You are on page 1of 1

Ika- 13 ng Agosto, 2019

Bb. Annaliza Mercurio

Iginagalang naming Bb. Mercurio:

Sumainyo nawa ang kapayapaan sa araw na ito.

Bilang bahagi ng paggunita at pagpapahalaga sa ating Wikang Filipino, ang departamento ng


Mataas na Paaralan ay magkakaroon ng iba’t ibang paligsahan sa pangunguna ng Samahang
Filipino bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang: “Wikang
Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino”. Layunin ng naturang pagdiriwang ang
mapahalagahan ang wika sa pamamagitan ng iba’t ibang natatanging paligsahan.

Dahil sa angkin ninyong kakayahan, kayo po ay malugod naming inaanyayahan na maging isa sa
mga hurado sa nasabing pagdiriwang sa darating na ika-30 ng Agosto sa ganap na ika- 7:30 ng
umaga sa kampus ng President Roxas Memorial Institute of Cotabato Inc.

Umaasa po kaming sa iisang layunin ay mapaunlakan ninyo ang aming paanyaya.

Lubos na gumagalang,

ARNEL V. TONGAN

Prinsipal

You might also like