You are on page 1of 45

REBYU NG MGA

BATAYANG
KAALAMAN SA
PANANALIKSIK
• Sinasabing ang gawaing pananaliksik ay isinilang ng
magsimulang magtanong ang mga sinaunang tao hinggil sa
mga bagay bagay na pilit din nilang hinahanapan ng mga
kasagutan. Ngunit sinasabi na ang gawaing pananaliksik ay
nagsimula pa kay Galileo Galilie noong 1500

• Bunga ng paglago ng ekonomiya, pag-unlad ng teknolohiya at


mga pagbabago sa mga patakaran sa larangan ng edukasyon,
umusbong ang mga suliraning kaakibat nito.
• Ang Teknolohiya ay isa sa pinakaimportanteng mapag-
kukuhaan ng impormasyon ng mga magaaral sa panahon
ngayon sa pamamagitan ng cellphone , laptop , computer , at
projectors. at sa pamamagitan ng pagsearch ay makikita mo na
ang hinahanap mong impormasyon hindi katulad noon na
kailangan pa ng mga libro upang mahanap ang mga kailangang
impormasyon. sa madaling sabi ang teknolohiya ay
nakatutulong sa atin dahil napapabilis nito ang iba't ibang
gawain ng tao sa kanilang araw-araw na pamumuhay.
• Ang Internet ay mas lalong mahalaga dahil kung
walang internet ay di mo magagamit ang
kahalagahan ng kaalaman o di ka makakapag
siyasat ng iyong hinahanap. Mas epektibong
naibabahagi ng mga estudyante ang kanilang
leksyon nang dahil sa internet. Ang simpleng
prodyektor na ang ginagamit sa mga klasrum ng
mga estudyante.
• Nilalayon nito na maghanap ng mga solusyon sa mga suliraning
kinakaharap sa ibat’ibang larangan ng sa gayon ay mapabuti ang
buhay ng tao at ng pamayanan. Sabi nga nina Good at Scates
(1972), “The purpose of research is to serve man, and the goal
of research is to the good life.”

• Ang gawaing pananaliksik ay nakapagpapayaman ng kaisipan at


nakapagdaragdag ng kaalaman. Nangangailangan ito ng ibayong
pagbabasa at malalim na pag-unawa sa mga konsepto at pag-
aaral. Hinuhubog nito ang kamalayan ng isang mananaliksik
tungo sa isang mahusay na paglalapat ng interpretasyon.
Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik
Gisella Mari A Averion, Florentino L. Elic, Fernando A. Garcia
Ang pananaliksik na ito ay nauukol sa mga karanasang pinadadaanan ng isang batang
ina. Gumamit ang mananaliksik ng quantitative method at random convinient sampling
kung saan base sa “convinience” ang ginawang pagpili ng mga respondante. Tatlumpu’t
lima
(35)na mga batang ina na may edad na 12 hanggang 18 ang respondante ng pag-aaral. Ang
pananaliksik ay naglalayong matukoy ang edad kung saan maraming batang ina ang
nabubuntis. Nilalayon din ng pananaliksik na malaman at mabatid ang mga pinagdadaanan
ng mga batang ina sa aspetong emosyonal, mental, ispiritwal, pinansyal, relasyonal at
sosyal. Ninanais din na ilahad ng pag-aaral kung anong mga edad may pinakamaraming
nabubuntis na kabataan. Sa ganitong aspeto ay makapagbabalangkas ang mga
mananaliksik ng mga rekomendasyon para matulungan ang mga kabataang maagang
nagiging isang ina. Batay sa resulta ng pag-aaral maraming batang ina ay nabuntis sa edad
na 17-18.
(35)Nabatid din ng pag-aaral na batay sa emosyonal na salik, ay ang pag-aalala nila sa
kanilang mga anak kapag ito ay may sakit. Nasasaktan sila at nakakaramdam ng
pagkataranta kapag nakikitang umiiyak ang anak at nasisigawan nila ang kanilang
mga anak kapag sila ay nagagalit samantalang sa mental na salik naman ay ang
pangamba, agam agam at pagdududa kung kaya ba nila maging isang ina. Sa
ispiritwal na salik ay ang hindi nila nararanasan ang magsimba isang beses sa isang
linggo. Sa pinansyal na salik naman ay ng kakulangan sa mga pangangailangan na
humahantong sa pangungutang sa kapitbahay at sa sosyal na salik ay ang hindi na
nila nararanasan ang makisali sa mga proyektong panlipunan at makadalo sa mga
party o kasayahan. Inirekomenda ng mananaliksik na kailangan ng mga magulang
na ang malawak na pang-unawa sa mga nararanasan ng batang ina. Dagdag pa dito,
inirekomenda rin nila na sa mga kabataan na kailangan muna nilang makinig sa mga
payo at pangaral ng mga magulang parang hindi humantong sa pagiging batang ina.
 
LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Vol. 2. No. 2 (2015).
MGA BATAYANG KAALAMAN
SA PANANALIKSIK
 Inilahad ni Bansuelo, (n.d.) sa kanyang artikulo ang iba’t ibang
kahulugan ng pananliksik ayon sa pakahulugan ng mga eksperto.
 Ayon kay Clarke at Clarke (2005), ang pananaliksik ay isang maingat,
masistematiko at obhetibong imbestigasyon na isinasagawa upang
makakuha ng mga balidong katotohanan, makabuo ng konklusyon at
makalikha ng mga simulaing kaugnay ng inilahad na suliranin batay
sa iba’t ibang larangan o disiplina.
 Ayon naman kay Nuncio, et al. (2013), ang pananaliksik ay isang
lohikal na proseso ng paghahanap na obhetibong sagot sa mga
katanungan ng mananaliksik na nakabatay sa suliranin at metodo ng
pag-aaral tungo sa produksiyon ng maraming kaalaman at kasanayan
upang makatugon sa pangangailangan ng tao at ng lipunan.
• Ayon naman kay Aquino (1994), ang pananaliksik ay sistematikong
paghahanap sa mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa
o suliranin.

• Sistematiko dahil isa sa kahingian nito ay ang pagsunod sa isang


pinaghandaang proseso. May mga hakbang na kailangan sundin upang
maging tiyak na tama at maasahan ang mga datos na makakalap.

• Matalino ito dahil hinihingi nito ang pagiging iskolar ng mananaliksik.

• Etikal namn ito dahil kailangang panatilihin ng mananaliksik ang


katapatan sa buong proseso at iwasan hangga’t maari ang paglabag sa
karapatan ng ibang tao na maaring masangkot sa pananaliksik gaya ng
repondante, o mga awtor ng sangguniang gagamitin niya.
Layunin ng Pananaliksik

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay preserbasyon at pagpapabuti


ng kalidad ng pamumuhay ng tao (Bernales, et al.,2018).

1. Upang makadiskubre ng bagong kaalamn hinggil sa mga batid nang phenomena


2. Upang makakita ng sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga
umiiral na merodo at impormasyon
3. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng bagong
instrumento o produkto.
4. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substance o elements.
5. Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang substances at elements.
6. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya, sa
kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba
pang larangan.
7. Ma-satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik.
8. Mapalawa o ma-verify ang mga umiiral na
kaalaman.
9. Upang mapaunlad ang sariling kaalaman.
10. Upang mabatid ang lawak ng kaalaman ng mga
mag-aaral sa isang partikular na bagay.
• Sa paaralan, karaniwang rekwarment ang pananaliksik sa
mga mag-aaral. Ito ay isang akademikong pangangailangan
sa kahit na anong larangan o disiplina.

• Ang paggawa ng pananaliksik sa akademya ay isang


paghahanda hindi lamang sa kanilang propesyon, kundi isa
itong pagsasanay sa siyentipikong pagdulog sa paglutas ng
mga suliranin sa iba’t ibang larangan upang mapabuti ang
buhay at kinabukasan ng mamamayan at matamo ang
pagbabagong inaasam.
Katangian ng Pananaliksik

Ayon kay Bernales, et al. (2018), ang pananaliksik ay nagtataglay ng mga


sumusunod na katangian:
1. Sistematik. May sinusunod na proseso o magkakasunod-sunod na mga hakbang tungo
sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon ng
pananaliksik.
2. Kontrolado. Lahat ng baryabol na sinusuri ay kailangang maging konstant. Hindi
dapat baguhin, anomang pagbabagong nagaganap sa asignatura o pinag-aaralan ay
maiuugnay sa eksperimental na baryabol na kailangang-kailangan sa mga
eksperimental na pananaliksik.
3. Empirikal. Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraan ginagamit sa
pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap.
Katangian ng Pananaliksik

Ayon kay Bernales, et al. (2018), ang pananaliksik ay nagtataglay ng mga


sumusunod na katangian:
1. Sistematik. May sinusunod na proseso o magkakasunod-sunod na mga hakbang tungo
sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon ng
pananaliksik.
2. Kontrolado. Lahat ng baryabol na sinusuri ay kailangang maging konstant. Hindi
dapat baguhin, anomang pagbabagong nagaganap sa asignatura o pinag-aaralan ay
maiuugnay sa eksperimental na baryabol na kailangang-kailangan sa mga
eksperimental na pananaliksik.
3. Empirikal. Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraan ginagamit sa
pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap.
Mga Kasanayan sa
Pananaliksik

May iba’t ibang yugto at proseso ang pananaliksik.


Mahalagang matamo ng mananaliksik ang mga
kognitibong kakayahan sa larangan ng pagbasa at
pagsulat. Dapat ang isang mananliksik ay bihasa sa
gawaing pananaliksik upang maging matagumpay sa
gawaing ito.
 
Pagpili ng Paksa ng
Pananaliksik

• Isang makabuluhang gawain ang pananaliksik lalo na kung naisaalang-


alang sa pagsasagawa nito ang mga pangangailangan ng lipunan. Sa
kasalukuyan, kahit malayo na ang narating ng Pilipinas, patuloy pa rin
na umaasa ang mga Pilipino sa banyagang kaalaman.

• Nanatili pa ring hamon para sa mga Pilipinong iskolar at mananaliksik


na paunlarin ang maka-Pilipinong pananaliksik na may kaibahan sa
tradisyunal na pananaliksik ng mga bansa sa kanluran. Inisa-isa ni Sicat-
De Laza (2016) sa aklat nina San Juan, et al. (2019) ang mga katangian
ng maka-Pilipinong pananaliksik.
1. Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang Filipino
at mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang
malapit sa puso at isipan ng mga mamamayan.
2. Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong pananaliksik ang
pagpili ng paksang naaayon sa interes at kapaki-pakinabang sa
sambayanang Pilipino.
3. Komunidad ang laboratoryo ng maka-Pilipinong pananaliksik.
Sa pamimili ng paksa, mahalagang isaalang-alang ang
sumusunod na mga batayan (San Juan, et al., 2019).

1. Pumili ng paksang may sapat na sangguniang pagbabatayan.


Nararapat na ang paksang napili ay may sapat na
literaturang pagbabatayan ng sa ganun maging malawak ang
mapagkukunan ng impormasyon batay sa paksa.
2. Pumili ng paksang limitado lamang at hindi malawak ang
saklaw. Para maging mabisa at makatotohanan ang
gagawing pagtalakay, gawing ispisipiko lamang ang paksa.
Paksa: Asignaturang Filipino
Paglimita sa paksa
Nilimitahang Paksa: Persepsyon ng mga Guro at Mag-aaral sa Pag-aalis ng Asignaturang
Filipino

Maaaring gamitin bilang batayan ang mga sumusunod sa paglilimita ng paksa. Paksa:
Pangkat -Lugar -Panahon
Nilimitahang paksa: Persepsyon ng Mga Guro at Mag-aaral sa Pambansang Pamantasan ng
Batangas sa Planong Pagtanggal sa Filipino Bilang Disiplina sa Kolehiyo T. P.
2019-2020
Sa kabuuan ng pagtalakay sa paksa, malilimitahan pa ito kung pipili lamang ng isang
Programa sa Kolehiyo, halimbawa Batsilyer sa Edukasyon, kung saan isasagawa ang
pananaliksik.
Batay kay Bernales, et al., (2018), may mga batayan ng paglilimita ng paksa. Tulad ng (a)
panahon; (b) edad; (c) kasarian; (d) perspektibo; (e) lugar; (f) propesyon o grupong kinabibilangan;
(g) anyo o uri: (h) partikular na halimbawa o kaso; (i) kombinasyon ng ng mga nabanggit na
batayan.
Batayan ng Paglilimita Pangkalahatang Paksa Nilimitahang Paksa
A. Panahon Sistema ng Edukasyon Makabagong Sistema ng Edukasyon
na Inilatag ng DepEd sa
Pampublikong Paaralan sa Taong
panuruan 2020-2021

B. Edad Pagkalulong sa Ipinagbabawal na Gamot Sanhi ng Pagkalulong sa


Ipinagbabawal na Gamot ng mga
Kabataan Edad 12-19

C. Kasarian Babasahing Kinahihiligan Mga Babasahing Kinahihiligan ng


mga Kabataang Babae at Lalaki Edad
15-18

D. Perspektibo Pagkalulong ng mga Kabataan sa Paglalaro Epekto ng Pagkalulong sa Paglalaro ng


ng Mobile Legends Mobile Legends sa Pag-uugali at
  Atityud ng mga Kabataan
   
  Karanasan at Saloobin ng mga
Cyber Bullying sa Mga Kabataan Kabataang Nakaranas ng cyber
bullying
   
E. Lugar Ekonomiya ng Maynila Epekto sa Ekonomiya ng Maynila ng
Balik-Probinsya Program ng
Gobyerno
F. Propesyon o Grupong Pag-aaral ng Wika Pag-aaral ng Wika ng mga Taal na
Kinabibilangan Taga Lipa Batangas

G. Anyo o Uri Parusang Kamatayan Persepsyon ng Mga Guro, Pari at


Ordinaryong Mamamayan ng Lungsod
ng Batangas sa Napipintong Pagbabalik
ng Parusang Kamatayan sa mga
Nakagawa ng Heinous Crimes

H. Partikular na Epektong Pangkabuhayan Epekto sa Kabuhayan ng mga


Halimbawa o Kaso Batangueno: Kaso ng Pagpapatayo ng
Coal Fired Power Plants sa Barangay
Pinamucan Lungsod ng Batangas
3. Mahalaga na ang napiling paksa ay makapag-aambag ng bagong
kaalaman. Hindi na mahalaga kung bago o luma ang paksa.
Tungkulin ng mananaliksik na bigyan ng makabagong dimensyon
ang paksa upang ang ang ginawang pagsusuri, konklusyon at
rekomendasyon at batay sa bagong nakalap na datos.
4. Gagamit ng sistematikong at siyentipikong paraan upang
mabigyan ng kasagutan ang mga inilahad na suliranin sa
pananaliksik. Tiyakin na ang mga suliraning inilahad sa
pananaliksik ay hindi lamang masasagot ng mga impormasyong
makukuha sa internet o sa mga aklat.
Halimbawa: Ano anong pag-aaral ang isinagawa ng Unibersidad ng Pilipinas
para matulungan ang pamahalaan na labanan ang Covid-19? Ang ganitong
katanungan ay hindi na nangangailangan ng siyentipikong paraan ng
pananaliksik sapagkat ang kasagutan ay pangkalahatan at pwede ng makuha sa
internet, pahayagan at iba pang uri ng babasahin. Ngunit kung susubuking
hanapan ng kasagutan ang tanong na, “Paano nakaapekto sa kalusugan,
emosyon at pananampalataya ang
pinagdadaanang kasalukuyang pandemya, Covid-19 virus sa mga kabataan na
may edad na 15-21? Ang ganitong katanungan ay nangangailangan ng masusi
at masistematikong pagpapapahalaga sa mga makakalap na datos.
5. Nararapat na ang mananaliksik ay may sapat na kaalaman
sa paksa. Mahalaga na ang mapipiling paksa ng pananaliksik
ay naayon sa disiplina ng mag-aaral ng sa gayon ay may
sapat siyang kaalaman sa napili niyang paksa.  
Pagpili ng Batis ng Impormasyon

• Ang isang mahusay na pananaliksik ay


nakabatay sa bisa ng mga nakahanay na datos at
impormasyon.

• May mga gabay sa tamang pagpili ng sanggunian


sa pananaliksik batay sa aklat nina San Juan, et
al. (2019)
1. Tiyakin na ang sanggunian ay isang akademiko. Mas mabigat na salalayan ang
isang akademikong sanggunian sapagkat naglalayon itong magbigay linaw sa
iba’t ibang miyembro ng akademikong komunidad tulad ng mga mag-aaral, guro
at mga iskolar hinggil sa paksa. Obhetibo ang pagtalakay sa paksa at dumaan sa
masusing ebalwasyon kaya ito ay mapagkakatiwalaan.
2. Tukuyin ang uri ng sanggunian. Ang akademikong sanggunian ay pwedeng
nakalimbag o online.
May iba’t ibang uri ng website na pwedeng hanguan ng impormasyon. Kapag
ang web page Uniform Resource Locators ay nagtatapos sa .edu ito ay nabibilang
sa institusyong pang- edukasyon o akademiko. Halimbawa: academia.edu.
Maituturing naman na ang hanguan ay isang organisayon kung ito ay nagtatapos
sa .org. Halimbawa: digital compas.org. Ang URL na nagtatapos sa .com ay
nabibilang sa komersiyo o bisnes. Halimbawa: gmail.com.
3. Alamin kung ang sanggunian ay primarya o
sekundarya. Maituturing na primarya ang sanggunian
kung ito ay nagbibigay ng direktang katibayan tungkol sa
paksa ng pananaliksik at maituturing na orihinal na
ebidensiya. Ang ilang mga halimbawa nito ay panayam,
awtobiyograpiya, talaarawan, bahagi ng akademikong
sulatin, kinalabasan ng isang eksperimento at mga legal at
historikal na dokumento, survey, at police report.
Pagbasa at Pagsulat ng Paraphrase, Abstrak
at Rebyu

Isang mahalagang kasanayan sa pananaliksik ang


mabisa at masusing pagbasa. May mga kasanayan sa
pagbasa na dapat taglayin ng isang mahusay na
mananaliksik tulad ng pagsulat ng paraphrase, abstrak
at rebyu.
Paraphrase

Ang paraphrase ay tumutukoy sa pagsasalin ng ideya ng


orihinal na teksto sa mabisa at malinaw na pananalita na hindi
nababago ang tunay na kahulugan. Ang paraphrasing ay
nakatutulong upang mas mapabilis ang pagbibigay kahulugan
sa binasang teksto. Sa pagsulat ng paraphrase inilalagay ang
pinagkunan ng orihinal na teksto (APA Style, n.d.) Basahin ang
halimbawa ng paraphrase sa ibaba.
Ayon sa dating Pangulong Benigno Aquino sa kanyang talumpati sa
Pambansang Kongreso ng Wika noong ika-19 ng Agosto 2013, naniniwala
sya na may naitutulong ang pamahalaan kahit sa maliit na paraan sa
pagpapayabong at pagtangkilik sa wikang Filipino. Ayon pa sa kanya,
tungkulin niya bilang pangulo ng Pilipinas na ibalik ang tiwala ng mga
Pilipino sa mga institusyon ng pamahalaan sapagkat sila ang tinig ng
sambayanan. Ito ay mangyayari lamang kung makikita ng mga mamamayan
na ang pamahalaan ay kumikilos para sa kanila sapagkat ang pamahalaan
ay nagmula sa kanila at at para sa kanila. Binanggit din ni Aquino na bago
pa sya nahalal ay sinabi na niya na isusulat sa wikang Filipino ang
kanyang mga talumpati, hindi bilang propaganda kundi bilang tinig ng
sambayanang Pilipino sapagkat ito ang wikang komportable nilang gamitin
at higit na nauunawaan.
Abstrak

Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang


ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel tulad ng
tesis, papel na siyentipiko at teknikal lektyur, at mga
report.
Ayon kay Koopman (1997), nagtataglay ang
abstrak ng introduksyon, mga kaugnay na
literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon.
Nakatutulong ang abstrak upang madaling
maunawaan ng mambabasa ang mahahalagang
puntos sa isang akademikong sulatin ng hindi na
kailangan na basahin pa ang kabuuan nito. Ayon
kay Gervacio, (2020), may mga dapat tandaan sa
pagsulat ng abstrak.
1. Lahat ng nakasulat sa abstrak ay dapat nakapaloob sa kabuuan ng
papel.
2. Hindi isinusulat sa abstrak ang detalyadong pagpapaliwanag ng mga
datos para pahabain ito
3. Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng abstrak
4. Gumamit ng malinaw at direktang pangungusap. Iwasan ang pagiging
maligoy sa pagsulat ng abstrak.
5. Maging obhetibo. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan.
6. Gawing maikli subalit komprehensibo ang pagsulat ng abstrak kung
saan mauunawaan ng babasa ang pangkalatang nilalaman ng
pananaliksik.
Halimbawa ng Abstrak
Pangkalahatang layunin ng pag-aaral na malaman kung may espasyo ang Filipino
sa klase ng Matematika. Ginawa ang sumusunod na hakbang upang
maisakatuparan ang pag-aaral: pagmamasid sa mga klase; pagsasagawa ng focus
group discussion at pakikipanayam sa mga guro at mag-aaral; at mula rito ay
makabubuo ng mungkahing patakarang pangwika. Sa isinagawang pagmamasid
ng mananaliksik, lumabas na may mga pagkakataong gumagamit pa rin ang mga
mag-aaral at guro (malay o di-malay) ng Filipino sa asignaturang Matematika.
Maituturing ito bilang wikang pantulong sa iba’t ibang yugto ng klase sa
Matematika. Pinatunayan ng pananaliksik na may espasyo ang Filipino sa
Matematika bilang wikang pantulong; napadadali ang pagtalakay sa Matematika
sa tulong ng Filipino; at ang pagpapairal ng patakarang pangwika ay kailangan
upang maisakatuparan ang ganap na espasyo ng Filipino sa paaralan.
Iminumungkahi na ipatupad ang mungkahing patakarang pangwika na nabuo
batay sa resulta ng pananaliksik
Rebyu
Ayon kina San Juan, et al. (2019), ang rebyu ay isang uri ng pampanitikang
kritisismo na
ang layunin ay suriin ang isang akda batay sa nilalaman, istilo at anyo ng
pagkakasulat nito. Naglalaman din ito ng pagtataya o ebalwasyon ng akda
batay sa personal na pananaw ng mambabasa na nagbibigay ng rebyu.

Rebyu na isinagawa ni Dr. Ma. Althea T. Enriquez (2013) ng Unibersidad


ng Pilipinas na may titulong Ang Pag-angkla ng Sikolinggwistikang Filipino
sa Kultura .
Presentasyon at Publikasyon ng
Pananaliksik

Hindi kompleto ang ginawang pananaliksik kung


hindi ito naibahagi at nailathala sa mga
akademikong journal. Ang pagkakabuo ng
pananaliksik ay kasinghalaga ng pagbabahagi
nito sa pamamagitan ng paglathala o
presentasyon
Akademikong Publikasyon

Ayon kay De Laza (n.d.), hindi kompleto ang ginawang pananaliksik kung
wala itong publikasyon. Maaaring ilathala ang pananaliksik, buod,
pinaikling bersyon o isang bahagi nito sa pahayagan o pampahayagang
pangkampus, conference proceedings, monograph, aklat o sa refereed
research journal. Ang pinakatanggap at balidong paraan sa akademikong
publikasyon ay mapapasama sa isang refeered research journal sa
anumang larangan ng pananaliksik.
Inisyal na Hakbang Ng Paglalathala sa
Isang Research Journal
Ang nasa sunod na pahina ay isang halimbawa ng panawagan para ng isang refereed journal para sa
kontribusyon ng papel pananaliksik. Ito ay mula sa DALUYAN, Journal ng Wikang Filipino ng
University of the Philippines Sentro ng Wikang Filipino-Diliman.
Presentasyon ng Pananaliksik

Ayon ay De Laza, (n.d.), ang presentasyon ng pananalisksik ay


isang paraan ng pagbabahagi ng ginawang pananaliksik sa mga
lokal, pambansa at pandaigdigang kumperensiya. Ang
pagpapalitan ng kaalaman sa pamamagitan ng pampublikong
gawain tulad ng simposyum, forum, kumperensiya, at iba pa at
mahalagang gawain na dapat linangin sa loob at labas ng
akademya.
Mga Gabay sa Rebisyon

Rebisyon ang pinakahuling proseso sa proseso ng pananaliksik.

Sa rebisyon, nahahasa rin ng mananaliksik ang analitikal na


kakayahan sa pagbasa. Nagagamit ang kakayahan sa
paraphrasing sa pagwawasto ng ideya, napapalakas at
napapalalim ang argumentong nabuo sa pananaliksik.
Naglahad ng mga gabay si De Laza, (n.d.) sa pagrerebisa ng
sulating pananaliksik.
1. Tukuyin ang pangunahing punto ng papel pananaliksik.
2. Tukuyin kung sino ang mga magbabasa ng pananaliksik at
kung ano ang mga layunin nito.
3. Tasahin ang iyong mga ebidensiya.
4. Panatilihin lamang ang mahahalagang punto ng pananaliksik.
5. Pakinisin ang gamit na wika sa kabuuan ng papel-
pananaliksik.
Ang unang kategorya ng katipunan ng mga babasahin ay nagtangkang
iugnay ang sikolohiya at wika, kadalasan sa pamamagitan ng pagsusuri
sa ilang katutubong salita o katangiang istruktural ng wika at bumubuo
ng mga konklusyon tungkol sa pag-iisip at kamalayan ng mga Pilipino
bunga nito. Sa “Wika at Diwa: Isang Pansikolinggwistikang Analisis sa
Konsepto ng ‘Hiya’” ni Zeus Salazar, sinuri ang iba’t ibang panlaping
ikinakabit sa salitang-ugat na ‘hiya’ at nakabuo ng isang modelong
pansikolinggwistika na umaambag sa pagkaunawa ng konseptong ito sa
lipunang Pilipino. Nalalaman ni Salazar na kinakailangan ang mas
malalim na pagtingin at pag-uugnay sa iba pang konseptong ito upang
mas makabuo ng masaklaw at buong larawan ng kamalayang Pilipino.
Sa ganang ito, nag-iwan siya ng mga suhestyon at rekomendasyong
gamitin at subukin ang kaangkupan ng modelo sa pamamagitan ng
paggamit nito sa iba pang katutubong konsepto.

You might also like