You are on page 1of 1

FILIPINO 7

Pagsusuri ng Isang Dokyu- Film

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA

 Nasusuri ang isang dokyu-film batay sa ibinigay na mga pamantayan.


 Naisalaysay nang maayos at wasto ang buod, pagkasunod-sunod ng mga pangyayari
sa kuwento, mito, alamat, at kuwentong-bayan.

II. PANIMULA (SUSING KONSEPTO)

Mga Elemento ng Dokyu-Film

1. Sequence Script – Tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ng kuwento sa


dokyu-film. Dito makikita ang layunin ng kuwento.

2. Sinematograpiya – Paraan ng pagkuha ng wastong anggulo upang maipakita sa mga


manonood ang pangyayari sa bisa ng ilaw at lente ng camera.

3. Tunog at musika- pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at


linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin ng mga manonood.
Ang isang dokumentaryo o dokyu-film ay isang likhang sining na sumusubaybay sa
totoong pangyayari sa buhay ng isang tao, isang kaganapan, o mga pangyayari na sumusunod
sa mga maiinit na isyu.

Bilang isang dokyu-film, may layunin ito na ibigay ang katotohanan sa mga
manonood galing mismo sa mga taong nasa sentro ng sine. Walang mga script na sinusunod
ang mga taong nasa dokyu-film at natural lamang ang mga pangyayari.

Mga Elemento ng Maikling Kuwento

Ang Maikling Kuwento ay anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga


pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at mag-iwan ng kakintalan sa mga mambabasa.
Kailangan ng isang maikling kuwento ay ang mga elemento na siyang magsasabi sa
ikagaganda nito tulad ng:

1.Tauhan – siyang gumaganap


2.Tagpuan – pinangyarihan ng kilos ng mga tauhan.
3.Banghay – ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
 Simula – pagpapakilala ng mga tauhan.
 Tunggalian/Madulang Pangyayari – pataas na aksiyon na bahagi
pakikipaglaban ng mga tauhan
 Kasukdulan – naglalaman ng pinakamatinding galaw o pangyayari
 Kakalasan – pagbaba ng kuwento tungo sa wakas
 Wakas – kinahinatnan ng kuwento at maaaring masaya o malungkot

You might also like