You are on page 1of 5

Pamagat ng Kurso: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Aralin 9: Kakayahang Lingguwistiko

Panimula:

Ang lingguwistiks ay ang masistema at maagham na pag-aaral ng wika. Malayong-


malayo sa pagsusuri ng panitikan. Ito ay mayroong mga tuntunin at patakarang sinusunod
upang mabuo ang isang salita, parirala, pangungusap, pahayag at talata. Pinaniniwalaang
komplikado ang pagbuo ng mga nabanggit kung walang masteri sa paarang
palingguwistika. Dito na rin papasok ang usapin ng descriptivism at prescriptivism.
Maituturing na malaya ang mga lingguwista sa kanilang paraan ng pagpapahayag lalong
higit kung pasulat sa puntong nauunawaan naman ang kanilang nais ipakahulugan.

Kahulugan ng Kakayahang Lingguwistiko at Kakayahan Komunikatibo

Tumutukoy ang kakayahang lingguwistiko sa abilidad ng isang tao na


makabuo at makaunawa ng maayos at makabuluhang pangungusap.
Pinag-iiba ng mga lingguwista at mananaliksik sa wika ng bata ang
nasabing kakayahan sa tinatawag na kakayahang komunikatibo, na nangangahulugan
namang abilidad sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng isang
interaksiyong sosyal (Hymes 1972).

Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino

Kakabit ng kakayahang lingguwistiko ng Pilipino ang wastong pagsunod sa


tuntunin ng balarilang Filipino. Sa kasaysayan, dumaan na sa maraming pagbabago at
reoryentasyon ang ating wikang pambansa na nagbunga ng pagbabago sa matandang
balarila.

Bahagi ng Pananalita sa Makabagong Gramatika

A. Mga Salitang Pangnilalaman:

1. Mga nominal
a. Pangngalan – nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay,
pook, katangian, pangyayari at iba pa
b. Panghalip – pamalit o panghalili sa pangngalan

2. Pandiwa – nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa pangkat ng mga


salita

Sanggunian: Taylan, D., Petras, J., Geronimo, J., Batnag, A. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Lungsod ng Maynila: REX Bookstore, 2016
Pamagat ng Kurso: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Aralin 9: Kakayahang Lingguwistiko

3. Mga panuring
a. Pang-uri – nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at
panghalip
b. Pang-abay – nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa,
pang-uri at kapuwa pang-abay

B. Mga Salitang Pangkayarian:

1. Mga Pang-ugnay
a. Pangatnig – nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o
sugnay (halimbawa: at, pati, ni, subalit, ngunit)

b. Pang-angkop – katagang nag-uugnay sa panuring at salitang


tinuturingan (halimbawa: na, -ng)

c. Pang-ukol – nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita


(halimbawa: sa, ng)
2. Mga Pananda
a. Pantukoy – salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip
(halimbawa: si, ang, ang mga)

b. Pangawing o Pangawil – salitang nagkakawing ng paksa o


simuno at panaguri (halimbawa: ay)

Ortograpiya ng Wikang Filipino

A. Pasalitang Pagbaybay

Paletra ang pasalitang pagbaybay sa wikang Filipino na nakaayon sa


tunog-Ingles ng mga titik, maliban sa Ñ (enye) na tunog-Espanyol.
Ibig sabihin, isa-isang binibigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ang
mga titik na bumubuo sa isang salita, pantig, daglat, inisyal, akronim, simbolong pang-
agham at iba pa.

B. Pasulat na Pagbaybay

Narito naman ang ilang tuntunin sa pagbaybay ng mga salita, partikular sa


paggamit ng walong dagdag na titik (c, f, j, ñ, q, v, x, z) para sa:

Sanggunian: Taylan, D., Petras, J., Geronimo, J., Batnag, A. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Lungsod ng Maynila: REX Bookstore, 2016
Pamagat ng Kurso: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Aralin 9: Kakayahang Lingguwistiko

1. Pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita mula sa mga


katutubong wika sa Pilipinas.

Halimbawa:
palavvun (Ibanag) bugtong
kazzing (Itawes) kambing
jambangán (Tausug) halaman
safot (Ibaloy) sapot ng gagamba
masjid (Tausug, Mëranaw) gusaling samabahan ng mga Muslim

2. Mga bagong hiram na salita sa mga wikang banyaga. Ang mga dating hiram na
salitang lumaganap na sa baybay na ayon sa abakada ay hindi na saklaw ng panuntunang
ito.

Halimbawa:
selfie
digital detox

(1) Pagpapalit ng D Tungo Sa R

Sa kaso ng din/rin, daw/raw, ang D ay napapalitan ng R kung ang sinusundan


nitong salita ay nagtatapos sa patinig o sa malapatinig na W at Y

Halimbawa:
malaya rin
mababaw raw

Nanatili ito sa D kung sa katinig naman nagtatapos ang sinusundang salita


(halimbawa: aalis din, malalim daw). Gayundin, nananatili ang D kung ang sinusundang
salita ay nagtatapos sa –ra, -re, -ri, -ro at -ru

Halimbawa:
maaari din,
kare-kare din

(2) Paggamit ng “Ng” At “Nang”

May limang tiyak na paggamit ng nang:

a. bilang kasingkahulugan ng noong


halimbawa:

Sanggunian: Taylan, D., Petras, J., Geronimo, J., Batnag, A. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Lungsod ng Maynila: REX Bookstore, 2016
Pamagat ng Kurso: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Aralin 9: Kakayahang Lingguwistiko

“Nang dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas, agad silang nagpatayo ng


mga paaralan.”

b. bilang kasingkahulugan ng upang o para


halimbawa:
“Ikinulong ni Ana ang aso nang hindi na ito makakagat pa.”

c. katumbas ng pinagsamang na at ng
halimbawa:
“Malapit nang makauwi ang kaniyang tatay mula sa Saudi Arabia.”

d. pagtukoy sa pang-abay na pamaraan at pang-abay na panggaano


halimbawa:
“Iniabot nang palihim ni Carl ang liham kay Christine.”
“Tumaas nang sobra ang presyo ng langis.”

e. bilang pang-angkop ng inuulit na salita


halimbawa:
“Pabilis nang pabilis ang ikot ng elisi ng eroplano.”

(3) Wastong Gamit ng Gitling (-)

a. sa inuulit na salita, ganap man o hindi


halimbawa:
araw-araw, para-paraan

b. sa isahang pantig na tunog o onomatopeya


halimbawa:
tik-tak, brum-brum

c. sa paghihiwalay ng katinig at patinig


halimbawa:
pag-aaral, mag-asawa

d. sa paghihiwalay sa sinusundang pangngalang pantangi


halimbawa:
pa-Marikina, maka-Pilipino

Sanggunian: Taylan, D., Petras, J., Geronimo, J., Batnag, A. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Lungsod ng Maynila: REX Bookstore, 2016
Pamagat ng Kurso: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Aralin 9: Kakayahang Lingguwistiko

e. sa paghihiwalay sa sinusundang banyagang salita na nasa orihinal na Baybay


halimbawa:
mag-compute, pa-encode

f. sa pantig na may kakaibang bigat sa pagbigkas, partikular sa sinaunang


Tagalog at sa iba pang wika sa Pilipinas
halimbawa:
gab-i, mus-ing, lab-ong

g. sa bagong tambalang salita


halimbawa:
lipat-bahay, amoy-pawis

h. sa paghihiwalay ng numero sa oras at petsang may ika-


halimbawa:
ika-12 ng tanghali, ika-23 ng Mayo

i. at sa pagbilang ng oras, numero man o salita, na ikinakabit sa alas-


halimbawa:
alas-2 ng hapon, alas-dos ng hapon

j. sa kasunod ng “de”
halimbawa:
de-lata, de-kolor

k. sa kasunod ng “di”
halimbawa:
di-mahawakan, di-kalakihan

l. sa apelyido ng babaeng nag-asawa upang maipakita ang orihinal na apelyido


noong dalaga pa
halimbawa:
Genoveva Edroza-Matute

Sanggunian: Taylan, D., Petras, J., Geronimo, J., Batnag, A. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Lungsod ng Maynila: REX Bookstore, 2016

You might also like