You are on page 1of 19

Retorika at Gramatika

Ang balarila (mula sa bala + (ng) + dila) ay ang pag-aaral


hinggil sa isang wika na kinabibilangan ng mga
sumusunod: ng morpolohiya o pagsusuri sa
pakakabalangkas ng mga) Ang morpolohiya ay ang sangay
ng linggwistika na nag-aaral ng morpema (morpheme) o
ang pinakamaliit na yunit ng tunog na may kahuluguhan;
ng sintaks (syntax) o pagsasaayos upang ang mga salita ay
maging makabuluhang mga pangungusap; ng ponolohiya
o wastong pagbigkas o Ang pag-aaral sa mahahalagang
tunog ng wika na nagbibigay kahulugan sa pagbigkas ng
salita o nagbibigay ng ng pagbabago sa kahulugan ng mga
salita ; ng semantika o kahulugan ng mga salita at parirala;
Pag-aaral na tumatalakay kung paano
nabibigyangkahulugan ang mga salita batay sa paggamit
nito sa pangungusap o .at ng etimolohiya o ugat o
palaugatan ng mga salita. Ang tawag sa tunog na may
kahulugan din pero pinakamaliit na bahagi ng wika ay
PONEMA.
Tumutukoy din ang balarila sa pagsulat o pananalitang
inihahambing sa wastong paggamit.
Ito rin ang kaalaman hinggil sa mga salita, parirala, sugnay
at mga pangungusap na nagtuturo ng wastong
kabalangkasan, palakahuluganan, palabigkasan, at
palaugatan ng mga salita.
Kung minsan, tumukoy din ang salita sa mga aklat na
pambalarila, na nagiging batayang simulain, pamatagan o
saligan ng mga kaalaman.
Tinatawag din itong gramatika o palatuntunan ng isang
wika Gramatika sa Proseso ng Mabisang Pagpapahayag
Ang retorika ay may tungkuling pagandahin at patimyasin
ang isang pahayag, samantalang ang gramatika ay
pinangangalagaan ang kawastuhan para maging malinaw
ang pagpapahayag.
Tatlong (3) mahahalagang bagay ang sinasaklaw ng wika:
-aaral ng anyo uri ng mga salita.

-uugnayan ng mga salita sa isang pahayag


upang makabuo ng malinaw na kaisipan o ideya.

3. 1. Pag-aaral ng anyo uri ng mga salita


= Kung may kabatiran sa pagpapalawak ng mga salita,
nagkakaroon ng pagkakataong makapili at makagamit
ng isang angkop na salita.
Halimbawa: A. Siniliran niya ng mga pinamili ang bag.
(Mahina)
B. Sindlan niya ng mga pinamili ang bag.
(Pinalakas)

2. Tamang Paggamit ng Salita

kalinawan ng pagpapahayag at nakapagpapamali sa isang


pahayag. mayroong salitang magkasing-anyo o magka- uri
subalit may tiyak at ibang pinaggagamitan.
Halimbawa: magkaiba ang gamit ng tingin, titig, tanaw,
sulyap.
A. Tingin - mababaw na pagbibigay-pansin
B. Titig - matagal na tingin, may diwa ng pagsusuri.
C. Tanaw - pagbibigay-pansin sa isang bagay na
malayo.
D. Sulyap - panakaw na tingin

3. Tamang Pag-uugnayan ng mga Salita


-ugnay ng mga salita ay
nakaktulong upang maging maayos ang pagpapahayag.
Halimbawa: - ang gamit at katuturan ng mga salita ng
magkakasingkahulugan ay di-dapat ipagkamali sa isa’t isa.
A. Bumaba ng bahay ang mga bata. (Mahina)
B. Nanaog ng bahay ang mga bata.. (Pinabuti)

kahulugan ng mga salita at pangungusap.


- salitang may dalawa o mahigit pang
kahulugan na magka-ugnay Hal: marka

Sangkap ng Retorika

Saklaw ng Retorika =WIKA ,SINING LIPUNAN, PILOSOPIYA


,PANAHON AT SITWASYON

bahagi ng pananalita/panalita (Part of speech), o


kauriang panleksiko, ay isang lingguwistikong kaurian ng
mga salita na pangkalahatang binibigyang kahulugan sa
pamamagitan ng sintaktiko at morpolohikong asal ng
bahaging panleksikong tinutukoy.

 May sampung bahagi ng pananalita. Ang mga ito ay;


pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-
abay, pantukoy, pangatnig, pang- ukol, pang- angkop at
pandamdam. Balarila ng Wikang Pambansa (1939;1944)
ni Lope K. Santos)

Mga Nominal
a. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng
pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian,
pangyayari, atbp.
b. Panghalip (pronoun) - mga salitang panghahali sa
pangngalan
2. Pandiwa (verb) - mga salitang nagsasaad ng kilos o
nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita

Mga panuring (mga modifier) a. Pang-uri (adjective) -


mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa
pangngalan at panghalip
b. Pang-abay (adverb) - mga salitang nagbibigay-turing o
naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa nito pang-
abay

Mga Pang-ugnay (Connectives)


a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng
dalawang salita, parirala o sugnay
b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa
panuring at salitang tinuturingan
c. Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay sa
isang pangngalan sa iba pang salita

Mga Pananda (Markers)


a. Pantukoy (article/determiner) - mga salitang laging
nangunguna sa pangngalan o panghalip
b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) - salitang
nagkakawing ng paksa (o simuno) at panaguri.
Pandamdam (interjection) mga salitang nagsasaad ng
matinding damdamin.

PANG-UGNAY
relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring
salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.

PANG-UKOL (preposition) -
uugnay sa pangngalan o panghalip sa ibang salita sa
pangungusap. sa para sa ayon para kay tungkol sa na may
Halimbawa: Ang kanyang nilutong tinola ay para sa
kanyang asawa at mga anak.

Mga Gamit ng Pang-ukol g kinalalagyan o


patutunguhan ng isang bagay. Halimbawa: Ang pera ay
nasa loob ng kuwarto ni Coby
Upang ipakita ang dahilan o pagmamay-ari.
Halimbawa: Ang bagong damit ay para kay Lita.
Ang layon ng pang-ukol ay maaaring pangngalan o
panghalip. Halimbawa: Ang kanyang talumpati ay para sa
kababaihan.

PANGATNIG (Conjunction
o salitang naguugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay
na pinagsusunod-sunod sa pangungusap: at pati, saka, o,
ni, maging ,subalit ,ngunit, kung, bago, upang, sana, dahil,
sa, sapagkat atb.
Gamit ng Pangatnig -ugnay
Halimbawa: Ang langis saka tubig ay hindi mapagsama.
-ugnay Halimbawa: Ang
paglalaba ng damit at paglilinis ng bahay ang kanyang
hanapbuhay.

Uri ng Pangatnig
1. Panimbang -Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita,
parirala, o sugnay. at saka, pati ngunit ,maging,
datapuwat, subalit
Halimbawa: a). Gusto niyang bumili ng damit, ngunit wala
siyang pera.
b). Naglinis muna si Hannah, saka siya nagluto.
2. Pantulong -Ito ay nag-uugnay ng di-magkapantay na
salita, parirala o sugnay. Kung, kapag, upang, para,
nang, sapagka,t dahil sa,
Halimbawa: a) Nagtrabaho siya ng mabuti, para makabili
siya ng damit.
b).Umasenso ang kanyang buhay, dahil sa
kanyang pagsisikap

PANG-ANGKOP -

pang-angkop na ginagamit: na, -g, at –ng

WAstong gamit ng NANG


Nang
pangungusap; katumbas ng when sa Ingles.
Halimbawa: Tulog na ang mga anak nang dumating
ang kanilang ina.
-ugat na inuulit.
a na at
inaangkupan ng ng at inilalagay sa pagitan ng pandiwa
at pang-abay
. Halimbawa: Nag-aral nang mabuti si Juan.

“upang” . Halimbawa: Sumulat ka nang sumulat ng


mga kuwento nang manalo ka sa patimpalak.

pangungusap; bilang panimula ng katulong na sugnay


o sugnay na di makapag-iisa. Halimbawa: Nang siya’y
umalis, dumating ang panauhin.

pangungusap;

Maghugas ka ng pinggan nang makakain na kayo.

Gamit NG

pandiwang palipat.
Halimbawa: Nagtanim ng palay si Jesusa na isang
magsasaka.
ng pandiwa.
Halimbawa: Tinulungan ng dalaga ang kanyang
lola sa pagtawid.
-ari ng
isang bagay o katangian. Halimbawa: Ang boses ng
bayan ang dapat na mananaig.

looban ng simbahan.
-ukol na ang katumbas at tamang
pagkaka- ugnay ng mga salita sa isang pahayag upang
makabuo ng malinaw na kaisipan o diwa. Halimbawa:
Pinalo niya ng kahoy ang magnanakaw.
-ukol na ang katumbas ay sa.
Halimbawa: Ang mga mag-aaral ay nagpunta ng
Baguio.
-ukol na nagpapakilala ng
pangngalang paari. Halimbawa: Tumatanggap ng plake
ang kanyang anak.

siyang layuan ng agam-agam.

Gamit ng MAY

sinusundan ng pangngalan.
Halimbawa: May kasalanang ginawa sina Flor at Liza
kagabi.
May tumawa dahil sa nasabing balita.
-uri. Halimbawa:
May magandang karanasan si Maja tungkol sa pag-ibig.

May mga panoorin sa patyo ng simbahan.


-ukol na sa.
Halimbawa: May sa daga ang anak mong iyan.
Mayroo alip.
Halimbawa: Mayroon kayong libreng gamot sa baranggay.

Halimbawa: Mayroon po kaming ipagtatapat sa inyo.

Halimbawa: May pera ka ba? Mayroon.


-maykaya o
mayaman. Halimbawa: Ang mga Malate ay mayroon sa
probinsya ng Bicol.

din/daw
nagtatapos sa katinig maliban sa w at y. Halimbawa:
Magpapatingin daw siya sa doktor ngayon.

rin/raw
nagtatapos sa patinig at malapatinig na w at y. Halimbawa:
Ikaw raw ay makakasama sa bakasyon patungong Baguio.
May handa raw tayo sa darating na kaarawan ni tatay.
Pinto
ibinubukas. Halimbawa: Isinasara niya ang pinto upang
hindi makapasok ang magnanakaw.
Pintuan
Halimbawa: Hindi pa napipinturahan ang pinto sa
pintuan.
Pahiran Lagyan ng isang bagay sa pamamagitan ng
pamunas o sa pamamagitan ng kamay. Halimbawa:
Pahiran mo ng langis ang natutuyo mong balat.
Pahirin
pamamagitan ng kamay.
Subukin
Halimbawa: Subukin mong gumamit ng Ariel sa
paglalaba.
Subukan
Halimbawa: Subukan mo kung ano ang ginagawa niya
sa aklatan.

Tayutay
paraan ng paggamit ng mga salita sa layuning gawing
makulay, kaakit-akit at lalong mabisa sa
pagpapahayag.

1. Pagtutulad (simile) -tuwirang


pagkukumpara ng dalawang bagay na magkaiba ng uri
at gumagamit ng mga parirala tulad ng tulad ng,
kawangis ng, gaya ng, animo’y at iba pa. Halimbawa:
Tulad ng isang ibon, tao rin ay namamatay.
2. Pagwawangis (metaphor)
pahayag na nagpapahaiwatig ng pagkukumpara ng
dalawang bagay na magkaiba ng uri. Hindi na ito
ginagamitan ng mga pariralang tulad ng, kawangis ng,
gaya ng, animo’y at iba pa. Halimbawa: Ang kanyang
buhay ay isang bukas na aklat.
3. Pagbibigay-katauhan (personification)
ng mga katangian ng tao sa isang bagay. Naipahayag
ito sa pamamagitan ng paggamit ng pandiwa.
Halimbawa: Sumasayaw ang mga alon sa karagatan.
4. Pagmamalabis (hyperbole)
eksaherado o labis sa katotohanan. Halimbawa:
Nagliliyab ang mga mata ng galit na galit na lalaki.
5. Pagtawag (apostrophe)
pagkausap sa isang tao (karaniwang patay o wala sa
isang tiyak na pook) o isang bagay o bahagi ng
kaligtasan na binibigyan ng katangiang pantao.
Halimbawa: Tukso, layuan mo ako.
6. Pagpapalit-tawag (metonymy)
salitang panumbas o nagpapahiwatig ng kahulugan ng
di tinutukoy na salita; ang pagpapalit ng katawagan sa
bagay na tinutukoy. Halimbawa: Si Jessa ang tala ng
kanilang nayon.
7. Pagpapalit-saklaw (synecdoche)
bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan; maaari namang
nag-iisang tao ang kumakaktawan sa ibang pangkat.
Halimbawa: Isang kayumanggi ang pinangaralan sa
larangan ng boksing.
8. Paghihimig (onomatopoeia)
himig ng salita ay nagagawang maihatid ang kahulugan
nito. Halimbawa: Kumabog sa matigas na lupa ang
bumagsak na kargamento mula sa trak.
9. Pagtatambis (oxymoron
bagay na magkasalungat upang higit na magkatingkad
ang bisa ng pagpapahayag. Ito ay kadalasang mahaba.
Halimbawa: Ang buhay sa mundo ay tunay na
nakakatawa: may lungkot ay may ligaya, mmay dilim at
may liwanag, may tawa at may luha.
10. Pagsalungat (epigram
pagtatambis kaya nga lamang ay maikli at matalinhaga.
Halimbawa: Natalo siya upang muling manalo.
11. Paglulumanay (euphemism)
salitang nagpapaganda ng pangit na pahayag.
Halimbawa: Ang lalakeng naglalaro ng apoy ay
humantong sa isang makabagbag damdaming tagpo sa
harap ng kapitbahay.
12. Parelelismo (parallelism)
may halos iisang istruktura. Halimbawa: Sama-samang
nabubuhay, Sama-samang namamatay.
13. Pagpapalit-wika (transferred epithets) -
uring ginagamit lamang sa tao ay inililipat sa mga
bagay. Halimbawa: Ang mapagkandiling plato ay
naghain sa kanya ng pagkain.
14. Pag-uyam (Irony o Sarcasm)
salitang kabaligtaran na kahulugan at taliwas sa
katotohanan. Halimbawa: Siya ay may magandang
mukha na kung saan tanging ina niya lang ang
humahanga.
15. Pagtanggi (Litotes
HINDI upang maipahayag ang makabuluhang pagsang-
ayon. Halimbawa: Hindi ko sinasabing ayaw ko sa
kanya pero suklam na suklam ako sa kanya.
16. Pagdaramdam
pangkaraniwan damdamin. Halimbawa: Nakakaawa
ang sinapit niya. Dahil sa pagtataksil niya ay iniwan siya
ng kanyang asawa.
17. Tambisan (Antithesis)
na magkakasalungatan upang higit na mapatingkad
ang bisa ng pagpapahayag. Halimbawa: Siya’y isang
taon napanday ng panahon. Naranasan niya ang
maghirap at yumaman, nakilala, at di-papansin, lapitan
ng mga kaibigan sa panahong mayroon siya at itakwil
sa kawalan niya. Kaya handa naniyang harapin ang
pakikibaka sa buhay.
18. Tanong Retorikal
naman talaga kakailanganin ng sagot kundi ang layunin
ay maikintal sa isipan ng nakikinig ang mensahe.
Halimbawa: Natutulog ba ang Diyos? 18. Pag-uulit
-uulit ng mga tunog-katinig o
magkatulad na titik o pantig sa inisyal na bahagi ng
salita. Halimbawa: Makikita sa mga mata ni Maria ang
mga masasayang nangyari sa kaniya kasama ni Marco.
(makikita, mga, mata, Maria, masasayang, Marco)
19. Pag-uulit ng mga tunog-katinig o
magkatulad na titik o pantig sa pinal na bahagi ng
salita. Halimbawa: Ang aking pagmamahal para kay
Rosal ay lalong tumatatag habang tumatagal.
(pagmamahal, Rosal, tumatagal)

20. Asonans -uulit ng mga tunog-katinig o


magkatulad na titik o pantig sa alinmang bahagi ng
salita. Halimbawa: Ang aking alagang aso ay agad kong
pinaliguan pagdating ko sa amin. (ang, aking, alagang,
aso, agad, amin)

21 Pag-uulit sa unang bahagi ng pahayag o


ng isang taludtod. Halimbawa: Ikaw ang aking
pangarap. Ikaw ang bigay ng Maykapal. Ikaw ang lahat
sa akin.

22. Epipora -uulit naman ito sa huling bahagi ng


pahayag o ng isang taludtod. Halimbawa: Ang
Konstitusyon ay para sa mamamayan. Gawa ng
mamamayan. At mula sa mamamayan.
23. Anadiplosis -uulit ay
sa una’t huli. Halimbawa: Ang mahal ko ay ikaw Ikaw
ay nagbibigay ng ilaw Ilaw sa gabi ng dilim Dilim man o
liwanag, ikaw ay mahal parin.

24. Pagsususkdol -baitang na


pagsasaad ng mga bagay o pangyayari hanggang sa
umabot sa pinakamahalaga. Halimbawa: Unang
nararamdaman niya ang butil-butil na pawis sa
kanyang noo. Kasunod noon ang panlalamig ng buo
niyang katawan. Nagdilim ang buong paligid at siya ay
bumagsak.

Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag


na ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang
salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga
kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang
pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at
kaugalian ng isang lugal

Halimbawa[baguhin | baguhin ang batayan]


butas ang bulsa - walang pera
ilaw ng tahanan – ina alog na ang
baba - matanda na
alimuom – baho bahag ang
buntot - duwag
ikurus sa kamay (o ibang bahagi ng katawan) - tandaan
bukas ang palad – matulungin kapilas
ng buhay - asawa
nagbibilang ng poste - walang trabaho
basag ang pula - luko-luko
ibaon sa hukay – kalimutan taingang
kawali - nagbibingi-bingihan

Halimbawa ng Kasabihan
 Ang batang makulit, napapalo sa puwit.
 Ang batang matalino, nag-aaral ng husto.
 Ang batang iyakin, nagiging mutain.
 Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa
kamatayan.
 Dapat lahat tayo ay magpakabuti, sapagkat ang
kamatayan ay nakasunod parati.
 Ang batang matapat, pinagtitiwalaan ng lahat.
 Ang batang hindi matapat, ay masahol pa sa isang
ahas sa gubat.
 Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa
kamatayan.
 Ang nagsasabi ng tapat, ay nagsasama ng matagal.

Ang salawikain ay binubuo ng mga parirala sa anyong


patula na karaniwang naghahayag ng mga gintong aral.
Ang mga salawikain, kawikaan, kasabihan, wikain, o
sawikain ay mga maiiksing pangungusap na lubhang
makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating
pang-araw-araw na.

Ito ay naglalaman ng mga karungungan at aral tungkol sa


kabutihang asal, pakikipag-kapwa tao, pagmamalasakit sa
bayan, at pagmamahal at paglilingkod sa Diyos.
Naglalahad din ito ng mga pangkalahatang katotohanan at
mga pagmamasid tungkol sa kalikasan at buhay ng tao.

MGA HALIMBAWA NG SALAWIKAIN


 Kung ano ang puno, siya ang bunga.
 Kung may tinanim, may aanihin.
 Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
 Malaking puno, ngunit walang lilim.
 Ang ampalaya kahit anong pait, sa nagkakagusto’y
matamis.
 Ang isip ay parang itak, sa hasa tumatalas.
 Kung anong bukang bibig ay siyang nilalaman ng
dibdib.
 Mabuti pa ang kubong nakatira’y tao kaysa
mansyon ang nakatira’y kuwago.
 Ako ang nagbayo, Ako ang nagsaing. Saka ng
maluto’y, Iba ang kumain.
 Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang, Tayong lahat
ay arkitekto ng sariling kapalaran.
 Ang bulsang laging mapagbigay, Hindi nawawalan
ng laman.
 Ang puri at ang dangal, Mahalaga kaysa buhay.
 Kung aakyat ka nga’t mahuhulog naman, Mabuting
sa lupa’y mamulot na lamang.

You might also like