You are on page 1of 1

PANGKATANG TALAKAYAN

I.KAHULUGAN:
 Kinabibilangan ng maliit na pangkat ng tao upang sama-samang lutasin ang
napapanahong suliranin o usapin.
 Nagpapalitan ng mga opinyon o kuro-kuro tungkol sa paksang pinag-uusapan.

II. MGA DAPAT TANDAAN KUNG KASAPI SA PANGKATANG TALAKAYAN:


 Pakinggan ang bawat sasabihin ng kasama sa patalakayan.
 Makibahagi, huwag matakot maglahad ng katotohanan, huwag manatiling tahimik.
 Huwag ililihis sa paksang pinag-uusapan na maaaring makapagpabagal sa talakayan.
 Magkaroon ng bukas na isipan.
 Iwasan ang maling pangangatwiran o pag-iisip, huwag sasalungat sa katwiran ng
nakararami.
 Iwasan ang pagiging mapagmataas o makipag-alitan sa mga kasama.

III. URI NG PANGKATANG TALAKAYAN


1. SIMPOSYUM
 Paglalahad ng iba-ibang pananaw tungkol sa itinakdang paksa. Karaniwang kontrolado
ng isang tagapamuno. Inilalahad ang paksa at ipinakikilala ang mga tagapagsalita.
2. LECTURE FORUM
 Katulad ng simposyum iisa lamang ang tagapagsalita.
3. PANEL DISCUSSION
 Talakayan ng tatlo hanggang anim na kasapi na naglalayong mapag-usapan at malutas
ang isang problema o isyu sa harap ng mga manonood o tagapakinig.
4. ROUND TABLE
 Binubuo ng apat o higit pang eksperto sa isang paksa na nagpapalitan ng mga
pananaw o kuru-kuro.
5. MALAYANG TALAKAYAN
 May moderator na namumuno.
 Ang bawat kasapi ay malayang nakapagbabahagi ng opinyon at nakapagtatanong.

IV. PARAAN NG PAGTATALAKAYAN


1. GULONG O WHEEL DISCUSSION
 Pinamumunuan ng isang tagapangulo na malayang nakikipagtalakayan sa lahat ng
kalahok subalit ang mga kalahok ay hindi maaaring makipagtalakayan sa isa`t isa.
2. TANIKALA O CHAIN DISCUSSION
 Ang kalahok sa gitna ay malayang nakikipagtalakayan sa dalawang kalahok na malapit
sa kanya subalit ang dalawang ito ay hindi maaaring makipagtalakayan sa isa`t isa. Ang
dalawa pang kalahok ay maaari lamang makipagtalakayan sa taong malapit sa kanila.
3. PAHUGIS Y
 Ang posisyon ng mga kalahok ay parang anyong Y na hawig sa paraang gulong
bagamat may ilang kalahok na nagagawang makipagtalakayan sa katabing kalahok
lamang.
4. PABILOG
 Ang isang miyembro ay malayang nakikipagtalakayan sa dalawang magkabilang
kalahok lamang.
5. PANLAHAT
 Lahat ng kalahok ay aktibong nakikipagtalakayan sa isa`t isa.

You might also like