You are on page 1of 1

FILIPINO 7

Pagkamakatotohanan ng mga Pangyayari

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA

Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling karanasan


F7PB-lh-i-5

II. PANIMULA (SUSING KONSEPTO)

PAGKAMAKATOTOHANAN NG MGA PANGYAYARI

Ang kakayahang masuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari ay isang mahalagang


kasanayang dapat taglayin ng bawat isa. Gamit ito ay nagagawa nating matukoy kung tama ba ang mga bagay
na ating nakikita, o mga impormasyon na ating nababasa. Upang masuri kung totoo ba ang mga pangyayari,
dapat ay may kakayahan ang isang mambabasa na tukuyin kung ang pahayag ay galing sa isang
makatotohanang sanggunian.

Ang mga pahayag na ito ay maaaring hudyat na ang impormasyon ay may pinagbatayang sanggunian
at maaaring timbangan ng katotohanan.
 Ayon sa - ginagamit ito upang magpatunay o magbigay ng batayan sa isang pahayag o impormasyon.
Karaniwang inuugma ito sa mga opinyon, pag-aaral, o reserba.
Hal.
1. Ayon sa ulat ng kagawaran ng kalusugan, patuloy ang pag-usbong ng bilang ng mga kaso ng
COVID-19 sa aming bansa.
2. Ayon sa pahayag ng aming guro, mayroong surprise quiz sa susunod na linggo.
3. Ayon sa aking kaibigan, magkakaroon daw ng malakas na bagyo sa mga darating na araw.

 Batay sa - ipinapakita nito ang pinagmulan o sanhi ng isang ideya o pangyayari. Karaniwang
ginagamit sa mga pagsasalaysay ng mga sanhi at bunga.
Hal.
1. Batay sa aming pagsasaliksik, lumalabas na may mabuting epekto sa kalusugan ang regular na
ehersisyo.
2. Batay sa kasaysayan, itinatag ang aming bansa noong ika-12 ng Hunyo, 1898.
3. Batay sa mga pangyayari, matutunan natin ang mga aral mula sa ating mga pagkakamali.

 Alinsunod sa - ginagamit ito upang ipakita ang pagkaka-ugma o pagsunod sa mga alituntunin,
regulasyon, o plano. Karaniwang inuugma ito sa mga patakaran o direktiba.
Hal.
1. Alinsunod sa aming kautusan, ang paggamit ng seatbelt ay isang kinakailangan sa aming
sasakyan.
2. Alinsunod sa aming plano, simula bukas ay magkakaroon na ng masusing pagsasanay ang aming
koponan.
3. Alinsunod sa aming mga alituntunin, bawal ang pagsusugal sa aming paaralan.

Maliban sa mga pahayag na ito ay maaari ring matukoy ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari
batay sa sariling karanasan. Kapag ang isang pahayag ay naranasan ng mambabasa sa totoong buhay, ito ay
maituturing na makatotohanang pangyayari.

You might also like