Professional Documents
Culture Documents
PANANALIKSIK 1
KAKAYAHANG
PANGLINGGWISTIKA 3
NG MGA FILIPINO
MGA SANGGUNIAN:
SUBUKAN NATIN!
________________________________________
4. Gaano ba kahalaga ang balarila at wastong paggamit
ng mga salita sa pagsulat? 6 Kakayahang Balarila
________________________________________
7 Kakayahang Balarila
8 Wastong Gamit ng
mga Salita
12 Pagsasanay
13 Mga Sanggunian
Pagtataya at Susi
14 sa Pagwawasto
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 4
a. pang+bura=panbura
b. pang+bura=pambura
a. taniman tamnan
b. taniman tanman
Ang Morpolohiya
PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO
1. Asimilasyon
Sakop ng uring ito ang ma pagbabaging nagaganap sa /ŋ/ sa
posisyong pinal dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod
nito.
Uri ng Asimilasyon
Asimilasyong Parsyal o Di-Ganap
Ito ay pagbabago sa unang morpema
Halimbawa:
pang + bansa = pambansa
pang+ dilig = pandilig
pang + lakad = panlakad
Ng - p,b = m
Ng - d,l,r,s,t =n
Asimilasyong Ganap
Pagbabago ng kapwa panlapi at salitang ugat.
Hal: mang + tahi = manahi
pang + palo = pamalo
pang + takot = panakot
pang + kuha = panguha
2. Pagpapalit ng Ponema
Kapag ang (d) ay nasa pagitan ng dalawang patinig kaya
ito'y pinapalitan ng ponemang r.
hal: ma + damot = maramot
ma + dunong = marunong
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 6
3. Metatesis
Pagpapalit ng posisiyon ng panlaping /-in / kapag ang kasunod na ponema ay ang mga
ponemang (l,y,o)
hal: -in + lipad = nilipad
-in + yakap = niyakap
4. Pagkakaltas ng Ponema
Halimbawa:
Tanim+an=taniman=tamnan
5. Paglilipat-diin
Kapag ang salitang-ugat ay nilalagyan ng panlapi, ito ay nagbabago kapag ito'y
nilalapitan.
hal: laro + an = laruan
dugo + an = duguan
ka + sama = kasama
KAYARIAN NG SALITA
1. PAYAK
Ang salita ay payak kung ito ay salitang-ugat lamang, walang panlapi at walang katambal
na ibang salita (Santiago at Tianco)
Halimbawa:
Ina bata anak
Ama kapatid sulat
2. MAYLAPI
Ang maylapi na salita ay binubuo ng salitang-ugat at mga panlapi. May iba’t ibang uri ng panlapi,
ito ay ang unlapi, gitlapi, at hulapi.
Halimbawa:
ma- + tubig = matubig (maramiung tubig)
pa- + tubig = patubig (padaloy ng tubig)
tubig + -an = tubigan (lagyang ng tubig)
tubig + -in = tubigin (pinarusahan sa tubig)
lakad + -um = lumakad
sagot + -in = sinagot
3. INUULIT
Ang salitang inuulit ay inuulit ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito. May
dalawang uri, pag-uulit na ganap at di-ganap
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 7
a. Pag-uulit na Ganap
Ito ang pag-uulit ng salita na inuulit ng ganap o buo
Halimbawa:
taon = taon-taon
bahay = bahay-bahay
araw = araw-araw
Halimbawa:
usok = uusok
balita = bali-balita
tahimik = tahi-tahimik
kanta = kakanta
4. Tambalan
Ang salitang ito ay dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita.
a. Tambalang Di-Ganap
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 8
SINTAKSIS
Ang sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga pangungusap sa isang wika. Tumutukoy sa estuktura ng
mga pangungusap at ang tuntuning nagsisilbing patunay sa pagsasabi ng kawastuhan ng isang
pangungusap.
PANGUNGUSAP
Ito ay lipon ng mga salitang nagpapahayag ng buong diwa.
Bahagi ng Pangungusap
Ang paksa o simuno ay tumutukoy sa pinag-uusapan sa loob ng pangungusap habang ang panag-uri
naman ang nagsasabi tungkol sa paksa.
Halimbawa:
Si Mayumi ay maganda.
simuno panag-uri
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 9
Uri Halimbawa
1. Sambitla Nanay!
Aray!
2. Eksistensyal May kuryente na sa bahay.
Mayroon ka palang dalang pagkain.
3. Pahanga Napakaganda mo naman!
4. Pamanahon Alas tres na.
5. Pormularyong panlipunan Mano po.
Salamat po.
6. Phenomenal Umulan kagabi.
7. Modal Nakakainis ngayon!
pahirin at pahiran
Ang pahirin ay nangangahulugang pag-alis o pagpawi ng isang bagay
Halimbawa:
Pahirin mo ang iyong pawis.
Ang pahiran nangangahulugan ng paglalagay ng isang bagay
Halimbawa:
Pahiran mo ng Vicks ang likod ng bata.
punasin at punasan
Ang punasin ay ginagamit kapag binabanggit ang bagay na tinatanggal
Halimbawa:
Punasin mo ang alikabok sa mesa
Ang punasan ay ginagamit kapag ang binabanggit ay ang bagay na pinatatangggalan ng kung
ano man.
Halimbawa:
Punasan mo ang mesa.
operahin at operahan
Ang operahin ay tinutukoy ang tiyak na bahaging tinitistis
Halimbawa:
Ooperahin bukas ang mga mata ni Geelyn.
Ang operahan ay tinutukoy ang tao at hindi ang bahagi ng kanyang katawan
Halimbawa:
Ooperahan na ng doktor ang naghihirap na bula
subukan at subukin
Ang subukan ay nangangahulugan ng pagtingin upang malaman ang ginagawa ng isang tao o
mga tao.
Halimbawa:
Subukan mo siya upang malaman mo ang kanyang sekreto.
pinto at pintuan
Ang pinto ay bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas. Ito ay ginagawa ito upang ilagay ang
sa pintuan
Halimbawa:
Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok ang lamok.
Ang pintuan ay ang kinalalagyan ng pinto. Ito rin ang bahaging daraanan kapag bumukas na ang
Pinto.
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 11
Halimbawa:
Nakaharang sa pintuan ang paso ng halaman kung kaya’t hindi niya maisara ang
pinto.
hagdan at hagdanan
Ang hagdan ay mga baytang at inaakyatan at binababaan sa bahay o gusali.
Halimbawa:
Mabilis niyang inakyat ang hagdan upang marating ang klinika.
kung at kong
Ang kung ay pangatnig na panubali at ito’y ginagamit sa hugnayang pangungusap
Halimbawa:
Malulutas ang mga problema ng bayan natin kung isasantabi ng mga pulitiko ang
kanilang pamumulitika.
may at mayroon
Ang may ay ginagamit kapag sinusndan ng pangngalan
Halimbawa:
Ang ngiti ay may ligayang dulot sa pinagbibigyan nito.
Ang mayroon ay ginagamit kapag may napapasingit na kataga sa salitang sinusundan nito
Halimbawa:
Mayroon pa bang natirang ulam?
rin at raw
Ang rin at raw ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at sa malapatinig
na w at y.
Halimbawa:
Si Darwin ay katulad mo rin, masipag mag-aral.
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 12
daw at din
Ang daw at din ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa w at
y
Hallimbawa:
Masakit daw ang ulo ni Malou kaya hindi siya nakapasok sa klase.
Magtatanghal din ng dula ang Kagawaran ng Filipino.
iwan at iwanan
Ang iwan ay nangangahulugan sa English ng “to leave something”. Ito rin ay nangangahulugang
wag isama o dalhin
Halimbawa:
Iwan mo na ang anak mo sa bahay n’yo.
sundin at sundan
Ang sundin ay nangangahulugang sumunod sa payo o pangaral.
Halimbawa:
Sundin mo ang mga payo ng iyong mga magulang kung ayaw mong maligaw ng
landas.
Ang sundan ay nangangahulugang gayahin ang ginagawa ng iba o pumunta sa pinuntahan ng iba
Halimbawa:
Sundan mo ang demonstrasyon sa telebisyon kung nais mong matuto ng pagluluto ng
paella.
dahil sa at dahilan sa
Ang dahil sa ang wasto at sinusundan ng pangngalang pinagsanhian ng isang pangyayari
Halimbawa:
Hindi siya nakapasa sa pagsusulit dahil sa hindi niya pagsunod sa panuto.
BUOD NG ARALIN
Morpema sintaksis
Pagbabagong pangungusap
morpoponemiko bahagi ng
Paglilipat diin
Kayarian ng Salita
Tambalan
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 16
MGA SANGGUNIAN
Austero, C.S. et al. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik (Binagong Edisyon). Pasig
City: Unlad Publishing House.2010.
Bernales, R.A. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Manila: Rex Bookstore.
Simbahan, VD. Et al. Pagbasa at Pagsulat ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
Mandaluyong City: Books Atbp. Publishing Corp.
Arrogante, J. A. (2003). Retorika sa Mabisang Pagpapahayag Binagong
Edisyon. Quad Alapha Centrum Blg. 125 Pioneer Street Mandaluyong City.
Badayos, B. B., Carreon M. B., Francisco, C.C., Escoto, M. C., Illana, M. A.,
Medellin, J. P. at Rosales, G. B. (2010). Masining na Pagpapahayag (Aklat sa Filipino 3 – Antas
Tersyarya. Mega-Jesta Prints, Inc.
Batnag, A. E., Fortunato, T. F. at Reyes, A. C. (2011). Sanaysay: Sining ng Mabisang
Pagpapahayag. C & E Publishing.
Bernales, R. A., Bernardino, E. C., Sison, E. O., Babasa, E. E., Balanza, M.A., Banawa, M. D.,
Cruz, M. F., Madre, A., Noble, A. A., Perez, S. D.,Ramos, T. D. G. at Quijano, M. Q. (2013).
Retorika: Ang Sining ng Pagpapahayag Batayan at Sanayang-Aklat sa Filipino 3,
AntasTersyarya. Mutya Publishing House, Inc.
de Castro, I. P., Ampil, R. D. L., Cabrera, H. I. Jr., Marquez, F. F., at Supnet,A. L. (2007).
Filipino I: Wikang Filipino sa Akademikong
Komunikasyon. Mutya Publishing House, Inc.
Libunao L. L., Ledesma, A.S., Reyes, L. G., Miranda, E. R. at Abayan, L.
G. (2008). Modyul sa Filipino I: Sining ng Pakikipagtalastasan Pokussa Kursong Pang-Narsing
at Pangmedikal. Rex Printing Company, Inc.
Tanawan, D. S., Nacin, A. A., Recorba, F. M. at Lartec, J. K. (2003). Retorika Mabisang
Pagpapahayag sa Kolehiyo. Trinitas Publishing, Inc.
Villaruel, R. R. (2012). Retorika Mabisang Pagpapahayag sa Filipino. BooksAtbp. Publishing
Corp.
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 17