You are on page 1of 14

8

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 5

AIRs - LM
Filipino 8 (Kontemporaryong Panitikan tungo sa Kultura at Panitikang
Popular)
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Mga Salitang Nagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o


pagkuha ng bahagi nang walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Bernadeth Q. Lingon


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph. D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph. D, EPS in Charge of LRMS

Luisito V. Libatique, Ph. D, EPS in Charge of Filipino

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Magandang araw sa iyo mahal kong mag-aaral! Kumusta ka sa araw na ito?


Maayos mo bang natapos ang iyong nakaraang modyul? Batid kong handang-handa
ka nang matutong muli. Ngayon ay tatahak kang muli sa mga pagsubok na lalong
ikauunlad ng iyong kaalaman at ikalilinang ng iyong kakayahan. Kung gayon,
ihanda mo na ang iyong sarili para sa susunod mong aralin.

Matapos mong matutuhan ang tungkol sa Mga Paraan ng Pagpapahayag, pag-


uusapan naman natin ngayon sa Modyul 5 ang tungkol sa Mga Salitang
Nagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw. Tunay na sa iyong paglalayag ay
masasalubong mo ang mga hadlang sa karunungang dapat mong lampasan upang
maipunla ang bagong kaalamang lalong lilinang sa iyong sariling talino at
kakayahan.

Matutuklasan mo sa modyul na ito ang katuturan ng konsepto ng pananaw,


matutunghayan mo ang mga salitang nagpapahayag ng konsepto ng pananaw at
malalaman mo rin kung paano nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa
pagpapahayag ng konsepto ng pananaw. Palalawakin din ang iyong kaalaman sa
larangan ng pagtukoy sa mga tamang salita sa pagbuo ng mga pagsubok na may
kaugnayan sa paksa. Handa ka na bang matutunan ang mga ito?

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod na


kasanayan:
Mga Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)
1. Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto ng
pananaw (ayon, batay, sang-ayon sa, sa akala, at iba pa.) (F8WG- IIId-e-31)
2. Nahihinuha ang paksa, layon at tono ng akdang nabasa. (F8PB- IIIe-f-31)
3. Natutukoy ang mga tamang salita sa pagbuo ng isang puzzle na may
kaugnayan sa paksa. (F8PT- IIIe-f-31)

Kung nakahanda ka nang matutuhan ang bago mong aralin ay maaari mo


nang simulan!
Aralin
Mga Salitang Nagpapahayag
5 ng Konsepto ng Pananaw

Simulan

Binabati kita sapagkat ikaw ay nasa ikalimang modyul na. Paghusayan ang
mga inihandang paunang pagtataya mahal kong mag-aaral. Handa ka na ba? Sige
simulan na natin!

Gawain 1: Dugtungan Mo!


Panuto: Batay sa larawan, dugtungan ang pahayag sa speech balloon ng iyong
saloobin, opinyon o kuro-kuro patungkol sa nais ipabatid ng larawan upang mabuo
ang diwa nito. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

https://www.google.com/search?q=masayang+at+magulong+pamilya+drawing&oq=masaya

1. Sa aking pananaw, ________________________________________

____________________________________________________________
_______

2. Sa kabilang dako, _________________________________________

____________________________________________________________
_
_______
3. Ayon sa, __________________________________________________

____________________________________________________________
_
_______

4. Sang-ayon sa, _____________________________________________

____________________________________________________________
_
_______

5. Batay sa, _________________________________________________

____________________________________________________________
_
_______

Gawain 2: Pag-isipan Mo!


Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang pangungusap na nagsasaad ng konsepto o pananaw
at ang ekis (X) ang pangungusap na hindi nagsasaad ng konsepto o pananaw.
Pagkatapos, salungguhitan ang ginamit na ekspresyon o salita kung tsek ang sagot.

_____ 1. Pag-isipang mabuti ang mga bagay bago ito gawin upang maiwasan
ang pagkakamali.
_____ 2. Sa aking pananaw, ang buhay ay nakabatay sa mga bagay na iyong
pinipili o pinaniniwalaan.
_____ 3. Sino ang dapat sisihin sa mga kabiguang dumarating sa buhay ng
isang tao?
_____ 4. Sa ganang akin, ang lahat ng bagay ay nakaplano sa kamay ng
Panginoon.
_____ 5. Ayon sa larawan, tinatanaw na niya ang liwanag ngunit parang may
pumipigil sa kanya upang iwanan ang nakasanayang lugar.

Mahusay! Naisakatuparan mo ang mga unang gawain. Ngayon ay ipagpatuloy


mo ang paglalayag upang lalong mapag-ibayo ang iyong kaalaman.
Lakbayin

Ang pananaw ay ang opinyon, saloobin, kuro-kuro ng isang tao o grupo ng tao
tungkol sa isang bagay o paksa. Ngayon, alamin natin ang mga salitang
nagpapahayag ng konsepto ng pananaw. Tara, mag-aral tayo!

Alam mo bang…
Ang mga salitang nagpapahayag ng konsepto ng pananaw ay naghuhudayat
ng mga ekspresyong iniisip, sinasabi o pinaniniwalaan ng isang tao? Sa maluwag
na pagtuturing, masasabing ito ay paraan ng pagtanaw ng manunulat sa
kaniyang akda. Sa pamamagitan ng pananaw, nakikilala ng mambabasa ang
nilikha ng naglalahad at ng pangyayaring inilalahad at kung gaano ang
nalalaman ng naglalahad.

Narito ang ilang dagdag na kaalaman upang lubos mong maunawaan kung ano
ang tinatawag na mga Salitang Nagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw.

1. May mga ekspresyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw.


Kabilang dito ang ayon / batay / para / sang-ayon sa/kay, ganoon din sa
paniniwala / pananaw / akala ko / ni / ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga
ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi o pinaniniwalaan ng isang tao.
Halimbawa:
• Ayon / Batay / Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino
ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng komunikasyon at
sistema ng edukasyon.
• Sa paniniwala / akala / pananaw / paningin / tingin / palagay ni / ng
Pangulong Quezon, mas mabuti ang mala-impiyernong bansa na
pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na
pinamumunuan ng mga dayuhan.
• Inaakala / Pinaniniwalaan / Iniisip kong hindi makabubuti kanino man
ang kanilang plano.
• Sa ganang akin / Sa tingin / akala / palagay ko, wala nang gaganda pa
sa lugar na ito.
2. May mga ekspresyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng
paksa at/o pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayonpaman,
mapapansing ‘di tulad ng naunang mga halimbawa na tumitiyak kung sino
ang pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang
pananaw ang sumusunod na halimbawa:
• Sa isang banda / sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari iyon
upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan.
• Samantala, makabubuti sigurong magpahinga ka muna para makapag-
isip ka nang husto.

Nawa’y nakapagpunla nang bagong kaalaman sa’yo mahal kong mag-aaral.


Ngayon ay gagalugarin natin ang iyong isipan kaugnay sa iyong nilakbay na
karunungan. Handa ka na ba?
Galugarin

Gawain 3: Hanap-Salita!
A. Panuto: Punan ng angkop na ekspresyon ang bawat pahayag upang mabuo ang
Konsepto ng Pananaw sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Alinsunod sa Ayon sa Sa palagay ko


Sang-ayon sa Sa paniniwala ko Sa tingin ko

1. ____________ mga eksperto matatagalan pa bago mawala ang Coronavirus


Disease o ang CoViD-19. Mananatili na umano ito na walang pinagkaiba sa
sakit na Tuberculosis (TB) at Acquire- Immune Deficiency Syndrome (AIDS).
2. ____________ kailangan ang pagkakaisa ng mamamayan upang mapalago at
mapaunlad ang pamumuhay ng indibidwal sa isang lipunang kinagagalawan
o kinabibilangan.
3. ____________ kahit maraming problema sa pamilya, hindi ito ang hadlang
upang makamit niya ang tagumpay sa buhay.
4. ____________dapat din namang apurahin ng mga kinauukulan ang pagtuklas
ng bakuna laban sa COVID-19 para nakasisigurong ligtas ang sangkatauhan.
5. ____________ maraming mag-aaral, ang tanging makapagpapaunlad sa
kanilang pamumuhay ay ang makapagtapos ng pag-aaral.

B. Panuto: Punan ang mga patlang ng angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng


konsepto ng pananaw upang makabuo ng mga pangungusap. Hanapin sa kahon
at isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.
B L L W A A A P M G
G F K A Y L S A H H
Q G J A O I A N H J
W H H S A Y O N S A
E J G Y A A A N L L
R K F A P A R A S A
T L D T O A G W H N
Y M S A S P H N A O
A N A B A A U I S P
A B P L P N S L C Q
A S L I G G N I H R
B P I L A B A G S A
1. ________________ Bombo Radyo News, nagsisisi na raw si Police Staff Sergeant
Jonel Nuezca sa kaniyang pagpatay sa mag-inang sina Sonya at Frank
Gregorio sa Paniqui, Tarlac.
2. May balak silang maglunsad ng proyekto _____________ drug adiksyon.
3. _________________ pag-aaral ng mga sikologo, ang mainam na kagalingan ay
nagmumula sa pamumuhay na may sapat na balanse sa pagitan ng mga
bagay na nagbibigay sa iyo ng kasiyahan, mga nakakamit mong tagumpay at
pagiging malapit sa iyong mga minamahal.
4. Naku! Hindi puwede_______________ kalooban ko ang payagan kang lumabas
ng bahay lalo na sa panahon ng pandemya.
5. Bibili ako ng mga regalo __________________ mga nasalanta ng bagyo.

Palalimin

Mahilig ka bang manood, makinig o magbasa ng mga balita? Sa bahaging ito


ay iyong susuriin ang isang sanaysay na tiyak na may kaugnayan ito sa iyong buhay
lalo na sa panahon ng pandemya.

Gawain 4. Pananaw Ko, Mahalaga!


Panuto: Basahin ang sanaysay na ‘Medyo Malungkot’: Pasko ng mga International
Students. Pagkatapos, ay sagutin ang gabay na tanong. Ilagay ang iyong sagot sa
sugatang papel.

'Medyo Malungkot': Pasko ng mga International Students

"Plano ko po sanang umuwi sa atin para doon mag-celebrate ng Christmas


ngunit dahil nga po nasa kalagitnaan tayo ng pandemya at may mga border
restrictions ay hindi mangyayari.” “As an international student, medyo malungkot
po ang Pasko dahil limitado ang mga pwedeng gawin at hindi ko makakasama ang
mga magulang at kapatid ko upang i-celebrate ito."Ito ang pagbahagi ng
international student na si Kimberly Mitchiko na dalawang taon ng nag-aaral sa
Australia.

Dagdag niya, sobra niyang na-miss ang presensya ng kaniyang pamilya


lalo na ang pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas. "Just the presence of my family
during Christmas ay nakakamiss. Namiss ko din ang maingay at makulay na
selebrasyon natin sa Pilipinas."

Samantala, para naman kay Quennie Evalaroza na kamakailan lamang ay


nakabalik na sa trabaho matapos mawalan ng kabuhayan dahil sa pandemya,
bagaman naging hamon ang taon, nagpapasalamat siya sa mga Pinoy na tumulong
sa kanila.

"Nakababangon na ulit after 6 months na walang trabaho. Buti na lang may


mga Pinoy na ready tumulong sa amin. Nagbenta din kami ng mga ulam, marami
namang mga Pinoy ang bumili. Gumawa din ako ng mga business logos. Mahirap
ang buhay kaya dapat didiskarte tayo." Para sa kaniya ang Pasko ay panahon
ng pasasalamat.

"Christmas reminds me of how blessed I am. It’s like a pause button. It's time
to give thanks for what we have. Kahit dumaan tayo sa kahirapan, we look back
and say thank God umabot ako sa araw na ito. It's a season of giving thanks to God
and celebrate life."

Dagdag ni Queenie, ipinagdiwang niya ang Pasko kasama ang mga kapwa
Pinay at nagkaroon sila ng simpleng hapunan. Si Noemi Vito naman ay mas pipiliin
ang magtrabaho ngayong Pasko dahil hinahabol niya ang holiday pay. "Usually
nag-wo-work ako tuwing Pasko kasi hinahabol ko ang holiday pay. Kasi as an
international student mahal ang tuition fee."

Dagdag niya tatlong taon na siyang hindi nakakapag-Pasko sa Pilipinas at


na-miss niya na nang todo ang dalawang anak niya. "This year I’m spending my
Christmas at the aged care. I celebrate my Christmas by comforting the residents at
work dahil limited din ang visitation due to COVID."
Dasal niya ang magbukas na ang border upang makauwi na siya sa
Pilipinas. Himok niya sa mga international students na maging matatag.
"Tatagan nila ang loob nila kasi struggles lang ito. This shall pass. Lahat ng
hardwork ay magpa-pay off."

Isinulat ni Claudette Centeno-Calixto mula sa


'Medyo_malungkot'__Pasko_ng_mga_international_students[1].mhtml
https://go.microsoft.com/fwlink/p/?LinkId=255141

Gabay na Tanong:
1. Tungkol saan ang binasang sanaysay?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ano ang damdaming namamayani kay Kimberly Mitchiko habang sinasambit


ang mga katagang ito? "Just the presence of my family during Christmas ay
nakakamiss. Namiss ko din ang maingay at makulay na selebrasyon natin sa
Pilipinas."
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Bilang kabataan, ano ang magagawa o maitutulong mo sa iyong lipunan lalo


na sa panahon ng pandemya?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Pagmasdan ang mga nasalungguhitang salita sa binasang sanaysay, ano-ano


ang kahalagahan ng mga ito sa pagpapahayag ng mga saloobin, kuro-kuro o
pananaw ng isang tao? Ilagay ang mga sagot sa ibaba.

Kahalagahan
Gawain 5. Pagtibayin ang Palagay!
Panuto: Pagmasdang mabuti ang larawan. Batay sa larawan, bumuo ng isang
maikling sanaysay na magbibigay puna o nagsasaad ng iyong sariling pananaw
patungkol sa nais ipabatid nito. Gamitin ang mga salitang nagsasaad ng konsepto
ng pananaw. Ilagay ang sanaysay sa sagutang papel.

EDITORYAL_-_Mga Bata_manatili_kayo_sa inyong bahay_COVID_-_Pilipino_Star_Ngayon [1].mhtml

Pananaw ko

Rubrik sa Pagtataya ng Awtput

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtamang- Nangangailangan


husay ng gabay
(5) (4) (3) (2)
Nilalaman
Wastong gamit
ng gramatika
Kaugnayan sa
tema
Pagkakaugnay
ng mga ideya

Napakahusay mo! Natapos at napagtagumpayan mong sagutin ang lahat ng


mga gawain. Sana’y naiwan sa iyong isipan ang lahat ng mga napag-aralan natin.
Nawa’y magamit mo ito sa patuloy mong pagtuklas ng iba pang mga karunungan.
Binabati kita!
Sukatin

Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa parteng ito. Tiyak, marami kang
natutuhan sa modyul na ito. Ngayon, ating tatayahin ang iyong kaalaman sa
nakalipas na aralin.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang angkop na salita na nagpapahayag ng konsepto
ng pananaw sa bawat pangungusap na nasa Hanay A. Isulat sa sagutang papel
ang titik at salita ng tamang sagot.
HANAY A HANAY B
1. __________ mga eksperto, ang pananaw sa A. Ayon sa
pagiging makabayan, nagbabago sa paglipas ng
panahon. B. Batay sa
2. __________ pag-aaral ng UNESCO, isasagawa ang
online class sa mga universities, colleges, at iba C. Sa kabilang banda
pang paaralan bilang alternatibo sa face-to-face
class. D. Hinggil kay
3. “Natitiyak kong magugustuhan ng mga
estudyante ang blended learning na ipapatupad E. Sang-ayon kay
sa pagbubukas ng klase, ______________DepEd
Secretary Leonor Briones.” F. Samantala
4. __________ hindi dapat na isisi ng lahat sa
gobyerno ang sinapit na kasawian ng marami
nating kababayan.
5. __________ makabubuting suriin mo rin ang iyong
sarili, mayroon ka ring pagkukulang sa
paghahanda sa mga kalamidad.

B. Panuto: Punan ng angkop na ekspresyon ang bawat pahayag upang mabuo ang
Konsepto ng Pananaw sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Alinsunod sa Ayon sa Sa palagay ko


Sang-ayon sa Sa pananaw ko Sa tingin ko
1. ____________ dapat ng kumilos ang mga mamamayan upang mawakasan na
ang malaganap na korapsyon sa ating bansa.
2. ____________ Counsels on Diet and Food ay binanggit na ang mga tinapay na
tatlong araw nang nakaimbak ay mas mabuti sa ating katawan kung
ihahambing sa bagong luto at mainit na tinapay.
3. ____________ Department of Social Welfare and Development, mapanganib sa
mga bata ang paglalaro ng mga marahas na internet game lalo na’t nasa
developmental stage pa lamang ang isang bata.
4. ____________ mga makakalikasan, kailangang mamulat kahit na ang
pinakabatang miyembro ng komunidad sa posibleng epekto ng climate change
sa sangkatauhan upang magkaroon ng kamalayan sa tamang pangangalaga
ng mundo.
5. ____________ hindi karapat-dapat na taglayin ng isang tao ang panlalamang
sa kapwa.
C. Panuto: Pumili ng isa at gamitin ang sumusunod na salita na nakasulat sa kahon
sa paglalahad ng iyong pananaw tungkol sa napapanahong isyung pandaigdig.

Ayon sa Sa kabilang banda


Sang-ayon sa Sa ganang akin
Batay sa Sa palagay ko
Sa tingin ko Samantala
Sa kabilang dako

1. Kalusugan sa kabila ng CoViD-19 Pandemya


Pananaw:

2. Kahirapan sa gitna ng pandemya

Pananaw:

3. Edukasyon (Modular o Online Learning)

Pananaw:

4. Karapatang Pantao

Pananaw:

5. Sistema ng Hustisiya sa bansa

Pananaw:

Kamangha-mangha, tunay na napakagaling mo!


Binabati kita sa iyong paglalayag sa mundo ng
karunungan. Nawa’y ang natutuhan mo sa aralin ay
maipunla sa iyong puso’t isipan. Ihanda mo ngayon ang
iyong sarili sa susunod na modyul. Ihanda mo ulit ang
iyong sarili sa paggalugad sa susunod na modyul. Ito ay
ang Modyul 6: Mga Konseptong May Kaugnayang
Lohikal.
ARALIN 5: Mga Salitang Nagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw
SIMULAN
Gawain 1: Dugtungan Mo!
(Iba- iba ang sagot ng mga mag-aaral)
Gawain 2: Pag-isipan Mo!
1. X
2. ✓-Sa aking pananaw
3. X
4. ✓- Sa ganang akin
5. ✓- Ayon sa
GALUGARIN
Gawain 3: Hanap- Salita!
A. B.
1. Ayon sa 1. Ayon sa
2. Sa tingin ko 2. Hinggil sa
3. Sa paniniwala ko 3. Batay sa
4. Sa palagay ko 4. Labag sa
5. Alinsunod sa 5. Para sa
PALALIMIN
Gawain 4: Pananaw Ko, Mahalaga!
(Iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral)
Gawain 5: Pagtibayin ang Palagay!
(Iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral)
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A.
1. Ayon sa
2. Batay sa
3. Sang-ayon sa
4. Sa kabilang banda
5. Samantala
B.
1. Sa pananaw ko
2. Ayon sa
3. Sang-ayon sa
4. Alinsunod sa
5. Sa tingin ko
C. 1-5. (Iba- iba ang sagot ng mga mag-aaral)
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Department of Education – Curriculum and Instruction Strand (2020). Most
Essential Learning Competencies. p. 231-232

Peralta, R. N. et.al (2014). Filipino 8 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal
Group, Inc.

https:// brainly.ph/question/5646560

https://www.google.com/search?q=masayang+at+magulong+pamilya+drawing&oq
=masaya

EDITORYAL-manatili-sa-inyong bahay_COVID_Pilipino_Star_Ngayon[1].mhtml
‘Pulis_na_pumatay_sa_magina_sa_Tarlac,_nagsisisi_na_sa_ginawang_krimen’__Bom
bo_Radyo_News[1].mhtml

https://www.google.com/amp/s/www.gmanetwork.com/news/balitaanbayan/pro
mdi/788790/mag-ina sa tarlac-patay-sa pamamaril/-ng- nakaalitang pulis/

Mga Salitang Nagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw /mula sa


https://www.google.com/url?sa=http://lrmds.depedldn.com

'Medyo_malungkot'__Pasko_ng_mga_international_students[1].mhtml
https://go.microsoft.com/fwlink/p/?LinkId=255141
Paglalahad na sinulat ni Ranilyn Penoliar mula sa www.academia.educ

Villaverde, Sharon Ansay, Gotera, Irma, Antas 8 MUOG Pundasyon ng Karunungan


sa Filipino, PISARA Publishing 2013.

Nakpil, Lolita R., Dominguez, Letecia F., Gintong Pamana Wika at Pamana Batayang
Aklat Ikalawang Taon. SD Publications Inc. 2000

Salazar, Lucila A. et al. Panitikang Pilipino. KATHA Publishing Co. Inc. 1995

Bensol, Angelita A. et al. Kadluan ng Wika at Panitikan III Batayang Aklat. Diwa
Scholastic Press Inc. 1999

Espiritu, Nora S., et al Interatibong Filipino II Gramatika at Maunawang Pagbasa –


Ikalawang Taon. CSS Publishing, Inc. 2003

You might also like