You are on page 1of 14

KOMUNIKASYON Dirkurso

SA AKADEMIKONG
FILIPINO
DISKURSO
Malayang nasasabi ng tao ang kanyang saloobin, kaisipan o ideya
sa kahit sinumang lahi ng tao sa mundo. Kung kaya mahalaga ang
pakikipagdiskurso sa buhay ng tao. Nagmula ito sa Middle English
na ‘discours’ na mula sa Medieval at Latin na ‘discursus’ na
nangangahulugan na pagtutuloy-tuloy at ‘kumbersasyon’. Sa
makalumang kahulugan nito, tumutukoy ito sa kakayahan ng
pagsasaayon ng kaisipan, pamamaraan o pagiging makatwiran ng
isang tao.

 Ayon sa diksyunaryong Ingles-filipino (1984), ang diskurso ay


nangangahulugang magsulat o magsalita nang may katagalan
o kahabaan.
 Ayon naman sa Webster’s New World Dictionary (1995), ang
diskurso ay isang pormal na pagtalakay sa isang paksa, pasulat
man o pasalita.
 Ang diskurso ay pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o
anumang paraan ng pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang
paksa na may hangaring maunawaan at unawain ang kausap.
 Ang diskurso ay kumbersasyonal na interaksyon.
 Ang diskurso ay ang mga yunit ng linggwistik na binubuo ng
iba’t ibang pangungusap – sa ibang salita ay salitaan
(conversation), argumento o pananalita (speeches).

Ayon kay John Langshaw Austin at John Rogers Searle kayang


mabago ng salita ang realidad.

MGA LAYUNIN NG DISKURSO


1. Makalikha ng imahe sa isipan ng kanyang mambabasa,
upang maging sila ay maranasan din ang naranasan ng
manunulat.
2. Pagbibigay ng malinaw na imahe ng isang tao, bagay,
pook, damdamin o teorya upang makalikha ng isang
impresyon o kakintalan.
3. Makahikayat ng tao sa isang isyu o panig.
4. Makapagbigay ng isang sapat at matibay na
pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang makahikayat
o makaengganyo ng mambabasa o tagapakinig.
Dalawang Anyo ng Diskurso
1. Pasalita
2. Pasulat

A. Pasalitang Diskurso. Karaniwang magkaharap ang mga


partisipant kung kaya’t bukod sa kahalagahan ng mga
salitang sinasambit, pinagtutuunan din ng bawat kasapi
ang ibang sangkap ng komunikasyon tulad ng paraan ng
pagbigkas,tono,diin,kilos,kumpas ng kamay,tinig,tindig at
iba pang salik ng pakikipagtalastasan na maaaring
makapagpabago sa kahulugan ng mensahe.

Naiibang Katangian ng Diskursong Pasalita


1. naririnig
2. binibigkas
3. di halos napaghahandaan ang mga ideya

B. Pasulat na Diskurso. Higit na pag-iingat ang isinasagawa


ng isang manunulat. Sa sandaling ang mensaheng
nakapaloob sa isang sinulat na diskurso ay nakarating sa
tatanggap at ito’y kanyang nabasa,hindi na maaaring
baguhin ng manunulat ang kanyang sinulat.

Naiibang Katangian ng Diskursong Pasulat


1. nababasa
2. sinusulat
3. may mahabang panahon ng paggawa

Mga Katangian ng Diskursong Pasalita at Pasulat


1. gumagamit ng wika
2. may layunin/mensahe
3. may encoder at decoder

Ang mga panandang pandiskurso ay ginagamit upang maghudyat


ng:
1. sunod-sunod na pangyayari
2. pagtitiyak
3. paglalahat
4. paghahalimbawa
5. pagbibigay-pokus
6. pagbabagong lahat
7. naghuhudyat ng pamamaraan ng sumulat

Konteksto ng Diskurso
a. interpersonal – usapang magkaibigan o malapit ang
kasangkot sa isa’t isa
b. panggrupo – ang mga kasapi ay may ugnayan dahil bahagi
sila ng isang pangkat tulad ng isang klase.
c. pang-organisasyon – ang mga kasapi ay bahagi ng
organisasyon o samahan tulad ng isang kumpanya, sa pagitan
ng pamunuan at ng mga empleyado.
d. pangmasa – sa harap ng makaking grupo ng tao tuad ng
pangangampanya
e. interkultural – ang mga kasapi ay nabibilang sa
magkakaibang kultural na pangkat
f. pangkasarian – ang mga kasapi ay nabibilang sa isang
partikular na kasarian tulad ng usapang lalaki.

Salik na nakakaapekto sa daloy ng diskurso:


1. paksa – ano ang pinag-uusapan; hindi lahat ng paksa ay
angkop sa lahat ng konteksto dahil may paksang pampersonal,
pambansa, pangkultura o di kaya ay pambabae o panlalake.
2. layunin – bawat diskurso ay nagaganap dahil mayroong
ninanais ang mga taong sangkot, dahil dito, iniaangkop nila
ang daloy ng diskuro sa pamamaraang magiging daan sa
katuparan ng layunin, maaring mapabago ang pananaw ng
isang tao, makaimpluwensya, makabenta o iba pa.
3. pagsasawika ng ideya – ang isang kaisipan ay maaaring
maipahayag sa samu’t saring pamamaraan dahil na rin sa ang
wika ay malikhain at ang taong may kakayahang pangwika ay
maisasagawa ito; kung papaano ipapahayag ang kaisipan ay
makakaapekto sa pagtanngap ng kinakausap.
4. tagatanggap – ang tagahatid ar tagatanggap ay dalawang
magkaibang nilalang na may iba’t ibang takbo ng pag-iisp;
nangangahulugan na kahit sa pakiramdam ng tagahatid na
malinaw ang mensahe niya, maaaring iba naman ang
persepsyon ng tagatanggap kaya mahalagang isaalang-alang
niya ang tagatanggap.
Teksto – ito ay binubuo ng mga pangungusap na isinasaayos
upang maghatid ng mensahe.

URI NG DISKURSO
1. Deskriptib/Paglalarawan
 Pagbibigay ng malinaw ng imahe ng isang
tao,bagay,pook,damdamin o teorya upang makalikha ng
isang impresyon o kakintalan.
 It ay teksto na naglalayong magsalaysay ng isang
pangyayari na may tiyak na ayos ng pagkakasunod-sunod
sa galaw at kilos.
 Layunin nito na makalikha ng imahe sa isipan ng kanyang
mambabasa, upang maging sila ay maranasan din ang
naranasan ng manunulat.
Uri ng Paglalarawan
a. Karaniwang Paglalarawan – nagbibigay lamang
ng impormasyon sa inilalarawan
i. ang pisikal na anyo
ii. antas ng pamumuhay
iii. pag-uugali
iv. mga nakasanayan
b. Masining na Paglalarawan – pinagagalaw ng
masining na paglalarawan ang guni-guni ng
bumabasa o nakikinig upang Makita ang isang
larawang buhay na buhay.
i. Tula
ii. Nobela
iii. Maikling kwento
c. Teknikal na Paglalarawan – pangunahing
layunin ng siyensya ang dapat mailarawan nang
akma ang anumang dapat at kailangang malaman
tungkol sa mundo at kalawakan.

Halimbawa:
Paglalarawan ng pook pasyalan upang makahikayat ng
mga turista.

2. Naratib/Pagsasalaysay
 Dito, isinasambit natin ang mga detalyeng kalakip ng
isang partikular na pangyayari upang maibahagi sa iba ang
mga bagay na nagaganap sa atin o mga bagay na ating
nasaksihan.
 Layunin nito, na mailahad ang mga detalyeng kalakip ng
isang pangyayari sa isang maayos at sistematikong
kaayusan.

Ang mga mapagkukunan ng paksa:


a. likhang-isip – mula sa imahinasyon, katotohanan
man o ilusyon ay makalilikha ng isang salaysay.
b. panaginip o pangarap – ang mg panaginip at
hangarin ng tao ay maaari ding maging batayan ng
pagbuo ng salaysay.
c. nabasa – mula sa anumang tekstong nabasa
kailangang ganap na nauunawanaan ang mga
pangyayari.

Mga Uri ng Pagsasalaysay


a. Maikling Kwento – nagdudulot ng isang
kakintalan sa isip ng mga mambabasa sa
pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang
pangyayari sa buhay ng tauhan.
b. Tulang Pasalaysay – patulang pasalaysay ng mga
pangyayari sa pamamagitan ng saknong.
c. Dulang Pandulaan – binibigyang-diin dito ang
bawat kilos ng mga tauhan, ang kanilang panlabas
na kaanyuan kasama na rito ang kanilang
pananamit, ayos ng buhok at mga gagamiting mga
kagamitan sa bawat tagpuan. Ang kwentong ito ay
isinulat upang itanghal.
d. Nobela – nahati sa mga kabanata; punong-puno
ng mga masalimuot na pangyayari.
e. Anekdota – pagsasalaysay batay sa tunay na
pangyayari.
f. Alamat – tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o
anuman sa paligid.
g. Talambuhay – tala ng buhay ng isang tao,
pangyayaring naganap sa buha ng isang tao mula
sa kanyang wakas.
h. Kasaysayan – pagsasalaysay ng mahalagang
pangyayaring naganap sa isang tao, pook o bansa.
i. Tala ng Paglalakbay – pagsasalaysay ng isang
pakikipagsapalaran, pagbiyahe o paglalakbay sa
ibang lugar.

3. Ekspositori/Paglalahad
 Ito ay anyo ng diskurso kung saan nagpapahayag ang
isang tao ng mga ideya, kaisipan at impormasyon na sakop
ng kanyang kaalaman na inihanay sa isang maayos at
malinaw na pamamaraan upang magkaroon ng bago at
dagdag na kaalaman ang ibang tao.
 Layunin nito na makapagbigay ng impormasyon.

Paraan ng Paglalahad
a. pag-iisa-isa – ang isa-isa o sunod-sunod na
pagkakaganap ng mga pangyayri ay isina-ayos
ayon sa bahagi.
b. pagsusuri – ang maingat na pagiisa-isa ng mga
detalye.
c. pagbibigay halimbawa – ang pagbibigay ng
elaborasyon at klaripikasyon upang maipakita ang
kabuuan.

Mga Katangian ng Isang Mahusay na Paglalahad


a. Kalinawan – ang mga detalye at impormasyon ay
ipinababatid ng walang pag-aalinlangan.
b. Kaliksian – walang mahaba at nakalilitong mga
pahayag at paliwanag.
c. Katiyakan – sapat at angkop ang mga patunay at
pagpapatibay.
d. Kabisaan – nababatid lamang ang mga ito sa
pamamagitan ng aplikasyon ng mga mambabasa.
e. Kaayusan – wasto ang organisasyon ng mga
datos at kaalaman.
f. May Diin at Emfasis – nakatuon ang lahat ng
mga sumusuportang kaisipan sa pangunahing
paksa, lahat ng ideya ay nagpapatatag dito.

Mga Bahagi ng Paglalahad


 Simula – ang simula ng pahayag
 Katawan – ang nilalaman ng pahayag
 Wakas – maaaring buod, tanong, panghuhula sa
maaring mangyayari, pagsariwa o suliraning
binanggit sa simula, paggamit ng kasabihang
angkop sa akda.

Halimbawa ng Paglalahad
Talinghaga ng Buhay ni Armando A. Rayos

4. Argumentatib/Pangangatwiran
 Ito ay anyo ng diskurso na nakatuon sa pagbibigay ng
isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o
panig upang makahikayat o makaengganyo ng mambabasa
o tagapakinig.
 Layunin nitong makahikayat ng tao sa isang isyu o panig.

Uri ng Pangangatwiran

1. Pabuod o inductive reasoning – nagsisimula sa maliit na


katotohanan tungo sa isang panlahat na simulain o
paglalahat.

Bahagi ng Pangangatwirang Pabuod


a. Pangangatwirang gumagamit ng pagtutulad
(analogy) – inilahad dito ang magkatulad na
katangian, sinusuri ang katangian, at pinalulutang
ang katotohanan. Ang nabuong paglalahat sa
ganitong pangangatwiran ay masasabing
pansamantala lamang at maaaring
pasinungalingan. Maaaring maging pareho ang
pinaghahambing sa isa lamang katangian subalit
magkaiba naman sa ibang katangian.

Halimbawa:
Tulad ng espada na sandata ng isang mandirigma,
ang pluma ay sya ring sandata ng isang
manunulat.

Ang kaayusan ng isang atom ay tulad din ng ating


solar system. Ang nucleas ay ang araw, habang
ang electrons naman ay ang mga planeta na
umiikot sa kanilang araw.

Maaaring maging mali ang paggamit ng


pangangatwirang pagtutulad.

Kung ang A at B ay may magkaparehong


katangian
May katangiang X si A
Kung kaya, may katangiang X din si B

Halimbawa:
Ako at si Manny Pacquiao ay parehong Pilipino
Magaling sumuntok si Manny
Kaya magaling din akong sumuntok.

b. Pangangatwiran sa pamamagitan ng pag-


uugnay ng pangyayari sa sanhi
Nananalunton ito sa paniniwalang may sanhi kung
kaya nagaganap ang isang pangyayari.

Halimbawa:
S’ya ay sakitin sapagkat hindi sya kumakain ng
gulay at nageehersisyo.

Malalim ang kanyang mata sapagkat sya’y


gumagamit ng ipinagbabawal na gamut.

c. Pangangatwiran sa pamamagitan ng mga


katibayan at pagpapatunay
Napapalooban ito ng mga katibayan o
ebidensyang higit na magpapatunay o
magpapatotoo sa tinutukoy na paksa o kalagayan.

Halimbawa:
Si Lucio ay itinuturong salarin sapagkat sa kanya
ang nakuhang tsinelas sa tabi ng bangkay. Kay
Lucio rin ang buckle ng sinturong ipinamalo sa
namatay. Si Lucio ay nakagalit ng napatay.
2. Silohismo/Pangangatwirang Pasaklaw o deductive
reasoning - Pangangatwiran na lohikal kung maghayag ng
katotohanan; panghahawakan muna ang isang
pangunahing Batayan, saka susundan ng pangalawang
batayan at dito ngayon ibabase ang konklusyon.

Halimbawa:
Ang patimpalak ay ginaganap tuwing Martes o kaya
naman sa Biyernes. Nalaman ko kanina na hindi ito
gagawin sa Martes, kaya ang patimpalak ay gagawin sa
Biyernes.

Kung ang A = B at ang B = C, samakatuwid ang A = C

Lahat ng tao ay mortal.


Ako ay tao
Kaya ako ay mortal.

MGA TEORYA NG DISKURSO


1. Speech act theory- isang teorya ng wika kung saan sangkot
ang kilos o galaw sa pag- unawa sa pagpapakahulugan ng
isang diskurso.
- Ito ay tumutukoy sa paniniwalang anuman ang ating
sabihin, lagi na itong may kaakibat na kilos.

Aspeto ng Speech Act


a. Aktong Locutionary –pagsasabi ng mga tiyak na
kahulugan sa tradisyunal na paraan.
b. Aktong Illocutionary –may tiyak na pwersa sa salita.
c. Aktong Prelocutionary – tumutukoy sa magiging
reaksyon o pagkilos na gagawin ng tagapakinig o bumasa
mula sa illocutionary act.

2. Ethnography of Communication- Gumagamit ng mga


kasangkapan mula sa antropolohiya upang pag- aralan ang
berbal na interaksyon sa setting nito.
- Ito ay nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit,
pattern, at tungkulin ng pagsasalita.
a. participant Observation – ang pinakasusi ng
teyoryang ethnography of communication.

3. Pragmatic Theory- pag- aaral sa mga paraan kung saan ang


konteksto ay nakakaapekto sa kahulugan.

4. Interactional Linguistics- Pinag- aaralan nito kung paanong


ang mga tao ay nakalilikha ng kahulugan sa isang berbal na
interaksyon, kung paano tayo nakalilikha ng kahulugan sa
pang berbal na iinteraksyon, kung paano tayo nakikibahagi sa
isang kaalamang kultural.

5. Contextualization Cues- Ang grammar at ang referensyal na


katangian ng grammar ang makapagbigay ng interpretasyon
sa bawat isa upang makabuo ng paghihinuha.

6. Variationist Theory – ito ay kinapapalooban ng pagkakaiba


sa tono, intonasyon, gamit ng salita, gayon din ang
istrukturang panggramatika ng isang tagapagsalita.
- Ito ay naniniwala na ang madalas na pagbigkas ng isang
tiyak na salita o mga salita ay tumutugon sa pokus ng
diskurso.
- Taong 1971 ng pangunahan ni William Labov.

MGA TEORYANG PAMPANITIKAN


1. Teoryang Klasismo/ Klasisismo- Ang layunin ng
panitikan ay maglahad ng mga layuning payak ukol sa
pagkakaiba ng estado ng dalawang nag- iibigan,
karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at
piling- pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos
ng may kaayusan.
2. Teoryang Humanismo- ang layunin ng panitikan ay
ipakita na ang tao ang sentro ng mundo, ay binibigyang-
tuon ang kalakasan at kabutihan ng tao gaya ng talino,
talento, atbp.
3. Teoryang Imahismo- ang layunin ng panitikan ay
gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga
damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na
ibahagi ng may akda na higit na madaling maunawaan
kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na
paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na
layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng
panitikan.
4. Teoryang Realismo- ang layunin ng panitikan ay ipakita
ang mga karanasan at nasaksihan ng may- akda sa
kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa
totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat
isinaalang- alang ng may- akda ang kasiningan at
pagkaefektibo ng kanyang sinulat.
5. Teoryang Feminismo- ang layunin ng panitikan ay
magpakilala ng kalakasan at kakayahang pambabae at
iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan.
Madaling matukoy kung ang isang akda ay feminismo
sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan
kung saan ipinapayagpag ang mabubuti at magagandang
katangian ng tauhan.
6. Teoryang Arkitaypal- ang layunin ng panitikan ay
ipakita ang mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan
ng simbolo.
7. Teoryang Formalismo- ang layunin ng panitikan ay
iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang
kanyang tuwirang panitikan.
8. Teoryang Saykolohikal/ Sikolohikal- ang layunin ng
panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng mga salig
(factor) sa pagbuo ng naturang behavior ( pag- uugali,
paninniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa may-
akda. Ipinapakita sa akdang ito na ang tao ay nagbabago o
nagkakaroon ng panibagong behavior dahil sa may nag-
udyok sakanya na mabago o mabuo ito.
9. Teoryang Eksistensyalismo- ang layunin ng panitikan ay
iapakita na may kalayaan ang tao na pumili o
magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang
pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo.
10. Teoryang Romantisismo- ang layunin ng teoryang ito ay
ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa
tao sa pag- aalay ng pag- ibig sa kapwa, bansa at mundong
kinalakhan. Ipinapakita rin sa uri ng akdang ito na lahat
gagawin ng isang nilalang upang maipaalam lamang ang
kanyang pag- ibig sa bayan o sa kanyang napupusuan.
11. Teoryang Markismo/ Markisismo- ang layunin ng
teoryang ito ay ipakita na ang tao ay may sariling
kakayahan para umangat buhat sa pagdurusang dulot ng
pang- ekonomiyang kahirapan at suliraning panllipunan at
pampulitika.
12. Teoryang Sosyolohikal- ang layunin ng panitikan ay
ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng
lipunang kinabibilangan ng may- akda.
13. Teoryang Moralistiko- ang layunin ng panitikan ay
ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa
moralidad ng isang tao- ang pamantayan ng tama o mali.
14. Teoryang Bayograpikal- ang layunin ng panitikan ay
ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-
akda.
15. Teoryang Queer- ang layunin ng panitikan ay iangat at
pagpantayin ang paningin ng lipunan sa mga homosexual.
16. Teoryang Historikal- ang layunin ng lipunan ay ipakita
ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin
sa kasaysayan ang bahagi ng kanyang pagkahubog.
17. Teoryang Kultural- ang layunin ng panitikan ay ipakilala
ang kulturang mayroon ang may- akda.
18. Teoryang Feminismo- Markismo- ang layunin ng
panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan
sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap.
19. Teoryang Dekonstroksyun- ang layunin ng panitikan ay
ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at
mundo.

Mga Salik ng Diskurso

a. porma – ang gamit ng salita ay nababago sa porma nito.


b. setting – ito ay ang lugar at panahon na kinaganapan ng
diskurso.
c. participants – ito ay ang tao o mga taong kasangkot sa
diskurso.
d. ends – ito ay ang layunin ng diskurso.
e. act sequence – ito ay ang pagkakasunod-sunod ng pagbuo
ng diskurso.
f. keys – ito ay ang susi na makatutulong sa mabisang
diskurso, kasama ang tono, ekspresyon at pmamaraan sa
pagpapahayag
g. instrumentalities – ito ay kung ano ang gamit ng wika
pati na rin ang porma at antas nito sa paggamit sa
diskurso.
h. norms – ito ay ang kaugalian, tradisyon, at kulturang
kinasangkutan ng diskurso.
i. genre – ito ay anyo ng diskurso.

You might also like