You are on page 1of 9

PANGKAT 3

GRAMATIKA at TALASALITAAN

Layunin:

1. Malaman kung ano ang Gramatika at ang kahalagahan nito.

2. Maisagawa ang Tamang salita sa isang pangungusap.

3. Maipahayag ang tamang paggamit ng bantas.

4. Matukoy ang mga Istratehiya sa Paglinang ng Talasalitaan.

GRAMATIKA

- ang kasiningan ay hindi ganap kung walang kawastuhan ang pangungusap. Ang prinsipuo ng
kawastuahn (correctness) ay nakasalalay sa tamang insyrukturang pang-gramatika. Sa wikang Ingles ito
ay ang tinatawag nating Grammar.

-baralila o gramatika ang tawag sa agham na tumatalakay sa mga salita at sa kanilang


pagkakaugnay.

- pinapangalagaan ang kawastuhan para maging malinaw ang pagpapahayag.

Kahalagahan ng Gramatika:

Ito ay ginagamit natin sa pang araw-araw na komunikasyon.

Hindi lamang ito para sa mg aestudyante at hindi lamang sa eskwelahan ito ginagamit. Para ito
sa lahat.

Sa simpleng pagkakamali lamang ng paggamit ng gramatika ay nagkakaroon na ng ibang


kahulugan.

RELASYON NG GRAMATIKA AT RETORIKA

Ang RETORIKA ay nagbibigay-linaw, bisa at kagandahan sa pahayg samantalang ang GRAMATIKA naman
ay nagdudulot ng kawastuhan sa pahayag.

Samakatuwid, ang relasyon ng Gramatika at Retorika ay napakahalaga upang makamit ang mabisang
pagpapahayag.

NAKAKAHIYA O NAKAHIHIYA?
Noong 1987, sa tuntunin sa bagong alpabeto at tuntunin sa pagbabaybay na ipinalabas ng noo’y
Linangan ng mga Wika sa Pilipinas sa pamamagitan ng noo’y DECS, nilutas ang problema sa
pamamagitan ng pagtanggap sa dalawang anyo. Kapwa tama ang nakakahiya at ang nakahihiya.

Tinatanggap ang dalawang anyo-kapwa, itinuturing nang tama ang pag-uulit ng KA (nakakahiya) at ang
pag-uulit ng unang patinig at unang katinig ng salitang-ugat.

May divided usage ang mga gumagamit ng wika sa dalawang anyong nabanggit.

1. NAKAKAHIYA- gamit ng kabtaan, kolokyal, conversational

2. NAKAHIHIYA- pormal na pagsulat o pasalita.

DIVIDED USAGE:

1. LAMANG- ginagamit sa pormal na pagsulat o pasalita.

2. LANG- conversational, kolokyal

Nagiging malinaw ang pahayag kapag gumagamit ng mga angkop na salita sa isipang pagpapahayag.
Kung minsan may mga salitang tama na ang kahulugan at sa gamit ngunit hindi naman angkop na
gamitin sa pahayag.

MGA PAGGAMIT NG TAMANG SALITA SA ISANG PANGUNGUSAP:

NG -ginagamit ang salitang “ng” kapag may tinutukoy o may pinag-uukulan. Ginagamit din ito kung ang
sinusundan ng:

• PANGNGALAN

• PANG URI

•PAMILANG

HALIMBAWA:

1. ANG TOKADOR AY PUNO NG DAMIT


2. KUMUHA SYA NG MALAMIG NA TUBIG
3. PJMITAS SIYA NG ISANG BULAKLAK NA ROSAS

NANG -ginagamit ang salitang “nang” sa unahan ng pangungusap, gamit sa pang-abay na pamamaraan
at gamit sa pagitan ng inuulit na pandiwa.

HALIMBAWA:
Gamit sa pang-abay na pamamaraan:

1. Lumakad siya NANG dahan-dahan.

2. Ang tumakbo NANG matulin kung matinik ay malalim.

Makikita sa unahan ng pangungusap:

1. Nang dumating ang guro, tumahimik ang mga bata.

2. Nang maluto ang sinaing, agad na hinarap ni Lea ang pagpriprito ng isda.

Gamit sa pagitan ng inuulit sa pandiwa.

1. Sayaw nang sayaw ang mga bata sa ulanan.

2. Kanina pa siya ikot nang ikot.

MAY- sinusundan ng pangalan,pandiwa,pang uri at panghalip na panao sa kaukulang paari.

Halimbawa :

May mahabang buhok si Lucy.

MAYROONG- sinusundan ng isang kataga sa tanong .

Halimbawa :

Meron po bang tirang ulam ?

KAPAG- Ginagamit ito sa kalagayang tiyak.

KUNG- Ginagamit ito sa di tiyak ang isang kalagayan.

Halimbawa;

1. Magiging makinis ang iyong mukha KAPAG ginamit mo ang sabon na kojic.
2. Mag ingat ka KUNG ikaw ang mag magmaneho ng kotse.

SINA at NINA- Mga pantukoy kaya laging sinusundan ng pangngalang tinutukoy. Ang SINA ay
ginagamit kung ang nagsasalita ay hindi kasama sa pinag-uusapan samantalang ang NINA naman ay
kasama dito ang nagsasalita o nagsasalaysay.

Halimbawa:
1. Nadulas SINA karen at marak dahil ang dulas ng sahig
2. Aalis kami NINA claire mamayang gabi

DAHIL AT DAHILAN – pangatnig ang dahil , pangngalan ang dahilan.

Halimbawa:

1.Hindi sya nakapasok kahapon DAHIL sumakit ulo nya.

2. Hindi ko alam kung ano ang DAHILAN ng kanyang pagkakasakit.

3. Hindi siya nakapasok kahapon DAHIL SA sakit ng ulo niya.

Ang RAW, RITO, ROON AT RIYAN ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig
(a,e,i,o,u) at semi-vowel na w at y.

Halimbawa:

Pumunta ka rito.

Nag-aaway raw ang mga bata.

Ang DAW, DITO, DOON naman ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig.

Halimbawa:

Sa ilog daw maliligo ang mga bata.

Pupunta rito ang mga artista.

MAY ISA PANG DAPAT TANDAAN, SA MGA SALITANG NAGTATAPOS SA ra,re ri ro ru, raw at ray ay D
(DOON, DIYAN, DITO) ang ATING GAGAMITING KASUNOD.

Kumusta ang iyong pagsusulit.

Kumusta (como esta)

-pagbati at tanong sa kalagayan ng isang taong ngayon mo lamang ulit nakita.

MGA BANTAS
Ang bantas ay mahalagang matutuhan para sa malinaw na pagpapahayag. Ginagamit ang mga ito sa
paghihiwa-hiwalay ng mga pangungusap, parirala at salita para sa mabisang layunin. Ito ay mga simbolo
na nagpapakita ng kayarian at kaayusan ng nakasulat na wika, pati na ang intonasyon at paghintong
sandali na gagawin kapag nagbabasa nang malakas.

1. TULDOK- ito ay ginagamit na pananda sa

A. Katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay.

Halimbawa:

Igalang natin ang Pambansang awit.

B. Mga salitang dinaglat gaya ng ngalan ng tao, titulo, pook o sangay ng pamahalaan, buwan o
oras.

Halimbawa:

Si Bb. Ramirez ay magaling sumayaw.

C. Pagtatapos ng mga tambilang at titk sa bawat hati ng isang balangkas at talaan.

Halimbawa:

1. A.

2. 1.

2. TANDANG PANANONG- ito ay ginagamit kapag ang isang pangungusap ay nagtatanong.

Halimbawa:

Kumusta ka na?

3. TANDANG PADAMDAM- ito ay ginagamit sa madamdaming pangungusap o ekspresyon.

4. KUWIT- ito ay ginagamit sa direksyon, petsa at naghihiwa-hiwalay ng mga sunod-sunod na mga salita.
Ito rin ay ginagamit sa pagtatapos ng bating panimula o sa bating pangwakas.

5. KUDLIT- ito ay ginagamit bilang kapalit ng mga titik ay tinanggal na pagpapaikli.

Halimbawa:

‘Di ako ang kumuha ng halaman mo. (Hindi)


6. PANIPI- ito ay ginagamit sa eksaktong mga salita ng isang tao kapag inulit.

Halimbawa:

Tinanong niya ang bata “Saan ako kukuha ng lobo?”

7. GITLING- ito ay ginagamit kapag inuulit ang buong salitang-ugat o dalawang pantig ng salitang-ugat.

Halimbawa:

Araw-araw

Gabi-gabi

8. TUTULDOK- ito ay ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod.

Halimbawa:

Maraming dalang bulaklak si Vida tulad ng; sampaguita, daisy at stargazer.

9. TULDOK-KUWIT- ito ay ginagamit sa pagitan ng mga sugnay na tambalang pangungusap kung hindi
pinag-uugnay ng pangatnig.

Halimbawa:

Kumain ng maraming prutas: ito’y makabubuti sa ating katawan.

TALASALITAAN

Ang mga salita na itinuturing na pinaka diwa ng isang wika. Ito ay isang imbakan ng mga salita na dapat
angkinin at pahalagahan .

Sa mga intsik ito ay isang dagat ng mga salita na dapat hulihin .Ang kakayahang bumasa at umunawa ng
mga parirala , pangungusap o teksto ay mahalaga sa pagbasa.

Higit pa rito,ang pang unawa at angkop na paggamit ng mga salita ay mahalagang kasangkapan tungo sa
mabisang pakikipagtalastasan.

Ang pagkakataon ng malawak na talasalitaan ay makatutulong sa pakikipag ugnayan sa ibang tao,sa


pagtamo ng malawak na kaalaman,madaling pag unawa sa lahat ng uri ng mga babasahin o teksto na
kakaharapin ng isang mag aaral sa pang araw araw na buhay

MGA ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG TALASALITAAN

A.PAGSUSURING PANGKAYARIAN(STRUCTURAL ANALYSIS)

Nauunawaan ang mga salita sa pamamagitan ng mga bahagi nito.

-Salitang-ugat

-panlapi
-pagkakabuo ng salita

Halimbawa ; buhay,kabuhayan,nabubuhay,buhay buhay

B.PAGGAMIT NG MGA PALATANDAANG NAGBIBIGAY KAHULUGAN(CONTEXT CLUES)

1. SA PAMAMAGITAN NG MGA KASINGKAHULUGAN NG SALITA NA NAKAPALOOB DIN DA


PANGUNGUSAP

HALIMBAWA: Masarap mamuhay sa bansang may KASARINLAN na kung saan may KALAYAAN ka sa
pagkilos at pagsasalita.

2.Sa pamamagitan ng kasalungat na kahulugan ng salita.

Halimbawa: MASUGID si renato na makatapos ng hayskul ngunit tila MATAMLAY naman ang kanyang
ama na tustusan siya dahil sa kakulangan ng salapi.

3 . Sa pamamagitan ng katuturan ng salita

Halimbawa : ipinamalas ng mga tao sa edsa ang MARUBDOB o MATINDING PAGNANASA na magkaroon
ng kalayaan.

4 . Pag uugnay sa sariling karanasan

Nakikilala ang bago o mahihirap na salita sa pamamagitan ng pag alala sa mga naging karanasan.

Halimbawa: Dahil sa baha ng dala ng bagyong si roming ,inilikas sa ligtas na pook ang mga tao.

5 . Ayon sa sitwasyong ginagamitan ng salita. Dito nauunawaan ang salita ayon sa mga pangyayari o
sitwasyon na kaugnay nito.

Halimbawa:

Pinag-iibayo ng pangulo ang kampaya laban sa lumalaganap na kilusan ng mga pangkat laban sa
pamahalaan. Itinaas niya ang moral at sahod ng mga kawal.

6 . Sa pamamagitan ng buod o lagom ng binasa.

Halimbawa: Naranasan niya ang matinding kahirapan noong siya ay bata pa. Salat na salat silang
mag-anak sa pagkain, damit at maayos na tirahan. Mula siya sa isang maralitang mag-anak.
7 . Sa pamamagitan ng halimbawa

Halimbawa: Maiiwasan ang SIGALOT tulad ng PATAYAN,NAKAWAN,AWAYAN kung ang mga


mamamayan ay matutong kumilala sa diyos at magmahal sa kapwa.

8 .Sa pamamagitan ng pormal na depinisyon ng salita.

Halimbawa: Mahilig tayo sumulat ng sanaysay. Ito ay isang kathang tuluyan na naglahad ng kaalaman
,at kuru kuro at damdamin ng sumulat.

9 .Sa pamamagitan ng paglalarawan

Halimbawa; Sa kabuuan ng kanyang mukha.

Sa mga mata niya at sa nagbabagong pangangatawan,sa balat niyang malinaw- linaw at pinamumunuan
ng maraming tigyawat. Ang mga ito ay naglalarawan na siya ay lumipas ja sa pagiging musmos.

10. Sa pamamagitan ng pahiwatig na tono at damdamin.

Halimbawa: Mula sa kusina,ang tibok ng aking puso ay nakikipag unahan sa aking hakbang. At ang aking
AGAM AGAM ay napawi nang makita ko siya sa sala.

C. PAG UUGNAY NG MGA SALITA (WORD ASSOCIATION)

1. Pagsasama-sama ng mga salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan.
(Collocation)Nabibilang dito ang mga matatalinhagang salita o parirala.

Halimbawa: puso= bahagi ng katawan

Bato=matigas na bagay

Pusong bato= matigas ang puso

2. Pagbibigay ng iba pang salita na halos pareho rin ang kahulugan ng pang unang salita( clustering)

Halimbawa: Anu-ano ang iba pang salita na maaring ipalit sa salitang tingnan ?

3. Pagkilala ng pag kakaugnayan ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan na ipinapahayag.
(Clining) . May mga salita na ginagamit ayon sa tindi ng damdaming nais ipahayag.

4. Pag papangkat ng mga salita ayon sa antas ng paggamit o pormalidad ng gamit nito. May mga
salitang ginagamit sa mga di- pormal ,pormal na kalagayan o sa pangkalahatan.
Halimbawa: Pormal-kaanib
Di-pormal-abay
Neutral-Kasama
5.Pag papangkat ng mga salita ayon sa punong salita o paksa(classification)
Halimbawa: Panlasa- mapait ,matamis
Maanghang,matabang, kilos -mabagal,mabilis,maliksi,kupad, dahan-dahan.

6. Pagbibigay sa mga salitang kaugnay sa salitang paksa. Ang mga salitang nag uugnay sa isang
paksa o bagay ay naaayon sa karanasan o nakaraang kaalaman.

7.Paggamit ng Semantic Mapping


Ito ay isang paraan ng pagpapalawak ng kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng
pagpapakita ng mga kategorya ng salita na nag uugnay rito.
Halimbawa: salitang pag ibig; Luha ,Sakit Lungkot

You might also like