You are on page 1of 10

PABLO NERUDA

DAHAN-DAHANG
PAGLISAN

Siya na alipin nang kinasanayan,


na sumusunod sa gawi niya arawaraw
hindi nagbabago ng kanyang bilis ng
galaw,
hindi nakikipagsapalaran at
pinapalitan kulay ng kasuotan,
hindi nagsasalita at walang
kakayahan,

Siya ay tumatanggi sa paghanga


itim at puti ang pinipithaya
bungkos ng emosyon na
makapagpapakinabang ng iyong
mga mata
pagkalungkot ay nauwi sa ngiti
pusoy tumibok sa pagkakamali,
at ang pakiramdam,
unti-unting namamatay.

Siya na hindi ikinalilito ang mga bagaybagay,


na hindi masaya sa hanapbuhay,
hindi nakikipagsapalaran sa walang
katiyakan
upang ang pangarap ay sundan,
sila na hindi gumagawa na walang payo
minsan sa kanilang buhay,
unti-unting namamatay.

Siya na hindi naglalakbay,


na hindi nagbabasa
hindi nakikinig sa musika,
hindi nakatatagpo ng
biyaya sa kanyang sarili,
namamatay nang untiunti.

Siya na ang tiwala sa sarili ay


dahan- dahang pinapatay,
hindi hinahayaang siya ay
matulungan,
hindi matatapos ang araw
inirereklamo kanyang kamalasan
pati pagbuhos ng ulan na walang
humpay,
unti-unting namamatay.

Siya na iniiwan ang proyekto


bago pa man simulan,
hindi nagtatanong sa mga bagay
na hindi nalalaman,
siya na hindi tumutugon sa
katanungan,
kahit alam ang kasagutan,
dahan-dahang namamatay.

Subukin nating iwasan ang


kamatayan sa maliit na
kagalingan
alalahanin ang sarili na ang
mabuhay
ay nangangailangan ng
pagsisikap
at hindi basta ang huminga

Tanging ang pagsisikap


ang daan
tungo sa katangi-tanging
kaligayahan.

You might also like