You are on page 1of 35

MGA PARAAN

NG
PAGPAPAHAYAG
Ang mga akdang ating nababasa o
sinusulat kaya ay maaaring uriin ayon
sa paraan ng pagpapahayag.

1. Paglalahad
2. Paglalarawan
3. Pagsasalaysay
4. Pangangatwiran
PAGSASALAYSAY/ NARATIV
 Pangunahing layunin ng pagpapahayag na ito ay maikwento
ang isang pangyayari o kawil ng mga pangyayari na maaaring
hinango sa mga karanasan, sa mga narinig, sa mga nabasa, sa
mga nakita, at iba pa.

HALIMBAWA:
Ang kapatid kong si Carlos ay gumawa ng radyo sa unang
pagkakataon. Pinanunuod namin siya dahil eksayted din kami..
Inasembol niya ang mga piyesa ayon sa dayagram na nasa
kaniyang harapan. Sinunod niya ang lahat ng sinabi niya sa
dayagram. Nagpormang radyo naman ang kaniyang ginagawa
subalit puro porma. Nang patugtugin niya ito ay ayaw tumunog.
Habang ginagawa niya ito, nagkamali siya. Saan siya nagkamali?
Mga Katangian ng Mabuting Narativong
Komposisyon
1. Mabuting pamagat- ang panawag –pansin ng
isang narativong komposisyon. Walang
magkakainteres kung hindi mabuti ang pamagat.

Dapat Taglayin ng Mabuting Pamagat


a.Maikli
b.kawili-wili o kapana-panabik
c.Nagtatago ng lihim o hindi nagbubunyag ng
wakas
d.Orihinal o di palasak
e.Hindi katawa-tawa, kung ang komposisyon ay
wala namang layuning magpatawa
f. May kaugnayan o naaangkop sa paksang diwa
2. Mahalagang Paksa-Nasasaistilo at orihinalidad ang buhay ng
isang narasyon. Kung mahusay ang isang manunulat ang isang
lumang paksa ay maaari niyang gawing bago.

3. Wastong Pagkasunod-sunod ng mga pangyayri.


a. Simula
b. Gitna
c. Wakas
Ang iba naman ay gumagamit ng flashback o ang paraang
pabalik na tulad nito:
a.Gitna o dakong wakas
b.Nagbabalik sa simula sa pamamagitan ng paggunita o pag-
alala
c. Wakas
Ang pagsasalaysay ay maaari rin namang ganito:
d. Nagsisimula sa wakas b. nagbabalik sa tunay na simula
c.Natatapos sa tunay na wakas na ginamit sa simula ng sumulat
4. Mabuting simula
5.Mabuting wakas

DESKRIPTIVONG KOMPOSISYON- ay naglalayong


bumuo ng malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa.
 Ano ang pagkakatulad ng isang pintor at manunulat?
 Pang-uri at Pang-abay ang kadalasang ginagamit sa
deskriptivong komposisyon.

Mga Pangangailangan sa Efektivong Deskripsyon


1. Pagpili ng Paksa-Piliin ang isang bagay na nais ilarawan.
Lalong mainam kung may kaugnayan sa iyong kaalaman at
hindi bago sa iyong paningin. Ang mga bagay na nakikita sa
araw-araw tulad ng ina, kapatid, guro, punong-kahoy, gusali,
palengke, hayop na alaga ay maaaring maging paksa ng
mabisang paglalarawan.
2. Pagbuo ng isang pangunahing larawan- ito ang unang
kakintalan ng bagay, pook, tao o pangyayaring inilarawan sa
nakikinig o bumabasa.Ang kabuuan muna ang unang
nakikintal sa isipan, bago ang bahaging maliliit na
nasasangkap sa kabuuan.

3.Pagpili ng sariling pananaw o perspektivo- nakikita ang


pangunahing larawan dahil sa sariling pananaw. May sariling
pananaw ang bawat naglalarawan mula sa kanyang
kinaroroonan na iba kaysa taong nasa ibang panig naman.
Dapat pumili ang sumulat ng sariling pananaw at mula
lamang doon niya ilalarawan ang bagay, pook, tao, o ang
pangyayaring kanyang tinatalakay.

4. Kaisahan-Natatamo ang kaisahan ng paglalarawan sa


pagpili ng maliliit na bahaging maaaring makita lamang mula
sa pananaw na napili ng naglalarawan.
5. Pagpili ng mga sangkap na isasama- hindi lamang ang mga
bahaging bumubuo sa pangunahing larawan ang dapat isama.
Dapat ding isama ang mga bahaging ikinaiiba ng bagay, tao,
pook, o pangyayaring inilalarawan sa iba pang uri nito.

Dalawang Uri ng Deskripsyon

1. Karaniwang Deskripsyon- pagbuo ito ng malinaw na larawan


sa isipan ng mambabasa sa tulong ng mga katangiang ating
napag-aralan na. Layunin nito na makapagbigay lamang ng
kabatiran tungkol sa isang bagay. Walang kinalaman ang
sariling kuru-kuro at damdamin ng naglalarawan.

Maganda at madaling pakibagayan. Iyan ang impresyon ng


sinumang makakaharap ni Linda. Dala marahil iyon ng kanyang
mapang-akit na mga mata na nakakahalina sa sinumang
makakakita nito. Ang kanyang namumurok na pisngi at ang
napakalalim na biloy na lalong nagpapaganda sa kanyang
mukha kung siya ay tumatawa. Parang iginuhit ang kanyang
kilay at nagtataglay ng mga pilik-matang malantik at
mahahaba na lalong nakatutulong upang ikaw ay mahalina
ng kanyang mga mata. Sa kanyang pagtawa, mapapansin mo
ang pantay- pantay at mapuputi niyang ngipin. Ayon sa
marami, ang mahaba at maiitim niyang buhok ay nagsisilbing
pang-akit ni Linda sa mga kalalakihan.

2. Masining na Deskripsyon- pumupukaw ng guni-guni ang


masining na deskripsiyon. Higit sa nakikita ng paningin ang
ang maaring ilarawan ng salita sa tulong ng deskripsyong
masining. Ito’y gumagamit ng mga salitang nagbibigay-kulay,
tunog, galaw at matinding damdamin. Pinagaganda ito ng
paggamit ng mga tayutay tulad ng talinhaga, pagtutulad at
pagwawangis. Isinasaalang-alang din dito ang damdamin at
kuru-kuro ng manunulat.
Sa malas ni Isagani, sa tatlong oras na pagpupuyos ng
bagyo ay higit pang malaki ang ipinagbago ng Magdalo kaysa
sa sampung taong pagkawalay nila sa nayon niyang iyon.
Halos lahat ng nakikita niyang kabaguhan ay likha ng
nakapag-aalimpuyong hangin at ulan. Gaya ng dati, ang
malumot nang munting simbahan ni Aling Barang ay
ibinagsak n g hangin, ngunit nakatayo pa sa harapan ng
luklukang kawayang mahahabang oras ding pinapag-init niya
samantalang nakikipag-inuman siya ng tuba,
nakikipagtayugan ng mga pangarap sa kanyang mga kapwa
bata.

mula sa “Bahay na Bato”

ni: Antonio Rosales


Piliin ang mga pangungusap na nagtataglay o nagpapahiwatig
ng pangunahing larawan.

Ang mga daang iyon ay wala pang latag na bato. Pag


sumikat nang dalawang maghapong sunod ang araw ay
nagiging alabok na pumupuno sa lahat ng bagay,
nakapagpapaubo at nakabubulag sa mga magdaraan; kapag
umuulan naman nang isang araw ay nagiging lawa na
napapanganinag sa mga ilaw ng mga sasakyan kung gab i.
Nagpapatilamsik ng putik sa layong limang metro sa mga
naglalakad sa makikitid na bangketa. Ilang babae ang
nakaiwan sa putikang iyon ng kanilang mga tsinelas na may
burda.

mula sa “ Noli Me Tangere”


ni: Dr. Jose Rizal
Ilarawan ang pananaw o perspektivong ginamit sa bawat isa.
Ang Jardin Botanico ay nakapawi sa kanyang magandang
pag-aalala ang tukso ng pagkakahawig-hawig ay naglantad sa
kanyang mga mata, sa sanda.ling iyon, ng mga hardin
botaniko sa Europa sa mga lupaing kailangan ang malaking
pagsisikhay at maraming salapi upang mapasipot ang isang
dahon at mapamukadkad ang isang bulaklak. At hindi pa iyan,
sampu ng kanyang mga sakop, na kaiga-igaya at mabuti ang
pagkaalaga, at nangakabukas upang pumasok ang kahit sino.
Inilayo roon ni Ibarra abng kanyang mata. Tumingin sa
dakong kanan at namalas ang matandang Maynila.
Nakukubkob ito ng kanyang moog at mga hukay na wari’y
isang yayat na dalagang nakabihis ng damit noong panahong
kabataan ng kanyang lelang.
mula sa Noli Me Tangere
ni : Dr. Jose Rizal
Gumawa ng isang tentativong plano para sa isusulat na
malikhaing deskripsyon. Isulat ang mga detalye ng iyong
plano sa mga kasunod na patlang.

a.Paksa:________________________________
b. Pangunahing Larawan:______________________________
c. Pananaw o Perspektivong Gagamitin:
______________________________________________________

d. Mga Magagamit na Pang-abay at Pang-uri:


____________________________________________________

e. Mga Idyoma o patayutay na Pahayag na Magagamit:


_____________________________________________________
ARGUMENTATIVONG KOMPOSISYON
 Ang argumentasyon o pagmamatuwid ang nasa dakong
huli ng mga uri ng pagpapahayag.
 May konkretong bdahilan sa Retorika sa kadahilanang
hindi magkakaroon ng sapat, malinaw at mabisang
argumento ( lalo pa at pasulat) kung wala munang
matibay na kaalaman at kakayahan sa mga naunang
paraan ng pagpapahayag.
 Narativo ang mahusay na pagkasusunod-sunod ng mga
pangyayari.
 Deskriptivo ay malinaw na pagbibigay ng katangian,
argumentativo tiyak na kinakailangan ang mabisang
panghikayat at di mapapasubaliang pagsisiwalat ng mga
prinsipyo o paninindigan.

Halaga ng Pagsulat ng Argumentativong Komposisyon


Ang isang argumentativong komposisyon ay nararapat na
buuin ng mga efektibong talataan na mahusay na inilahad.
Tatlo lamang ang pangunahing bahagi nito: simula, gitna,
wakas. Kalugud-lugod ang magandang simula, ang gitna
naman ay laging walang katiyakan pagkat maaaring mahaba o
maikli depende sa takbo ng mga pangyayari, ngunit sinasabing
ang lubhang mahalaga ay ang wakas.
Hindi lahat ng ating iniisip o ginagawa ay maaaring sang-
ayunan ng iba, marapat lamang na maging handa ang handa
ang sinumang manunulat, lalo na argumentativong
komposisyon.

MGA BAHAGI NG ARGUMENTATIVONG KOMPOSISYON

 Paksa ang mismong dahilan kung bakit sinusulat at binabasa


ang isang teksto.
1.Simula
2.Gitna
3. Wakas

Mga Uri ng Maling Pangangatwiran

1. Argumentum ad hominem- isang nakakahiyang pag-atake


sa personal na katangian/katayuan ng katalo at hindi sa
isyung tinatalakay o pinagtatalunan.
Hal. Ano ang mapapala ninyong iboto ang aking katunggali
gayong ni hindi siya naging pinuno ng kanyang klase o ng
kanyang barangay kaya? Balita ko’y under de saya pa yata!
2. Argumentum ad baculum- pwersa o awtoridad ang gamit
upang maiwasan ang isyu at tuloy maipanalo ang argumento.

Hal. Tumigil ka sa sinasabi mo, anak lang kita at wala kang


karapatang magsalita sa akin nang ganyan! Baka sampalin kita
at nang makita mo ang hinahanap mo!
3.Argumentum ad misericordiam- upang makamit ang awa at
pagkampi ng mga nakikinig/ bumabasa , ginagamit ito sa
paraang pumipili ng mga salitang umaatake sa damdamin at
hindi sa kaisipan.

Hal. Limusan natin ang mga kapuspalad sa lansangan . Hindi


ba natin nakikita ang marurumi nilang damit, payat na
pangangatawan at nanlalalim na mga mata? Ano na lamang ba
ang magbigay ng ilang sentimos bilang pantawid-gutom?
4.Non sequitur- sa Ingles, ang ibig sabihin nito ay “it doesn’t
follow” pagbibigay ito ng konklusyon sa kabila ng mga walang
kaugnayang batayan.
Hal. Ang santol ay hindi magbubunga ng mangga. Masamang
pamilya ang pinagmulan niya. Magulong paligid ang kanyang
nilakhan. Ano pa a ng inaasahan mo sa ganyang uri ng tao
kundi kawalang-hiyaan!
5. Ignoratio elenchi- gamitin ito ng mga Pilipino lalo sa sa mga
usapang barberya, wika nga. Ito ang kilala sa Ingles na
“circular reasoning” o paliguy-ligoy.
Anumang bagay na magpapatunay sa aking pagkatao ay
maipaliliwanag ng aking butihing maybahay. Tiyak ko namang
paniniwalaan ninyo siya pagkat naging mabuti siyang ina ng
aking mga anak, kahit tanungin pa ninyo sila ngayon.
6. Maling Paglalahat- dahil lamang sa ilang aytem/ sitwasyon,
nagbibigay na agad ng isang konklusyog sumasaklaw sa
pangkalahatan.

Ang artistang ito ay naging tiwali sa kanyang


panunungkulan. Ang artista naman iyon ay maraming asawa,
samantala bobo naman ang isang ito na tumatakbo bilang
konsehal. Huwag na nating iboto ang mga artista!
7. Maling Paghahambing-karaniwan nang tinatawag na
usapang lasing ang ganitong uri pagkat mayroon ngang
hambingan ngunit sumasala sa matinong konklusyon.
( Sagot ng anak sa ina) Bakit ninyo ako patutulugin agad?
Kung kayo nga ay gising pa.

8. Maling Saligan-nagsimula sa maling akala na siya namang


naging batayan. Ipinagpatuloy ang gayon hanggang
magkaroon ng konklusyong wala sa katwiran.
Lahat ng kabataan ay pag-aasawa ang iniisip. Sa pag-asawa
, kailangan ang katapatan at kasipagan upang magtagumpay.
Dahil dito, dapat lamang na maging tapat at masipag ang mga
kabataan.
9. Maling awtoridad- naglalahad ng tao o sangguniang walang
kinalaman sa isyung kasangkot.
Ang Kristiyanismo ay pananampalataya ng mga mahihina.
Iyan ang ipinahayag ni Karl Marx.
10. Dilemna-naghahandog lamang ng dalawang opsyon/
pagpipilian na para bang iyon lamang at wala nang iba pang
alternativo.

Upang hindi ka mapahiya sa ating debate, ganito na lamang


ang gawin mo: huwag ka nang pumunta o kaya ay magsabmit
ka ng papel na nagsasaad ng iyong pag-urong.

Ang Debate
Sa mga formal na debate, karaniwang kinahihiligan ang
tradisyunal na Oregon-Oxford , ginagamit ng mga profesor sa
kolehiyo pagkat waring mga abogado ang mga nagtatalo at
ang modenong Australasian.

Hakbang sa isang Pagtatalong Oregon-Oxford


A. Dalawa o tatlong miyembro ang kailangan ng bawat
koponan.
B. Dapat na umabot lamang sa walo (8) hanggang sampung
(10) minuto ang bawat talumpati.
C. May bahagi ng interpelasyon o tanungan na tatagal
lamang ng tatlo (3) hanggang limang (5) minuto. Narito
ang mga paalala:
1. Ang mga tanong ay dapat na masasagot lamang ng OO at
Hindi.
2. Hindi dapat magtanong ang katunggali sa panahong siya
ang tinatanong.
3. Gayundin, huwag niyang payagang magsayang ng oras
ang kanyang katunggali.
4. Ipokus lamang ang mga tanong sa buod ng isyung
napagkasunduan lamang.
5. Sa paglabag ng katunggali sa mga alintuntunin , ipaalam
agad ito sa tagapangasiwa ng debate.
D. Isunod ang pagtuligsa na kasinghaba ng oras ng tanungan,
hanggang sa tapusin ng puno ng panig ng afirmatibo.

Ang mabuting pagtuligsa ay dapat alinsunod sa mga ss:


1 Hindi na kailangan ng panibagong talumpati maliban sa
paglalahad.
2. Lamang ng mga kamalian ng katunggali.
3. Ipaalam sa madla ang mga kahinaan ng kanyang binanggit.
4. Humandang ilahad ang mga kahinaan ng kanyang mga
katibayan.
5. Maaaring ikatwirang labas sa pinag-usapang saklaw ng
debate ang kanyang sinasabi.
Tapusin sa pamamagitan ng paglalahad ng sriling merito.
E. May dalawang pangkalahatang bahagi ang Oregon-Oxford.
Una ang tunggalian ng dalawang pinuno at matapos naman
nila ay dalawang katuwang.
1. Magtatalumpati ang afirmativo
2. Tatanungin ang negativo
3. Magtatalumpati ang negativo
4. Tatanungin ng afirmativo.

Sumulat ng isang argumentativong komposisyon hinggil sa


isang napapanahon at makabuluhang paksa.
Paglalahad-ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong
mabigyang linaw ang isang konsepto o kaisipan, bagay o
paninindigan upang lubos na maunawaan ng nakikinig o
bumabasa.
Sa pamamagitan ng paglalahad ay nagiging ganap ang
pagkatuto ng isang tao dahil nabibigyan siya ng
pagkakataong makatuklas ng isang ideya o kaisipan na
makapaghahatid sa kanya ng kasiyahan at kalinawan sa
paksang pinag-uusapan.
Itinuturing din ang paglalahad bilang isang uri ng
pagpapaliwanag ng tao ukol sa mga bagay bagay na may
kaugnayan sa kanyang gawaing pangkomunikasyon.Iba’t
ibang pamamaraan ang gamit ng tao sa paglalahad lalo’t sa
paraang pasalita o pabigkas. Ngunit kapag ito ay sa paraang
pasulat mahalagang makita ang mga ss. Upang maging
epektibo sa bumabasa:
1. Gawing malinaw ang paksa at sikaping malinaw rin ang
pagkakasulat.
2. Gumamit lamang ng mga salita at pangungusap na madaling
maunawaan.
3. Sikaping maging maayos ang organisasyon.
4. Panatilihin ang makatawag pansin sa simula, ang mayamang
bahagi ng katawan at kapana-panabik na wakas.
5. Basahing muli ang isinulat at iwasto kung kinakailangan.
6. Pumili ng angkop na pamagat at isulat sa gitnang bahagi ng
papel.

Mga Katangian ng Mahusay na Paglalahad


1.Kalinawan- malinaw ang paliwanag at angkop o tama ang mga
salitang ginagamit.
2.Katiyakan- nakapokus lamang sa paksang tinatalakay at tiyak
ang layunin ng pagpapaliwanag. Iwasan ang mga bagay na di
kaugnay sa tinatalakay.
3. Kaugnayan-magkaugnay ang mga pangungusap at talata.
4. Diin- binibigyang diin ang mga mahalagang kaisipang nais
talakayin.

Mga Bahagi ng Paglalahad


1. Simula- nakakatawag pansin , nakakaakit , nakapupukaw,
nakagaganyak at nakakahatak ng kuryosidad. Ilan sa mga
halimbawa na maaaring simula:
a. Pagtatanong
b. Pagkukwento o Pagsasalaysay
c. Pagsipi o Paghalaw ng isang saknong
d. Paggamit ng siniping pahayag
e. Dayalogo o usapan
f. Makatawag pansing pangungusap.
2. Katawan o Gitna-binubuo ng mga talatang kinapapalooban ng
mga pangunahin at pantulong na kaisipan upang maibigay ang
detalye sa isang paksa. Dapat magkaroon ng kaisahan,kaugnayan
at diin ang mga kaisipan para hindi malito ang mga bumabasa.
3. Wakas-nag-iiwan ng impresyong titimo sa damdamin at
kikintal sa isipan ng mambabasa, gaya ng panimula, ang
paglalahad ay maaaring wakasan sa iba’t ibang paraan.
Pagkagumon sa Bawal na Gamot, Hamon sa Kabataan

Upang matugunan ang patuloy sa paglubhang


suliranin sa pagkasugapa sa ipinagbabawal na gamot,
nakilahok ang Dalubhasang Normal ng Pilipinas sa
pagdiriwang ng “ Drug Abuse Prevention and Control
Week,” ginanap mula ika-10 hanggang ika-16 ng
Agosto. Masasabing ang aksyon ay sadyang
napapanahon lamang lalo’t higit ngayong patuloy na
dumarami ang bilang ng mga kabataang nahihirati sa
paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot. Nagsisilbi
rin itong paalala sa mga kabataang mag-aaral na
Iwasan ang pagkagumon sa mga ito dahil sa masamang
epektong dulot ng mga ito.
Hindi maipagkakaila na laganap sa ating pamayanan ang
ganitong suliranin, hindi lamang dito kundi maging sa ibang
bansa. Sa pagsusuri ng sanhi ng pagkagumon, lumilitaw na ang
paggamit ng ipinagbabawal ng gamot ay nagiging paraan ng
pagkalimot ng kabataan sa suliranin katulad ng pantahanan,
pangmag-anak at iba pang katulad. Samantala, mayroon ding
nalulong sa masamang bisyong ito alang-alanng sa pakikisama.
Sa mangilan-ngilan , ang paggamit ng ganitong uri ng gamot ay
tanda ng pagkakabilang sa bagong henerasyon. Mayroon din
namang likas na mapaghanap sa katawan.
Ang paglala ng suliraning ito ay nagsanga ng marami pang
suliraning panlipunan. Dahil dito ay tumataas ang bilang ng
mga krimeng nagaganap bawat araw katulad ng pagnanakaw,
pakikipagbasag-ulo, pangagahasa at prostitusyon. Malinaw na
ipinahihiwatig ng mga krimeng nabanggit na ang
pagkalulong sa ipinagdiriwang na gamot ay isang sanhi sa
mabagal na pag-unlad kudi man ay patuloy na pagbagsak sa
ekonomiya ng bansa.
Gayon paman, tulad ng anumang suliranin, ito ay mayroon
ding kalutasan. Ngunit nakanino ang kalutasan? Sino ang
makakalutas nito?
Ang pamahalaan ay maglaan ng tanggapan, pagamutan at
sentro ng pagpapanibagong buhay para sa mga nalulong sa
ipnagbabawal na gamot. Bukod dito, ang bawat mamamayan
ay may katungkulang dapat gampanan sa ikalulutas ngn
suliraning ito.
Marahil ay maitatanong sa ating sarili kung bakit ang
nakaraang pagdiriwang ng “Drug Abuse Control and
Prevention Week” ay inilaan sa mga kabataang mag-aaral
katulad ng Dalubhasaan .
MGA URI NG PAGLALAHAD
1. Pagbibigay Katuturan- napalilinaw nito ang pag-uunawa sa
kahalagahan ng isang bagay, tao, pangyayari o nadarama.
2. Pagsunod sa Panuto/ pamamaraan- halimbawa ang
pagsusunod-sunod sa isang recepi ng pagluluto.
3. Pangulong Tudling o Editoryal- nagpapahayag ng opinyon o
palagay ng editor ng isang pahayagan o magasin tungkol sa
napapanahong isyu.
4. Sanaysay- anyong panitikan na naglalahad ng kuru-kuro,
pananaw, paniniwala at damdamin ng manunulat, hango sa
kanyang karanasan at sa inaakalang palagay o katotohanan.
5. Balita-naglalaman ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa
loob at labas ng bansa.
6. Pitak- karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin.
Naglalaman ng reaksyon, kuru-kuro at pansariling pananaw
hinggil sa isang napapanahong isyu o pangyayaring
nagaganap sa kanyang paligid o sa iba pang pook. Tinatawag
din itong kolum.
7.Tala-paglilista ng mga bagay bagay na dapat gawin o
tandaan.
8. Ulat- paglalahad ng mg kaisipan o kaalamang nakuha,
natutunan o nasaliksik mula sa binasa, narinig o naranasan.
Iba’t Ibang Hulwaran ng Teksto
1.Paglilista ng Detalye- pinakapangkaraniwang
hulwaran ito sa pag-oorganisa ng teksto. Ang mga
detalye o impormasyon ay isa-isang itatala at
tatalakayin. Madalas na ayusin ito nang ayon sa
tamang pagkakasunud-sunod. May mga pagkakataon
din na ang isang malawak na paksa ay hinahati-hati
sa mas maliit na paksa at isa-isa itong binibigyan ng
pamagat.

Narito ang halimbawa:


Kabayan , Ikatlong Yugto
Misyon ng Kabayan Noon at Ngayon
Kaibahan ng Kabayan sa mga Pahayagan na
Gumagamit din ng Filipino
2. Sanhi at Bunga- May mga akdang inaangkupan ng
hulwarang ito gaya ng mga balita, alamat at iba pang sulatin na
nagpapakita ng dahilan at epekto.

3.Paghahambing at Kontrast- May dalawang bagay, kaisipan,


pangyayari o tao na nais na bigyan ng pagtutulad at
pagkakaiba sa pamamagitan ng hulwarang ito.

4.Problema at Solusyon-angkop itong gamitin para sa mga


sulating teknikal at maagham tulad ng mga sulating
pananaliksik, gayundin sa mga malikhaing sulatin tulad ng
maikling kwento.

5.Pagsusuri- ginagamit ang ganitong hulwaran sa mga akdang


kritisismo gaya ng rebyung pampelikula, rebyu ng isang aklat
o rebyu ng mga akdang pampanitikan.Unang inilalahad dito
ang mga impormasyon o detalye buhat sa sinuri at saka pa
lamang ito bibigyan ng sariling reaksyon.
SANGGUNIAN:

RETORIKA

You might also like