Professional Documents
Culture Documents
20
Si JOSE CORAZON DE JESUS ay ipinanganak sa Sta Cruz noong taong 1896. Ang kaniyang ama
ay si Dr. Vicente de Jesus at ang kanyang ina ay si Susana Pangilinan. Siya ay nakatapos ng Batsilyer
sa Batas nguni't hindi siya kumuha ng eksaminasyon.
Ang unang tulang ginawa niya ay Pangungulila noong siya ay 17 taong gulang pa lamang.
Noong taong 1920, siya ay nag ulat sa Taliba sa kolum niyang BUHAY MAYNILA.
Siya ay naging sikat sa pakikipagpalitan ng tula o balagtasan kay Florentino Collantes . Ang una nilang
paghaharap ay sa Instituto de Mujeres kung saan sila ay nagtagisan tungkol sa Paru-paro's Bubuyog.
Siya ay tinaguriang Hari ng Balagtasan.
Nakapagsulat siya ng mahigit na apat na libong tula sa kaniyang kolum na Buhay Maynila/
Ang Lagot na Bagting ay naglalaman ng walong daang tula.
Samantalng ang kaniyang mga tulang Ang Puso Ko, Ang Pamana, Ang Panday, Ang Manok
Kong Bulik, Ang Pagbabalik, and Sa Halamanan ng Dios ay madalas basahin sa mga unibersidad
at kolehiyo. Ang mga ito ay naging Tulang Padula dahil sa kasidhian ng damdaming nilalaman.
Si Jose Corazon de Jesus ay namatay noong Mayo 26, 1932 sa edad na 36 dahil sa ulcer.
Siya ay inilibing sa ilalim ng puno kagaya ng habilin niya sa tulang Isang Punongkahoy at ang ANG
AKASYA.
Pagsusuri ng Tula
May Akda: Jose Corazon de Jesus
Teoryang Pampanitikan: Realismo
Sa pagbasa ng mga taludtod na ito’y unang papasok sa isip natin ang paraan at
layunin ng makata sa paggamit ng ritmo. Maisaalang-alang na ang unang
konsiderasyon ni Jose Corazon de Jesus ay ang tunog ng kanyang mga salita na may
malungkot na himig. Katunayan, labis na pagpapahalaga ang iniuukol sa mga
malulungkot na salitang may tunog na sukat na makapagpalungkot din ng mga
mambabasa.
TUGMA:
Sa tula ng Isang Punong Kahoy, mapapansin nang mga mambabasa na sa bawat
taludtod, at saknong ay may angking kagalingan ang makata sa pagtugma – tugma
ng mga salita na napaka sining. Mahusay siya sa pag-iisip upang maiparating niya
ang kanyang tula na magandang tugma at maganda basahin sa mga mambabasa.
SUKAT:
Ang Isang Punong Kahoy ay may sukat na tig labing dalawahin ang bawat taludtod
at may walong saknong.
IMAHEN:
Maraming imaheng tinatago ang tulang ito. Katulad nalang nang mga sumusunod:
KAISIPANG PANGKASAYSAYAN:
Sa tulang ito’y ni Jose Corazon de Jesus sinasambit niya ang mga salita sa taudtod
na;
Kung tatanawin mo sa malayong pook
Ako’y tila isang nakadipang kurus;
Ang dalawang taludtod sa itaas ay madalas na nauugnay sa mga pighati na kanyang
nadarama bilang isang tao. Ngunit kung ating susuriin, ang bawat salita ay tila
Malabo ang kahulugan nang unang taludtod kaysa pangalawa.. Nangangahulugan
ng isang lugar kung saan siya naroroon. Samantala pagdurusa naman ang mensahe
ng kanyang ikalawang taludtod. Ginamit niya ang kanyang mga karanasan at
paniniwala na pinaniniwalaan na siyang nagbibigay lakas sa kanyang pagiging
makata. Hinahain niya ang mga kaisipan na mula sa kanyang sarili na pinagyaman
ng kanyang isipang namulaklak ng karunungan.
Repleksyon:
Pagtatapat
ni: Lope K.Santos
Sinuri ni Patrick Pagador
A. TALAMBUHAY NG MAY-AKDA
Sariling Buhay
B. ELEMENTO NG TULA
6. Aliw-iw – tradisyonal ang pagbigkas ng tulang ito, taglay ng tulang ito ang
tamis at maindayog na pagbigkas.
7. Persona – isang taong nagpapakita ng matinding pagmamahal sa kanyang
iniirog. Kahit anong mga pagsubok na darating sa kanilang pagmamahalan ay kaya-
kaya nila itong harapin. Isang taong mapagmahal at matatag sa kanilang pag-
iibigan.
C. IMAHINISMO
D. PANGKASAYSAYAN
Ang tulang ito ay may malaking ambag sa sangkatauhan sapagkat taglay nito
ang aspektong pagmamahal na isa sa pinakamahalagang sangkap tungo sa katagan
at kapayapaan ng sangkatauhan lalung-lalo na sa relasyon ng bawat tao at pag-
iibigan ng dalawang tao.
Talambuhay
A. May-akda: Amado V. Hernandez
Si Amado Vera Hernández (13 Setyembre 1903 – 24 Marso 1970) ay isang makata at
manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga
Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa
kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa
Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan
niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-
tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas.Ipinanganak
siya sa Sagrada Familia sa Hagonoy, Bulacan, ngunit lumaki saTondo, Maynila kung
saan nakapag-aral siya sa Mataas na Paaralan ng Maynila at sa Amerikanong
Paaralan ng Pakikipag-ugnayan (American Correspondence School). Noong 1932,
napangasawa niya ang Pilipinong aktres na si Atang de la Rama. Siya ay batang ama
at nag ka anak sa maagang idad. Ang mag-asawa ay kapwa kinilala bilang
mga Pambansang Alagad ng Sining si Hernandez para sa Panitikan, samantalang si
de la Rama para sa Tanghalan, Sayaw at Tugtugin. Noong kaniyang kabinataan,
nagsimula na siyang magsulat sa wikang Tagalog para sa pahayagang Watawat
(Flag). Nang lumaon ay nagsulat siya ng para sa mga Pagkakaisa at naging patnugot
ng Mabuhay. Napukaw ng kaniyang mga sulatin ang pansin ng mga dalubhasa sa
wikang Tagalog at ilan sa kaniyang mga salaysayin at tula ay napabilang sa mga
antolohiya, katulad ng Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo at ng Talaang
Bughaw ni Alejandro Abadilla. Noong 1922, sa gulang na 19, naging kabahagi si
Hernandez ng samahan pampanitikan na Aklatang Bayan na kinabibilang ng mga
kilalang manunulat sa Tagalog na sina Lope K. Santos at Jose Corazon de
Jesus.Sinalaysay ni Hernandez sa kanyang mga akda ang pakikipagsapalaran at
pakikibaka ng mga manggagawang Pilipino. Minsan siyang napiit dahil sa salang
sedisyon, at habang nasa loob ng kulungan, naisulat niya ang "Isang Dipang Langit",
ang isa sa mga mahahalaga niyang tula.Nakilala rin si Hernandez sa kanyang mga
nobelang gaya ng "Ang Ibong Mandaragit", at "Luha ng Buwaya". Ang ilan sa
kanyang maikling kuwento ay natipon sa isang tomo na pinamagatang "Langaw sa
Isang Basong Tubig at Ibang Kuwento".
Nagturo din siya sa Pamantasan ng Pilipinas. Kakikitaan ng diwang makabayan ang
marami niyang tula at nobela: lantad sa mga ito ang makatarungang poot sa pagiging
tila isang kolonya ng Estados Unidos ang kaniyang bansang Pilipinas.
Naipakulong siya ni Elpidio Quirino dahil sa bintang na pagiging mapanghimagsik.
Noong 1973, limang taon mula nang sumakabilang buhay si Hernandez, ginawaran
si “Ka Amado” ng titulong Pambansang Alagad ng Sining. Bagama’t matagal-tagal
na rin mula nang pumanaw ang manunulat, patuloy na umaalingawngaw sa mga
paaralan at sa mga rali sa lansangan ang kanyang matulaing pagkamakabayan, lalo
na ang mga salita ng tulang "Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan." Bawat taon
ay ginugunita at ipinagkakaloob ang Gawad Ka Amado sa mga makata, manunulat,
mandudula, mang-aawit at mga may-akda ng mga likhang-biswal na gumagawa ng
mga sulating tumatalakay sa mga karanasan ng liping manggagawa.
Sukat – ang bawat saknong sa tulang Isang Dipang Langit ay lalabindalawahing
pantig
Tugma - katinig at patinig
PAGSUSURI
A .Paksa
• Ang paksang nais ipabatid ng tulang Isang Dipang Langit ay tungkol sa
buhay sa loob ng kulungan na naranasan ng manunukat noong siya ay
nakulong Diwa
• Karanasan ng mga kinukulong
• Pinagdadaanan ng mga bilanggo sa araw-araw
• Matutong ipaglaban ang iyong karapatan
Simbolismo
• Puno - pagkakasala
• Kuta - kulungan
• Dungawan - bintanang rehas
• Tanikala - kadena
• Birang - itim na panakip sa ulo
Himig
• Pagdurusa, dahil sa pagtukoy ng kanyang mga pinagdaanan na kanyang
inilahad sa loob ng kulungan.
• Paghahangad ng kalayaan
Istilo
• Ang istilo ng may-akda ay pangkaraniwan sa iba. Ngunut kung
ikukumparang istraktura ng paraang pagkakasulat, ang una at pangatlong linya sa
bawat saknong ay nasa karaniwang ayos, samantalang ang pangalawa at pang-apat
ay nagbigay ito ng panglimang espasyo.
Mensahe
• Pagiging matatag sa bawat pagsubok ng buhay
• Ipagtanggol ang sariling karapatan
• Laging magtiwala sa sariling kakayahan
• Laging manalig sa Diyos
Luha
ni Lope K. Santos
Wala unang pagsisisi, ito'y laging nasa huli.
Daloy aking luha…Daloy aking luha, sa gabing malalim.
Sa iyong pag-agos, ianod mo lamang ang aking damdamin, hugasan ang puso—
yaring abang pusong luray sa hilahil, nang gumaan-gumaan ang pinapasan ko na
libong tiisin!
Nang ako'y musmos pa at bagong namukad yaring kaisipan, may biling gayari si
Ama't si Ina bago sumahukay. "Bunso, kaiingat sa iyong paglakad sa landas ng
buhay ang ikaw'y mabuyo sa gawang masama'y dapat mong iwasan."
Nang ako'y lumaki, ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak, ng kapalalua't ang
aral ni Ama't ni Ina'y hinamak; sa maalong dagat ng buhay sa mundo'y nag-isang
lumayag, iniwan sa pampang ang timbulang baon na aking tinanggap!
Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan na itong huli na'y
nakilalang alak na nakamamatay. Ang pinagbataya'y dapat magpasasa sa
kasalukuya't isang "Bahala na!" ang tanging iniukol sa Kinabukasan!
Kaya naman ngayon, sa katandaan ko ay walang nalabi kundi ang lasapin ang dita
ng isang huling pagsisisi; tumangis sa labi ng sariling hukay ng pagkadugahi't
iluha ang aking palad na nasapit na napakaapi!
Daloy, aking luha…Dumaloy ka sa ngayon at iyong hugasan ang pusong nabagbag
sa pakikibaka sa dagat ng buhay; ianod ang dusang dulot ng tinamong mga
kabiguan. Nang yaring hirap ko't susun-susong sakit ay gumaan-gaan!
Lope K. Santos (25 Setyembre 1879 – 1 Mayo 1963) ay isang tanyag na manunulat
sa wikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900
dantaon.[1]Bukod sa pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider
obrero, at itinuturing na "Ama ng Pambansang Wika at Balarila" ng Pilipinas.
Talambuhay
Sa larangan ng panitikan Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope
C. Santos - sa mag-asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga
katutubo saRizal. Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang
kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang pangalan, upang asang padasino
das(Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-aral sa Escuela Normal Superior de
Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa Escuela de Derecho
(Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang
paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong
1900, nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa
wikang Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag
ng babasahing Sampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-
tagapangasiwa si Santos ng Surian ng Wikang Pambansa.[4] Kabilang sa mga
katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika, Ama ng
Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa
karaniwang palayaw na Mang Openg.
Sariling Buhay
Napangasawa ni Lope K. Santos si Simeona Salazar noong 10 Pebrero 1900, at
nagkaroon sila ng limang anak. Nagkaroon siya ng karamdaman sa atay, ngunit
hanggang sa huling sandali ng buhay ay hinangad ni Santos na maging Wikang
Pambansa ang Wikang Tagalog.[4]
Sa larangan ng politika
Matapos maging gobernador ng lalawigan ng Rizal mula 1910 hanggang 1913, naging
gobernador naman si Santos ng Nueva Vizcaya mula 1918 hanggang 1920.
Naglingkod din siya bilang senador para sa ika-labindalawang distrito ng bayan.[4]
Mga Nagawa
Kabilang sa mga akda ni Santos ang mga sumusunod:
Balarila ng Wikang Pambansa
Banaag at Sikat, isang nobela
Pagsusuri ng tula
May Akda: Lope K. Santos
Teoryang Pampanitikan: Realismo
Ritmo:
sa tulang ito ay ang pagkadama ng kapighatian ng isang may akda na makunan ng
pighati ang nadaramang kalungkutan dulot ng labis na pagsisisi halimbawa ng mga
linya sa ibaba:
Wala unang pagsisisi, ito'y laging nasa huli.
Daloy aking luha…Daloy aking luha, sa gabing malalim.
Sa iyong pag-agos, ianod mo lamang ang aking damdamin, hugasan ang puso—
yaring abang pusong luray sa hilahil, nang gumaan-gumaan ang pinapasan ko na
libong tiisin!
Nang ako'y musmos pa at bagong namukad yaring kaisipan, may biling gayari si
Ama't si Ina bago sumahukay. "Bunso, kaiingat sa iyong paglakad sa landas ng
buhay ang ikaw'y mabuyo sa gawang masama'y dapat mong iwasan.
Sa mga linyang ito ay ating mapapansin ang kapighatian na sinulat ni Lope K.
Santos. Nagpapalabas ito himig ng pagsisisi atng isang matinding kalungkutan sa
kanyang tula isinulat. Nagpapalabas ng mga malulungkot na mga salita ang
kadalasan niyang isinusulat
Tugma:
Sa tulang “Luha” ni Lope K. Santos ay makikitang ito ay isang malayang tula
karamihan sa mga salitang nasa-unahan ay hindi kadalasan tumutugma ng nasa
hulihan ng bawat taludtod ng tula. Ito ay malaya lamang na isinusulat ng may akda
na limitado lamang ang bilang ng tugma.
Sukat:
ang sukat ng tulang “Luha” ni Lope K. Santos ay may iba ibang sukat ang bawat
taludtod ng tula.
IMAHEN:
Maraming imaheng tinatago ang tulang ito. Katulad nalang nang mga sumusunod:
Sa iyong pag-agos, ianod mo lamang ang aking damdamin, hugasan ang puso—
yaring abang pusong luray sa hilahil, nang gumaan-gumaan ang pinapasan ko na
libong tiisin!
Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan na itong huli na'y
nakilalang alak na nakamamatay. Ang pinagbataya'y dapat magpasasa sa
kasalukuya't isang "Bahala na!" ang tanging iniukol sa Kinabukasan
Kaya naman ngayon, sa katandaan ko ay walang nalabi kundi ang lasapin ang dita
ng isang huling pagsisisi; tumangis sa labi ng sariling hukay ng pagkadugahi't iluha
ang aking palad na nasapit na napakaapi
KAISIPANG PANGKASAYSAYAN:
Sa tulang ito ay sinambit niya ang salitang nasa taludtod na:
Wala unang pagsisisi, ito'y laging nasa huli.
Daloy aking luha…Daloy aking luha, sa gabing malalim.
Ang taludtod nasa itaas ay naguugnay ng kanyang sariling nadara sa mga panahong
kanyang isinusulat ang tulang “Luha”. Kung surrin ang bawat taludtud na kanyang
isinulat ay makikitang sa buhay ng may akda ay may malking bagay siyang nagawa
na kanyang kubusang pinagsisihan. Sa pngalawang saknong ay makikitang huli na
ang laht upang may mgawa pa ang may akda sa kamaliang kanyang nagawa.
Kinukumpara ng may akda ang “gabing malalim” sa kanyang kapighatian at pag-
iisa na walang karamay sa kanyang matinding kalungkutan.
Talambuhay ni AL Perez
Isang kilalang artist na ipinanganak sa Hagonoy, Bulacan si Al Perez. Nagtapos ito
noong 1968 sa University of Santo Tomas sa kursong Fine Arts. Para lalong
tumingkad ang kanyang career sa arte, ipinagpatuloy niya ito sa pamamagitan ng
pag-aaral sa The Artist League of New York U.S.A. noong 1984 at sa School of Usual
Act New York, U.S.A. noong 1996.
Dahil dito, ang kanyang pagiging alagad ng sining bilang isang pintor sa mga
paglalakbay sa iba’t ibang bansa, kanyang ipinakita ang kagandahan ng kanyang
mga obra sa pamamagitan kanyang pagiging representative ng ating bansang
Pilipinas. Ang kanyang mga likha ay hinangaan katulad ng kanyang mga obrang
may mga romantikong paghagod ng brush sa kanyang mga ‘nude’ na babae, ‘flowers’,
still life, mga ‘rural scenes’ ng Pilipinas, subalit mas kilala siya sa paggawa ng mga
simbahan.
Sa husay ni Al Perez, naging representative siya ng ating bansa sa Philippine Trade
Center sa New York at San Francisco sa Amerika noong 1984, sa Cuban Biennale sa
Havana noong 1986, at sa Singapore International Festival of Arts noong 1988. Dahil
sa pagiging aktibo sa sining, nagkaroon ng isang matagumpay na pagtatanghal si Al
Perez sa Dubai, United Arab Emirates noong 1987. Matapos noon, nakasama siya
bilang isa sa delegado sa China upang masdan ang mga pamamaraan sa mga art
galleries at museums doon. Taong 1989, nakasama siya sa First Filipino Visual Arts
Festival Exhibit sa San Francisco, U.S.A. kasunod sa Takatsuki, Yokohama, Japan.
Noong 1992, naging bahagi din siya ng ASEAN promotional exhibit sa Hudson Bay
sa Toronto, Canada at sa International Water Color Exhibit sa Kashion, Taiwan. Ang
mga kasunod naman niyang solo exhibit at sa Philippine Center sa New York at sa
Rizal Center sa Chicago, Ilinois, U.S.A.
Bayani ng Bukid
Al Perez
Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit.
Ang kaibigan ko ay si Kalakian
Laging nakahanda maging araw-araw
Sa pag-aararo at sa paglilinang
Upang maihanda ang lupangmayaman.
Ang haring araw di pa sumisikat
Ako’y pupunta na sa napakalawak
Na aking bukiring laging nasa hagap
At tanging pag-asa ng taong masipag.
Sa aking lupain doon nagmumula
Lahat ng pagkain nitong aking bansa
Ang lahat ng tao, mayaman o dukha
Sila’y umaasa sa pawis kot gawa.
Sa aking paggawa ang tangi kong hangad
ang ani’y dumami na para sa lahat
SUKAT :
May Labindalawang sukat
TUGMA :
Sa bawat saknong ng tula ay may mga talinghagang salita na natutugma na siyang
dahilan kung bakit magandang pakinggan ang bawat dulo ng bawat taludtod ,
halimbawa nito ay “bukid-init”,”lamig-pilit”,”sumisikat-nagpapalawak” at iba pang
mga salita na magkatugma . Ang pagkakatugma ng mga salitang nasa hulihan ng
bawat taludtod ay isa rin sa dahilan kung bakit napakagandang pakinggan ang tula
lalo na kapag nabasa ito ng maayos sa harap ng tagapakinig . Mahirap rin
pagtugmatugmain ang mga salita dahil kailangan mong gumamit ng mga salita na
angkop o kaugnay sa naunang mga salita .
IMAHENISMO :
Angh tulang “Bayani ng Bukid ni AL Perez ” ay gumagamit ng ibang imahenismo
para mas lalong kaakit-akit o mas nauunawaan ng mabuti ang nais ipabatid ng may-
akda . Gumamit siya ng mga salita sa tula tulad ng “kalakian , hagap , pawis ko't
gawa , balana , taos na layon , at sandata'y araro”. Lahat ng mga nabanggit kong
salita ay siyang dahilan kung bakit mas binigyan natin ng intensyon ang pagbasa sa
tulang “Bayani ng Bukid”.Ang “kalakian” ay tumutukoy sa kanyang laging kasama
sa pag-araro sa bukid , ito ay ang kanyang kalabaw . Ang “hagap” ay nagsasaad na
hindi ito masyadong naalagaan kaya kung sino man yong taong masipag ay siya
lamang nakakagawa na gawing hanabuhay ang pagsasaka . Meron pang imahenismo
na ginagamit ng may-akda ngunit hindi lahat ay nagsasad ng kabutihan . Meron ring
iba ay ginagamitan lamang ng mga ganitong salita para hindi masyadong masakit
kung itoy sakaling nagsasaad ng kalungkutan .
KAISIPANG PAMPANULAAN :
Ano mang uri ng pagtutula ay nangangailangan ng pag-iisip . Walang sinumang
makasusulat ng pangungusap , gaano man kapayak ito , nang hindi nag-iisip muna.
Tulad sa napili kong tula na tulang “Bayani mg Bukid” ni AL Perez , ito ay isa lamang
sa simpleng tula ngunit itoy pinag-iisipan ng mabuti sa may-akda bago niya ito
ginawa . Tulad ng mga nakikita nating mga matalinghagang salita sa tula . Ang
bawat salita ay pinag-iisipan ng mabuti ng may-akda para itoy kaakit-akit kahit itoy
simple lamang . Hindi kasi sa lahat ng panahon ay kailangan mahaba ang iyong tula
para itoy maging maganda . Gaya sa nasabi ko kanina na ang nagpapaganda sa tula
ay ang mga matalinghagang salita na nagkakatugma .
KASAYSAYAN :
Isang tulang pastoral na isinulat ni Al Perez na nagpapahalaga sa larangan ng
agrikultura at ang naidudulot nito sa atin. Tumutukoy din ito sa katapangan ng
isang magsasakang bayani ng bukid na walang kapaguran sa pagtatrabaho sa bukid
mabawasan lamang ang pagkakagutom ng mga tao, mayaman o dukha.
MGA MENSAHE SA TULA :
Malinaw ang mensaheng ipinahayag sa tulang "Bayani ng Bukid" ni Alejandrino Q.
Perez kung saan ipinapamalas sa tula ang sakripisyo at pag-aaruga ng mga
magsasaka sa kanilang mga taniman sa bukid. Ipinapakita sa tula na walang sapat
na ulan o init ang siyang makakapigil sa mga bayani ng bukid upang alagaan ang
mga pananim. Ang dedikasyon at pagmamahal ng isang magsasaka ay hindi lamang
para sa personal na interes kundi para na rin sa ikabubuti ng karamihan at lahat ng
mga mamamayan.