Professional Documents
Culture Documents
PAGSUSURI SA TULA NI
JOSE CORAZON DE
JESUS
NA
“ISANG PUNUNGKAHOY”
Isang Punungkahoy
I.
Kung tatanawin mo sa malayong pook.
Ako'y tila isang nakadipang kurus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
II.
Organo sa loob ng isang simbahan
Ay nananalangin sa kapighatian,
Habang ang kandila ng sariling buhay
Magdamag na tanod sa aking libingan.
III.
Sa aking paanan ay may isang batis,
Maghapo't magdamag na nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
IV.
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;
at saka ang buwang tila nagdarasal,
Ako’y binabati ng ngiting malamlam.
PAGSUSURI SA TULA
I. PAKSA NG TULA
Ang tulang ISANG PUNONGKAHOY ni Jose Corazon De Jesus ay ang akda
ng paglalarawan sa isang taong naghihinagpis para sa kaniyang buhay at
naisin, ito’y paghahambing din sa isang Punungkahoy bilang buhay ng tao.
Paglalarawan sa mga pasakit na may iiyak na minamahal dahil sa kaniyang
pagkawala at tatanod sa kaniyang libingan ay mga alaala na magbabalik at
alalahanin ng mga tao na nagmahal sa kanya at napamahal din sa kaniyang
mga nilikha. Ito rin ang akdang nilikha ni Jose Corazon De Jesus sa gitna ng
kaniyang paggunita at pagtatanong dahil sa nalalapit na pagpanaw, ngunit
sadya ngang alagad ng sining ang may-akda dahil sa kabila ng nararamdaman
ay naipakita niya ang kaniyang pag-ibig sa buhay at pag-ibig sa kaniyang
manlilikha.
PAGSUSURI SA TULA
I. PAKSA NG TULA
Ang buod ng tula ay tungkol sa isang punungkahoy, na kung saan ang
Punungkahoy ay ang mismong persona sa tula. Nilalarawan ng persona ang
daloy ng buhay ng isang tao mula sa kaniyang pagkabata hanggang sa
katayugan bilang isang tao. Ngunit katulad ng punungkahoy dumarating ang
unti-unting pagkalagas ng mga dahon sa kaniyang sanga, na ang tao sa kabila
ng kaniyang katagumpayan sa buhay, nagiging malungkot ang pagtanda
sapagkat umiinog ang mundo at nagbabago ang kapaligiran, hanggang
maramdaman ng tao ang kaniyang pag-iisa lalo sa pagdapit hapon at
pagkawala ng liwanag sa kaniyang buhay. At sa huli ng tula ay inihahabilin niya
na ang kaniyang buhay sa kamay ng kaniyang Manlilikha.
PAGSUSURI NG TULA
II. SIMBOLISMONG GINAMIT
Batis- luhang dumadaloy sa mga mata ng mga nagmamahal sa persona ng tula.
Buwan- ang takip silim ng buhay ng persona na nakikita sa buwan, malamlam ang
ngiti dahil sa pagbukas ng kamay upang patuluyin sa kamatayan.
Kandila- ang liwanag na nagmumula sa kandila ay nagpaparamdam ng pag-asa at
tumatanglaw sa nararamdaman niyang kapighatian dahil sa pagkawalay sa kaniyang
mahal sa buhay.
Kurus- kung titignan ang posisyon ng tao sa kaniyang pagkakatayo at pagkakalahad
ng mga kamay ay nagpapakita ng krus na naglalahad ng kahandaan para sa
pagkikita ng persona at ng Diyos.
Punongkahoy- sumisimbolo ng buhay ng tao na katulad ng proseso ng paglaki at
pagtanda ng tao ay ganun din namn ang puno o halaman na simula ay paglago ng
dahon hanggang sa maging malabay ito ngunit dumarating ang panahon na itoy
malalanta, matutuyo at mamamatay at babalik sa lupa upang maging pataba o
maging bahagi ng lupa mismo
Sanga- sumusimbolo ng pagtulong sa iba at katatagan ng persona sa ibang
nangangailangan.
PAGSUSURI NG TULA
III. MENSAHE NG TULA:
a. Mensahe ng tula gamit ang mga imahe nito
“At iyong isipin nang nagdaang araw,
Isang kahoy akong malago’t malabay,
Ngayon ang sanga ko’y kurus sa libingan,
Dahon ko’y ginawang korona sa hukay”