You are on page 1of 26

Gamit at Kahalagahan ng

Pananaliksik

1
Gamit ng Pananaliksik

2
Sa Pang-Araw-Araw na Gawain

May mga pansariling gami at kabuluhan ang


pananaliksik sa isang indibidwal.

Halimbawa: Sa paghahalaman, magtaka ka siguro


kung sa tinagal-tagal ng panahon na tinataniman mo
ang halaman mo ay mapansin mong hindi na lumaki
ang mga nakatanim dito o kaya’y unti-unting
namamatay ang mga ito.
3
Siyempre, iisa-isahin mo sa isip ang mga puwedeng
dahilan ng ipinagkakaganoon ng mga halaman.May
mga anay kaya sa ilalim?May mga sala-salabid kayang
mga ugat kaya hindi makahinga ang mga ito?Kulang
kaya sa pataba ang lupa?

4
Marami pang mga pagpapatunay, paglilinaw,
pagpapatibay, pagpapasubali at pagdaragdag ng mga
kaalaman at ideya ang nagagawa ng tao sa pang-
araw-araw niyang pamumuhay.

Ang mga ito’y mga kasagutan o katugunan sa mga


tanong ng tao sa sarili at sa komunidad sa araw-araw
niyang gawain.

5
Sa Akademikong Gawain

Kadalasan, akala ng marami ay sa akademya lang


ginagawa ang pananaliksik. Siguro, kaya ganito ang
akala ay dito ito pinag-aaralan gaya ng ginagawa mo
ngayon.

6
Tinatawag na sulating pananaliksik or panahunang
papel ang bunga ng gawaing ito na ginagawa ng paris
mong estudyante. Sa mga nagtatapos naman,
tinatawag itong tesis o kaya’s disertasyon.

7
May iba’t ibang pormat at metodolohiya ang
pananaliksik, depende sa larangan.

Mapag-aaralan mo ang mga ito kapag nasa larangan


ka na. Para sa layunin ng kursong ito, ang mga
pangkalahatang kaalaman lang ukol sa pananaliksik
ang pag-aaralan mo.

8
Malaki ang nagagawa ng pananaliksik sa kolehiyo
para magkaroon ng disiplina sa pag-aaral,
motibasyon sa mas malalim pang pag-aaral, at
kahandaan sa iba pang mga gawaing pang-
akademiko.

Tumutulong din ito para magkaroon ka ng sapat na


kaalaman ukol sa kinabibilangan mong larangan.

9
Sa Kalakal/Bisnes

Bago pumasok sa isang bisnes, ang isang korporasyon


o indibidwal ay gumagawa muna ng pananaliksik at/ o
feasibility study ukol sa potensyal sa market at tubo at
ikatatagumpay ng bisnes na pinasok.

Titignan dito ang clientele o mamimili, lugar, uri ng


produktong ipinagbibili, atbp.

10
Sa gayon, maiiwasan ang sobra o walang kabuluhang
paggasta, pagkalugi at pagsasayang ng oras at pagod.

11
Baka maisipan mong pumasok sa bisnes
pagkagradweyt, makakatulong sa iyo ang magsaliksik
muna ukol sa iyong pinapasok na gawain. Binigyan ka
ng capital ng daddy mo? Gusto mong magpatayo ng
maliit na resort sa lugar ninyo sa prubinsya?

12
Alamin mo muna kung kaya ng mga tagaroon ang
magbayad ng entrance fee at iba pa. Bago ba sa
kanila ang resort? Hindi kaya sila mag-aalangan sa
pagpasok? Ano ba ang sosyo- ekonomikong
kalagayan ng mga taga-inyo?

13
Sa kalahatan, tiyakin mo: Kikita ka ba? Hindi ka ba
malulugi? Hindi ka ba magkakaproblema sa
komunidad? At hindi rin ba magkakaproblema ang
komunidad kung magtatayo ka ng bisnes doon?

14
Malaki man o maliit ang bisnes ay kailangan munang
gawan ng ganitong mga pag-aaral at pananaliksik
upang masigurong magtatagumpay ang proyekto.

15
Sa Iba’t Ibang Institusyong Panggobyerno

Para sa serbisyong panlipunan, ang mga upisina o


institusyong panggobyerno ay nagsasagawa ng
pananaliksik para sa kani-kanilang mga
pangangailangan.

16
Sa larangan ng kalusugan, halimbawa, ang mga
pananaliksik ng Department of Health o kaya’y ng mga
unibersidad gaya ng Unibersidad ng Pilipinas ukol sa
mga pangkaraniwang sakit gaya ng tuberculosis, hika,
polio at high blood pressure ay tumutulong sa
paggamot at pagsugpo ng mga ito.

17
Ang mga pananaliksik ukol sa ekonomiya ng Pilipinas
ay isinasagawa ng NEDA at mga unibersidad.Malaking
kontribusyon ang mga ito sa ikauunlad ng ekonomiya
ng bansa.

Ang mga proyekto ng gobyerno gaya ng


CALABARZON, Subic Bay Freeport, QUADNORTH,
atbp. ay dumaan sa malawakan at malalimang
pananaliksik.

18
Ang pagharap at paglutas sa mga problemang dulot ng
mga kalamidad, at pagsugpo sa paglaganap ng mga
problemang sosyal gaya ng drug addiction,
prostitusyon, rape, kidnapping, graft and corruption at
iba’t ibang krimen ay sinasabayan at ginagabayan ng
mga pananaliksik ng mga ahensyang panggobyerno sa
pakikipagtulungan ng mga institusyong pang-
edukasyon.

19
Kahalagahan ng Pananaliksik

20
1. Layunin ng pananaliksik na ipaalam ang
kaganapan

Ang mga pag-aaral ay nararapat na hanapin upang


ilapat sa konteksto ang resulta o kinalabasan nito.

21
Dahil dito, nararapat lamang na ito ay may mataas
na uri, kalidad at antas upang makalikha ng
karunungang maging sa labas ng pinagsasaliksikan
na may taglay na implikasyong higit pa sa pangkat na
nakilahok sa pag-aaral.

22
2. Ang pananaliksik ay daan sa isang
pagpapalawak ng karunungan at pagtuklas ng
makabagong gamot panlunas at pampagaling

Ang pananaliksik ay nagtaguyod ng ilang pagtuklas sa


agrikultura tulad ng pagpakilala ng mataas na uri ng
pangkontra sa tagtuyot na makapinsala sa mga
pannim.

23
3. Ang pananaliksik ay isang sistematikong
imbestigasyon at pag-aaral ng mga bagay at
hanguan

Ito at nakakatulong upang makabuo ng konsepto at


maabot ang panibagong konklusyon na makahunog sa
pag-unawa ng tao ng tao sa kanyang kinabibilngang
mundo

24
Sa pamamagitan ng resulta ng pag-aaral,
naipaliliwanag ang mga sikolohista ang pag-uugali ng
isang tao, maging ang kanyang pamamaraan kung
paano mag-isip at gumalaw sa iba’t ibang paraan.

25
4. Ang pananaliksik ay nagbigay daan sa
pagpapakilala ng bagong gamot panlunas at

pampagaling
Ito ay sadyang nakatulong sa maraming karamdaman
at nakapagpataas ng pagkaligtas ng maraming buhay.

26

You might also like