You are on page 1of 1

FILIPINO 7

Mga Retorikal na Pang- Ugnay na Ginagamit sa mga Akda

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA

 Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa akda (kung, kapag, sakali, at iba pa), sa
paglalahad (una , ikalawa, halimbawa, at iba pa; isang araw, samantala, at iba pa), sa pagbuo ng editoryal na
nanghihikayat (totoo/tunay, talaga, pero/ subalit, at iba pa).

II. PANIMULA (SUSING KONSEPTO)

RETORIKAL NA PANG-UGNAY

Ang pag-uugnayan ng iba’t ibang bahagi ng pagpapahayag ay mahalaga upang makita ang pag-uugnayang
namamagitan sa pangungusap o bahagi ng teksto. Sa Filipino, ang mga pang-ugnay na ito ay kadalasang
kinakatawan ng pang-angkop, pang-ukol at pangatnig.

1. Pang-angkop – Ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganda
lamang ng mga pariralang pinaggagamitan. May tatlong uri ng pang-angkop.

 Pang-angkop na “na” ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig


maliban sa n. Hindi ito isinusulat nang nakadikit sa unang salita. (Halimbawa:
mapagmahal na hari)

 Pang-angkop na “–ng” ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa mga


patinig. Ikinakabit ito sa unang salita. (Halimbawa: mabuting kapatid)

 Pang-angkop na “–g” ay ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa “n”


(Halimbawa: huwarang pinuno)

2. Pang-ukol – Ito ay kataga/salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang mga salita sa pangungusap.
Narito ang mga kataga/ pariralang malimit na gamiting pang-ukol.
 sa, ng, kay/kina, alinsunod sa/kay, laban sa/kay, ayon sa/kay,
hinggil sa/kay, ukol sa/kay, para sa/kay, tungkol sa/kay

3. Pangatnig sa mga kataga/salita na nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay

 Pangatnig na pandagdag (at, pati) (Halimbawa: Maganda at mabait si Anna.)

 Pangatnig na pamukod (o, ni, maging) {Halimbawa: Binilik ni Carmel ang bag na nakita niya.)

 Pagbibigay sanhi/dahilan (dahil sa, sapagkat, palibhasa) (Halimbawa: Dahil sa ulan, hindi nakapasok
ang mga bata sa paaralan.)

 Paglalahad ng bunga o resulta (bunga, kaya o kaya naman) (Halimbawa: Magaling sumagot si Aira
kaya mataas ang kanyang grado.)

 Pagbibigay ng kondisyon (kapag, pag, kung, basta) (Halimbawa: Kapag gumawa ka ng tama,
makakakuha ka ng magandang kapalit.)

 Pagsasaad ng kontrast o pagsalungat (ngunit,subalit, datapwat, bagama’t) (Halimbawa: Maganda si


Nina subalit hindi niya ginagawa ang kanyang mga takdang aralin.)

You might also like