan ng
iyong sariling pagkatuto.

PAMANTAYAN
G PAGKATUTO
Kaya kong
Naunawaan ko at Naunawaan ko at maunawaan sa
kaya kong ituro sa kaya kong gawin tulong ng iba Hindi ko pa
iba lubusang
maunawaan

Nagbibigay
kahulugan ang salita
sa pamamagitan ng
pormal na depinisyon.

Upang maging makabuluhan ang iyong pagkatuto, narito ang mga sumusunod na inaasahang magagawa mo at
ng iyong magulang sa pagbagtas natin ng modyul na ito.

INAASAHAN SA MGA INAASAHAN SA MGA


MAG- AARAL MAGULANG

1. Basahin ng may pang- unawa ang modyul. 1. Magtalaga nang maayos at maaliwalas na
2. Laging sundin ang mga panuto. lugar sa tahanan para sa maayos na
3. Tapusin ang nauunang gawain bago gawin ang pagkatuto ng anak.
sumusunod. 2. Bigyan ng kaukulang kagamitan ang anak

1
4. Itala ang mga mahahalagang impormasyon upang para sa mga kakailanganin sa bawat gawain.
masagot nang maayos ang mga pamprosesong tanong. 3. Gabayan ang anak sa mga gawain.
5. Gumamit ng Diksyunaryo para sa mga terminolohiya. 4. Laging siyasatin ang mga gawa ng anak sa
6. Maaaring magtanong sa Guro kung may nais linawin. pagsasagot ng aralin.
7. Sundin ang itinakdang araw ng pagsasagot ng modyul. 5. Magbigay ng puna sa mga gawa ng anak sa
pagsasagot ng aralin.

HOME REMINDERS

Upang maging malusog at handa sa pagkatuto, narito ang mga ilang paalala na dapat mong gawin.

1. Kumain ng masusustansiyang pagkain sa takdang oras. Tulad ng Gulay, isda at prutas.


2. Uminom ng tubig.
3. Hugasan nang mabuti ang kamay.
4. Makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa tahanan.
5. Mag ehersisyo kasama ang pamilya.
6. Kamustahin ang mga kaibigan at kaklase sa pamamagitan ng pagtawag sa kanila.
7. Planuhin ang mga gagawin sa maghapon. Balansehin ang pag- aaral, paglalaro, pagdarasal at repleksyon
sa sarili.
8. Maging maingat sa paglabas ng bahay.
9. Panatilihin ang pakikiisa sa mga paalala ng Pamahalaan laban sa COVID-19.
10. Maging mapanuri sa mga nangyayari sa kasalukuyan. Suriing mabuti ang mga pinanggagalingan ng mga
impormasyon at balita.

SIMULAN NATIN

Magandang umaga mga bata! Kapayapaan at kabutihan. Ako si _________________________ ang


inyong guro sa Filipino 4 na makakasama mo sa iyong pagsagot sa modyul na ito at ating babalikan ang
nakaraan na pinag-aralan ay ang pangngalan at ang dalawang uri ng pangngalan.

Sa modyul na ito ay tatalakayin natin ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon.

TUKLASIN NATIN

Ngayon bago natin simulan ating pag-aaralan ay may inihanda akong gawain para sayo.
Hanapin ang mga salita sa “Crossword Puzzle at bilugan ito ang mga salitang nasa ibaba.

Mabait magalang matiyaga

2
O M S Y M A T A T A G P
L M N O N I N K I A M N
S M A G A L A N G Y L R
T A D B U A G I A U O P
Y B A F I K T K S S K R
M A T I Y A G A A I H Q
B I N T I S O A O N M I
K T O R A N B K D A O Y

ALAMIN NATIN

Ngayon at nasagutan mo na ang inihanda kung gawain para sayo.


Halika! at ating simulan ang kahulugan sa mga salita sa pamamagitan ng pormal na depisyon.

DEPINISYON- Ito ay parang eksposisyon na tumatalakay o nagbibigay kahulugan sa isang


salita.Ito rin ay pagpapalinaw sa kahulugan ng isa salita upang tiyak na
maunawaan.Bawat disiplina o larangan ay may tiyak na mga salitang
ginagamit kaya’t kailangang ipaliwanag ito sa pamamagitan na
depinisyon.

May mga uri ng Depinisyon

1. Maanyong Depinisyon
 Ito ay tumutukoy sa isang makatuwirang pagpapahayag ng mga salita na nagbibigay
ng malalaking kaalaman.
 Ito ay tumutugon sa mga patakaran ng anyong nasa diksyunaryo at ensayklopedya.

May Tatlong Bahagi ng Maanyong Depinisyon.

KATAWAGAN (FORM)-Ang salitang ipinaliliwanag o binibigyan depinisyon.

HALIMBAWA: Ang Parabula

KLASE O URI (GENUS)-Ang kategoryang kinabibilangan o pangkat na binubuo ng mga katulad ng


bagay.

HALIMBAWA: Ang parabula ay isang maikling kuwento.

MGA KATANGIANG IKINAIIBA NG SALITA (DIFFERENCE)-Mga paglalarawan na ikinaiiba ng


salitang binibigyang-depinisyon sa iba pang salita o katawagan.

HALIMBAWA: Ang parabula ay isang maikling kuwento na naglalayong mailalarawan ang isang
katotohanang moral o espirituwal sa isang matalinghagang paraan.

May inihanda akong bagong halimbawa ng Maanyong Depinisyon.

3
Ang Liriko ay isang uri ng tula na may kaayusan at katangian ng isang awit na nagpapahayag ng matinding
damdamin ng makata.

Ang ekolohiya ay isang sangay ng siyensya na pag-aaral sa paguugnayan ng mga organism at sa kanilang
kapaligiran, maging hayop man o halaman.

2. DEPINISYONG PAGSASANAY
 Ito ay isang uri ng depinisyon na nagbibigay ng karagdagang pagpapaliwanag sa silita.Ito ay
kawili-wili, makapangyarihan at makapagpapasigla kaya higit itong binabasa ng mga mambabasa,
walang tiyak nah aba ito basta’t makapagpapaliwanag lamang sa salitang binibigyang kahulugan.

HALIMBAWA:

Ang Kalayaan ay hindi iba kundi makapangyarihang sumusunod o sumuway sa sariling kalooban.

Ang Kalayaan ay isa sa mahalagang biyaya ng Diyos sa tao, dahil Kalayaan ay nakaiilang tayo sa masama
at nakagagawa ng inaakala nating magaling.

GAWIN MO

Ngayon at nalaman mo na ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng Pormal na Depinisyon.May


inihanda ako na para sayo na babasahin mo ito si “Jose ang Batang Magalang.”

Jose ang Batang Magalang.


Bukas ay araw na ng pasukan.Eksayted ang lahat ng batang pumasok sa paaralan, is ana rito si Jose na nag-
aayos ng kanyang mga gamit ng bigla siyang tawagin ang kanilang Nanay Lorna.”Jose, magtatanghalian na,
bumili ka muna ng mga kakailanganin natin para sa lulutuin kong adobong manok. Opo nay, ano po ba ang
bibilhin sa tindahan? Tanong no Jose.Bumili ka ng paminta, suka, at toyo.Tugon ni Nnay Lorna kay Jose sige
po Nay! Pumunta na si Jose sa pinakamalapit na tindahan ni Mang Melchor Magandang tanghali po, Mang
Melchor! Bungad ng masiglang bata sa may-ari ng tindahan.Magandang tanghali rin sa iyo.Anong bibilhin mo?
Tanong ng tindero.Pinabibili po ako ni Nanay ng halagang limang pisong paminta, isang bote ng mantika, suka
at toyo.Magkano po lahat? Tanong ni Jose.Lahat-lahat ay limampung piso tugon ng nakangiting tinder.Salamat
po Mang Melchor, walang anuman Jose.

Umalis na si Jose palayo sa tindahan ng nakasalubong niya si Aling Helen. Magandang araw po, Aling
Helen.Pupunta pala kayo rito sana ako lamang pinabili ninyo para hindi na kayo napagod.Naku, Oo nga
maykulang pala ako sa aking lulutuing pananghalian.O di ba may pasok ka na bukas.Opo, kaya nga po nag-
aayos na ako ng aking mga gamit at hindi muna ako nakipaglaro sa aking mga kaibigan.Sige po nauna na ako.

Magandang araw po Mang Caloy bata niya sa kanyang kaibigang abala sap ag-aayos ng kanilang tricyle,
sabay kaway.At s wakas, nakauwi rin si Jose sa kanilang bahay.May ngiti sa labi dahil nakatulong siya sa
kanilang nanay at Nakita niya at nabati ang mga taong malapit sa kanilang puso.

May inihanda akong tanong na dapat mong sagutan ng maayos.

1. Tungkol saan ang kuwento?


_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

4
2. Paano ipinakita ni Jose ang pagiging masunurin?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

3. Ano ang kanyang ginagawa habang tinatawag siya ng Nanay?


_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

4. Bakit matatag ang ugnayan ng bawat mamamayan?

_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

5.Paano ipinakita ni Jose ang pagiging magalang?

________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__

Teacher’s Note

SAGUTAN MO AKO!

Isulat ang kahulugan ng mga salita gamit ang diksiyonaryo.Bumuo ng pangungusa na hango sa sariling
karanasan.

SALITA KAHULUGAN NG SALITA SARILING PANGUNGUSAP


1. pakikitungo
2. salamin
3. diwata
4. hanga
5. kondisyon

Alamin ang kahulugan ng mga salita gamit ang diksyunaro.

Masayahin

___________________________________

5
Matatag

____________________________________

Matiyaga

_______________________________________

Masunurin

_______________________________________

ISAPUSO MO

Bilang pagwawakas ng ating Aralin. Dagdagan natin ang iyong gawain.Hango sa kuwentong binasa pumili ng
isang gagawin. Isulat sa kahon ang iyong sagot.

1. Iguhit ang simbolo ng batang magalang?


2. Gumawa ng isang awitin na hango sa batang magalang.

TANDAAN NATIN:

Mahalagang mabigyan natin ng halaga ang tamang paggamit ng depinisyon upang magiging bihasa
sa paggamit ng diksyunaryo.

Binabati kita, iyong napagtagumpayan ang modyul 2! Pagkatapos ng aralin, Isulat ang mga bagay na
natutunan mo,mga bagay na naging interesado ka at mga karagdagang katanungan bilang pagbubuod ng
pagkatutu 6
BUOD NG PAGKATUTO

Base sa araling ito, anu-ano ang iyong mga napagtanto sa buhay bilang anak ng diyos? Sa
ibaba, isulat ang sariling repleksyon sa pamamagitan ng isang dasal. Sa loob ng kahon ay may
nakasulat na Bible verse na makakatulong sa iyo sa paggawa ng dasal.

Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin, at


magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin.

MGA KAWIKAAN 16:3

SARILING REPLEKSYON

Nais naming humingi ng mga komento sa iyo at sa iyong mga magulang tungkol sa modyul na ito. Maaari
kayong magbigay ng mga mungkahi. Isulat ito sa loob ng kahon sa ibaba. Tandaan, tayo ay magkasama sa
pagkatuto kaya mahalaga ang bawat mungkahing manggagaling sa inyo.

SARILING KOMENTO

Mga
Komento:______________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Mga
Mungkahi______________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
7
Para sa mga Magulang/Tagapangalaga:

Ang inyong mga obserbasyon ay mahalaga sa amin. Isulat sa loob ng kahon ang inyong mga naging
obserbasyon sa inyong anak habang sinasagutan ang modyul na ito.

PUNA NG MAGULANG/TAGAPANGALAGA

Obserbasyon:______________________________________________________________
_______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Katanungan:______________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Cellphone No._______________________

Mga Sanggunian:

Jabines, Angelika D. (2015) Yaman ng Lahi. Sunshine Interlinks Publishing House, Inc. Unang Edisyon 2015
Baybayin: Paglalayag sa Wika at Pagbasa 4
Binagong Edisyon 2018
Karapatang-ari sa Pilipinas 2018,Rex Book Store,Inc.

You might also like