You are on page 1of 6

Ang Pangkatang Talakayan

- ay tuwirang pag-uusap ng isang maliit na pangkat ng


tao. Tinatalakay nila ang mga problema na mahalaga
sakanila at binibigyan iyon ng solusyon. ang mga kasali
rito ay pasalitang nakikipag usap. Nagpapalitan sila ng
kaisipan tungkol sa temang pinag-uusapan. May sapat
na lakas ang kanilang pagsasalita upang mapakinggan
ng mga nakikinig ang kanilang diskusyon.
Ano ang kailangang gawin upang tagumpay ang
gawaing ito?
• MABUTING PAGPAPLANO

Sa klase, mainam na iplano itong mabuti ng guro at ng mga


mag-aaral na nagsisipag-usap. Dapat na magsaliksik at
magsipaghanda ang mga kasali sa paksang tatalakayin.

Impormal na usapan ito. Hindi ito pormal na pagtatalumpati


o pulong na gagamitan ng mga pormal tuntunin sa pagpupulong.
Gawin lamang na maikli ang pagsagot sa usapan. Ang sagot ay
dapat na iukol sa kausap subalit may sapat na lakas para marinig sa
buong silid-aralin. Dapat na makinig at magsalita ang mga kasali sa
pangkatang talakayan.
Narito ang ilang paalala sa mga kalahok sa pangkatang
talakayin:
1. Bawat kasali ay nakapaghandang mabuti sa pamamagitan ng
pagbabasa sa paksang pag-uusapan. Alam niya ang kanyang
balangkas at nakahanda siyang sumagot sa bahaging ang sagot
niya ay makatutulong sa paglinaw ng problemang pinag-
uusapan.
2. Maging malaya ang pagsasagutan ng mga kasali.
3. Dapat na iukol ang kanilang atensyon sa ginagawa ng pangkat at
hindi sa sarili lamang.
4. Dapat nilang pakinggan at talakayin ng husto ang bawat isyung
nakalahad.
5. Dapat silang maging mahusay na tagapakinig at maging
interesado sa sinasabi ng kanilang kasama.
6. Kailangang makatulong sila para mabuo ang solusyon sa
problema.
7. Maaari silang sumagot at magbigay ng kanilang
kaisipan nang hindi kinakailangan pang tawagin ng
tagapanguna.
8. Magsalita sila ng may sapat na lakas para marinig ng
mga kaharap at nakikinig.
9. Tumulong sila na mailapit o maipasok ang bagong
isipan sa kanilang diskusyon.
Maaari ring gamitin ang symposium panel.
-ginagamit ito upang mabigyan ang mga nakikinig ng
mga ipormasyon
ukol sa isang paksa o ipakita ang kabutihan ng iba't-ibang
solusyon sa isang kontrobersyal na problema o isyu. Ito ay
higit na pormal kaysa pangkatang talakayan.
-sa paraang ito, may dalawa o higit pang mag-aaral ang
magbibigay ng talumpati tungkol sa paksa o sa mga
solusyon sa problema. Pagkatapos ng talumpati ng mga
kalahok isusunod ang bukas na tanungan o (open forum).
Magtatanong ang mga nakarinig sa talumpati para linawin
ang bahaging kailangan pa ng karagdagang paliwanag.

You might also like