You are on page 1of 9

Presented by: Lagarde, Michaella Gabrielle D.

of Grade 12-ABM
• Ang rebyu ay isang akdang sumusuri o pumupuna
sa isang likhang-sining. Maingat ditong
binibigyang-pansin ang mga sangkap o elemento
ng genre na nirerebyu upang ang isang kritiko ay
makapaglahad ng obhetibo at matalinong
analisis.

• Samakatwid, ano-ano ang maaaring gawan ng


rebyu? Kung tutuusin, kahit na anong likhang
sining. Kung gayon, maaaring gawan ng rebyu
ang mga akdang nababasa tulad ng tula,
maikling katha, nobela, sanaysay o aklat.
1. Sapat nakaalaman sa genre na kanyang sinusuri
at sa paksa niyon,
2. Sapat na kakayang magsuri o kakayahang
kumilala ng mga kahinaan at kalakasan ng
genre na sinusuri,
3. Pagiging tapat, obhetibo at kawalan ng bahid
impluho ng damdaming pansarili, at
4. Pagkakaroon ng likas na kuro-kuro o hindi
pagpapadala sa iba’t-ibang impluwensyang
may kiling
• MASAKLAW. Sinusuri ng isang mahusay na rebyu
ang lahat ng sangkap o elemento ng genre na
kinabibilangan ng akdang sinusuri.
• KRITIKAL. Ang rebyu ay isang mapanuring akda
kung kaya kailangan malalimang pagsusuri ng
mga sangkap.
• NAPAPANAHON. Liban sa mga akdang klasiko,
ang isang mahusay na rebyu ay pumapaksa sa
isang akdang napapanahon.
• WALANG PAGKILING. Obhetibo ang isang
mahusay na kritiko.
• MAPANANALIGAN. Kapani-paniwala ang isang
mahusay na rebyu.
• ORIHINAL. Ang isang mahusay na rebyu ay hindi
pagsasama-sama lamang ng sinasabi ng ibang
kritiko.
• MAKATUWIRAN. Ang isang mahusay na kritiko
ay makatwiran sa may-akda ng akdang sinusuri.
• NAGTATANGI. Ang isang mahusay na rebyu ay
nagtatangi ng mabuti sa hindi mabuti, ng
mahusay sa hindi mahusay, ng mataas na kalidad
sa mababang kalidad.
• Liwanaging mabuti kung anong uri ng katha ang
sinusuri kung ito’y nobela, maikling kwento, tula,
dula, pelikula, programang pantelebisyon, o iba
pa.
• Basahin o panoorin ito nang masinsin at igawa
iyon ng lagom. Ang lagom ay maikli lamang,
sapat lang ang haba upang maunawaan ng
babasa ang paksang diwa ng kathang sinusuri.
Hindi dapat pag-ukulan ang lagom ng kung ilang
pahina. Ang kailangan lamang dito ay ang buod
ng nilalaman.
• Bigyang-halaga hindi lamang ang nilalaman
kundi pati ang estilo o paraan ng pagkakasulat
ng katha.
• Bukod sa pagbanggit ng kahusayan at kahinaan
ng katha, mag-ukol din ng karampatang
pagpapakahulugan.
• Lakipan ng ilang sisping (quotations)
makapagbibigay-kabuluhan sa ginagwang
panunuri. Maingat itong pillin at samahan ng
maikling pagbibigay-katuturan.
• Iwasan ang pagbibigay ng ano mang
kapasyahan nang walang lakip na batayan o
patunay.
• Kailangang nababatay din ang ano mang
pagpapasya sa mga takdang pamantayan,
bagamat maaaring isama rin ang sariling
pagkakilala ng sumusulat ayon sa matapat
niyang paniniwala.
• Gamiting ang pananalitang makatutulong sa
mambabasa na makapagpasya kung ang akda
ay karapat-dapat niyang basahin o hindi.
• Iwasang makulayan ang rebyu ng palgay at kuro
ng mga propesyonal na mamumuna na
nakapagpahayag na ng kanyang kuro-kuro sa
akda.
• Pag-ukulan din ng pagpapahalaga ang estilo ng
pagkakasulat bukod sa nilalaman. Maaaring
dahil sa estilo ay maiba ang akda sa ibang
tumatalakay sa gayon ding paksa. Maaaring sa
estilo ay maging lalo itong mahalaga kaysa
ibang akda.

You might also like