You are on page 1of 2

WEEK 2: ARALIN 4

ANG PAGSULAT NG ILANG HALIMBAWA NG IBA’T IBANG URI NG TEKSTO

I. MGA BAHAGI NG TEKSTONG IMPORMATIB


❏ SIMULA- dapat na nakakaakit at kawili-wiling basahin- dito magpapasya kung
ipagpaptuloy pa ng bumabasa ang pagbasa ng isang katha.
❏ KATAWAN O PINKAGITNA-may kaugnayan at kaisahan ang mga kaisipang
ipinapahayag upang hindi malit ang bumabasa
❏ WAKAS- nag-iiwan ng kakintalan sa isip ng bumabasa. Katulad ng simula, ang
wakas ay maaaring isang parirala(phrase) , isang pangungusap, o isang talata.

II. PAGLALARAWAN O ANG TEKSTONG DESKRIPTIB- ay pagpapahayag ng ating


nakikita, naririnig, at nadarama.
Layunin: pagbuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o
tagapakinig
Upang maging mabisa sa pagalalarawan:
a. Lubos na kaalaman sa paksa- tao, pangyayari, pool, bagay, damdamin
b. Maayos na daloy ng ideya
c. Pagbanggit ng katangiang kakaiba
d. Paggamit ng wastong alituntunin sa balarila (grammar)
i. Paggamit ng wastong salita
ii. Pang-uri (adjective)
iii. Pang-abay (adverb)

Wastong pagpili ng sangkap-ang mga sangkap na isasama ay tiyaking makakatulong


sa pagpapakilala ng kaibahan o katangian ng inilalarawan. Hindi dapat isama ang
napakaraming sangkap na walang kaugnayan sa inilalarawan.
2 Uri ng Paglalarawan
1. Pangkaraniwan-paglalarawan na ginagamitan lamang ng mga karaniwang
pananalita at tinitiyak ang pagiging obhetibo nito o walang kinikilingan.-ginagamit
sa sulating pormal- payak at tiyak na salita lamang ang ginagamit.
Hal. Si kap. Tiago, sya ay pandak, maputi-puti, bilog ang katawan at
pagmumukha dahil sa katabaan na alinsunod sa mga humahanga sa kaniya ay
galing sa langi, galing sa dugo ng mga maralita.
2. Masining na Paglalarawan-naglalaman ito ng damdamin ng sumulat. Nakasalig
sa emosyon at ginagamitan ng matatalinghagang pahayag kayaga ng tayutay
(figure of speech) o idyoma

Hal. Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa nag-
iinit na noo ni Danding.

III. TEKSTONG PROSIDYURAL- isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng


impormasyon at instruksyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay.
LAYUNIN- makapagbigay ng sunod-sunod na direksyon at impormasyon sa mga tao
upang matagumpay na maisagawa ang mga gawain nang ligtas, episyente at angkop na
paraan.
a. Ang impormasyon ay nakalahad ayon sa pagkakasunod-sunod ng paggawa nito.
b. Tumatalakay tungkol sa proseso ng paggawa
c. Hal. resipi, alituntunin sa laro, eksperimento, metodolohiya ng pananaliksik,
paggamit ng appliance o gadget, atbp.
d. Ginagamitan ng pandiwang nasa aspektong pangkasalukuyan
e. Dapat na detalyado, upang masundan ng wasto ng mambabasa ang mga
hakbang
f. Gumagamit ng pang-ugnay na pangatnig gaya ng una, ikalawa, panghuli, at sa
wakas- at , saka, pati bilang pandagdag.

References:
Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik,PIVOT Learners
Material, mga pahina 99-102

Sidhaya 12, Pagbasa at Pagsusuri Tungo sa Pananaliksik, Rhoderick V. Nuncio, Ph.D.,


Elizabeth Morales-Nuncio-Ph.D., mga pahina 5-6, 72, 20-23

You might also like