You are on page 1of 14

DULOG SA

PAGSULAT
1. DIKTO- KOMP
-Sinasanay ang mga mag-aaral sa
pagbuo ng tekstong idinidikta.
PROSESO:
Pumili ng isang teksto na nagtataglay
ng mga kayariang sintaktik na nais
mong mapagsanayang gamitin sa
pagsulat ng mga mag-aaral.
Basahin ang buong teksto sa
karaniwang bilis sa pagbasa. Hayaang
mapakinggan ito ng buong klase na
kailangan nilang magtala ng
mahahalagang salita/ parirala.
Hayaang magpares-pares ang mga
mag-aaral at ipabuo muli ang tekstong
napakinggan sa tulong ng mga
naitalang salita/ parirala.
Mula sa dalawahan, pagpangkat- pangkatin
muli ang mga mag-aaral at hayaang ilahad
ng bawat kasapi ng pangkat ang binuong
komposisyon. Paghambing- hambingin ito
at pabuuin muli ng pinal na komposisyon
ang bawat pangkat.
Ipakita ang orihinal na teksto nang buong-
buo o kaya ay isa-isang ilahad ang mga
pangungusap ng buong teksto. Ihambing
ang nabuong teksto sa orihinal.
ANG MALAYANG PAGSULAT-
ISANG MULTIDIMENSYONAL
NA PROSESO
-Ang proseso sa pagsulat ay hindi
lamang nakapokus sa akto ng
pagsulat.
- Ito ay paulit-ulit na proseso kung
saan sinisimulan ang pagsulat at
pagkatapos ay maaaring baguhin ang
naisulat, susulat muli hanggang sa
mabuo ang sulatin.
MGA YUGTO SA
PROSESONG
PAGDULOG SA
PAGSULAT
1. BAGO SUMULAT

- Nagsisimula matapos
ihayag ng guro ang paksa
o di kaya ay matapos
mapagkasunduan ng
buong klase ang paksang
tatalakayin.
ILAN SA MGA TEKNIK
NA MAAARING GAMITIN
SA PAGLIKHA O
PAGBUO NG MGA IDEYA
A.BRAINSTORMING
B.PAGTATALA
C.MABILIS NA PAGSULAT
D.MIND-MAPPING
E.PAGBUO NG MGA
IDEYA
2. PAGSULAT

-Ikalawang hakbang sa
pagsulat.
- Isinasaayos ang simula,
katawan at pagwawakas
ng komposisyon.
A. PAGSULAT NG BURADOR
- Kailangan ito ay positibong saloobin
upang malayang mailahad ng mga
mag-aaral ang kanilang mga ideya.
B. PIDBAK/PAKIKIPANAYAM
- Sa yugtong ito ay nabibigyan ng
ibayong patnubay ang mga mag-
aaral kung paano nila mapapabuti
ang kanilang mga kasanayan sa
pagsulat.
Ilan sa mga tanong na maaaring
gamitin sa pakikipanayam:
1.Ano ang paksa ng iyong
sulatin?
2.Bakit gusto mo itong sulatin?
3.Sino ang iyong target na
tagabasa?
4.Ano ang pinakagusto mong
bahagi?
C. MULING PAGSULAT/
REBISYON
- Isusulat na muli ng mga mag-
aaral ang kanilang
komposisyon na isinasaalang-
alang ang mga kaisipang
natamo sa pakikipanayam.

You might also like