You are on page 1of 1

ANG ISANG PUNONGKAHOY

Jose Corazon de Jesus

Kung tatanawin mo sa malayong pook, Ang mga kampana sa tuwing orasyon

ako’y tila isang nakadipang kurus, Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy

sa napakatagal na pagkakaluhod, Ibon sa sanga ko’y may luha ng dahon

parang hinahagkan ang paa ng Diyos. Batis sa paa ko’y may luha ng daloy

Organong sa loob ng isang simbahan Ngunit tingnan niyo ang aking narating

ay nananalangin sa kapighatian Natuyo, namatay sa sariling aliw

habang ang kandila ng sariling buhay, Naging kurus ako ng masuyong laing

magdamag na tanod sa aking libingan… at bantay sa hukay sa gitna ng dilim

Sa aking paanan ay may isang batis, Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,

Maghapo’t magdamag na nagtutumangis; Panakip sa aking namumutlang mukha;

Sa mga sanga ko ay nangakasabit kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,

Ang pugad ng mga ibon nang pag-ibig ni ibon ni tao’y hindi na matuwa

Sa kinikislap-kislap ng batis na iyan, At iyong isipin nang nagdaang araw,

Asa mo ri’y agos ng luhang nunukal; isang kahoy akong malago’t malabay;

At saka buwang tila nagdarasal Ngayon ang sanga ko’y krus sa libingan,

Ako’y binabati ng ngiting malamlam dahon ko’y ginawang korona sa hukay.

You might also like