You are on page 1of 4

LYCEUM NORTHWESTER UNIVERSITY

Tapuac District, Dagupan City

INSTITUTE OF GRADUATE AND PROFESSIONAL


STUDIES

Name: JOHN MICHAEL S. SALAZAR

Subject: PANIMULANG LINGGWISTIKA

Professor: DR. GLORIA PARAGAS

Course: MEd Filipino


______________________________________________________________________

MGA SALITANG PANGKAYARIAN

(Function Words)

1. Mga Pananda (Markers)

a. Pantukoy
- ang pangtukoy ay katagang ginagamit sa pagtukoy ng pangngalan.
Hindi maaaring ihiwalay ang pantukoy sa pangngalan sapagkat
ipinakikilala nito ang ugnayan ng pangngalan sa ibang bahagi ng
pangungusap.

URI NG PANTUKOY

 Pantukoy na Pambalana – ginagamit ito bilang pananda sa pangngalang


pambalanan tulad ng ng, ang, ang mga, ng, ng mga, sa, sa mga.

Halimbawa: Ang panalangin ay mahalaga bilang bahagi ng buhay ng tao.

Ang mga bata ay nagsisipaglaro sa ilog.

 Pantukoy na Pantangi – ginagamit ito bilang pananda sa pangngalang pantangi


tulad ng si, sina, ni, nina, kay, kina

Halimbawa: Kinuha ni Rafael ang bulaklak sa hardin upang ialay sa mahal na birhen.

Pinuntahan nina Antonio at Anthony ang kanilang kaklase.


b. Pangawing
- Sa makabagong pananaw panggramatika, isa nang panandang
pangkayarian ang ay at hindi na ito bilang isang pandiwa. Makikita
ang ay sa pangungusap na di-karaniwang ayos sapagkat ito ay lantad,
nauuna ang paksa kaysa panag-uri.
- Ang ay, ang katagang ginagamit na tagapag-ugnay ng simuno at
panag-uri sa di-karaniwang ayos ng pangungusap at nagsisilbing isang
pananda na lamang.

2. Mga Pang-ugnay (Connectives)

a. Pang-ukol
- ito ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa isang
pangngalan o panghalip at sa ibang salita sa loob ng pangungusap.
- ito ay mga katagang iniuugnay sa lugar, direksyon, at kinauukulan.
- para sa/kay, ukol sa/kay, ayon sa/kay, hinggil sa/kay, at iba pa.
- kapag ang tinutukoy ay tao, ang sa ay napapalitan ng kay.

Halimbawa: Ang mga damit ay para sa sanggol

Ang mga gulay ay naitanim dahil sa iyo

Hindi siya nakapunta sa handaan dahil kay Peter

b. Pang-angkop
- ito ay mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
Ito ay nagpapaganda sa mga pariralang pinanggagamitan.

TATLONG ANYO NG PANG-ANGKOP

 Pang-angkop na NA – ito ay ginagamit kapag ang salitang inaangkupan ay


nagtatapos sa katinig maliban sa N.

Halimbawa: matatag na ekonomiya

mabilis na pag-unlad

mabait na mag-aaral

 Pang-angkop na NG – ginagamit ito kung ang inaangkupan ay nagtatapos naman


sa patinig.

Halimbawa: babaeng nagluluksa


bagong kalihim

dalagang sawi

 Pang-angkop na G – ginagamit ito kapag ang salitang inaangkupan sa letrang N.

Halimbawa: matuling sasakyan

masayahing bata

bayang pinagmulan

c. Pangatnig
- ito ay kataga o salitang nag-uugnay sa isang salita sa kapwa salita,
parirala sa kapwa parirala, at sugnay sa kapwa sugnay na
pinagsusunod-sunod sa pangungusap.

MGA URI NG PANGATNIG

 Pandagdag/Adisyon – ito ay nagsasaad ng diwa ng pagpupuno o pagdaragdag


ng impormasyon. Ang mga pangatnig na at, saka, at saka, ni, man, pati.

Halimbawa: Ang pagsusugpo sa bisyo at krimen ay puspusang ikinakampanya

 Pagbibigay Ekspresyon – ito ay nagsasaad ng pagbubukod/paghihiwalay o


pagsasali tulad ng maliban sa, puwera, huwag lang, kundi lang, bukod sa, at
lamang.

Halimbawa: Maliban sa tatay ay wala ng kumikita sa amin.

 Pagbibigay Sanhi/Dahilan – pinag-uugnay nito ang lipon ng salita upang


magbigay katwiran at magsabi ng kadahilanan tulad ng dahil sa, sapagkat,
palibhasa, kasi, kaya, at mangyari.

Halimbawa: Si Theresa ay hindi nakapagpatuloy sa pag-aaral sapagkat nagkasakit ang


ama nito.

 Paglalahad ng Bunga/Resulta – ito ay nagsasaad ng kinalabasan o kinahinatnan


tulad ng kaya, tuloy, at bunga.

Halimbawa: Naulanan si Ricardo kaya siya nagkasakit.

 Pagbibigay Layunin – nagsasaad ng hangarin o naisin tulad ng ganoon/gayon,


nang, upang, para

Halimbawa: Magtulungan tayo nang matapos na ang ating proyekto.

 Pagbibigay Kondisyon – nagsasaad ng kondisyon o panubali tulad ng kapag,


kung, sakali, basta
Halimbawa: Kung ikaw ay nakasakay kaagad, aabutin mo pa siya sa airport.

 Kontrast/Pagsalungat – nagsasaad ng pag-iiba, pagkontra o pagtutol tulad ng


pero, ngunit, sa halip, datapwat, bagamat, samantala

Halimbawa: Tag-araw ngayon ngunit umuulan sa Baguio.

 Pagbibigay-Konklusyon – nagsasaad mg panghuling pananaw o opinion tulad


ng samakatuwid, kung kaya, kaya, kung gayon, anupa’t

Halimbawa: Anupa’t ang taong walang pera, tulad ng ibong walang pakpak.

 Pagpapatotoo – ito ay nagsasaad ng pagpapatunay tulad ng sa totoo lang, sa


katunayan.

Halimbawa: Sa totoo lang, matatapos na ang proyekto natin.

You might also like