You are on page 1of 4

PRMICI Senior High School -

STUDENTS’ LEARNING MODULE IN KOMUNIKASYON


at PANANALIKSIK sa WIKA at KULTURANG PILIPINO 11
Quarter 2/Week 4/ November 9-13, 2020
Pangalan: ____________________________________ Pangkat: _________________ LRN:______________

ARALIN 4: KAKAYAHANG LINGGWISTIKO/GRAMATIKAL

Ang araling ito ay naglalayong natutukoy ng mag-aaral ang mga angkop na


salitang ginamit sa pangungusap

Subukin!
Piliin sa kahon ang angkop na sagot at isulat ito sa patlang bago ang bilang.

Pang-abay pang-angkop pang-ukol


Pangatnig pantukoy pang-uri
Pandiwa panghalip Pangngalan

__________ 1. Anak __________ 6. Maganda dalaga


__________ 2. Kalahating kilo __________ 7. Naglalaba
__________ 3. Ikaw __________ 8. Sila
__________ 4. Subalit __________ 9. Ang mga
__________ 5. Si __________ 10. ay

Pagpapatibay!

Tukuyin kung angkop ang mga salitang ginamit sa pangungusap. Isulat ang T kung wasto at kung mali naman, ay
salungguhitan ang salitang mali ang pagkakagamit at isulat ang tamang salita sa patlang.

__________ 1. Nakain ka na ba?


__________ 2. Mataas na ang kanyang buhok.
__________ 3. Matangkad ang punong iyon!
__________ 4. Walang pasok dahil may bagyo.
__________ 5. Ikaw raw ang napipisil ng mga hurado na kakatawan sa ating pamantasan.

Unawain!

Kakayahang Linggwistiko/Istruktural/Gramatikal

Tumutukoy ang kakayahang linggwistiko sa abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng maayos at
makabuluhang pangungusap.
Pinag-iiba ng mga linggwista at mananaliksik sa wika ng bata ang nasabing kakayahan sa tinatawag na
kakayahang komunikatibo, na nangangahulugan naming abilidad sa angkop na paggamit ng mga pangungusap
batay sa hinihingi ng isang interpretasyong sosyal (Hymes 1972).
1
Bb. ROSE ANN S. RODRIGUEZ
Guro sa Komunikasyon at Pananaliksik
PRMICI Senior High School -
Kakabit ng kakayahang linggwistiko ng Pilipino ang wastong pagsunod sa tuntunin ng balarilang Filipino. Sa
kasaysayan, dumaan na sa maraming pagbabago at reoryentasyon an gating wikang pambansa na nagbunga ng
pagbabago sa matandang balarila.

Ang kakayahang gramatikal ayon kina Canale at Swain, ito ay ang pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa
ponolohiya, motpolohiya, sintaks, gayundin sa mga tuntuning ortograpiya.

Bahagi ng Pananalita sa Makabagong Gramatika

A. Mga Salitang Pangnilalaman:

1. Mga Nominal

a. Pangngalan- nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian, pangyayari at iba pa.
Halimbawa:
Jose Rizal, Maynila, aso, lapis, maganda, bagyo.

b. Panghgalip- pamalit o panghalili sa pangngalan.


Halimbawa:
Sina, sila, siya, tayo, ito

2. Pandiwa- nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa pangkat ng mga salita.


Halimbawa:
Naglalakad, kumanta, sumayaw, nagsusulat

3. Mga Panuring

a. Pang-uri- nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip.


Halimbawa:
Mabait si Rina. (ang pang-uri ay mabait at ang tinuturingan ay si Rina).

b. Pang-abay- nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.


Halimbawa:
Masayang naglalakbay. (ang masaya ay ang pang-abay at ang tinuturingan ay ang salitang
naglalakbay na isang pandiwa).

B. Mga Salitang Pangkayarian:

1. Mga Pang-ugnay

a. Pangatnig- nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay (halimbawa: sa, pati, ni, subalit,
ngunit)

b. Pang-angkop- katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan (halimbawa: na at ng).


c. Pang-ukol- nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita (sa, ng).

2. Mga Pananda

a. Pantukoy- salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip. (halimbawa: si, ang, ang mga).
b. Pangawing- salitang nagkakawing ng paksa o simuno. (halimbawa: ay).
2
Bb. ROSE ANN S. RODRIGUEZ
Guro sa Komunikasyon at Pananaliksik
PRMICI Senior High School -

Pagpapalit ng D Tungo sa R

 Sa kaso ng din/rin, daw/raw, ang D ay napapalitan ng R kung ang sinusundan nitong salita ay nagtatapos
sa patinig o sa malapatinig na W at Y.

Halimbawa:
Malaya rin, mababaw raw

 Nananatili ito sa D kung sa katinig naman nagtatapos ang sinusundang salita (halimbawa: aalis din, malalim
daw). Gayundin, nananatili ang D kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa ra, ri, raw, o ray.

Halimbawa:
Araw-araw daw, maaari din.

Paggamit ng “Ng” at “Nang”

May limang tiyak na paggamit ng nang:

1. Bilang kasingkahulugan ng noon.

Halimbawa: “Nang dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas, kaagad silang nagpatayo ng mga paaralan.”

2. Bilang kasingkahulugan ng upang o para.

Halimbawa: Ikinulong ni Ana ang aso nang hindi na ito makagat pa.

3. Katumbas ng pinagsamang na at ng

Halimbawa: Malapit nang makauwi ang kaniyang tatay mula sa Saudi Arabia.

4. Pagtukoy sa pang-abay na pamaraan at pang-abay na panggaano.

Halimbawa: Iniabot nang palihim ni Carl ang liham kay Jane.

5. Bilang pang-angkop ng inuulit na salita.

Halimbawa: Pabilis nang pabilis ang ikot ng elisi ng eroplano.

Wastong Paggamit ng Gitling (-)

a. Sa inuulit na salita, ganap man o hindi (halimbawa: araw-araw, gabi-gabi, para-paraan)


b. Sa isahang pantig na tunog o onomatopeya (halimbawa: tik-tak, brum-brum)
c. Sa paghihiwalay ng katinig at patinig. (halimbawa: pag-aaral, mag-asawa)
d. Sa paghihiwalay ng sinusundang pangngalang pantangi. (halimbawa: pa-Marikina, maka-Pilipino)
e. Sa oaghihiwalay sa sinusundang banyagang salita na nasa orihinal na Baybay. (haalimbawa: mag-
compute, pa-encode.)
f. Sa pantig na may kakaibang bigat sa pagbigkas, particular sa sinaunang Tagalog at sa iba pang wika sa
Pilipinas. (halimbawa: gab-I, mus-ing, lab-ong.)
g. Sa bagong tambalang salita. (halimbawa: lipat-bahay, amoy-pawis)

3
Bb. ROSE ANN S. RODRIGUEZ
Guro sa Komunikasyon at Pananaliksik
PRMICI Senior High School -
h. Sa paghihiwalay ng numero sa oras at petsang may ika. (halimbawa: ika- 12 ng tanghali)
i. At sa pagbilang ng oras, numero man o salita, na ikinakabit sa alas- (halimbawa: alas- 1 ng hapon)
j. Sa kasunod ng “de” (halimbawa: de-lata, de-kolor)
k. Sa kasunod ng “di” (halimbawa: di-mahawakan, di-kalakihan)
l. Sa apelyido ng babaeng nag-asawa upang maipakita ang orihinal na apelyido noong dalaga pa.
(halimbawa: Genova Edrosa-Matute).

Pagpapalalim!

Dugtungan ang bawat pahayag para mabuo ang diwa ng pangungusap. Sikaping angkop ang pagkakagamit ng mga
salita.

1. Talagang masaya siyang kausap ___________________________________________________________


2. Kung maibabalik ko lang ang dati ___________________________________________________________
3. Masaya n asana kami ____________________________________________________________________
4. Sa loob ng mahabang panahon ____________________________________________________________
5. Nasasabi kong _________________________________________________________________________

Tayahin ang Pag-unawa!

Basahin at unawaing mabuti ang pahayag. Suriin at piliin ang angkop na salita sa loob ng
panaklong upang mabuo ang pangungusap. Salungguhitan ay napiling sagot.

1. Pakidala ang pagkaing ito (kina, kila) Nelia at Pat.


2. Ang mga labahan ni nanay ay mga (dekolor, de-kolor).
3. Ang Pambansang bayani ng Pilipinas ay si (Jose Rizal, Dr. jose rizal)
4. Mabangis (rin, din) pala ang mga Tigre.
5. Umalis ang mga tao (nang, ng) dumating ang mga pulis.
6. Kalabaw (raw, daw) ang sinakyang ni tatay.
7. Dumating sa Pilipinas si Andy pasado (ala-1 ng hapon, ala1 nang hapon)
8. (buwan buwan, buwan-buwan) kami dumadalaw sa aming lola.
9. Pumunta ng Bagyo (sina, siya) Teng at Rey.
10. Magaganda (si, ang mga) tanim ni Brenda.

MGA SANGGUNIAN:

MELCS, Curriculum map, Curriculum Guide, Aklat, internet.

KARAGDAGANG BATIS:

https://documents.tips/documents/isang-gabay-sa-ortograpiya-ng-wikang-pambansa.html

4
Bb. ROSE ANN S. RODRIGUEZ
Guro sa Komunikasyon at Pananaliksik

You might also like