You are on page 1of 1

Coronado, Jmy Rose J.

BSN-2A

Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina


1. Bakit mahalaga na mapagkakatiwalaan ang mga batis ng impormasyon na ginagamit sa mga
pananaliksik?
Ang maayos na pananaliksik ay nangangailangan ng lehitimong impormasyon dahil ito ang unang
paraan upang maka-kalap ng lehitimong resulta. Ito ang makakapag-kumbinsi sa mga mambabasa o sa
mga ibang nananaliksik na tama ang ating mga ipinapahayag dahil ang bahagi ng proseso ay nagmula sa
mga totoong artikulo, libro, o mga tao mismo. Hindi lahat ng mga impormasyong ating nakukuha ay
totoo, o angkop sa ating pananaliksik, kung kaya’t dapat itong isaalang-alang. Ang mapagkakatiwalaang
impormasyon ay mahalagang sandata para sa hinaharap. Maaari itong maging malaking tulong upang
masolusyonan ang mga problemang may kaugnayan sa ating sariling pananaliksik. Bawat maling
impormasyon ay may epekto sa kalalabasan ng ating pagsusuri o pagsisiyasat.
2. Sa iyong palagay, anu-ano ang maaaring gawin o buoing pananaliksik na makakatulong sa edukasyon
sa gitna ng pandemyang ito? Bakit?
Bilang isang student nars, maraming mga ideya sa pananaliksik na maaaring makatulong sa atin
kung i-uugnay ang umiiral na pandemya. Maaaring pag-aralan ang epidemiology (pattern ng disease) ng
COVID-19, kung saan masusuri kung sino-sino ang mga taong madaling tablan ng sakit, saan ito
kadalasang nananatili, kung paano ito naiipasa, paano ito nagbabago at iba pa. Ngunit dahil marami nang
pananaliksik na umiiral nito sa kasalukuyan, magiging kawili-wili sana ang pananaliksik na ukol sa mga
alternatibong bagay o gamit sa bahay o kalikasan na maaaring maging epektibong panangga sa virus
kung hindi kaya bumili ng mga safety gears gaya ng face mask o face shield. Marami sa ating kababayan,
lalo na sa mga probinsya ang hindi maisama sa prayoridad ang pagbili ng mga gamit sa kaligtasan na
naaayon sa protokol ng ating gobyerno, kaya magiging kapaki-pakinabang ang mga materyal sa ating
kapaligiran na hindi kailangang pagka-gastusan ng kahit sino, ngunit magiging epektibong gamit sa
paglaban sa virus. Sa tingin ko ay malaking tulong kung may pananaliksik ukol sa ganitong bagay na
maaring mai-bahagi natin sa publiko habang hindi pa natatapos ang pandemya.

You might also like