Ito ay isang uri ng diskurso na ang layunin ay maipakita sa imahinasyon at isip
ng mambabasa o tagapakinig ang anyo, katangian, kalagayan ng tao, bagay, hayop at pangyayari. Layon ng diskursong ito ang maipakita ang nasa larawang-diwa ng naglalarawan.
Dalawang Uri ng Paglalarawan
1. Karaniwang Paglalarawan Purong pangkaalaman ang sinasabi ang mga detalyeng sinasabi. May tiyak na impormasyon at pawing katotohanan lamang ang ginagamit na mga katangian. Ang damdamin at opinyon ng tagapaglarawan ay hindi dapat isinasama. Gaya sa nabanggit na, particular na pangkabatiran ay isinasakatuparan ditong layunin. 2. Masining na Paglalarawan Mapapandama- nakikita, naririnig, naamoy, nahihipo, nalalasa, ang mga pananalitang ginagamit dito, bukod sa iba pang mahahalagang kasangkapang pampanlalarawan, gaya ng patambis at tayutay.
Ang Mahalagang Kasangkapan ng Masining na Paglalarawan.
a. Imijri o Pagalalarawang-diwa o Mapapandamang salita Pgpukaw ito sa mga pandama kaya dapat gamiting pananalita yaong nararamdaman- naririnig, nakikita, nalalasa, naaamoy at nahihipo. b. Paghahambing o Metafor Higit ang impak ng nararamdaman ng kinauukulan kung sa konkretong larawan naipahayag ang inilalarawan. May agwat, may bilang, may kulay, may anyo, may hugis, may amoy, may lasang nadarama. Mayaman sa pang-uri at pang-abay ang Wikang Filipino kaya hindi kakapusin sa bagay na ito. c. Pag-aangkop ng mga Salita Pinipili ang paggamit ng mga salita. Kailangan iyong tiyak na katangian ng bagay na inilalarawan o kung hindi, yaong mapagpahiwatig ng bagay. Dito nakasalalay ang kapangyarihan ng salitang umantig at kumintal. d. Pagtatambis Isang paraang pagpapaunlad ng buhay sa salita. Ayon nga sa bungad ng talata nina Federico B. Sebastian at Antonio D.G. Mariano sa Paunang Salita ng kanilang aklat na Idiomatic Expression in Pilipino, 1975, “Yumayabong at yumayaman ang alinmang wika sa pamamagitan ng kanyang katutubong mga salita at mga sawikaing sarili. Sa mga sawikain mababakas ang katutubong mga pagpapahayag ng isang lahing gumagamit ng kanyang wikang Pambansa. Mababakas dito, sa isang paraan, ang dating mga kaugaliang ipinahahatid sa pamamagitan ng katutubong pagpapahayag na ito.” e. Pagtatayutay Paggamit ng matalinghagang pagpapahayag f. Pagbibigay-definisyon Gagamitin lamang ang mga salitang pamilyar
Ang mag Hakbanging Dapat Tandaan Tungo sa Mabisang Paglalarawan
1. Pagpili ng Paksa- Ang bagay na ito ay natalakay na halos sa bahaging
pasasalaysay, na mas Mabuti kung ang bagay na ilalarawan ay iyong alam na o kung ito’y tao man, iyong kilala na. Mahirap kasing bumuo ng isang sulatin kung kakapain pa sa isip ang mga sasabihin tungkol dito. Kaya kailangan kung maglalarawan, piliin iyong mga bagay na malapit sa interes at damdamin tulad sa kapamilya, kaibigan o kaaway, dili kaya’y iyong madalas na nakikita lamang sa kapaligirang ginagalawan. 2. Pagbuo ng Pangunahing Larawan- ito ang pangkalahatang kabuuang larawan ng isang tao, hayop, bagay, pook o pangyayari na nais agad maitanim sa isip ng mambabasa o tagapakinig bago tuluy-tuloy na ihanayhay ang mga detalye. Ito’y isang pangungusap o detalye na kalimitang natatagpuan sa unahan ng talata, pero, maaari din naming ilagay sa gitna o sa hulihan. 3. Pagpili ng Sariling Pananaw-dalawang bagay itong tumutumbok sa pananaw. Ang una ay ayon sa pook na kinalalagyan ng tagapaglarawan, at ang ikalawa ay ayon naman sa pansariling pagtingin ng taga-paglarawan. Sa una’y maaaring maging obhektino pa ang paglalarawan, samantalang sa pangalawa ay lagging subhektibo. Ito’y nababahiran ng himig ayon sa damdaming napupukaw sa tagapaglarawan. Ito’y maaaring malungkot, masaya, kaawa-awa o kamuhi-muhi o kahili-hilakbot. 4. Pagkakaroon ng Kaisahan- bawat detalyeng babangngitin sa paglalarawan dapat ay tumutulong sa pagbuo o kabuuan ng isang pangunahing bagay o anupamang inilalarawan. Wala ditong bahaging dapat mapawalay ng direksyon, Kailangan isang patunguhan lamang ang tinutumbol ng lahat. 5. Pagpapasya sa mga aspektong isasama sa paglalarawan- hindi lamang mga nagkakauri-uring katangian ang dapat na isama sa paglalarawan, mas mainam kung mapalulutang lalo ang kaibahan nito sa lahat ng mga kauri.