Professional Documents
Culture Documents
*looks around*
Puting pader… puting sahig… Nasa ospital ba ako? Pero… *slowly looks at hands* ba’t
may dugo ang mga kamay ko? D-dugo?… DUGO! AHHH!!! May dugo ang mga kamay
ko!!
T-tulong…
D-dok? Dok, ikaw ba yan? Tulungan niyo po ako dok… Palabasin niyo ako sa kulungan
na ito! Maawa po kayo sakin! Tulungan niyo ako!
Huh?
May madla? Ang daming tao? Paano… Paano kayo nakapasok dito?! Sino kayo?! Sino
ang nagpapasok sa inyo dito?! Ah, alam ko na! Nandito kayo para tulungan akong
lumabas dito! Yun ba?
Pakiusap! Tulungan niyo ako! Wala akong kasalanan! Hindi ako pwedeng manatili dito!
Nagsasawa na ako! Ayoko na! AYOKO NA!! Ang sakit na! Ang sakit-sakit na… Tama
na…
Hindi ko naman kasalanan kung bakit namatay siya eh. Ginawa ko lang naman iyon
dahil nasaktan niya ako… *cries* Mali bang patayin siya? Mali ba ang maghigante sa
isang tao dahil sa sinaktan ka niya? Hindi naman diba?! BA’T BA AYAW NIYO AKONG
PAKINGGAN?!
*screams*
*imagines lover*
Ba’t ba kasi niloko mo ako, Sam?! HINDI PA BA AKO SAPAT PARA SA IYO?!
NAGKULANG BA AKO?! SUMAGOT KA! BAKIT NAGAWA MO SA AKIN IYON?! HA?!
*cries* Kung hindi mo lang sana ginawa iyon… Edi sana buhay ka pa.. Kung hindi mo
lang sana ginawa iyon… edi sana makakasama pa kita…
Ayoko naman sanang patayin ka eh… Pero matinding galit talaga ang nararamdaman
ko para sa iyo… Winasak mo ako, Sam… hindi lang ang puso ko, kundi ang buong
pagkatao ko rin!
Pero yun pala… Mga akala ko lang iyon. PINAASA MO AKO! WALANGHIYA KA!
WALANGHIYA KA!
*cries*
Naalala mo ba ang gabing iniwan mo ako? Yun rin ang gabing pinatay kita… pinatay ko
kayong dalawa. Ang pinagkaiba, mas masaklap ang ginawa ko sa babae mo.
*grins wickedly*
Pinasok ko ang tahanan niya. Hinahap ko siya at sinaksak ko siya ng paulit-ulit gamit
ang kutsilyong ginamit ko rin pamatay sa'yo hanggang sa mapuno ng dugo ang buong
katawan niya. Pagkatapos, itinali ko ang leeg niya sa isang lubid at pinakabit siya sa
kisame niya.
Hindi ko alam na nakikitira siya sa ina niya kaya nadatnan ako ng ina niya sa kanilang
tahanan na duguan.
Syempre, sumigaw siya! Agad siyang tumawag ng tulong sakanilang kapit-bahay kaya
nahuli ako.
Kaya ako nandito ngayon sa loob ng puting kulungan na ito.. Akala nila, nabaliw na ako..
Nabaliw?
*cries*
Pero, Sam… patawarin mo ako… Hindi ko iyon sinasadya… hindi ko iyon ginusto…
Sam… bumalik ka na… Pakiusap.. Hindi ko ata kayang wala ka na… Sam, balikan mo
ako..
SAM!!!!
Kabataan ng Makabagong Henerasyon: Iba Pero Tanaw Pa Rin Ang Pag-Asa
“Iba na talaga ang mga kabataan ngayon” – mga salitang halos araw araw
mong maririnig mula sa mga matanda. Sa dyip, sa kalye, sa palengke. Halos
nakakabingi na nga ‘di ba?
Iba na nga talaga ang mga kabataan ngayon. Ang kabataan ng makabagong
henerasyon na maraming alam sa bagong teknolohiya, maraming pangarap sa
buhay, maraming nais maabot.
Ang totoo, maraming kapuri-puri sa mga kabataan ngayon. Marami sa atin ang
hindi nakakakita nun dahil inaasahan nating maging pareho sila ng kabataan
noon. Hindi pa ipinapanganak, nakakulong na sa ating mga ganito, ganun.
Iba man ang kabataan ng makabagong henerasyon, tanaw pa rin nila ang pag-
asa. Hindi man sa paraan na ating nakikita, pero malay mo, balang araw, mas
magiging maliwanag ang mundo dahil sa kanila.
Hinaing ng mga Kabataan sa mga may Katungkulan sa Bayan
Anim na taon sa elementarya, anim na taon sa sekondarya, at may kolehiyo pa.
Labas ang paghahanda na ginagawa bago kayo palayain sa mundong ito
kabataan. Ang akala ng iba’y madali, ang totoo bawat araw ay nagbabakasali.
Sana ipaglaban ang kayamanan ng bayan, ang bawat parte na siyang naging
kapalit ng pagkamatay ng mga tao noon pa man. Sana’t huwag hayaang droga
ay manaig, huwag hayaang sakupin nito ang buong daigdig.
Sa ngayon, ito muna, ito muna ang hinaing ng mga kabataan sa may mga
katungkulan sa bayan.
Edukasyon para sa Kinabukasan
“Mahalaga ang Edukasyon”, kahit na gasgas na ang linyang ito, ito ay labis
na totoo. Dito nakasalalay ang ating kinabukasan at kung ano man ang
kahihinatnan natin sa mundong ito. Upang tayo’y magkaroon ng isang
masaganang pamumuhay at kinabukasan, kinakailangan nating maghanda
sapagkat hindi natin maiiwasan na maharap sa mga hadlang at problema
na maaaring pumigil sa atin upang makamit ang tagumpay, kaya nararapat
lang na tayo’y maging handa nang sa gayo’y malagpasan natin ang mga
ito. Dapat tayo ay may tiwala sa sarili at determinasyon. Ang kahirapan ay
di hadlang sa kinabukasan. Tayo rin mismo ang gumagawa ng sarili nating
kapalaran.
w
Medaling mananggol kung may lakas na taglay.
Sa lahat ng ito’y wikang Filipino ang daan.
Sa bukas na darating ay ating mamamalas
Ang dating ilaw ngunit bago nang landas
Maaaring paabante, maaaring paatras
Maaaring pababa, maaaring pataas.