You are on page 1of 2

PANGKAT 1: PANGUNAHING KAISIPAN AT PANTULONG NA IDEYA

Gawain: Piliin o tukuyin ang pangunahin at pantulong na kaisipang nakasaad sa binasang akda sa pamamagitan ng
pagbuo ng balangkas nito na makikita sa ibaba. Ang pangunahing kaisipang taglay ng tula ay ibinigay na para sa iyo.
Ngayon ay itala mo ang pantulong na kaisipang nagpapatunay na ang buhay ng tao ay kagaya ng puno, may panahon
ng pagyabong at panahon ng pagkatuyo.

Isang Punongkahoy
Jose Corazon de Jesus

Kung tatanawin mo sa malayong pook,


Ako’y tila isang nakadipang kurus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.

Organo sa loob ng isang simbahan


Ay nananalangin sa kapighatian
Habang ang kandila ng sariling buhay
Magdamag na tanod sa aking libingan.

Sa aking paanan ay may isang batis


Maghapo’t magdamag na nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit,
Ang pugan ng mga ibon ng pag-ibig.

Sa kinikislap-kislap ng batis na iyan,


Asa mo ri’y agos ng luhang nunukal;
At saka ang buwang tila nagdarasal,
Ako’y binabati ng ngiting malamlam.
Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
Ibon sa sanga koy may tabing nang dahon,
Batis sa paa ko’y may luha nang daloy.
Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,
Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Naging kurus ako ng pagsuyong laing,
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.
Wala na, ang gabi ay lambong ng luksa,
Panakip sa aking namumutlang mukha!
Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ni ibon, ni tao’y hindi na matuwa.
At iyong isipin nang nagdaang araw,
Isang akhoy akong malago’t malabay.
Ngayon, ang sanga ko’y kurus na libingan
Dahon ko’y ginawang korona sa hukay.

PANGKAT 2: KOLOKASYON
Talakayin ang kaalaman hinggil sa paksa sa pamamagitan ng isang educational video na kung saan ito ay
may 10-15 minuto. Sa video ay mag-interbyu ng mga mag-aaral sa ating paaralan kung ano ang kanilang
nalalaman hinggil sa paksa na para bang isang survey na susukat sa kung gaano kalalim ang kanilang
nalalaman. Magbigay din ng mga halimbawang kolokasyon at ipasagot ito sa kung sinong mag-aaral na
nasa ikasampung baitang.

PANGKAT 3: MACBETH
Ilahad sa klase ang tauhan, tagpuan at banghay ng dulang Macbeth na isinulat ni William Shakespeare.

PANGKAT 4: POSTER
Ang dulang Macbeth ni William Shakespeare ay tunay na may kakintalang makukuha. Sa pamamagitan ng
isang poster ay ibigay ninyo ang inyong aral na nakuha sa dula. Iguhit ito sa isang buong cartolina at
kailangang may mag-aaral na magpapaliwanag ng natapos na poster sa klase.

You might also like