You are on page 1of 2

EDDIS II: Interpretatibong Pagbasa

ISANG PUNONGKAHOY
ni Jose Corazon de Jesus

Kung tatanawin mo sa malayong pook,


ako’y tila isang nakadipang kurus;
sa napakatagal na pagkakaluhod,
parang ang paa ng Diyos.
Organo sa loob ng isang simbahan
ay nananalangin sa kapighatian,
habang ang kandila ng sariling buhay
magdamag na tanod sa aking libingan.
Sa aking paanan ay may isang batis,
maghapo’t magdamag na nagtutumangis;
sa mga sanga ko ay nangakasabit
ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,


asa mo ri’y agos ng luhang nunukal;
at saka ang buwang tila nagdarasal,
ako’y binabati ng ngiting malamlam.

Ang mga kampana sa tuwing orasyon,


nagpapahiwatig sa akin ng taghoy,
ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon,
batis sa paa ko’y may luha nang daloy.

Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,


natuyo, namatay sa sariling aliw.
Naging kurus ako ng pagsuyong laing
at bantay sa hukay sa gitna ng dilim.

Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,


panakip sa aking namumutlang mukha!
Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga
ni ibon, ni tao’y hindi na matuwa.

At iyong isiping nang nagdaang araw,


isang kahoy akong malago’t malabay.
Ngayon, ang sanga ko’y kurus sa libingan,
dahon ko’y ginawang korona sa hukay!
Ang Pamana
ni Jose Corazon de Jesus

Isang araw ang inako’y nakita kong namamanglaw


Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang inako’y tila baga nalulumbay
At ang sabi “itong piano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador ay kay Tiko ng nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”

Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha


Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
Subalit sa akingmata’y may namuong mga luha
Naisip ko ang ina ko, ang ina ko nakawawa;
Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at
sa halip na magalak sa pamanang mapapala,
Sa pusoko ay dumalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak ako ng tila isang kaawaawang bata
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.

”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin


at huwag nang Makita pang ika’y Nalulungkot mandin,
O, Ina ko, ano po ba at naisip ang hatiin
Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?”
”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala
Mabuti nang malaman mo ang habilin?
Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming
Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.”

“Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan


Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibigko’y ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Aanhin ko iyong piano kapag ikaw ay mamatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagkat dika maaaring pantayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.”

You might also like