You are on page 1of 33

Pagsusuri ng Tula

OFELIA D. DELAS ALAS


Guro
BALANGKAS NG PAGSUSURI
I. A. Pamagat ng katha
B. May-akda
C. Sanggunian
II. BUOD NG KATHA
III. PAGSUSURI
A. Pagpapaliwanag sa Bawat Saknong
B. Uring Pampanitikan
C. Istilo ng Paglalahad
D. Pagsusuring Nababatay sa Panlipunang
Suliranin
BALANGKAS NG PAGSUSURI

E. Tayutay
F. Sariling Reaksiyon
1. Mga Tauhan
2. Istilo ng Awtor
a. Tugma
b. Sukat
3. Galaw ng Pangyayari
BALANGKAS NG PAGSUSURI
G. PAGLALAPAT NG TEORYA
H. BISANG PAMPANITIKAN
1. Bisa sa Isip
2. Bisa sa Damdamin
3. Bisa sa Kaasalan
BALANGKAS NG PAGSUSURI
IV. PANGKALAHATANG PAGSUSURI
A. Kabuuang Impresyon sa Akda
Isang Punong Kahoy
ni Jose Corazon de Jesus

Kung tatanawin mo sa malayong pook, Sa aking paanan ay may isang batis,


ako’y tila isang nakadipang kurus; maghapo’t magdamag na nagtutumangis;
sa napakatagal na pagkakaluhod, sa mga sanga ko ay nangakasabit
parang ang paa ng Diyos. ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Organo sa loob ng isang simbahan Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,


ay nananalangin sa kapighatian, asa mo ri’y agos ng luhang nunukal;
habang ang kandila ng sariling buhay at saka ang buwang tila nagdarasal,
magdamag na tanod sa aking libingan. ako’y binabati ng ngiting malamlam.
C:\Users\ACER\Desktop\Panulaang
Filipino\VIDEO\1 Isang Punong Kahoy.m4a
Isang Punong Kahoy
ni Jose Corazon de Jesus

Ang mga kampana sa tuwing orasyon, Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
nagpapahiwatig sa akin ng taghoy, panakip sa aking namumutlang mukha!
ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon, Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga
batis sa paa ko’y may luha nang daloy. ni ibon, ni tao’y hindi na matuwa.

Ngunit tingnan ninyo ang aking narating, At iyong isiping nang nagdaang araw,
natuyo, namatay sa sariling aliw. isang kahoy akong malago’t malabay.
Naging kurus ako ng pagsuyong laing Ngayon, ang sanga ko’y kurus sa libingan,
at bantay sa hukay sa gitna ng dilim. dahon ko’y ginawang korona sa hukay!
C:\Users\ACER\Desktop\Panulaang
Filipino\VIDEO\2 Isang Punong Kahoy.m4a
BALANGKAS NG PAGSUSURI
I. A. PAMAGAT NG KATHA
• Isang Punong Kahoy

B. MAY-AKDA
• JOSE CORAZON DE JESUS
Si JOSE CORAZON DE JESUS ay ipinanganak sa Sta. Cruz
noong taong 1896. Ang kaniyang ama ay si Dr. Vicente de
Jesus at ang kanyang ina ay si Susana Pangilinan. Siya ay
nakatapos ng Batsilyer sa Batas nguni't hindi siya kumuha ng
eksaminasyon.
BALANGKAS NG PAGSUSURI
B. MAY-AKDA
Ang unang tulang ginawa niya ay Pangungulila noong siya ay 17
taong gulang pa lamang.
Noong taong 1920, siya ay nag ulat sa Taliba sa kolum
niyang BUHAY MAYNILA.
Siya ay naging sikat sa pakikipagpalitan ng tula o balagtasan kay
Florentino Collantes . Ang una nilang paghaharap ay sa Institute de
Mujeres kung saan sila ay nagtagisan tungkol sa Paru-paro‘t Bubuyog.
Siya ay tinaguriang Hari ng Balagtasan.
Nakapagsulat siya ng mahigit na apat na libong tula sa kaniyang
kolum na Buhay Maynila.
BALANGKAS NG PAGSUSURI
B. MAY-AKDA
Ang Lagot na Bagting ay naglalaman ng walong daang tula.
Samantalng ang kaniyang mga tulang Ang Puso Ko, Ang
Pamana, Ang Panday, Ang Manok Kong Bulik, Ang Pagbabalik, at Sa
Halamanan ng Dios ay madalas basahin sa mga unibersidad at
kolehiyo. Ang mga ito ay naging Tulang Padula dahil sa kasidhian ng
damdaming nilalaman.
Si Jose Corazon de Jesus ay namatay noong Mayo 26, 1932 sa
edad na 36 dahil sa ulcer.
Siya ay inilibing sa ilalim ng puno kagaya ng habilin niya sa tulang
Isang Punongkahoy at ang ANG AKASYA.
BALANGKAS NG PAGSUSURI
C. Sanggunian
• http://www.ruelpositive.com/pagsusuri-ng-isang-
tula-ni-jose-corazon-de-jesus
• https://josecorazondejesusjournals.tumblr.com/
BALANGKAS NG PAGSUSURI
II. BUOD NG KATHA
Ang akda ay paglalarawan sa isang taong
naghihinagpis para sa kanyang buhay at mula sa kanyang pagkabata hanggang sa
naisin. Ito’y paghahambing din sa isang maging matayog bilang isang tao. Ngunit
Punong kahoy at sa buhay ng tao. tulad ng isang punong kahoy, dumarating
Paglalarawan sa mga pasakit na may iiyak ang unti-unting pagkalagas ng mga
na minamahal dahil sa kanyang pagkawala dahoon sa kanyang sanga. Inilalarawan
at tatanod sa kanyang libingan ay mga ang pagkalagas sa mga problema sa
alaala na magbabalik at aalalahanin ng mga totoong buhay. Inilalahad din sa tula ang
taong nagmamahal sa kanyang mga katagumpayan sa buhay at ang malungkot
nilikha. Ang buod ng tula ay tungkol sa na pagtanda ng isang punong kahoy.
Isang Punong Kahoy, na kung saan ito ay Inilalahad din ang mga pagbabago ng
ang mismong person ng tula. mundo o ng kapaligiran. At sa huli ng tula
Nilalarawan ng persona ang daloy ng ay inihahabilin niya ang kaniyang buhay
buhay ng isang tao sa kamay ng kanyang Manlilikha.
BALANGKAS NG PAGSUSURI
III. PAGSUSURI
A. Pagpapaliwanag sa Bawat Saknong

Kung tatanawin mo sa malayong Mga salita na naka bold na kung


pook, saan ang patunay na s’ya ay
ako’y tila isang nakadipang kurus; nag-iisip ng mga bagay-bagay na
sa napakatagal na pagkakaluhod, gumuguni sa kanyang isipan.
parang ang paa ng Diyos.
Mga bagay na biglang nyang
napagtanto sa kanyang isip
noong nabubuhay pa sya.
BALANGKAS NG PAGSUSURI
III. PAGSUSURI
A. Pagpapaliwanag sa Bawat saknong

Organo sa loob ng isang simbahan Inilarawan ng may akda na ang


ay nananalangin sa kapighatian, buhay ng tao ay may hangganan
habang ang kandila ng sariling buhay at ’di natin mawari kung kailan
darating iyon. Sa una at
magdamag na tanod sa aking libingan. pangalawang taludtod na naka-
bold ay tumutukoy sa mga
pangyayari na ito na may
kinalaman sa lamay.
BALANGKAS NG PAGSUSURI

B. Uring Pampanitikan o Teoryang Pampanitikan

Anong uri ng tula ito?


BALANGKAS NG PAGSUSURI
B. Uring Pampanitikan o Teoryang Pampanitikan
Tulang Pandamdamin o Liriko
Bukod sa mayamang damdamin, ang iginaganda
ng tulang ito ay ang indayog ng mga taludtod at ang
pagsising-isang tunog ng mga huling pantig bukod
pa ang paggamit ng maririkit na paglalarawan. Ang
tula ay may elehiya na kung saan may binanggit na
bagay tungkol sa patay [na isang tulang liriko] na
naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guniguni hinggil
sa kamatayan.
BALANGKAS NG PAGSUSURI
C. Istilo ng Paglalahad

Ano ang istilo ng awtor sa paglalahad


ng kanyang akda?
BALANGKAS NG PAGSUSURI

C. Istilo ng Paglalahad

Pagbibigay Katuturan

Dahil pinapalinaw ng tula ang mga ibig niyang


sabihin, marating at nagbibigay pag-unawa sa
kahalagahan ng isang bagay.
BALANGKAS NG PAGSUSURI
C. Istilo ng Paglalahad
Paggamit ng Simbolismo.
Maraming gamit na mga simbolismo kagaya na lang ng
taludtod na:
“ako’y tila isang nakadipang kurus;”
[Unang saknong, ika-2 taludtod)

Inahalintulad niya ang kanyang sarili, isang bagay na


kung titingnan natin ay tila ba si Hesus at kung ating
pagmamasdan ay nakakaawa dahil sa kanyang kalagayan.
BALANGKAS NG PAGSUSURI
D. Pagsusuring Nababatay sa Panlipunang Suliranin

Aling mga talata o bahagi ng tulang ito


ang sa tingin natin ay maaari nating ibatay sa
panlipunang suliranin?
BALANGKAS NG PAGSUSURI
D. Pagsusuring Nababatay sa Panlipunang Suliranin

“Kung tatanawin mo sa malayong pook,


ako’y tila isang nakadipang kurus…”

Paano natin ito ibabatay sa


panlipunang suliranin?
BALANGKAS NG PAGSUSURI
D. Pagsusuring Nababatay sa Panlipunang Suliranin
“Kung tatanawin mo sa malayong pook,
ako’y tila isang nakadipang kurus…”
Ang dalawang taludtod na ito ay madalas
na nauugnay sa pighati at nababatay ito sa
panlipunang suliranin dahil maraming kaba-
taan ngayon ang nagpapakamatay sapagkat
hindi nila makayanan ang kanilang mga
problema na kinahaharap.
BALANGKAS NG PAGSUSURI
E. Tayutay
1. Pagsasatao
“…batis sa paa ko’y may luha nang daloy.”
[ika-5 saknong, ika-4 na taludtod
[suportang detalye]
2. Pagwawangis
“…isang kahoy akong malago’t malabay.”
[ika-8 saknong, ika-2 taludtod]
BALANGKAS NG PAGSUSURI
F. Sariling Reaksiyon

1. Mga Tauhan

Sino ang tauhan o persona sa tula?


BALANGKAS NG PAGSUSURI
1. Mga Tauhan

Punong Kahoy

Ang punong kahoy ang simbolo ng buhay ng


may-akda. Kung gaano siya nagsilbing tulong sa
pamamagitan sa kanyang mga sanga at bunga sa
maraming tao. Kahoy din ang simbolo ng kabaong
kung saan siya ay nakaratay sa kanyang pagpanaw.
BALANGKAS NG PAGSUSURI
2. Istilo ng Awtor
Ang istilo ng pagkakasulat ng may akda ay binase
sa sitwasyon, pangyayari o karanasan ng may-akda sa
buhay. Mababakas sa kanyang tula ang kanyang
pagiging sentimental sa mga salitang kanyang ginamit.
Katulad ng “…batis ng luha…” na ang damdaming
umiiyak dahil sa lungkot sa nakatakdang pagkawala ng
persona ng tula. Gumamit ang awtor ng
matatalinghagang salita at tayutay [naipakita sa unahan
ang mga nabanggit…] upang paipakita ang sining ng
pagbuo ng tula at ang kagandahan nito sa kabila na
ito’y isang Elihiya at paghihinagpis.
BALANGKAS NG PAGSUSURI
2. Istilo ng Awtor

a. Tugma 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11/12
Sa bawat taludtod, at Kung ta/ta/na/win mo sa ma/la/yong po/ok,
saknong ay may angking
kagalingan ang makata sa ako’y tila isang nakadipang kurus;
pagtugma – tugma ng mga salita
sa napakatagal na pagkakaluhod,
na napakasining.
parang ang paa ng Diyos.
b. Sukat
Ito ay may sukat na tig-labing
dalawahin pantig ang bawat
taludtod at may walong saknong.
BALANGKAS NG PAGSUSURI
3. Galaw ng Pangyayari
Ang tulang ito ay nakatuon sa ating buhay na
kahit gaano ka pa katayog kung hindi ka mag-
iingat/iingatan ay mawawala ito sa iyo.
Nagpapatunay ito na dito sa ibabaw ng mundo ay
walang permanente. Hindi natin maiiwasan ang
mga problemang makakaharap natin kaya dapat
ay maging matatag at lakasan an gating loob dahil
nandiyan lamang ang Diyos Ama na susuporta sa
atin. Walang binibigay ang Ama na hindi natin
kaya sapagkat ang lahat ng problema ay
mayroong solusyon.
BALANGKAS NG PAGSUSURI
F. PAGLALAPAT NG TEORYA
Realismo
Naglalayong ilarawan ang doktrinang
nakabatay sa makatutuhanang pangyayari sa
totoong buhay at ipinapakita ang karanasan ng
tao at lipunan sa makatotohanang pamamaraan.
Ang tulang kanyang ginawa ay hango din
mismo sa kanyang mga karanasan noong
nabubuhay pa sya na kung saan sya ay
nakaranas ng pagdadalamhati, at pagkaranas ng
mga pagsubok sa buhay.
BALANGKAS NG PAGSUSURI

F. PAGLALAPAT NG TEORYA

Sosyolohikal
…sapagkat ang pananaw ng karakter sa tulang ito
ay hinubog sa mga pangyayari sa ating buhay.
BALANGKAS NG PAGSUSURI
F. BISANG PAMPANITIKAN
1. Bisa sa Isip - “Nabago ba ang sariling
pananaw o paniniwala?” (Suportang
Detalye-kukuha sa akda/tula…)
2. Bisang Pandamdamin – “Paano mo
maiuugnay ang iyong damdamin sa akdang
iyong nabasa?“(Suportang Detalye)
3. Bisang Kaasalan – “Paano mo maiuugnay
ang iyong sarili batay sa akdang nabasa?”
(Suportang Detalye)
BALANGKAS NG PAGSUSURI
IV. PANGKALAHATANG PAGSUSURI
A. Kabuuang Impresyon sa Akda
Ang tulang ito ay isa sa mga kilalang tula na isinulat ni Jose
Corazon de Jesus. Kung babasahin ang tulang ito, inyong
mapapansin na tungkol ito sa isang parte ng kanyang buhay
kung saan siya ay nagmumuni-muni. Ito’y isang pagtulad ng
isang punongkahoy at sa buhay ng isang tao. Na sa kanyang
pagmuni ay kanyang naiisip ang mga mahal niya sa buhay na
makakaramdam ng kalungkutan at iiyak dahil sa kanyang
pagkawala. Maaalala nila ang kanilang pinagsamahan noong
nakaraan pagtanod nila sa kanyang libingan. Sa tulang ito, ang
Punongkahoy ay ang mismong persona sa tula.
TAKDANG ARALIN
A. Mga Tulang Susuriin mula sa Gawad Palanca at
Gawad Collantes:

A. Republikang Basahan
B. Isang Dipang Langit
C. Lumang Simbahan
D. Manika
E. Ang Panggigisa
F. Guniguning Pangarap

You might also like