You are on page 1of 7

KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN?

Mga kabataan daw ang pag-asa ng bayan

Ayon kay rizal na martir ng sambayanan

Nasaan ang sinasabing pag-asa ng bayan

Kung sa panahon ngayon sila’y naligaw ng kapalaran

Masdan mo ngayon ang mga kabataan

Pati kababaihan ang lalakas sa inuman

Marami sa kanila’y napapariwara ng kapalaran

Pansin mob a ang pagbabago ng mga kabataan?

Saan nga ba patutungo ang salitang namutawi

Sa isang tulang isinulat ng ating bayani

Sa bisyo sila’y nalulong, nawala sa sarili

Pag-asa ng bayan? Totoo o hindi?

Ano nga ba ang nangyayari sa ating bayan?

Puro nalang kaguluhan nasaan ang kapayapaan

Simple leng ang kasagutan sa mga katanungan

Halina’t ating tulungan ang kapwa kabataan

Wag tayong mag-alinlangan

Kumilos nat ating paunlarin ang bayan

Sapagkat kabataan ang pag-asa ng bayan

Kung gagabayan ito ng tama sa kasalukuyan


KABATAAN
Guhit ng panahon nag-iba,
Ihip ng hangin, droga.
Mundo’y lumipad-sumaya,
Ilang hithit lang, tamasa’y laya.

Maling landas tinahak,


Daloy ng tubig naging alak.
Mundo’y dumausdos, biglang kumawala,
Kada-laklak, igib ng puwak, problema’y nawawala.

Henerasyong puno ng pusok,


Bawat galaw tila apoy at usok.
Madaling araw siya’y nabuntis,
Katorse anyos nagmumuntis.

Kabataan ngayong dalawampu’t isang centuridad,


Nagbago, naglaho, bumaliktad.
Pawang respeto’y nawala, parang bula.
Pag-asa ng bayan, sila pa nga ba?
KABATAAN
Nakatunganga,

Nakatulala,

Nangangalumata,

May tamang hinala.

Nagmumuni-muni,

Wala naman sa sarili,

Tumatawa, tumitili,

Iiyak pa nang kaunti.

Nasa sulok,

Nagmumukmok,

Baril nakasuksok,

Maya-maya’y mag-aamok.

Nasirang bait,

Pagkatao ang kapalit,

Saka pumipilipit

Alipin ng lupit.

Hindi makatulog,

Walang antok,

Pagkat lugmok

Napakarupok.

Ginawang sandata

Ang bisyo at droga,

Walang pagsala

Buhay nasira.

Kawawa…

Nagpakasira…

Hindi pinagana…

Ang puso at diwa!


Di Tugma
Hindi alam kung pano sisimulan,
nahihirapan itugma ang bawat salita na lumilitaw sa isipan,
Ang bawat tunog sa bawat saknong ng bawat kaludtod ay nabibigatan,
Ilapat sa mensaheng
ibig iparating ng damdaming nagaalinlangan.
Oo, hindi ako sanay gumawa ng tula,
Itoy dili iba't hindi inaakala,
Ngunit aking susubukan, alang alang sa kaibigan,
Nanghihinayang sa alaala ng ating samahan, sa isang saglit ay iniwan.
Mga pagsubok biglang dumarating,
Sa kabagabagan ng buhay at panimdim, saklolo niyaong Dakilang may gawa ang
tanging hiling, araw at gabi siyang dalangin.
Ako ma'y naguguluhan sa mararamdaman, isip at puso laging nasa kabagabagan,
kalungkutan ang nasusumpungan sa bawat araw ng aking kinalalagyan, damdamin
ay halintulad sa parisukat, makipot at madilim na kulungan.
Kaibagan koy huwag magtanim ng sama ng loob, Sa puso ko'y kalungkutan ang
bumabalot, hirap ng pakikibaka sa araw-araw siyang sahod, ng buhay na sa
pagsusumakit sa paglilikod, upang sa harap Niya'y magbigay ng lugod.
Ala ala ang siyang pumupukaw sa aking loob, huwarang kaibigan ang
ipinagkaloob, nagbigay inspirasyon at lakas ng loob, upang maganap tungkuling
kaloob, sa Maylalang aking utang na loob.
Patawad, unang sambit kung tayo man ay muling magkikita. Kalakip ay ngiti't saya
sayo'y muling igagawad. Ipapalit sa galit at sama ng loob ay aking ilalahad,
magpapakumbaba sayo ay aking hangad.
ikalawang tula nagawa para sa kaibagan. Hindi ako makatang tunay kayat iyong
pagpasenyahan.
-PARA SA MGA TAONG INIWAN-

Nagmahal , nasaktan , patuloy bang masasakatan?,

Wag mong ikulong ang sarili sa nakaraan,

Dahil ang mahalaga'y nagmahal ka ng totoo,

Kaya lang naiparamdam mo sa maling tao

Wag mong gawing dahilan,

Mga pagsasamang dapat ng kalimutan,

masasakatan kalang dahil wala na,

Hindi kana nya mahal kaya tama na

Ipakita mong nagkamali sya,

Sa pag iwan sa taong minahal sya,

Ng higit pa sa inaakala nila,

Kaya lang may mga tao talagang tanga naghahanap pa ng iba

Naka move on kana,

tapos biglang nag paramdam si tanga,

Tinanong ka "kamusta kana",

Masaya mong sabihing "nakalimutan na kita"

Ngitian mo nalang,

Mga alaalang iniwan,

Ng mga manlolokong nagkulang,

Sa pag-ibig mong lubusan

Wag kang iiyak kung ikaw ay nasaktan,

Ipakita mong ikaw ay palaban,

Ipamuka mong sila'y nagkamali,

Dahil sinayang nya yung taong sya ang pinili!


"Sabi ng Musika"
Musika'y karamay
Musika'y Kaibigan
Musikay may saya sa kabila
Ng kalungkutan

Tinagpian ng musika
Ang puso kong nawasak
Sa pag-ibig nga'y nabigo
Puso ay nasaktan
Musika'y may lihim
May Luna's din palang taglay

Salamat sa iyo
Gumawa ka ng kanta
Salamat sayo at Salamat sa musika
Sa tuwina'y may karamay
Sa lahat ng oras
Sa bawat sandali
At kahit saan pa
Salamat sa musika heto na ako
At nakapag
MOVEON NA
PANGHUHUSGA

Bakit tuwing ako’y may ginagawa


Lagi kang nariyan para lang manghusga?
Pwede mo bang tigilan ang ugali mong iyan?
Dahil ako’y banas na banas na

Ako’y labing limang taon na


Sobrang layo sa edad na lima
Pwede mo naman ako sabihan
Pero wag mo naman akong sigawan
Ano naman kung naniniwala ako sa love at first sight?
Ano kung gusto ko ang unang panahon?
Ano naman kung marami akong sekreto?
Buti nalang hindi ako bungangera katulad mo
Tao lang ako katulad mo
May pakiramdam at may talino
Kaya bago mo ako husgahan
Dapat ikaw ay perpektong nilalang

You might also like