You are on page 1of 27

Seminar o Pantas-Aral

Ano ang Seminar


o Pantas-Aral ?
Ang Pantas-Aral o Seminar

 Ito ay isang pormal na akademikong instruksyon na maaaring ibigay ng unibersidad o


pamantasan, mga komersyal o propesyunal na organisasyon.
 Tungkulin nito na lipunin ang isang maliit na pangkat para sa mahalagang pag-uusap
sa isang paksa na kung saan ang bawat partisipante ay inaasahang makikilahok sa
anumang paraan.
 Ang magsasagawa ng pagtalakay ay karaniwang naghahanda upang epektibong
talakayin ang paksa na iniatas o ibinigay sa kanya.
 Ang seminar na marahil ang pinakakaraniwang gawain na inoorganisa ng isang
indibidwal na maaaring isakatuparan sa loob ng isa o kahit na kalahating araw lamang.
Mga elemento nang seminar:

Upang matagumpay na maisakatuparan ang gawaing ito, mahalaga na maging


pamilyar sa mga sumusunod na sangkap:

1. Layunin;
2. Paksa;
3. Tagapagsalita;
4. Manunuod O Dadalo;
5. Pagdarausan.
Layunin

Ang layunin ay nangangahulugan ng intensyon, adhikain o ang mga bagay na nais gawin o isakatuparan ng
isang tao maaring pangsariling kapakanan o para sa ikabubuti ng karamihan.

Ang mga tagapamahala ng pantas-aral o seminar ay kailangang magpasya sa mga inaasahang halaga na
kailangang gugulin, mga pangangailangang pangteknolohiya ng bawat tagapagsalita, plano na matatamo sa
lalong madaling panahon (short-term objective), at plano na matatamo sa mahabang panahon (long-term
objective).

 Ang lugar na pagdarausan ay mahalaga ring isaalang-alang sa pagbuo ng pantas-aral o seminar. Pumili ng
lugar na naangkop sa uri ng pantas-aral na inyong inihanda. Mahalaga ring isaalang-alang ang petsa, ang
istilo ng silid, audio/visual na mga pangangailangan, upuan para sa mga kalahok, at layunin ng pantas-aral.
Paksa

 Tumutukoy sa diwa o ideya na binigiyang pokus o atensyon ng tagapamahal sa


seminar.
 Mahalagang isaalang-alang sa gawaing ito ang paksa ng pagtalakay sapagkat dito
nakasalalay ang mga pagpapasya sa maraming bagay katulad subalit hindi limitado
sa pagpili ng tagapagsalita, lugar na pagdarausan, programa at imbitasyon.
 Ang paksa ay kailangang napapanahon at maaaring magbigay ng malalim na
kontribusyon sa espisipikong laragan.
Pagpili ng Tagapagsalita

 Pumili ng tagapagsalita na may malawak na kaalaman sa paksa


ng pagtalakay.
Ang pangunahing tagapagsalita ay kailangang makapagbigay ng
pangkalahatang impormasyon sa lahat ng sangay ng pag-aaral.
Ang pangalawa at iba pang tagapagsalita ay kailangang paham o
eksperto sa espisipikong larangan na ibinigay sa paksa ng
kanyang pagtalakay.
Manunuod o Dadalo

 Dapat ding tingnan ng mga mag-oorganisa ng pantas-aral o seminar ang


mga partisipante o kalahok sa gawaing ito upang matukoy din ang kanilang
mga pangangailangan katulad subalit hindi limitado sa sumusunod: mga
maaari at di maaring pagkain para sa kanila
(Halimbawa: kung may Muslim na dadalo, kailangang walang halong karne
ng baboy ang pagkain).
 Ang propayl ng mga manunuod o dadalo ay mahalaga ring malaman
upang maging batayan ng mga tagapagsalita sa kanilang presentasyon.
Lugar na Pagdarausan

 Mahalaga ring sangkap ng gawaing ito ang lugar kung saan ito gaganapin.
 Ang mga paghahanda ng mga mag-oorganisa at maging ng tagapagsalita ay
maaring ibatay sa kakayahan ng lugar na ibigay ang kanilang mga
pangangailangan katulad ng:
 Espasyo para sa mga kagamitan at partisipant,
 Kondisyon ng audio/Visual,
 Teknikal na mga kagamitan, at marami pang iba.
 
Halimbawa Ng Seminar:

Faculty seminar
Webinar
At iba pa.
Faculty Seminar

 Ang faculty seminar naman ay nilalahukan ng mga taong may iisang propesyun o
asignatura.

Halimabawa:
1. Nagkaroon ng pantas aral ang mga seyentista tungkol sa pag imbento nang
alternatiobong gamut parasa sakit na diyabetes.
2. Pantas aral ng mga guro tungkol Information Communication Technology (ICT)base
teaching learning approaches.
3. Nagkaroon ng seminar ang mga barangay lupon tung sa “Katarungan Pambarangay”
Webinar

 Ang salitang 'webinar' ay isang timpla ng 'web' at 'seminar’.


Ang webinar ay isang kaganapan na ginanap na halos dinaluhan ng
isang online na madla.

 Tinutukoy nito ang pagkakaiba nito sa isang webcast, na


kinabibilangan din ng pagkakaroon ng isang pisikal na madla.

 Ginagamitan ito nang:


 Mediated Communication

Mediated Communication , kung saan ang mga tao ay gumagamit ng mga:

 Gadgets, social applications(Google meet,Zoom, Facebook, etc.) at


network para makipag-usap sa isa't isa.
 Ginagawang maginhawa ang komunikasyon sa malalayong distansya at
iba't ibang time zone.
 Na inaalis ang mga hadlang sa oras at heograpiya ng personal na
komunikasyon.
PAGSUSULIT
1._____________________

Ito ay isang pormal na akademikong instruksyon na maaaring


ibigay ng unibersidad o pamantasan, mga komersyal o
propesyunal na organisasyon.
2. Ang __________________

ay nangangahulugan ng intensyon, adhikain o ang mga bagay na


nais gawin o isakatuparan ng isang tao maaring pangsariling
kapakanan o para sa ikabubuti ng karamihan.
3.__________________

Tumutukoy sa diwa o ideya na binigiyang pokus


o atensyon ng tagapamahal sa seminar.
4.__________________

Ito ay pagpili nang tagapamahala na dapat may


malawak na kaalaman sa paksa ng pagtalakay at
kailangang makapagbigay ng pangkalahatang
impormasyon sa lahat ng sangay ng pag-aaral.
5.__________________

Dapat ding tingnan ng mga mag-oorganisa ng pantas-aral


o seminar ang mga partisipante o kalahok sa gawaing ito
upang matukoy din ang kanilang mga pangangailangan
katulad subalit hindi limitado sa sumusunod: mga maaari
at di maaring pagkain para sa kanila.
6.Ang__________________

nilalahukan ng mga taong may iisang propesyun o


asignatura.
Halimbawa:
Nagkaroon ng pantas aral ang mga seyentista tungkol sa
pag imbento nang alternatiobong gamot parasa sakit na
diyabetes.
7.__________________

Isang halimbawa ng seminar na ginanap na halos


dinaluhan ng isang online na madla.
8.__________________

Isang uri nang komunikasyon kung saan ang mga tao ay


gumagamit ng mga gadgets, social applications(Google
meet,Zoom, Facebook, etc.) at network para makipag-usap sa isa't
isa.
9-10. Bigyan kahulugan ang Seminar O
Pantas-aral (2 puntos)
Mga sagot sa pagsuslit
1. Seminar o Pantas-Aral
2. Layunin
3. Paksa
4. Pagpili ng Tagapagsalita
5. Manunuod o Dadalo
6. Faculty Seminar
7. Webinar
8. Mediated communication or Mediated na
Kommunikasyon
9-10. tagapag-ulat magchecheck ! 😂

You might also like