You are on page 1of 2

MGA BATAYANG KONSEPTO KAUGNAY NG PANANALIKSIK

Tanong: Ano ang kahalagahan ng paglinang ng kasanayan sa pananaliksik sa Filipino batay sa kaalaman
sa oryentasyon, layunin, gamit, metodo at etika ng pananaliksik?

Kahulugan ng Pananaliksik
 Isang maingat, masistematiko at obhetibong imbestigasyon na isinasagawa upang makakuha ng
balidong katotohanan, makabuo ng konklusyon at makalikha ng mga simulating kaugnay ng
tinukoy na suliranin ng ilang larangan ng karunungan. (Clarke at Clarke, 2005)
 Isang sistematiko at obhetibong pag-aanalisa at pagtatala ng mga kontroladong obserbasyon na
maaaring tumungo sa paglalahat, simulain, teorya, at mga konsepto na magbubunga ng prediksyon
sa pagkilala at posibleng kontrol sa mga pangyayari. (Best, 2002)
 Ang pananaliksik ay proseso ng pagkakaroon ng mapanghahawakang solusyon sa problema sa
pamamagitan ng planado at sistematikong pangangalap, pag-aanalisa, at interpretasyon ng mga
datos. (Mouly, 1964)
 Isang lohikal na proseso ng paghahanap ng sagot sa mga tanong ng mananaliksik na nakabatay sa
problema at metodo ng pag-aaral tungo sa produksiyon ng maraming kaalaman at kasanayan upang
makatugon sa pangangailangan ng tao at lipunan. (Nuncio et.al., 2013)

Mga Katangian ng Pananaliksik


1. Obhetibo
2. Sistematiko
3. Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan
4. Empirikal
5. Kritikal
6. Masinop, malinis, at tumutugon sa pamantayan
7. Dokumentado

Mga Katangian ng Mananaliksik (Constantino at Zafra, 2010)


1. Matiyaga sa paghahanap ng datos mula sa ibang mapagkuhanan ng sandigan.
2. Mapamaraan sa pagkuha ng mga datos na mahirap kunin.
3. Maingat sa pagpili ng mga datos batay sa katotohanan at sa kredibilidad na pinagkukunan; sa
pagsisiguro sa lahat ng panig ng pagsisiyasat; at sa pagbibigay ng konklusyon, interpretasyon,
komento at rekomendasyon.
4. Analitikal sa mga datos at interpretasyon ng iba tungkol sa paksa at sa mga kaugnay rito.
5. Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon, konklusyon at rekomendasyon sa paksa.
6. Matapat sa pagsasabing may nagawa nang pag-aaral ukol sa paksang pinag-aralan; sa pagkuha ng
datos nang walang itinatago, iniiwasan, ipinagkakaila, nang walang pagkilala at permiso
kaninuman; at sa pagtanggap ng limitasyon ng pananaliksik.
7. Responsable sa paggamit ng mga nakuhang datos, sa mga tao o institusyong pinagkunan ng mga
ito at pagtiyak na maayos at mahusay ang mabubuong pananaliksik mula sa format hanggang sa
nilalaman at sa prosesong pinagdaanan.

Mga Uri ng Pananaliksik

A. Batay sa Pakay o Layon


1. Batayang Pananaliksik (Basic Research). Umiinog ito sa pagiging mausisa ng mananaliksik.
Maaaring ito ay tungkol sa isang konsepto o kaisipan, isang penomenong di maunawaan o isang suliranin
nararanasan sa lipunan, sa sarili o sa kapaligiran. Maaaring magkaroon ng kasagutan o kapaliwanagan
kapag natapos ang pananaliksik.
Halimbawa:
- May posibilidad bang magalugad ng tao ang kalawakan ng buwan?
- Bakit nagiging tiwali ang mga positibo?
- Paano malulutas ang lumalalang kahirapan?
2. Praktikal na Pananaliksik (Applied Research). Umiinog ito sa layuning mabigyang kalutasan ang
isang praktikal na problema sa lipunan. Malaki ang maitutulong nito sa sangkatauhan.
Halimbawa:
- Paano matutulungan ng pamahalaan ang mga batang lansangan?
- Paano maiiwasan ang mga suliranin kaugnay ng MRT / LRT?

B. Batay sa Proseso
1. Paglalarawang Pananaliksik (Descriptive Research). Naglalarawan ito ng pangyayari, diskurso, o
phenomenon ayon sa pananaw at karanasan ng kalahok sa pananaliksik.
Halimbawa:
- Ang Paglala ng Korapsyon sa Pamahalaan
- Ang Pagtatrabaho ng mga Pilipina sa Ibang Bansa
- Ang Lumalalang Karahasan sa Lipunan

2. Paggalugad na Pananaliksik (Exploratory Research). Ito ay pag-usisa, paggalugad, at pagtuklas sa


isang penomenon o ideya.
Halimbawa:
- Paraan ng Pagpili ng Iboboto ng mga Kabataan
- Paraan ng Pakikiangkop ng mga Migranteng Pinoy sa mga Kasamang Dayuhang Manggagawa
- Pakikipaglaban ng mga Babaeng Biktima ng Pang-aabuso sa Pagawaan

3. Pagpapaliwanag na Pananaliksik (Exploratory Research). Nagpapaliwanag o nagsusuri sa pinag-


aralan.
Halimbawa:
- Epekto ng Computer Games sa Pag-uugali, Pag-iisip at Kalusugan ng Estudyante
- Relasyon ng Kakayahang Ekonomikal sa Espiritwal na Pagpapahalaga ng mga Kabataan

4. Eksperimental na Pananaliksik (Experimental Research). Nagpapaliwanag ito sa kinahinatnan,


sanhi at bunga batay sa salik o baryabol na ginamit na disenyo ng pananaliksik.
Halimbawa:
- Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagiging Masayahin ng Pre-schooler
- Pinakamainam na Gawin sa Pagtuturo ng Wika
- Kabisaan ng Modyul bilang Alternatibong Kagamitan sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Pagbasa

5. Pahusga ng Pananaliksik (Evaluation Research). Tinataya kung ang pananaliksik, proyekto o


programa ay naisagawa nang matagumpay. Matutukoy ito batay sa resulta kung itutuloy pa o hindi na ang
proyekto o programa
Halimbawa:
- Ebalwasyon ng Pagtuturo ng A.P. sa Aurora Elementary School
- Ebalwasyon ng Programa sa Pagbasa sa Araullo High School

You might also like