1. Liwanaging mabuti kung anong uri ng katha ang sinusuri kung
ito ay nobela, maikling kwento tula o dula. 2. Basahin ito nang masinsinan at igawa ng lagom. Ito ay buod ng nilalaman, kung ganoon maikli lamang ang lagom. 3. Bigyang-halaga hindi lamang ang nilalaman kundi pati ang isitlo o paraan ng pagkakasulat ng katha 4. Bukod sa pagbanggit ng kahusayan at kahinaan ng katha mag-ukol din ng karampatang pagpapakahulugan; 5. Lakipan ng ilang siping makapagbibigay-kahulugan sa ginagawang panunuri at samahan ng maikling pagbibigay- katuturan. 6. Iwasan ang pagbibigay ng anumang kapasiyahan nang walang lakip na batayan o patunay; at 7. Kailangang nababatay din ang anumang pagpapasya sa takdang pamantayan, bagaman maaaring isama rin ang sariling pagkilala ng sumusulat ayon sa matapat niyang paniniwala (Nenita Papa).