You are on page 1of 12

Senior High School

PAGBASA AT PAGSUSURI
NG IBA’T IBANG TEKSO TUNGO SA
PANANALIKSIK
Kuwarter 3 – Modyul 4

Aralin 4: PAGTUKOY NG KAHULUGAN AT KATANGIAN NG


MAHAHALAGANG SALITANG GINAMIT NG IBA’T IBANG URI
NG TEKSO
IMPORMASYON TUNGKOL SA KLASE:
ASIGNATURA: PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK
INSTRUKTOR: LIONEL A. MARGALLO, LPT
ISKEDYUL: TTH 3:00-5:00
ISTRAND: GRADE 11 HUMSS

MGA DAPAT TANDAAN:


✓ Pang-isahang linggo lamang ang modyul na ito.
✓ Ipasa ang mga kasagutan ng modyul bago sumapit ang araw ng Biyernes.
✓ Ang mga dapat sagutan at ipasa sa modyul ay ang sumusunod:
1) PANIMULANG GAWAIN
o SUBUKIN
2) PANGWAKAS NA GAWAIN:
o MUNGKAHING GAWIAN

✓ Sa huling bahagi ng modyul, hanapin ang SANAYANG PAPEL at doon ilagay ang mga
sagot. Magkakaroon ng kabawasang puntos kung sa ibang papel ilalagay ang mga
kasagutan.
Aralin 4: Pagpapakahulugan ng mga Salita

panimula

Ang araling ito ay tungkol sa paksang “Pagpapakahulugan ng Salita”. Tatalakayin dito


ang mga sumusunod na paksa:
1) Pagpapakahulugan ng Salita
2) Kaantasan ng Wika
Ito ay naglalaman ng mga aralin at iba’t ibang gawain alinsunod sa asignaturang pinag-
aaralan. Pangunahing layunin nito na matamo ang pagkatuto sa kabila ng kasalukuyang
pandemyang kinakaharap.

Mga layuning pampagkatuto

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang maisagagawa ng mga mag-aaral ang mga


sumusunod
a) Natutukoy ang kahulugan ng mahahalagang salitang ginamit sa iba’t
ibang uri ng tekstong binasa;
b) Natutukoy ang katangian ng mahahalagang salitang ginamit sa iba’t ibang
uri ng tekstong binasa; at
c) Nasusuri ang mga mahahalagang salitang ginamit sa iba’t ibang uri ng
tekstong binasa.

Nilalayon ng modyul na ito na matukoy ng mga mag-aaral ang mga batayang


kaalaman hinggil sa paksang nabanggit sa itaas.

Mga Gawaing Pampagkatuto

Sa bahaging ito sinusubok ang mga mapanuring pag-unawa ng mga mag-aaral sa


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto sa pamamagitan ng paglalatag ng mga gawain na
sila mismo ang makakadiskubre sa araling tatalakayin.

Panimulang gawain

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo


sa Pananaliksik
Aralin 4: Pagpapakahulugan ng mga Salita

SUBUKIN!

Panuto: Hanapin sa CROSSWORD PUZZLE ang mga salita na may kinalaman sa COVID-19 sa
tulong ng mga kahulugan na nasa ibaba. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel .
___________ 1. Unang kawal
___________ 2. Pangkaraniwan
___________ 3. Daglat ng General Community Quarantine
___________ 4. Paglayo-layo ng mga tao
___________ 5. Bago sa pangkaraniwan
___________ 6. Pananatili sa isang lugar
___________ 7. Paghuhugas ng kamay
___________ 8. Daglat ng Personal Protecting Equipment
___________ 9. Likidong panlaban sa COVID-19
___________ 10. Mabilisang pagkahawa ng mga tao sa isang sakit
___________ 11. Pagtulong ng walang inaasahang kapalit
___________ 12. Pinansiyal na tulong mula sa gobyerno
___________ 13. Daglat ng Modified Community Quarantine
___________ 14. Proteksyon o pantakip sa ilong at bibig
___________ 15. Paglakas ng katawan galing sa sakit

B F R O N T L I N E R A N P
A E P E D E M Y A C O Y C A
Y N O R M A L M C Q S U K G
A D R O P L E T D U Q D S G
N S O C I A L M A Y C A A A
I D I S T A N C I N G M M L
H H A N D W A S H F E C E I
A N E W N O R M A L P Q C N
N A L C O H O L H K P N A G
G Q U A R A N T I N E T F T

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo


sa Pananaliksik
Aralin 4: Pagpapakahulugan ng mga Salita

Tampok na Aralin

Sa pagkakataong ito, magsisimula ka nang maglakbay sa iba’t ibang aralin dito.


Tatalakayin sa bahaging ito nang mas malaliman ang nabanggit na aralin/paksa sa itaas.

Aralin 4:

Hindi naman sa Iahat ng pagkakataon ay kailangang sumangguni sa diksiyunaryo tuwing


may mababasang salitang mahirap unawain. Maaaring pansamantalang lagyan ng marka ang
salita, gamit ang lapis at ipagpatuloy ang pagbabasa. Maaaring gumawa ng tentatibong
paghihinuha sa maaaring kahulugan ng salita sa pamamagitan ng gamit nito sa pangungusap.
Una, BIGKASIN ang salita. Madalas ay nagkakaroon tayo ng ideya o nakikilala natin ang
kahulugan ng salita kapag narinig natin itong binigkas. Sa isang banda, kapag mali ang bigkas
ng salita, nagkakaroon din ito ng ibang pagpapakahulugan. Ikalawa, suriin ang ESTRUKTURA
ng salita. Pag-aralan kung ito ba ay salitang-ugat, maylapi, inuulit, o tambalan. Tukuyin ang mga
bahagi ng salita upang magkaroon ng ideya sa kahulugan nito. Tukuyin din kung sa anong bahagi
ng pananalita ito kabilang, halimbawa, kung ito ay pangngalan, pandiwa, pang-uri, at iba pa.
Tukuyin din kung pormal at di pormal ang katangian ng salita. Pagkatapos, pag-aralan ang
KONTEKSTO. Hulaan ang kahulugan ng salita batay sa kung paano ito ginamit sa loob ng
pangungusap, sa sinundang pahayag, o sa susunod na pahayag. Kapag hindi pa rin makuha ang
kahulugan, kumonsulta na sa diksiyunaryo. Maaari ding tumingin sa glosari ng aklat kung
mayroon ito.
Itala ang salita at kabisahin ang kahulugan nito upang maidagdag sa kaalaman sa
talasalitaan. Kung pag-aari ang aklat, isulat ang kasingkahulugan o anumang karagdagang
impormasyon sa gilid ng aklat gamit ang lapis. Kung hindi sariling pag-aari ang aklat, gumawa ng
sariling talaan ng mahihirap na salitang nabasa.

PAGPAPAKAHULUGAN NG SALITA
Ang malawak na pagpapakahulugan sa mga salita ay kinakailangan ng tao upang higit na
maging mahusay at epektibo ang pakikipagkomunikasyon. Narito ang mga paraan kung paano
mabibigyang kahulugan ang mga salita o pangungusap.
1. Pagbibigay-kahulugan — ito ang pagbibigay ng kahulugan na mula sa taong may sapat
na kabatiran tungkol sa salita/pangungusap na nais bigyang kahulugan o kaya'y maaaring
mula sa mga diksyunaryo, aklat, ensayklopedya, magasin o pahayagan.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo


sa Pananaliksik
Aralin 4: Pagpapakahulugan ng mga Salita

Halimbawa:
pambihira - katangi-tangi
2. Pagbibigay ng iba pang kahulugan o barayti ng salita — ito ang pagbibigay ng
magkatulad na kahulugan
Halimbawa:
Paghanga- pagmamahal
3. Pagbibigay ng mga halimbawa — ito ang pagbibigay ng kahulugan ng isang salita sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa.
Halimbawa:
Ang buhay ng tao ay parang isang gulong. Minsan nasa ibabaw, minsan nasa
ilalim. Minsan ay nakararanas tayo ng hirap at minsan naman ay nakararanas ng ginhawa.
4. Paglalapi at pagsasama ng salita sa pangungusap — ito ang pagkakaroon ng iba't
ibang pagpapakahulugan sa salita kapag nilalapian.
Halimbawa:
Mata lamang ang walang latay. (sobra ang natanggap na pananakit)
Lagi na lamang akong minamata ni Nene. (nang-aapi o mababa ang pagtingin sa
kapwa)
Matalas ang mata ni Totoy. (bahagi ng katawan)
5. Paggamit ng mga idyomatikong pahayag at pagtatayutay — ito ang pagbibigay ng
kahulugan sa mga salitang matalinhaga sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga salitang
ginamit.
Halimbawa:
Di-maliparang uwak – malawak
KAANTASAN NG WIKA
Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa
kaniyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan, at
okasyong dinadaluhan. Kaya mahalagang kilalanin ang mga salita upang maging pamilyar sa
katangiang tinataglay nito.
A) Pormal na Wika – Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala o ginagamit ng
nakararami.
• Pambansa- Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa
paaralan at pamahalaan.
Halimbawa: asawa, anak, tahanan
• Pampanitikan o Panretorika – Ito ay ginagamit ng mga malikhaing manunulat. Ang
mga salita ay karaniwang malalalim, makulay, at masining.
Halimbawa:
Kabiyak ng puso, Bunga ng pag-ibig, Pusod ng Pagmamahalan
B) Impormal na Wika - Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, at pangaraw-araw.
Madalas itong gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.
• Lalawigan – Ito ay gamitin ng mga tao sa partikular na pook o lalawigan, makikilala ito
sa kakaibang tono o punto.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo


sa Pananaliksik
Aralin 4: Pagpapakahulugan ng mga Salita

Halimbawa:
Papanaw ka na? (Aalis ka na)
Nakain ka na? (Kumain ka na)
Buang! (Baliw)
• Kolokyal – Pang-araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti, maaari
rin itong refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa,
o higit pang titik sa salita.
Halimbawa:
Meron - Mayroon
Nasan - Nasaan
Sakin - sa akin
• Balbal – Sa Ingles ito ay Slang. Nagkaroon ng sariling codes, mababa ang antas na
ito, ikalawa sa antas bulgar.
Halimbawa:
Chicks (dalagang bata pa)
Orange (bente pesos)
Pinoy (Pilipino)
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang balbal:
1. Paghango sa mga salitang katutubo
Halimbawa:
Gurang (matanda)
Bayot (bakla)
Barat (kuripot)
2. Panghihiram sa mga wikang banyaga
Halimbawa:
Epek (effect)
Futbol (naalis)
Tong (wheels)
3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog
Halimbawa:
Buwaya (Crocodile)
Bata (Child/Girlfriend)
Durog (powdered/high in addiction)
Papa (father/lover)
4. Pagpapaikli
Halimbawa:
Pakialam - paki
Malay ko at pakialam ko -ma at pa
Anong sinabi -ansabe
Anong nangyari -anyare
5. Pagbabaliktad

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo


sa Pananaliksik
Aralin 4: Pagpapakahulugan ng mga Salita

Halimbawa:
Etneb- bente
Kita- atik
Ngetpa- panget
Dehin- hindi
6. Paggamit ng Akronim
Halimbawa:
PUI -Pasyenteng Uusisain at Ipapa-confine
PUM-Pasyenteng Uuwi at Mamalagi sa bahay
AWIT- AW ang sakIT
7. Pagpapalit ng Pantig
Halimbawa:
Lagpak / palpak -Bigo
Torpe / Tyope /Torpe -naduwag
8. Paghahalo ng Salita
Halimbawa:
Bow na lang ng Bow
Mag-MU
Mag-jr (joy riding)
9. Paggamit ng Bilang
Halimbawa:
45-Baril
143- I love you
50/50- naghihingalo
10. Pagdaragdag
Halimbawa:
Puti - isputing
Kulang -kulongbisi
11. Kumbinasyon (Pagbabaligtad at Pagdaragdag)
Halimbawa:
Hiya-yahi-Dyahi
12. Pagpapaikli at pag-Pilipino
Halimbawa:
Pino -Pinoy
Mestiso-Tiso-Tisoy
13. Pagpapaikli at pagbabaligtad
Halimbawa:
Pantalon-Talon-Lonta
Sigarilyo-Siyo-Yosi

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo


sa Pananaliksik
Aralin 4: Pagpapakahulugan ng mga Salita

14. Panghihiram at pagpapaikli


Halimbawa:
Security -Sikyo
Brain Damage - Brenda
15. Panghihiram at Pagdaragdag
Halimbawa:
Get -Gets/Getsing
Cry -Crayola

Pangwakas na gawain

MUNGKAHING GAWAIN

Panuto: Gumawa ng sariling talaan ng mahihirap na salitang nabasa. Itala ang mga salita,
kabisahin ang kahulugan nito at gamitin sa sariling pangungusap ang salitang binigyang
kahulugan upang maidagdag sa kaalaman sa talasalitan.
Maaaring gumamit ng mga lumang kuwaderno upang doon itala ang lahat ng mga salita
na binigyang kahulugan. Maaaring magtala araw- araw ng limang salita na binigyan ng kahulugan
at gamitin sa sariling pangungusap. Ito ay sisiyasatin ng guro sa oras na magkita kayo.

SALITA KAHULUGAN SARILING PANGUNGUSAP

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo


sa Pananaliksik
Aralin 4: Pagpapakahulugan ng mga Salita

sanggunian

Aklat

• Aladeza, Edgar P. at Reina M. Alazeda. Filipino_H.S.Com. Quezon City: Bookman Inc.,


2005.
• Anatacio Heidi.C., Yolanda S. Lungat, at Rita D. Morales. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: C&E Publishing Inc., 2016.
• Macalagay, Juana.T. Sibol ng Karunungan:Unang Taon.Valenzuela City:Gabay Eskwela,
2009.
• San Juan, Aquilina, Angelina Sevilla, Flor Veniegas, at Glipo Protacio. Sanayang Aklat sa
Filipino: Unang Taon. Lipa City: Eferza Academic Publication, w.p.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo


sa Pananaliksik
Aralin 4: Pagpapakahulugan ng mga Salita

Sanayang PAPEL

Pangalan: _______________________________ Petsa: ____________________


Istrand at Seksyon: _______________________ Marka: ____________________

Panimulang Gawain

SUBUKIN!

Panuto: Hanapin sa CROSSWORD PUZZLE ang mga salita na may kinalaman sa COVID-19 sa
tulong ng mga kahulugan na nasa ibaba. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel .
___________ 1. Unang kawal
___________ 2. Pangkaraniwan
___________ 3. Daglat ng General Community Quarantine
___________ 4. Paglayo-layo ng mga tao
___________ 5. Bago sa pangkaraniwan
___________ 6. Pananatili sa isang lugar
___________ 7. Paghuhugas ng kamay
___________ 8. Daglat ng Personal Protecting Equipment
___________ 9. Likidong panlaban sa COVID-19
___________ 10. Mabilisang pagkahawa ng mga tao sa isang sakit
___________ 11. Pagtulong ng walang inaasahang kapalit
___________ 12. Pinansiyal na tulong mula sa gobyerno
___________ 13. Daglat ng Modified Community Quarantine
___________ 14. Proteksyon o pantakip sa ilong at bibig
___________ 15. Paglakas ng katawan galing sa sakit

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo


sa Pananaliksik
Aralin 4: Pagpapakahulugan ng mga Salita

B F R O N T L I N E R A N P
A E P E D E M Y A C O Y C A
Y N O R M A L M C Q S U K G
A D R O P L E T D U Q D S G
N S O C I A L M A Y C A A A
I D I S T A N C I N G M M L
H H A N D W A S H F E C E I
A N E W N O R M A L P Q C N
N A L C O H O L H K P N A G
G Q U A R A N T I N E T F T

Pangwakas na gawain

MUNGKAHING GAWAIN

Panuto: Gumawa ng sariling talaan ng mahihirap na salitang nabasa. Itala ang mga salita,
kabisahin ang kahulugan nito at gamitin sa sariling pangungusap ang salitang binigyang
kahulugan upang maidagdag sa kaalaman sa talasalitan.
Maaaring gumamit ng mga lumang kuwaderno upang doon itala ang lahat ng mga salita
na binigyang kahulugan. Maaaring magtala araw- araw ng limang salita na binigyan ng kahulugan
at gamitin sa sariling pangungusap. Ito ay sisiyasatin ng guro sa oras na magkita kayo.

SALITA KAHULUGAN SARILING PANGUNGUSAP

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo


sa Pananaliksik
Aralin 4: Pagpapakahulugan ng mga Salita

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo


sa Pananaliksik

You might also like