You are on page 1of 6

Aralin 6: Pangangalap ng Datos

Tuklasin
Basahin ang bahagi ng panayam sa ibaba:
(Bahagi ng isang panayam)

Si Thea ay nakatakdang magsagawa ng isang panayam sa kanilang Barangay Chairman


tungkol sa kanilang pagkapanalo bilang “Pinakamahusay na Gulayan sa
buong Distrito ng Masipag”.

(Isang umaga, humahangos na dumating sa barangay hall si Thea dahil siya ay huli
sa oras na pinag-usapan para sa isang panayam) Gusot ang kaniyang damit, hindi
man lang nakuhang magsuklay ng buhok at tila doon pa lamang magbabalangkas
ng kaniyang mga itatanong. Hindi nakahanda subalit pinilit niyang humarap upang
makakuha ng datos na kaniyang kinakailangan.

Thea: Magandang umaga po Brgy.Chairman!

Brgy.Chairman: Magandang umaga rin naman sa iyo Bb. Thea Alonzo. Kanina pa po
kami nag-aantay sa inyo. Ang akala po namin ay hindi na kayo makararating sa
sinabing oras. Kung maaari po sana ay bukas na tayo magsagawa nitong panayam.

Thea: Paumanhin po Kapitan!

Brgy. Chairman: Ikinalulungkot ko po ngunit nahuli po kasi kayo sa oras na ating


napag-usapan.

Nakaalis si Thea sa lugar nang malungkot at naghihinayang sa nasayang na oras at


pagkakataon.

Sagutin ang mga tanong:

1.Ano ang nangyari sa isinagawang panayam?

2.Bakit hindi nagawang makakuha ng tagapanayam ng kinakailangang datos?


I. Pangangalap ng Datos

Ang isang pananaliksik ay mawawalan ng halaga kung wala itong matibay na nilalaman,
diwa, at pinagkuhanan.

Masasabi nating mahusay ang isang pananaliksik kung ito ay may pinagbatayan na mga
datos at may patunay sa pangangalap nito.

Ang DATOS ay isa sa pinakamahalagang bahagi o impormasyon sa Pananaliksik, dahil


dito naka salalay o naka batay ang tiyak na resulta ng isang pagsasaliksik. Ito rin ay koleksyon
ng mga elemento o mga kaalaman na ginagamit sa mga eksperimento, pagsusuri, pag-aaral ng
isang bagay.

Mga Uri At Pinagmulan Ng Datos

1.People Trail – ang tawag sa uri ng mga pinagmulan ng datos na tuwiran o di tuwirang
nagmula sa mismong isipan ng isang indibidwal ang mga sagot sa mga tanong inilatag. Pag
ang isang datos ay sinabing tuwiran, ito ay ang mga impormasyon na may batayan at
ebidensya, at kung ito naman ay di tuwiran, ang ibig sabihin naman nito ay nakabatay ito sa
mismong sariling pananaw, paniniwala at opinyon ng isang indibidwal.

2. Paper Trail – ito ang tawag kung ang impormasyon ay nakuha mula sa mga opisyal na
dokumento pampubliko ma o pampribado.
Hal. Ang mga tala sa isang aklat

3. E-Trail- Ito ang uri ng trail na nagmumula sa mga digital storage, media at mobile
platforms.
Hal. Mga datos sa E-mail, text messages o mga Chats messages

II. Pangangalap ng mga Datos, Impormasyon, at Sanggunian


Gaano kahalaga ang impormasyong manggagaling sa internet? Ano-ano ang sukatan
ng kahalagahan nito?
a. Mga Uri ng Website na dapat tingnan
□ web page Uniform Resource Locators (URLs) na nagtatapos sa .edu ay mula sa
institusyon ng edukasyon o akademiko. (www.gcic.edu.ph)

□ .org ay nangangahulugang mula sa isang organisasyon at ang .com ay mula sa


komersyo o bisnes. (www.knightsofcolumbus.org/ www.yahoo.com)

□ .gov ay nangangahulugang mula sa institusyon o sangay ng pamahalahaan.


(www.makaticity.gov)

III. Yugto 1: Panimulang Paghahanap


Panimulang paghahanap ng kard katalog, sangguniang aklat, bibliograpi, indeks at
hanguang elektroniko.
❖ Sino ang may akda?
❖ Ang impormasyon ba ay napapanahon?
❖ Makatotohanan ba ang teksto?
❖ Paano inilahad ang impormasyon?
❖ Ano ang layunin?
Mga Dapat na Tandaan sa Pangangalap ng Impormasyon o Datos:
❖ Ang teksto ba ay pang-advertising o opinyon lamang? bias at prejudice ba ang
teksto?

❖ Ang impormasyon ay napapanahon.( nakalagay ang petsa ng pinakahuling revisyon


ng akda nang sa gayon ay malaman kung ang akda ay bago o hindi.

❖ Mahalagang malaman kung sino ang may-akda ng isang impormasyon sa internet


nang sa gayo’y masuri kung ang informasyon ay wasto at kumpleto.
o Kadalasan kasi ay kalakip ng informasyong isinulat ng may-akda ang kanilang
mga kredensyal at kwalipikasyon.
o Kung gayon, maaaring iverify ang mga impormasyon hinggil sa kanilang
pagkatao. Kung wala ito, mahirap paniwalaan ang kanilang akda.

❖ Alamin kung opisyal o dokyumented ang teksto.


❖ Pag-aralan kung ang pagkakasulat ay maayos o kung wasto ang baybay at
gramatika.
❖ Subukan din kung ang website ay maaaring ihalintulad o iugnay sa ibang
website nang sa gayo’y maikumpara ito sa ibang nang matimbang kung ang
tekstong laman nito ay wasto o hindi.
❖ Alamin ang layunin ng may akda kung bakit naglunsad o naglabas ng website.
❖ Nais bang magbahagi ng impormasyon o magbenta lamang ng produkto?
❖ Alalahaning napakaluwag ng pagpasok ng mga impormasyon sa internet.
❖ Samaktwid, maaari rin itong magamit sa pagpapakalat ng maling propaganda
at mga pansariling interes.

Pansinin ang mga sumusunod na uri:


*Gamitin ang mga payo o tips na nailahad sa pag-eevalweyt ng mga inpormasyon o
datos. Mahalaga ito upang maging akyureyt ang pagsulat ng pananaliksik.*
A) Kard ng Paksa
B) Kard ng Awtor
C) Kard ng Pamagat
1. Tukuyin kung anong uri ng informasyon o datos ang kailangan gayundin ang klasifikasyon
kung saan maaaring matagpuan ito sa silid-aklatan.
Halimbawa:
Tanong: Ano ang obsesyon?
a. Impormasyong hahanapin
❖ pagkakaiba o pagkakatulad sa hilig, gusto at adiksyon
❖ kailan masasabi na may obsesyon
b. Mga posibleng sanggunian
1. ensayklopidya, aklat sa medisina at sikolohiya
2. mga artikulo at kolum sa pahayagan at magazin
3. mga artikulo sa mga profesyunal na jornal
4. panayam sa mga eksperto

Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos

1. Hanguan Primarya (Primary Sources)


- ayon kay Mosura, et al. 1999 ay
a. Mga indibidwal o awtoridad
b. Mga grupo o organisasyon
Halimbawa: pamilya, fraternity, union, samahan, simbahan, gobyerno
c. Mga kinagawiang kaugalian
Halimbawa: relihiyon, pag-aasawa, sistemang legal
d. Mga pampublikong kasulatan o dokumento
Halimbawa: konstistusyon, batas-kautasan, kontrata at ang lahat ng orihinal na tala.
Hanguang Elektroniko
Maituturing ang internet ngayon bilang isa sa pinakamalawak at pinakamabilis na
hanguan ng mga impormasyon o datos. Ang teknolohiyang ito ay bunga ng kumbinasyon ng
serbisyong postal, telepono, at silad-aklatan.

INTERNET - sa internet ay maari ka ring magpadala ng liham electroniko o e-mail sa alin


mang panig ng mundo.

TELEPONO - maaari ring makausap ng mabilis ang ating nais na kausapin.

2. Hanguang Sekundarya (Secondary sources)


Yugto 2: Pagsusuri
a. aklat tulad ng diksyunaryo, ensayklopidya, taunang-ulat o yearbook, almanac, atlas.
b. nalathalang artikulo o journal, magasin, pahayagan at newsletter.
c. tisis, disertasyon at pag-aaral ng pisibiliti, nailathala man ang mga ito o hindi.
d. monograp, manwal, polyeto, manuskrito at iba pa.
Pagsusuri na kinasangkutan ng browsing, skimming at scanning ng mga aklat at artikulo
at ng pagpili ng citation mula sa mga babasahin.
Gamitin ang mga sumusunod na gabay na tanong sa pagsusuri ng mga nakalap
na sanggunian:
Pagpili ng Interbyuwi:
1) May malawak na kaalaman.
2) Relayabol.
3) Abeylabol.
❖ Ang interbyu ay isang uri ng pasalitang diskurso ng dalawang tao o ng isang pangkat
at isang indibidwal-interbyuwer at interbyuwi.
Layunin:
❖ Ang ikatlong yugto ay ang pagbabasa at pagtatala ng mga impormasyon o datos
mula sa mga napiling sanggunian. Mahalaga dito sa ikatlong yugto ang
pagsasagawa at paghahanda ng mga tala ng impormasyon o datos.
❖ Ang layunin ng interbyu ay makakuha ng mga mapanghahawakang mahalagang
impormasyon mula sa interbyuwi hinggil sa tiyak na paksa. Mangyari pa, upang
maging mas matibay ang impormasyon, kailangang maging maingat sa pagpili ng
interbyuwi. Samakatwid, mas awtoridad, mas dalubhasa, mas mabuti.
Kahalagahan:
❖ Isang napakamakabuluhang paraan ng pagkuha ng mga impormasyon na
magagamit sa pagsulat ng papel pampananaliksik.

Yugto 3: Pagbabasa at Pagtatala


Ang ikatlong yugto ay ang pagbabasa at pagtatala ng mga impormasyon o datos
mula sa mga napiling sangunian.
Mahalaga dito sa ikatlong yugto ang pagsasagawa at paghahanda ng mga tala
ng impormasyon o datos

You might also like