You are on page 1of 42

Kabanata 3

RESULTA AT PAGTALAKAY

Ang kabanatang ito ay pumapatungkol sa pagpapakahulugan at paglalahad

sa naging resulta sa isinagawang pagsusuri sa mga natatanging Akdang Patula ni

Jose Corazon de Jesus. Dito, maingat at masusing sinuri ng mga mananaliksik

ang mga gintong aral na matutuklasan sa tatlong akdang patula na sinuri.

Kinapapalooban ito ng mga talakayan at talahanayan na magpapakita ng naging

kabuuang pagsusuri sa bawat suliranin sa pananaliksik na ito.

Mga Natatanging Impormasyon ukol sa Krayteryang naging Gabay sa


Pagpili ng Susuriing Akdang Patula

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng malawakang pagbabasa at

pagsusuri sa mga akdang patula ni Jose Corazon de Jesus upang mabigyang

tibay ang napiling krayterya ng mga mananaliksik tungkol sa pagkuha ng mga

susuriing akdang patula. Napili ang tatlong akdang patula sapagkat iisa lamang

ang kanilang; uri ng tula, sukat, tugma, tono, paksa o kaisipang taglay ng akda,

imahen o larawang diwa, nais ipaunawa ng persona, istilo ng pagkakasulat at

implikasyon na balyu o mensaheng hatid ng akda.

Ang tatlong tulang sinuri na may pamagat na “Ang Pagbabalik”, “Kalupi ng

Puso” at “May mga Tugtuging hindi ko Malimot” ay mga tulang inihandog ni Jose

Corazon de Jesus sa kanyang pahayagan na nagngangalang Taliba, ang mga ito

ay naisulat sa taong 1924, 1926, at 1929. Makikita rin ang tatlong akdang

napiling suriin sa aklat na may pamagat na “Mga Piling Tula ni Jose Corazon de
Jesus”. Taglay ng kanyang mga tula ang masaganang daloy ng luha at

maramdamin ang kanyang mga paglalarawan. Ang mga saknong niya ay

kalunos-lunos na kalagayan ng sariling buhay at mga kahapis-hapis na wakas.

Layunin ng awtor sa tatlong tula na kanyang isinulat ay magpakita ng halimbawa

ng isang walang kupas na pagmamahal sa kanyang minamahal at nais magbigay

ng isang pag-unawa tungkol sa kahulugan ng pag-ibig.

Ipinahayag nina Sauco et al. (w.p), ang tula ang naging dakilang

pangarap ni Corazon, naging mapang-akit sa kanya ang entablado. Kapag siya

ay gumagawa ng kanyang mga tula ay naluluha siya sa bawat taludtod na

kanyang isinusulat na waring bahagi ito ng kanyang malungkuting salamisim. Ito

marahil ang dahilan upang magising ang diwa ng panitikang Pilipino. Ang

pagkahilig niya sa sining ang nagbigay sa kanya ng pananaw ng isang

romantiko. Ang karangalang ito ang nagpakilala kay Julian Cruz Balmaceda na

tawagin ang pangkat ng mga makata ng damdamin na mga makata ng pag-ibig.

Mga Nalaman ng mga Mananaliksik sa Sinuring Tatlong Patula

Ginamit ang pormat ng Pagsusuri sa Tula upang masusing masuri ang

mga nilalaman sa natatanging akdang patula ni Jose Corazon de Jesus. 1)

Pagkilala sa may akda. 2) Kayarian o Estruktura, matatalakay dito ang uri ng

tula, estropa at ritmo o indayog na nakapaloob ang sukat at tugma. 3) Anyo, na

matatalakay dito ang tono, tayutay at talasalitaan. 4) Pagsusuri sa Nilalaman,

matatalakay dito ang teoryang pampanitikan, paksa o kaisipang taglay ng Akda,


talinghaga, imahen o larawang diwa, persona at simbolismo. 5) Istilo, na

nagpapakita sa paraan ng paglalahad ng may-akda. 6) Impikasyon, na

matatalakay dito ang balyu o mensaheng hatid ng akda. Kinakailangan ang mga

ito upang mas mabigyang linaw ng mga mananaliksik ang mga impormasyon sa

kalutasan sa mga suliranin sa isinagawang pag-aaral.

Inilahad sa mga kasunod na mga pahina ang mga talahanayan na

magpapakita ng resulta sa mga pagsusuri gamit ang mga bahagi at kategorya sa

Pagsusuri ng Tula. Pagkatapos ay bibigyang interpretasyon ang mga

impormasyong nasa talahanayan para sa mas malinaw na pagtalakay at

pagpapaliwanag.

Unang Bahagi sa Pagsusuri ng Tula: Pagkilala sa may Akda

Si Jose Corazon de Jesus ay isinilang sa bayan ng Sta. Cruz, Bulacan,

Maynila at ipinanganak noong Nobyembre 22, 1896, at nasakto rin na ang taon

ng kanyang kapanganakan ay taon din kung kalian sinakop ng mga Amerikano

ang bandang pilipinas. Ang kaniyang ama ay si Dr. Vicente de Jesus, ang

kanyang ina naman ay si Susana Pangilinan at ang kanyang asawa ay si

Asuncion Lacdan nagkaroon sila ng tatlong anak (Bordeos, 2012).

Sa kaniyang kabataan ay nag-aral siya sa Liceo de Manila at kumuha ng

abogasiya sa Escuela de Derecho na taong 1918, nagtagumpay na

makapagtapos sa kursong Batsilyer sa Batas ngunit hindi niya ipinagpatuloy ang

pagiging abogado dahil abala na siya sa pagsulat ng isang kolum ng mga tula sa

pahayagang Tagalog na nagngangalang Taliba. Sa pagsusulat ng mga akda ay


marami siyang ginamit na sagisag panulat, ilan sa mga ito ay ang Pusong Hapis,

Paruparo, Pepito Matimtiman, Mahirap, Dahong Kusa, Paruparong Luksa, Amado

Viterbi, Elias, at Anastacio Salagubang, ngunit sa lahat ng mga ginamit na

sagisag panulat ay mas nakilala siya sa Huseng Batute (Enoc, 2019)

Si Jose Corazon de Jesus o mas kilala sa bansag na Huseng Batute ay

makata ng pag-ibig dahil ang mga akda niya ay tungkol sa pagmamahal. Siya ay

Pilipinong makata na nangunguna sa panahon ng kolonyalismong Amerikano.

Binigyan niya ng lakas ang literatura sapagkat ito ay ginamit niya para sa bayan.

Halos 4,000 na tula ang kaniyang isinulat para sa Taliba na may paksa na Buhay

Maynila at 800 naman para sa kaniyang kolum sa diyaryong Ang Lagot na

Bagting. Mas kinilala ang kanyang mga akda na sa anyong tradisyunal, ang mga

akda niyang ito ay nagbigay ng gintong aral na magmulat sa kaisipan, diwa at

sumasalamin sa pamumuhay at kasaysayan ng Pilipinas. Ilan sa mga akda

niyang sumikat ay Ang Manok Kong Bulik, Barong Tagalog, Ang Pagbabalik, Ang

Pamana, Isang Punongkahoy at ang Bayan Ko na kinikilala bilang hindi opisyal na

pambansang awit ng Pilipinas, ang mga akdang ito ay binigkas niya sa

pakikipagtagisan sa balagtasan. Tinanghal siya bilang kauna-unahang “Hari ng

Balagtasan” taong Oktubre 18, 1925 matapos niya makipagtunggali kay

Florentino Collantes hinawakan niya ang titulong Hari ng Balagtasan hanggang

sa siya ay pumanaw (Olson, 2017).

Namatay ang makata hindi sa gutom, kundi sa pagkasira ng bituka ( ulcer)

dahil sa pagpapabayang magutom, bago pumasok ang taong 1932 ay malimit


idaing ni Corazon ang paghapdi ng tiyan. Sang-ayon sa kanyang asawa na si

Asuncion Lacdan, bunga ito ng kanyang madalas na pagpapalipas ng gutom.

May ugali si Corazon na hindi kumakain hanggang makatapos ng kanyang

pagtatanghal. Walang alinlangan, na nabutas ang kanyang bituka dahil sa

pagtitiis ng kalam ng sikmura tuwing gabing siya ay tutula.

Kung iisiping mabuti ang kanyang paglabas sa tanghalan hanggang sa

hatinggabi para masabik ang manonood sa koronasyon ay talagang matatagal

ang panahong ipinaghintay ng kanyang bituka bago malamnan. Ilang beses na

ipinasok sa ospital si Corazon. Ipinayo ng doktor na operahan ang kanyang ulser

ngunit hindi nakinig sa manggagamot ang makata. May takot pa diumano sa

operasyon si Corazon mula nang mapanood ang pag-oopera sa ama.

Hanggang isang araw, umuwi siyang nahihilo at naliligo sa pawis. Sa takot ni

Asuncion ay tumawag ito ng doktor at noon din ay ipinasok sa ospital ang

walang malay na si Corazon. Ipinasiyang operahin ang makata kinabukasan.

Ngunit nang dumalaw sa ospital kinaumagahan ang kanyang maybahay ay balisa

na ang mga nagbabantay. Tumigas na parang tabla ang kanyang tiyan at sa

ganap na 12:40 ng hapon, Mayo 26, 1932, ay nawalan ang madla ng isang

batang-bata pang Hari ng Balagtasan (Bituin, 2010).

Ikalawang Bahagi sa Pagsusuri ng Tula: Kayarian o Estruktura

Katulad ng ibang akdang pampanitikan, ang tula ay may kaukulang

elemento; ang sukat na tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod,


estropa o saknong na tumutukoy sa dalawa o maraming taludtod na tugma na

nagbibigay himig sa tula, kariktan na nakapupukaw sa damdamin ng mga

mambabasa, talinghaga na tumutukoy sa paggamit ng matalinghagang mga

salita, tayutay, anyo, porma ng tula, tono o indayog at persona na tumutukoy sa

nagsasalita sa tula (Mahilom, 2010).

Ayon kay Lope K. Santos (2016), ang tula ay isang akdang pampanitikan

na nagtataglay ng apat na elemento ito ay ang sukat, tugma, kariktan at

talinghaga. Nabibilang dito ang bugtong, salawikain, bulong at awiting bayan.

Ang isang tradisyunal na tula ay itinatampok ang sariling damdamin at

maging ang pagbulay-bulay ng makata kaya tinatawag din itong

pinakamatandang uri ng tulang naisulat sa kasaysayan ng daigdig (Cabo, 2017).

Ipinahayag sa pag-aaral nina Ligaya et al. (2004), ang tula ay isang

pagbabagong-hugis ng buhay, isang paglalarawan na likha ng guniguni at

ipinararating sa damdamin ng mambabasa o nakikinig sa mga salitang nag-

aangkin ng wastong aliw-iw at higit na mainam kung may sukat at tugma sa

taludturan. Ang paksa ng tula ay hinahango sa kalikasan, sa buhay ng tao, sa

bagay na nakikita sa sinumang naiibigan o ginagawa ng tao. Ang tradisyonal na

katangian ng tula ay apat: tugma, sukat, talinghaga at kariktan. Ang

makabagong tula ay may malayang taludturang hindi kinakailangan na gumamit

ng sukat at tugma. Sa kabuuan, tatlo ang uri ng tula: tulang pandamdamin,

tulang pasalaysay at tulang pandulaan.

Ipinakilala ni Lamberto Ma. Gabriel (2019), na ang estropa o saknong ay


kalipunan ng mga taludtod na karaniwang magkakatugma na makikita sa tula.

Sinasabi niya na kapag ang tula ay may dalawang taludtod lamang tatawagin

itong kopla, kung ito ay tatlong taludtod ay magiging terseto naman ang turing

niya, kwarteto naman sa karaniwang nababasa at nakikita na may apat na

taludtod, kapag ang estropa ay lilimahin tinatawag itong kinteto at senteto ang

tawag kung umabot ng anim ang mga taludtod sa isang saknong.

Matutuklasan naman sa pananaliksik nina Evasco et al. (2008), Ang sukat

ang isang mahalagang bahagi ng tula. Malaki ang naitutulong nito sa

pagmememorya ng mga taludtod na nakapupukaw ng pansin sa pangyayari ng

tula. Tulad ng tugma ang sukat ay may ritmo na umiindayog sa mga

mambabasa. Ang pagkakaiba at pares ng dalawang pangkalahatang pangkat ng

sukat sa tula. Ang pagkakaiba ay pumapaloob sa lilimahin, pipituhin, sisiyamin at

maging sa lalabing-isahin. Sa panulaang Pilipino mas higit na gamitin ang pares

na binubuo ng lalabingwaluhin at lalabingdalawahin gayundin ang paggamit ng

sasampuin, lalabing-apatin, lalabing-animin.

Ayon sa pagsusuri ni Chiutena (2014), may tugma ang tula kapag ang

huliang pantig ng huliang salita bawat taludtod ay magkakasingtunog. Ito ang

nagbibigay sa tula ng himig o indayog.

Sa tugma ay isang elemento ng tula kung saan ang huling pantig ng isang

taludtod ay magkasing-tunog sa mga susunod pang taludtod. Nahahati ang

elementong ito sa dalawang uri, ang tugmaang patinig at tugmaang katinig. Ang

mga huliang salita sa kabuuan ng taludtod sa isang saknong ay masusuring na


sa anyong tugmaang ganap kung nagtatapos ito sa letrang patinig na a, e, i,

o ,u. Samanatalang sa tugmaang hindi ganap ay may tinatawag na tugmaang

mahina at malakas. Sa tugmang hindi ganap na mahina ay nagtatapos ang mga

salita sa letrang katinig na l, m, n, ng, r, w, y at matutukoy naman na tugmaang

hindi ganap na malakas kung ang huliang salita sa taludtod ay nagtatapos sa

letrang katinig na b, k, d, g, p, s, t (Velasco, 2013).

Talahanayan 1

Kayarian o Pamagat ng Tula


Estruktura
Mga Kategorya 1.Ang Pagbabalik (1924) 2. Kalupi ng Puso (1926) 3. May mga Tugtuging
hindi ko Malimot (1929)
1. Uri ng Tula - Tulang Pandamdamin - Tulang Pandamdamin - Tulang Pandamdamin
2. Estropa - Senteto - Kwarteto Kwarteto
3. Sukat - Lalabindalawahin - Lalabindalawahin - Lalabindalawahin
4. Tugma - Ganap at Di Ganap na - Ganap at Di Ganap na - Ganap at Di Ganap na
Tugmaan Tugmaan Tugmaan

Sa ikalawang bahagi sa Pagsusuri ng Tula sa Kayarian o Estruktura ng

Akda, binibigyang interpretasyon sa Talahanayan 1 ang apat na kolum na kung

saan matatagpuan sa unang kolum ang apat na kategorya na matatalakay sa

Kayarian o Estruktura ng Akda. Habang ang ikalawa, ikatlo, at ikaapat na kolum

ay makikita naman dito ang tatlong akdang sinuri ng mga mananaliksik.

Ipinakikita sa bahaging ito ang resulta ng ginawang pagsusuri batay sa Kayarian

o Estruktura ng tatlong Akda; Uri ng tula, Estropa, Sukat at Tugma.

Sa ikalawang kolum naman ay makikita ang unang tula na sinuri na may

pamagat na Ang Pagbabalik. Napag-alaman ng mga mananaliksik na isa ito sa


nasusulat sa anyong tradisyunal ang uri ng tula ay tulang pandamdamin

sapagkat itinatampok sa tula ang saloobin ng makata, ang estropa naman nito

ay senteto dahil ang bawat saknong ay binubuo ng anim na taludtod, ang sukat

ay nabibilang sa lalabindalawahin na pantig at ang tugmaan sa unang tula ay

palolooban ng ganap at hindi ganap na tugmaan.

Ang una, pangatlo, panlima at pangwalong saknong ay makikitaan ng uri

ng tugmang di-ganap na mahina sapagkat ang mga bawat huliang salita sa

taludtod ay nagtatapos sa katinig na m, n, ng at y. Sa unang saknong ay

nagtatapos ang mga salitang ginamit sa letrang katinig na n at y. Ang una,

ikalawa at ikaapat na taludtod ay nagtatapos sa katinig na n habang ang ikatlo,

ikalima at ikaanim na taludtod naman ay nagtatapos ang mga salita sa katinig na

y. Halimbawa sa una at ikatlong taludturan; [1] Babahagya ko nang sa noo’y

nahagkan, [3] Isang panyong puti ang ikinakaway. Ang ikatlong saknong ay

gumamit ng mga salita sa bawat taludtod na nagtatapos sa katinig na m, ng at

n. Ang una at ikalimang taludtod ay nagtatapos sa letrang m ang ikalawa at

ikaanim na taludtod naman ay nagtatapos sa letrang ng. Samantala ang ikatlo at

ikaapat na taludtod naman ay nagtatapos sa letrang n. Halimbawa sa una,

ikalawa at ikatlong taludturan; [1] Lubog na ang araw, kalat na ang dilim, [2] At

ang buwan nama’y ibig nang magningning, [3] Makaorasyon na noong aking

datnin. Ang ikalimang saknong ay gumamit ng mga salita sa bawat taludtod na

nagtatapos sa katinig m, ng at n. Ang una at ika-apat na taludtod ay nagtatapos

sa letrang m ang ikalawang taludtod ay nagtatapos sa letrang ng ang ikatlo,


ikalima at ikaanim na taludtod naman ay nagtatapos sa letrang n. Halimbawa sa

una, ikalawa at ikatlong taludturan; [1] Nang kinabukasang magawak ang dilim,

[2] Araw’y namintanang mata’y nagniningning, [3] Sinimulan ko na ang dapat

kong gawin. Ang ikawalong saknong ay gumamit ng mga salita sa bawat

taludtod na nagtatapos sa katinig na n, y at m. Ang una, ikalawa at ikalimang

talutod ay nagtatapos sa letrang n. Ang ikatlo at ikaapat na taludtod naman ay

nagtatapos sa letrang y. Habang ang ikaanim na taludtod naman ay nagtatapos

sa letrang m. Halimbawa sa una, ikatlo at ikaanim na taludturan, [1] At ako’y

tumuloy… pinto ng mabuksan, [3] Apat na kandila ang nangagbabantay, [6]

Para pang sinabi “Irog ko, paalam!”.

Ang ikalawa, ikaapat at ikaanim na saknong ay matutukoy na tugmaang

hindi ganap na malakas sapagkat ang bawat huliang salita sa taludtod ay

nagtatapos sa katinig na b, k, d, g, s at t. Sa ikalawang saknong ay gumamit ng

mga salita sa bawat taludtod na nagtatapos sa katinig na s, d, t, g at k. Ang una

at ikalimang taludtod ay nagtatapos sa letrang s, sa ikalawang saknong ay

mayroong katinig na d ang ikatlong taludtod naman ay nagtatapos sa letrang t,

sa ikaapat na taludtod ay nagtatapos sa letrang g gayong ang ikaanim na

taludtod ay nagtatapos sa letrang k. Halimbawa sa una, ikalawa, ikatlo, ikaapat

at ikaanim na taludturan; [1] Nang sa tarangkahan, ako’y makabagtas, [2]

Pasigaw ang sabing, “Magbalik ka agad!”, [3] Ang sagot ko’y “Oo, hindi

magluluwat!”, [4] Nakangiti akong luha’y nalalaglag, [6] Nabiyak ang puso’t

naiwan ang kabyak. Samantalang sa ikaapat na saknong ay gumamit ng mga


salita sa bawat taludtod na nagtatapos sa katinig na k, b, t at g. Ang una at

ikaapat na taludtod sa huliang bahagi ng salita ay nagtatapos sa letrang k, ang

ikalawang taludtod naman ay nagtatapos sa letrang b sa ikatlo at ikalimang

taludtod ay nagtatapos sa letrang t at sa ikaanim na taludtod ay nagtatapos sa

letrang g. Halimbawa sa una, ikalawa, ikatlo at ikaanim na taludturan; [1] Sa

pinto ng nar’ong tahana’y kumatok, [2] Pinatuloy ako ng magandang loob, [3]

Kumain ng konti, natulog sa lungkot, [6] Mamatay kung ako’y talaga nang

kulog!”. Sa ikaanim na saknong ay gumamit ng mga salita sa bawat taludtod na

nagtatapos sa katinig na t, s, g at k. Ang unang taludtod at nagtatapos sa

letrang t, sa ikalawa at ikatlong taludtod naman ay nagtatapos sa letrang na s,

ang ikaapat naman ay nagtatapos sa letrang g at sa ikalima at ikaanim na

taludtod ay nagtatapos sa letrang na k. Halimbawa sa una, ikalawa, ikaapat at

ikalimang taludturan; [1] At ako’y umuwi taglay ko ang lahat, [2] Mga bungang-

kahoy, isang sakong bigas, [4] Ay pinupol ko na’t panghandog sa liyag, [5] Nang

ako’y umalis, siya’y umiiyak.

Kaya naman nasabing tugmaang ganap din ito, ang ikapitong saknong ay

gumamit ng mga salita sa bawat taludtod na nagtatapos sa patinig na o.

Halimbawa sa tugmaang ganap unang taludtod; [1] At ako’y lumakad, halos

lakad takbo.

Samantala sa ikatlong kolum ay nakalagay naman ang pangalawang tula

na sinuri na may pamagat na Kalupi ng Puso. Natuklasan ng mga mananaliksik

na isa rin itong tradisyunal na tula na ang uri ay tulang pandamdamin sapagkat
itinatampok sa tula ang saloobin ng makata at tumatalakay sa damdaming pag-

ibig, ang estropa naman nito ay kwarteto dahil ang bawat saknong ay binubuo

ng apat na taludtod, ang sukat ay nabibilang din sa lalabindalawahin na pantig at

ang tugmaan sa ikalawang tula ay palolooban din ng ganap at hindi ganap na

tugmaan.

Ang una at ikaapat na saknong ay makikitaan ng uri ng di-ganap na

mahina sapagkat ang mga huliang salita ay nagtatapos sa katinig na l, m, n at w.

Sa unang saknong ay gumamit ng mga salita sa bawat taludtod na nagtatapos

sa katinig na m, n at l. Ang unang taludtod ay nagtatapos ito sa katinig na m, sa

ikalawa at ikatlong taludtod ay nagtatapos naman sa katinig na n at ang pang-

apat na taludtod ay nagtatapos din sa katinig na l. Halimbawa sa una, ikalawa at

ikaapat na taludturan; [1] Talaan ng aking mga dinaramdam, [2] Kasangguning

lihim ng nais tandaan, [4] ng isang gunitang pagkamahal-mahal.

Sa ikaapat na saknong naman ay gumamit ng mga salita sa bawat

taludtod na nagtatapos sa katinig na w, n at m. Ang una at ikaapat na taludtod

ay nagtatapos sa katinig na w, sa ikalawa namang taludtod ay nagtatapos sa

katinig na n, sa ikatlong taludtod ay katinig na m. Halimbawa sa una, ikalawa at

ikatlong taludturan; [1] Nakatala rito ang buwan at araw, [2] Ng aking ligaya at

kapighatian, [3] Isang dapithapo’y nagugunam-gunam.

Ang ikalima at ikaanim na saknong ay kakikitaan ng uri ng di-ganap na

malakas sapagkat ang mga huliang salita ay nagtatapos sa katinig na k, d, g, s

at t. Ang ikalimang saknong ay gumamit ng mga salita sa bawat taludtod na


nagtatapos sa katinig na t, d at k. Ang una at ikatlong taludtod ay nagtatapos ito

sa letrang t, sa ikalawang taludtod naman ay nagtatapos ito sa letrang d at

samantala ang ikaapat na taludtod ay nagtatapos sa letrang k. Halimbawa sa

una, ikalawa at ikaapat na taludturan; [1] Matandang kalupi ng aking sinapit, [2]

Dala mo nang lahat ang tuwa ko’t hapis, [4] Ang lahat ng aking nabigong pag-

ibig.

Kaya naman nasabing naglalaman din ito ng tugmaang ganap sapagkat

ang ikalawa, ikatlo, ikapito at ikawalong saknong ay gumamit ng mga salita sa

bawat taludtod na nagtatapos sa patinig na a at o. Ang ikalawang saknong ay

ang kabuuang taludtod nito ay nagtatapos sa letrang o. Halimbawa sa unang

taludtod; [1] Kaluping maliit sa tapat ng puso. Sa ikatlong saknong ay ang

kabuuang taludtod nito ay nagtatapos sa letrang a. Halimbawa sa unang

taludtod; [1] Nang buwan ng Mayo kami nagkilala. Sa ikapitong saknong ay ang

kabuuang taludtod nito ay nagtatapos din sa letrang a. Halimbawa sa unang

taludtud; [1] Sa dilaw mong dahon ngayon ay kupas na. Sa ikawalong saknong

ay ang kabuuang taludtod nito ay nagtatapos sa letrang o. Halimbawa sa unang

taludtod; [1] May ilang bulaklak at dahong natuyo.

Sa kabilang banda makikita naman sa ikaapat na kolum ang pangatlong

tula na sinuri na may pamagat na May mga Tugtuging hindi ko Malimot. Nabatid

ng mga mananaliksik na tulad ng dalawang akda na naunang sinuri ay isa rin

itong tradisyunal sa tula na ang uri ay tulang pandamdamin sapagkat

nagtataglay ito ng karanasan, kaisipan at emosyon ng may-akda. Ang estropa


naman nito ay katulad sa pangalawang tula na kwarteto dahil ang bawat

saknong ay binubuo ng apat na taludtod, ang sukat ay nabibilang din sa

lalabindalawahin na pantig tulad din ng dalawang tula at ang tugmaan sa

ikatlong tula ay palolooban din ng ganap at hindi ganap na tugmaan.

Ang ikatlo at ikaapat na saknong ay makikitaan ng uri ng hindi ganap na

mahina sapagkat ang mga huliang salita ay nagtatapos sa katinig na n, ng at m.

Ang ikatlong saknong ay gumamit sa kabuuang taludtod ng letrang nagtatapos

sa n. Halimbawa sa unang taludtod; [1] Ikaw baga’y daing ng nakaligtaan. Ang

ikaapat na saknong ay gumamit ng mga salita sa bawat taludtod na nagtatapos

sa katinig na ng at m. Sa una at ikatlong taludtod ang katinig ay nagtatapos sa

ng samantala ang ikalawa at ikaapat na taludtod naman ay may katinig na m.

Halimbawa sa una at ikalawang taludturan; [1] Oo, mayr’ong tugtog iyang mga

b’yoling, [2] Tila sumusugat sa ating panimdim. Halimbawa sa una, ikalawa at

ikatlong taludturan; [1] May isang tugtuging hindi ko malimot, [2] Kinakanta-

kanta sa sariling loob, [3] Hiniram sa hangin ang lambing at lamyos.

Kaya naman nasabing tugmaang ganap din ito sapagkat ang una, ikalawa,

at ikalimang saknong ay kakikitaan ng tugmaang ganap kung saan ang mga

huliang bahagi ng salita ay nagtatapos sa letrang patinig na a at i. Ang unang

saknong ay ang kabuuang salita sa bawat taludtod ay nagtatapos ito sa letrang

patinig na a. Halimbawa sa unang taludtod; [1] O may mga tugtog na hindi

nagsasalita. Sa ikalawang saknong ay ang kabuuang salita sa bawat taludtod ay

nagtatapos ito sa letrang patinig na i. Halimbawa sa unang taludtod; [1]


Langitngit ng isang kaluluwang sawi. Ang ikalimang saknong naman ay ang

kabuuang salita sa bawat taludtod ay magkatulad sa ikalawang saknong na

magkapareho din na nagtatapos sa letrang i. Halimbawa sa unang taludtod; [1]

Sa lahat ng gabi sa aking pag-uwi.

Sa pangkalatang pagsusuri sa Kayarian o Estruktuta ng akda lumalabas na

ang tatlong tula ni Huseng Batute na sinuri ng mga mananaliksik ay nasa uring

tradisyunal sapagkat nagtataglay ang mga tula ng sukat at tugma sa bawat

taludtod, o ang mga salita at paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili,

matayutay at masining bukod sa pagiging madamdamin.

Ikatlong Bahagi sa Pagsusuri ng Tula: Anyo

Sa ikatlong bahagi sa Pagsusuri ng Tula, binibigyang interpretasyon dito

ang Anyo ng Akda. Makikita sa bahaging ito ang resulta ng ginawang pagsusuri

batay sa anyo ng tatlong akda; Tono, Tayutay at Talasalitaan.

1. Tono ng Akda

Ang tono ay isang saloobin patungo sa mga pangyayari ng kuwento na

nakatatawa, nakalulungkot, mapang-uyam, at iba pa. "Sa pagsasagawa, may

malapit na koneksyon sa pagitan ng estilo at tono (Thomas, 2012).

Inilahad ni Eugene Y. Evasco (w.p) sa kanyang pananaliksik na ang tono

ng tula ay ang nagpapakita ng emosyon o damdamin ng pesona sa tula. Maaring

maging tono ay galit, pagkasuklam, kasiyahan, panunuligsa, sarkastiko,

sentimental, nagpapataw at ipa ba. Makatutulong sa paglikha ng tono ang


pagpili ng larawan, talinghaga at pananaw sa paksa.

Ang unang kategorya na makikita sa anyo ng tula ay ang Tono ng Akda.

Sa pagsisiyasat ng mga impormasyon ay natukoy ng mga mananaliksik na ang

tatlong akdang Patula ni Jose Corazon de Jesus ay may iisang tono lamang na

nagpapakita ang mga ito ng labis-labis na pangungulila at pagkalungkot sa taong

kanilang minamahal, kabiyak o sinisinta.

Sa Ang pagbabalik ay matutukoy ang kalungkutan na nararamdaman ng

mag-asawa sa oras ng kanilang paghihiwalay ng landas, naiwan ang babae sa

kanilang tahanan dahil kinakailangan ng lalaki na maghanapbuhay. Samantalang

sa Ang Kalupi ng Puso ay malalaman na ito ay pagkalungkot sa paghihiwalay nila

ng kanyang kasintahan ngunit dahil sa tulong ng kanyang bughaw na kalupi ay

naaalala niya ang nakalipas niyang pag-ibig na kahit kailangan man ay hindi niya

nais kalimutan. Habang ang May mga Tugtuging hindi ko Malimot ay tulad ng sa

tulang Kalupi ng Puso ay mababatid na ito rin ay pagkalungkot sa kanyang

kasintahan ngunit sa pamamagitan ng mga tugtugin ay nanunumbalik pa rin ang

kanyang mga alala sa nakalipas niyang pag-ibig.

Sa pangkalahatang pagsusuri sa tono ng tula, lumalabas na ang tatlong

akda ni Jose Corazon de Jesus ay nagpapahayag ng damdaming pangungulila.

2. Pagtukoy sa Tayutay

Ayon naman kay Abad (2003), ang tayutay ay sinadyang paglayo sa

karaniwang kahulugan ng mga salita upang gumana ang guni-guni, at gawing

lalong maharaya, mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag. Ang paggamit ng


tayutay ay nakapagdaragdag sa kalinawan, kabigatan at kagandahan ng isang

katha o akda, pasalita man o pasulat.

Iminungkahi rin nina Casanova et al. (2001), ang tayutay ay may angking

kagandahan sa wika. Naipapakita ng mga ito ang kakayahan ng wika ng

kanlungin ng isang konsepto sa pamamagitan ng pamamahayag sa tulong ng

isang manlilikha. Inilarawan ang tayutay bilang kaluluwa ng panitikan. Kaya

bilang mga guro, may tungkulin tayo alamin ang bawat isa upang lubusang

maakma at ma-angkla ito sa pagturo ng panitikan sa mga mag-aaral.

Talahanayan 2.1

Tayutay 1. Ang Pagbabalik 2. Kalupi ng Puso 3. May mga Tugtuging


(1924) (1926) hindi ko Malimot
(1929)
Pagmamalabis o “Nabiyak ang puso’t “Tuwi kong hahagkan, “Langitngit ng isang
Hyperbole naiwan ang kabyak” puso’y nagdurugo” kaluluwang sawi”
Pagpapalit-tawag “Pinatuloy ako ng “Matandang kalupi ng
o Metonymy magandang loob” aking sinapit”
Pagpapalit-wika o “Ang aming tahana’y
transferred masayang totoo”
epithets
Pagsasatao o “Hiniram sa hangin
Personification ang lambing at
lamyos”
Pagtatawag o “Kung binubuksan ka’y
Apostrope parang lumalapit”
Pagtutulad o “Ang puso kong tila
Simile ayaw ng tumibok”

Binibigyang interpretasyon sa Talahanayan 2.1 ang pangalawang


kategorya sa pagsusuri ng Anyo ng Akda ito ay ang pagtukoy ng mga tayutay na

nakapaloob sa tatlong tula na sinuri. Sa unang kolum ay makikita ang mga uri ng

tayutay na ginamit sa mga tula, samantalang sa pangalawa, pangatlo at pang-

apat na kolum naman ay makikita ang tatlong pamagat ng tula. Sa baba ng mga

pamagat ay maayos naman na nakahanay ang bawat linya na makikita sa tula

upang bigyan ng matibay na pagpapatunay na ang mga taludtod ay tutugma sa

uri ng tayutay na nakalapat.

Sa akdang Ang Pagbabalik ay natuklasan na palolooban ito ng apat na uri

ng tayutay; 1) Pagmamalabis o Hyperbole, na matatagpuan sa linyang “Nabiyak

ang puso’t naiwan ang kabyak” kailanman ay hindi maaaring mabiyak ang puso

at ang kahulugan ng kabiyak ng puso ay asawa o katipan na kasama sa hirap at

ginhawa. 2) Pagpapalit-tawag o Metonymy, na matatagpuan sa linyang

“Pinatuloy ako ng magandang loob” ang magandang loob ay tumutukoy sa taong

may busilak na puso. 3) Pagpapalit-wika o transferred epithets, na matatagpuan

sa linyang “Ang aming tahana’y masayang totoo” ang pag-uri na ginamit ay para

sa tao at hayop lamang ngunit ito ay inilipat niya sa isang bagay. 4) Pagtutulad o

simile, na matatagpuan sa linyang “Ang puso kong tila ayaw ng tumibok” ang

salitang tila ay ginagamit sa paghahambing ng dalawang bagay at pinaghambing

nga rito ang salitang puso at tumibok.

Samantalang sa tulang Ang Kalupi ng Puso ay nabatid na palolooban ito

ng tatlong uri ng tayutay; 1) Pagmamalabis o Hyperbole, na matatagpuan sa

linyang “Tuwi kong hahagkan, puso’y nagdurugo” ang puso ay hindi kailanman
dumudugo na kagaya ng sinasabi ng may akda sa tula. 2) Pagpapalit-tawag o

Metonymy, na matatagpuan sa linyang “Matandang kalupi ng aking sinapit” ang

matandang kalupi ay ang naging kasa-kasama niya sa saya at kalungkutan ng

naginng sandigan niya sa lahat ng pagkakataon. 3) Pagtawag o Apostrope, na

matatagpuan sa linyang “Kung binubuksan ka’y parang lumalapit” Para bang

kinakausap niya ang kalupi at inuutusan ito ng persona na lumapit sa kanya.

Habang ang May mga Tugtuging hindi ko Malimot ay natuklasan na

palolooban lamang ito ng dalawang uri ng tayutay; 1) Pagmamalabis o

Hyperbole, na matatagpuan sa linyang “Langitngit ng isang kaluluwang sawi”

kailanman ay hindi maaring umiyak ang kaluluwa, sa oras na mawalan ng buhay

ang isang indibidwal ay mawawalan na ito ng pakiramdam sa kanyang paligid. 2)

Pagsasatao o Personification, na matatagpuan sa linyang “Hiniram sa hangin ang

lambing at lamyos” ang hangin ay hindi maaaring maglambing sa tao sapagkat

wala itong kakayahang makapagsalita.

Sa pangkalahatang pagsusuri sa pagtukoy ng mga tayutay na nakapaloob

sa tatlong akdang patula ni Jose Corazon de Jesus, tinukoy ng mga mananaliksik

ang mga tayutay sa pamamagitan ng mga pahayag na ginamit ng makata upang

bigyang-diin ang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng mga pahayag na ito na

itago ang totoong kahulugan dahil nais ng may-katha na bigyang diin ang

kanyang saloobin sa kabuuan ng tula.

Base sa tatlong sinuring tula ay kakikitaan ito ng anim (6) na uri ng

tayutay na ginamit ng may-akda. At, makikitang ginamit sa tatlong (3) tula ang
tayutay na Pagmamalabis, samantalang may dalawang (2) tula naman na

ginamitan ng Pagpapalit-tawag. Habang ang Pagsasatao, Pagtatawag at

Pagtutulad ay ginamit din ng isang beses sa magkakaibang tula.

3. Pagtukoy sa Talasalitaan

Ayon kay Bernales (2001), mahalaga sa tao ang may malawak na

bokabularyo o talasalitaan. Ito kasi ang nagbibigay sa kanya ng sandata upang

mabigyan ng tamang pagpapakahulugan ang mga salitang kanyang naririnig at

nababasa.

Ang talasalitaan, na kilala rin bilang bukabularyo o sa Ingles bilang

vocabulary, ay ang pangkat ng mga salitang nasa loob ng isang wika na pamilyar

sa isang tao. Ito rin ang umuunlad na sabay rin sa edad at kadalasang ginagamit

ito bilang pundamental na gamit para sa komunikasyon at pagkakamit ng

kaalaman (Valle, 2019).

Ayon sa pag-aaral nina Casanova et al. (2001), sa larangan ng

pagpapahayag, pasulat man o pasalita. Lubhang mahalaga ang leksyon, ang

tamang pagpili ng salita. Maaaring maganda ang ibig ipabatid at maaari din

namang mabuting layon sa pagpapahayag subalit di nagbubunga ng mabuti

kung mali ang pagkakapili ng mga salitang ginamit. Maisasagawa lamang ito

kung may sapat na lawak ng talasalitaan ang isang nagpapahayag at magagawa

niyang magamit ang mga salitang nalalaman niyang angkop at wasto sa kaisipan

o damdaming nais niyang ipahayag.

Ayon sa mga Anglo-Saxons (w.p), ang mga salita ay itinuturing na


pinakadiwa ng isang wika ay ang kabuuang talasalitaan ng wikang ito. Ang mga

talasalitaan ay isang imbakan ng mga salita na dapat angkinin at pahalagahan.

Sa mga Intsik naman, ito'y isang malawak na dagat ng mga salita na dapat

hulihin.

Talahanayan 2.2

1. Ang Pagbabalik (1924) 2. Kalupi ng Puso (1926) 3. May mga Tugtuging hindi ko
Malimot (1929)
Datnin Gunita Hibik
Kaingin Hapis Lamyos
Liyag Himutok Langitngit
Magawak Kalupi Nagdaralita
Makabagtas Kasangguni Nagugunita
Magluluwat Nagugunam-gunam Panaghoy
Naglalagot Siphayo Panagimpan
Pinupol Panimdim
Umuukilkil

Binibigyang interpretasyon sa Talahanayan 2.2 ang pangalawang kategorya

sa pagsusuri ng Anyo ng Akda ito ay ang paghawan ng mga sagabal na

nakapaloob sa tatlong tula na sinuri.

Sa Ang Pagbabalik ay natuklasan na may walong (8) talasalitaan ang

nakapaloob sa tula; 1) Datnin, salitang pinaikli na ang kahulugan ay dumating.

2) Kaingin, ang katumbas ng salitang ito ay bukirin na pinagtatamnan ng iba’t

ibang mga prutas, gulay at palay. 3) Liyag, ang mga kasingkahulugan nito ay

giliw, sinta, mahal, mutya, paraluman na ginagamit panawag sa taong tinatangi

o mahal. 4) Magawak, binigyang kahulugan sa tula na ang salitang magawak ay

katumbas ng salitang madaling araw. 5) Makabagtas, ang salitang makabagtas


sa tula ay ng nakarating na siya sa pintuan kaya naman ginagamit ito kapag

nakarating na sa lugar ng pupuntahan. 6) Magluluwat, ito ay nangangahulugang

hindi magtatagal o babalik siya agad-agad. 7) Naglalagot, nangangahulugang

labis-labis ang nadaramang pangungulila at kalungkutan. 8) Pinupol, ang salitang

ito ay ginamit sa tula na nagpapakahulugan ng pagpitas.

Samantalang sa Kalupi ng Puso ay nabatid na may pitong (7) talasalitaan

ang nakapaloob sa tula; 1) Gunita, pag-alaala at pagbabalik tanaw sa mga bagay

o pangyayari na naganap sa nagdaang panahon ito ay mga alaalang masaya o

malungkot na karanasan. 2) Hapis, labis-labis na pagdadalamhati na

nararamdaman sa kanyang sinapit at dinanas. 3) Himutok, pagkaramdam ng

pagkainis maaaring hinaing, daing at tampo. 4) Kalupi, ang kahulugan nito sa

dayalektong Bulacan ay talaarawan o dayari na talaan ng pangyayari, kaganapan

o karanasan sa buhay ng isang indibidwal. Pero kung susuriin naman sa wikang

Tagalog ang kahulugan nito ay maliit na pitaka na ginagamit upang paglagyan

ng pera o salapi. 5) Kasangguni, ay ang sandigan o kaagapay sa lahat ng

pagkakataon maaari itong may buhay o wala. 6) Nagugunam-gunam, pagninilay-

nilay o pag-iisip sa mga bagay na dapat gawin o mangyari. 7) Siphayo,

naglalarawan ng mabigat na emosyon sa pagkabigo na nagpapakita ng

malungkot na damdamin.

Habang ang May mga Tugtuging hindi ko Malimot ay natuklasan na may

siyam (9) na talasalitaan ang nakapaloob sa tula; 1) Hibik, pag-aalinlangan sa

isang bagay sa akda ay ginamit ang salitang ito na waring naguguluhan kung
siya ba ay pinagtaksilan. 2) Lamyos, mahinahon at maindayog na himig ng mga

tugtugin o awitin na masarap pakinggan. 3) Langitngit, ang kahulugan nito batay

sa tula ay paghagulgol nang maalala niya ang kanyang kasawian sa pag-ibig. 4)

Nagdaralita, pabigkas o pabulalas na nagdadala ng kahulugan at maaring

binubuo ito ng higit sa isa pang mga tunog. 5) Nagugunita, naaalala o bumabalik

sa isipan ang mga pangyayaring nakalipas na. 6) Panaghoy, pagdaramdam sa

sobrang kalungkutang nararamdaman o sobrang pag-iyak dahil sa

pagdadalamhati. 7) Panagimpan, tinutumbasan ng salitang ito ang salitang

panaginip. 8) Panimdim, emosyon na nararamdaman ng isang indibidwal sa mga

pagkakataon tulad ng saya, lungkot, galit, sabik, duda, inis at iba pang mga

damdamin na maaring umiral. 9) Umuukilkil, mga bagay na gumugulo sa isipan

na kahit sa panaginip ay pumapasok pa rin.

Sa pangkalahatang pagsusuri sa ang paghawan ng mga sagabal na

nakapaloob sa tatlong akdang patula ni Jose Corazon de Jesus, tinukoy ng mga

mananaliksik ang mga talasalitaan sa pamamagitan ng mga salita na hindi

pamilyar sa isang tao. Nilalayon ng may-akda na gumamit ng mga

matatalinghagang salita o bokabularyo upang itago ang totoong kahulugan ng

bawat salita dahil nais ni Jose Corazon de Jesus na tuklasin mismo ng

mambabasa ang mga kahulugan nito batay sa kung ano ang ipinapahayag sa

kabuan ng mga akda niyang nasusulat sa anyong patula.


Ikaapat na Bahagi sa Pagsusuri ng Tula: Pagsusuri sa Nilalaman

Sa ikaapat na bahagi sa Pagsusuri ng Tula, binibigyang interpretasyon dito

ang Pagsusuri sa Nilalaman. Ipinakita ang ginawang pagsusuri batay sa mga

kategorya na matatalakay sa pagsusuring nilalaman; teoryang pampanitikan,

paksa o kaisipang taglay ng akda, talinghaga, imahen o larawang diwa, persona

at simbolismo.

1. Pagtukoy sa Teoryang Pampanitikan

Ayon kay Pascua (2020), ang Teoryang Pampanitikan ay isang sistema ng

mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan sa tungkulin ng

panitikan, kabilang ang layunin ng may-akda sa pagsulat at layunin ng tekstong

panitikan na ating binabasa.

Ayon kay Calderon et al (2007), Ang pagsusurig pangnilalaman ay isang

paraan o teknik ng pagsusuri ng isang nalimbag na mga dokumento na

kinakailangan ang pantay na pagbibigay iterpretasyon, konklusyon at iba pang

datos o impormasyon. Ayon din kina Bautista at Go (2007), ang pagsusuring

pangnilalaman ay isang paraan ng pagsusuri ng nilalaman o mensahe. Ginagamit

din ito upang masuri ang daloy ng pakikipagtalastasan sa partikular na pag-

uusap.

Para kina Espiritu at Dacanay (2007), kung nais malaman ang kabuuan o

pagtuturo ng balyu sa aklat ng mga paaralan ay kinakailangan maisagawa ang

pagsusuring pangnilalaman.
Talahanayan 3

Dulog Teoritikal 1. Ang Pagbabalik 2. Kalupi ng Puso (1926) 3. May mga Tugtuging
(1924) hindi ko Malimot
(1929)
Arkitaypal “Panyong Puti, Kwago
at Kandila”
Bayograpikal “Talaan ng aking mga
dinaramdam,
Kasangguning lihim ng
nais tandaan,
Bawat dahon niya ay
kinalalagyan
ng isang gunitang
pagkamahal-mahal”
Imahismo “Kaluping maliit sa tapat
ng puso
Ang bawat talata’y puno
ng pagsuyo”
Klasismo “At ako’y umalis,
tinunton ang landas,
Nabiyak ang puso’t
naiwan ang kabiyak”
Realismo “Ako’y nag-araro, “Matandang kalupi ng
naglinang, nagtanim” aking sinapit
Dala mo nang lahat ang
tuwa ko’t hapis”
Romantisismo “Bulaklak na damo sa “Nang buwan ng Mayo “Hiniram sa hangin
gilid ng landas, kami nagkilala ang lambing at
Ay pinupol ko na’t At tila Mayo rin nang lamyos,
panghandog sa liyag” magkalayo na” Awit ng ligayang
natapos sa lungkot.”
Sikolohikal “Nakatala rito ang
buwan at araw
Ng aking ligaya at
kapighatian”

Bibigyang interpretasyon sa Talahanayan 3 ang unang kategorya sa

Pagsusuri sa Nilalaman ito ay ang mga nakalapat na Dulog Teoritikal na

nakapaloob sa tatlong tula na sinuri. Sa unang kolum ay makikita ang mga uri ng

mga dulog teoritikal na nakapaloob sa tatlong (3) tulang sinuri, samantalang sa


pangalawa, pangatlo at pang-apat na kolum naman ay makikita ang tatlong

pamagat ng tula. Sa baba ng mga pamagat ay maayos naman na nakahanay ang

bawat taludtod o saknong na makikita sa tula upang bigyan ng matibay na

pagpapatunay na ang mga linyang ito ay tutugma sa uri ng dulog teoritikal na

nakalapat.

Sa Ang Pagbabalik ay natuklasan na palolooban ito ng apat na uri ng

dulog teoritikal; 1) Teoryang Arkitaypal, na matatagpuan sa tatlong sagisag na

“Panyong Puti, Kwago at mga ibong tim at Kandila”. Ang panyong puti ay

ikinakaway ng asawa ng persona na nangangahulugang hangad nito na

magkaroon ang kanyang kabiyak ng mapayapang paglalakbay dahil ang kulay

puti ay nagpapakita ng kapayapaan at kalinisan. Samantalang ang kwago at mga

ibong itim ay nagbibigay ng babala na may masamang mangyayari o

magaganap. At, ang apat na kandila naman na nagbabantay na tinutukoy ay

ang ibig nitong pakahulugan na mayroong namatay o lamayan. 2) Teoryang

Klasismo, na matatagpuan sa dalawang taludtod sa tula na “At ako’y umalis,

tinunton ang landas, Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabyak” lubos na

nasasaktan ang persona sa kanyang paglisan dahil maiiwanan niya ang kanyang

minamahal na nalulungkot sa kanyang paglisan. Kahit ganoon pa man nilabanan

pa rin niya ang pagkalungkot na nararamdaman, mas umiral ang isip sapagkat

kailangan niyang magsakripisyo na lumisan upang magtrabaho para sa kanilang

ikabubuhay. 3) Teoryang Realismo, na matatagpuan sa taludtod na “Ako’y nag-

araro, naglinang, nagtanim” makikita sa tula na inilantad dito ang simpleng


pamumuhay na nangyayari sa realidad na ang hanapbuhay ng persona ay isang

magsasaka. Gawain ng mga kalalakihan na buhayin ang kanyang pamilya kung

kaya ang mga kalalakihan ang siyang nagtratrabaho at gumagawa ng mabibigat

na gawain. 4) Teoryang Romantisismo, na matatagpuan sa dalawang taludtod na

“Bulaklak na damo sa gilid ng landas, Ay pinupol ko na’t panghandog sa liyag”

makikita rito ang malalim na pagtangi ng persona para sa kanyang asawa dahil

nais ng lalaki na mapasaya ang kanyang kabiyak kahit sa simpleng paghahandog

lamang ng bulaklak na nakuha sa gilid ng kalsada. Natukoy din na umiral ang

pagmamahalan dito dahil ang persona ay handang magsakripisyo para lang sa

kanilang kinabukasan.

Samantalang sa tulang Ang Kalupi ng Puso ay nabatid na palolooban ito

ng limang uri ng dulog teoritikal; 1) Teoryang Bayograpikal, na matatagpuan sa

apat na taludtod na “Talaan ng aking mga dinaramdam, Kasangguning lihim ng

nais tandaan, Bawat dahon niya ay kinalalagyan, Ng isang gunitang pagkamahal-

mahal” makikita na ipinahayag ng persona ang mga kaganapan sa kanyang

buhay sa pamamagitan ng kalupi. Binahagi niya ang mga karanasan sa kanyang

buhay kahit pa man sa panahon ng kanyang kasiyahan, kalungkutan, pagkagalit,

pagkasabik at iba pang mga karanasan niya. Higit sa lahat ibinahagi niya rin ang

kanyang buhay pag-ibig na kapag tayo ay nagsimulang magmahal samu’t saring

emosyon ang maaari nating maramdaman. Tanging ang kanyang kalupi o dayari

ang naging katuwang o sandigan niya sa lahat ng pagkakataon at kung may nais

man siyang balikan muli ay madali niya lamang itong magagawa sa


pamamagitan ng pagbabasa nang kanyang maliit na kuwaderno. 2) Teoryang

Imahismo, na matatagpuan sa dalawang taludtod na “Kaluping maliit sa tapat ng

puso, Ang bawat talata’y puno ng pagsuyo” gumamit ang may-akda ng mga

imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya at saloobin

ng mga mambabasa. Ang ibig ipakahulugan ng Kalupi ay dayari na kung saan

maari mong gamitin upang itala mga kaganapan at karanasan sa buhay masaya

man o malungkot. Bago malaman ang nilalaman ng tula ay dapat na basahin at

unawain ang mensaheng inihahatid sa atin nito na ang kalupi sa tapat ng puso

ay talaarawan dahil daladala nito ang lahat ng karanasan ng persona sa tula. 3)

Teoryang Realismo, na matatagpuan sa dalawang taludtod na “Matandang kalupi

ng aking sinapit, Dala mo nang lahat ang tuwa ko’t hapis” sa panahon ngayon

marami pa rin ang mayroong dayari, ang bawat indibidwal ay may kanya-

kanyang paraan kung paano nila mailalabas at mapapagaan ang kanilang sarili

sa oras ng kalungkutan. May mga taong hindi kayang ipahayag ang kanilang

saloobin sa ibang tao, ngunit sa pamamagitan ng pagsusulat sa talaarawan ay

naibabahagi ang saloobin at damdamin ng walang pag-aalinlangan. 4) Teoryang

Romantisismo, na matatagpuan sa dalawang taludtod na “Nang buwan ng Mayo

kami nagkilala, At tila Mayo rin nang magkalayo na” ang persona sa tula ay

nagpapakita ng labis na pagtangi sa kanyang nakalipas na pag-ibig ibinahagi niya

rito ang panahon ng makilala niya ang kanyang minamahal maging ang panahon

ng sila ay magkawalay na. Hindi nais kalimutan ng persona ang pagmamahalan

nila kung kaya ang kalupi ang naging kasangkapan niya upang mabalikbalikan pa
rin ang kanilang pag-iibigan. 5) Teoryang Sikolohikal, na matatagpuan sa

dalawang taludtod na “Nakatala rito ang buwan at araw, Ng aking ligaya at

kapighatian” umiral ang pananaw ng persona sa kaniyang sinapit ng siya ay

mabigo sa pag-ibig. Kakikitaan din ito ng pagkakaroon ng panibagong emosyon

na masaya siya noong una ngunit nagbago ito ng masaktan siya.

Habang ang May mga Tugtuging hindi ko Malimot ay natuklasan na

palolooban ito ng isang uri ng dulog teoritikal na Teoryang Romantisismo, na

matatagpuan sa dalawang taludtod na “Hiniram sa hangin ang lambing at

lamyos, Awit ng ligayang natapos sa lungkot.” mababatid na ang persona sa tula

ay labis na nagpapakita ng pagmamahal sa kanyang sinisinta. Ipinapahayag niya

ang damdaming pagkadismaya sa kanyang sinamit sa pag-ibig na sa

pamamagitan ng mga tugtugin o awitin na kanyang naririnig ay nanunumbalik

ang mga panahon na magkasama sila ng kanyang minamahal. Bawat alaalang

nagsisilbing tugtugin na kapag naririnig ay nananatili sa puso at isipan na kahit

anong paglimot ang gawin ay mananatili pa rin itong nakatatak sa kaniyang

isipan.

Sa pangkalahatang pagsusuri sa mga nakalapat na Teoryang

Pampanitikan na nakapaloob sa tatlong akdang patula ni Jose Corazon de Jesus,

natuklasan ng mga mananaliksik na ang teoryang pampanitikan ay ang

sistematikong pag-aaral sa mga akdang pampanitikan na nakatutulong sa

pagbibigay ng kahulugan sa mga binabasang akda.

Base sa tatlong sinuring tula ay kakikitaan ito ng pito (7) na uri ng Dulog
Teoritikal na ginamit ng may-akda. At, makikitang ginamit sa tatlong (3) tula ang

Teoryang Romantisismo, samantalang may dalawang (2) tula naman na

ginamitan ng Teoryang Realismo. Habang ang Teoryang Arkitaypal, Teoryang

Bayograpikal, Teoryang Imahismo, Teoryang Klasismo, at Teoryang Sikolohikal

ay ginamit din ng isang beses sa magkakaibang tula.

2. Paksa o Kaisipang taglay ng akda

Ayon kay Teodosio (2013), ang pagsusuri sa paksa o kaisipang taglay ng

akda ay isang elemento sa pagsusuri ng akdang nasa anyong patula na

nakalapat dito ang punto de vista o point-of-view ng nagsasalita sa tula. Ito ay

maaaring una, ikalawa o ikatlong panauhan. Ito ang mga nabubuong kaalaman,

mensahe, pananaw at saloobing nilalaman ng akda.

Bibigyang interpretasyon sa pangalawang kategorya sa Pagsusuri sa

Nilalaman ay ang Paksa o kaisipang taglay ng Akda. Ang tatlong akdang sinuri ay

may iisang kaisipang taglay na nais ipaunawa sa mga mambabasa na sa pag-ibig

ay kinakailangan na maging handa sa kahahantungan. Ang kapalaran ng

pagmamahal ay hindi lahat natatapos sa isang masayang wakas. Ipinapaunawa

ng tatlong akdang masarap at masayang magmahal ngunit ito rin marahil ang

pinakamasakit na karanasan sa buhay ng isang indibidwal. Sa pakikipagrelasyon

ay hindi lamang iisang beses maaaring umibig ang isang tao ang kinakailangan

lang ay maging matalino kung sino ang dapat piliing mahalin. Maraming

nagsasabi na mas magandang ibigin ang taong mahal tayo at hindi ang taong

mahal natin sapagkat mas malaki ang pag-asa na hindi ka masasaktan dahil ang
pinili mong ibigin ay ang taong mahal ka. Nagbibigay aral din ito na huwag

kailanman pagsisihan ang mga nabigong pag-ibig sapagkat sa ganitong

karanasan ay maaring matuto at mas maging maunlad bilang tao.

3. Pagtukoy sa Talinghaga

Ayon sa pag-aaral nina Sevillano et al (2003), ang pagsusuri sa talinghaga

ay pagtukoy ng mga salitang malalim ang pagpapakahulugan ng may-akda.

Ginagamit ito ng makata sa kanyang akda upang mapagalaw ng husto ang

guniguni ng bumabasa bunga ng pagtataka at pagtatanong, masasabing ang tula

ay nagtataglay nito.

Ayon kay Lope K. Santos (2009), ang talinghaga ay hindi lamang

sumasakop sa sinekdoke, metapora at metonomiya bagkus sa kabuuan ng

retorika at poetika na tumatalakay sa mga kaisipan at sari-saring pamamaraan

ng pamamahayag nito. Taglay nito ang hindi tuwirang pagpapahayag ng

damdamin, hangad, bagay, o pangyayari sa pamamagitan ng kataga o

paglalarawan ng mga pangungusap na nilapatan ng tugma at sukat.

Ayon naman kay Virgilio S. Almario (2015), ang talinghaga ang utak ng

paglikha at disiplinang gumagabay sa imahinasyon at sa pagpili ng salita. May

panloob at panlabas na puwersang pumapanday sa talinghaga. Ibig sabihin nito,

kailangan muna ang isang pangyayari na labas sa katauhan ng tao bagaman

maaari ding kaugnay ito ng katauhan niya at pagkatapos, kailangang hubugin

ang karanasang ito ng imahinasyon o anumang panloob na lakas ng makata para

maipahayag ang isang bago at pinaigting na anyo ng karanasan.


Bibigyang interpretasyon sa pangatlong kategorya sa Pagsusuri sa

Nilalaman ay ang talinhagang taglay ng mga akda. Natuklasan ng mga

mananaliksik na ang tatlong akdang sinuri ay talagang mahiwaga ang bawat

nilalaman. Ang mga tula na nasuri ay nasa anyong katutubong patula na

kabilang ang tugma, sukat, talinghaga, at kariktan kaya naman ang mga salita o

pahayag na nakapaloob ay piling-pili. Sa pagbuo pa lamang ng mga pamagat ni

Jose Corazon de Jesus ay mababatid na pinag-isipan talaga ito ng mabuti dahil

kung susuriin sa mga pamagat ay hindi mo mahuhulaan ang nilalaman ng akda

hanggat hindi mo nababasa at inuunawa ang nilalaman ng kanyang mga akdang

patula. Sa ganitong paraan ay napapagalaw ng may-akda ang isipan ng mga

mambabasa para mag-isip kung ano nga ba ang kahulugan ng mga talinghagang

salita batay sa kanyang paggamit. Ang paggamit ng talinghaga sa akda ay

nakadaragdag din sa pagpapaganda ng buong tula at sa pagpapagalaw ng isipan

ng mga mambabasa upang maging mahusay na manunuri ng mga akda.

4. Imahen o larawang diwa

Ipinahayag nina Garcia Florante at Sevillano Marquez (w.p), ang

pagsusuri sa imahen o larawang diwa sa akda ay nasusuri ito sa kung ano ang

pagpapakahulugan ng mga mambabasa sa binasang akda o teksto.

Ang imahen ay salita at pahayag na nag-iiwan ng kongkreto at malinaw

na larawan sa isipan ng mga mambabasa. Hindi lamang ito tungkol sa simpleng

paglalarawan ng isang tao, bagay, o pangyayari. Ito ay paglalarawang

nagbibigay-kulay sa inilalarawan at bumubuhay sa naratibo. Idinisenyo ang


imahen upang paigtingin ang paningin, pang-amoy, pandinig, panlasa, at

pandama ng mambabasa. Masasabing mahusay ang pagbuo at paggamit ng

imahen kapag nadadala ang mambabasa sa mundo ng tula o kuwentong

binabasa (Velasco, 2013).

Bibigyang interpretasyon sa pang-apat na kategorya sa Pagsusuri sa

Nilalaman ay ang Imahen o larawang diwa na taglay ng akda. Natuklasan ng

mga mananaliksik na ang tatlong akdang napiling sinuri ay nagpapakita ng

kaugalian ng Pilipinong lubos na mapagmahal, matapang at may paninindigan.

Pinakita sa mga tulang sinuri kung paano magmahal ang persona sa kanilang

minamahal na handa nitong gawin ang lahat kahit ang kapalit nito ay maari

silang masaktan. Ipinakita sa Ang Pagbabalik ang pagsasakripisyo ng persona sa

tula na lumisan siya na hangad nito na magkaroon sila ng magandang

kinabukasan ng kanyang kasintahan ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay

bangkay na ng kanyang asawa ang nadatnan. Samantalang ang Kalupi ng Puso

ay ginawa niya ang lahat upang hindi niya malimutan ang tamis ng

pagmamahalan nila ng kanyang nakalipas na pag-ibig at gumamit pa ito ng isang

kagamitan upang pamanatili lamang ang mga alaalang ayaw niyang kalimutan

kailanman. Habang sa May mga Tugtuging hindi ko Malimot ay paggunita sa

mga alaalang nakamarka na sa kanyang puso at isipan. Sa tulong ng mga

tugtugin o awitin ay may pagkakataon na may papasok sa ating isipan na isang

bagay o tao sa tulong ng isang awitin o tugtugin ay nanatili pa ring buhay ang

kanilang pagmamahalan sa kanyang imahinasyon.


5. Persona

Nakalahad sa pananaliksik ni Eugene Y. Evasco (w.p), na may pamagat na

Ang Pagpapahalaga at Pagsulat ng Tula, ang persona ang siyang nagsasalita sa

loob ng tula o teksto. Maaaring ang persona at ang makata ay iisa. Ngunit hindi

laging iisa ang persona at makata. Maaaring babae ang persona ngunit lalaki

naman ang makata. Maaaring daga o pusa ang persona, ngunit isang bata ang

makata. Maaaring maging persona ang isang buhay na nilalang o kaya'y isang

bagay na walang buhay.

Bibigyang interpretasyon sa panlimang kategorya sa Pagsusuri sa

Nilalaman ay ang Persona ng akda. Ang tatlong akdang sinuri ay may iisang

persona lamang na matatalakay, taong nakaranas umibig na humantong sa

pagkasawi. Simpleng tao na walang ibang ninais sa buhay kundi ang mahalin at

mapasaya ang minamahal subalit hindi sa lahat ng pagkakataon ay aayon sa

masayang kapalaran ang lahat. Ang persona ay nais magbigay larawan sa kung

ano ang maaring mangyari kapag papasok sa pakikipagrelasyon ang isang

indibidwal. Sa pagmamahal ay mararanasan ang lahat ng klase ng emosyon

katulad ng pagkasaya, pagkatuwa, pagkagalit, pagkaselos, pagkadismaya at

marami pang ibang mga damdamin na hindi mo na alam ang gagawin o

kahahantungan sa buhay kapag nasaktan.

6. Simbolismo ng Akda

Sa panitikan, ang simbolismo ay ginamit upang makagawa ng epekto, na

nagagawa nito sa pamamagitan ng paglalagay ng karagdagang kahulugan sa


isang aksyon, bagay, o pangalan. Sa madaling salita, binibigyang-daan ng

simbolismo ang isang manunulat na maghatid ng isang bagay sa kanilang madla

sa paraang patula sa halip na sabihin ito nang tahasan. Mahalaga ang mga

simbolo sa isang tula bilang kinakatawan nila ang isang partikular na ideya,

tema, bagay, tao o kahulugan. Ang ganitong uri ng sining ng pagsasanay ay

tinatawag na simbolismo. Gumagamit ang isang makata ng simbolismo upang

tukuyin ang isang partikular na aksyon, salita, mood at damdamin sa pagtukoy

sa ibang salita (Hun, 2019).

Ang simbolismo ay isang aparato sa panitikan kung saan ginagamit ang

mga salita, tao, marka, lugar, o abstrak na konsepto upang magpahiwatig ng

ibang bagay maliban sa kanilang literal na kahulugan. Bukod dito, ang simbolo

ay hindi limitado sa mga gawa ng panitikan; maaari itong matagpuan sa bawat

aspeto ng ating pang-araw-araw na buhay. Halimbawa, ang mga kulay pula,

puti, at asul ay madalas na nauugnay sa pagkamakabayan kaya’t madalas itong

ginagamit sa mga palatandaan ng bakuran ng politika. Ang mga kulay tulad ng

kahel at kayumanggi ay nauugnay sa panahon ng taglagas, na kung bakit

lumitaw ang mga ito sa napakaraming mga dekorasyon. Ang iba pang mga anyo

ng simbolismo ay kasama ang mga palatandaan sa kalsada, logo, at kung saan

tumutugma ang mga imahe sa mga konsepto, kumpanya, o kundisyon (Ki,

2021).

Inilahad naman ni Hazel U (2021), ang simbolismo sa tula ay mga

sangkap na hindi natin maaaring alisin sa isang tula. Ito ay tila asukal na siyang
nagbibigay ng tamis at masarap na lasa sa isang lutuin. Bilang elemento ng tula,

makatutulong ito upang mas maging kaakit-akit ang isang babasahin at

mabigyan ng mas malalim na kahulugan ang mga salita.

Ayon naman kay Leng (2021), ang simbolismo naman ay naglalahad ng

mga bagay, at kaisipan sa pamamagitan ng sagisag at mga bagay na mahiwaga

at metapisikal. Ito ay ordinaryong bagay, pangyayari, tao, o hayop na may

nakakabit na natatanging kahulugan. Tunay ngang hindi makapupukaw ng

atensyon ng mambabasa ang isang tula kung hindi ito gagamitan ng simbolismo

at matatalinghagang pahayag. Ito ang nagbibigay ng kulay sa tula at

hinahayaang magsuri ang isang mambabasa sa nakatagong kahulugan ng mga

ito.

Bibigyang interpretasyon sa pang-anim na kategorya sa Pagsusuri sa

Nilalaman ay ang pagtukoy ng simbolismo na taglay ng akda, natuklasan ng mga

mananaliksik na ang tatlong akda ni Jose Corazon de Jesus ay may simbolismong

ginamit. Sa ang Pagbabalik, may tatlo itong simbolimo; 1) Panyong Puti,

sumisimbolo sa masayang pamamaalam na hangad nito na magkaroon siya ng

payapang paglalakbay. 2) Kwago at mga ibong itim , sumisimbolo ito na

nagpapahiwatig ng masamang pangitain o may magaganap na hindi kanais-nais.

3) Apat na Kandila, sumisimbolo na mayroong patay o lamay na isa itong

pagliliwanag sa dilim ng buhay sa isang indibidwal na nangangahulugang banal

na pag-iilaw ng espiritu ng katotohanan patungo sa susunod na mundo na kung

saan wala ng sakit at paghihinagpis. Samantalang sa Kalupi ng Puso, may isang


simbolismong makikita ito ay ang Kalupi o Dayari, sumisimbo ito sa buong tula

na sinasabing isang kasangkapan na ginamit ng persona bilang talaan ng

kanyang nararamdaman. Isang kagamitan na bukod tangi niyang

pinagkakatiwalaang kasama, isang madamaying kaibigan sa isang daigdig na

walang habag. Habang ang May mga Tugtuging hindi ko Malimot , tulad ng sa

pangalawang tula na sinuri ay iisa lamang ang kanyang simbolismo ito ay ang

Musika, sumisimbo ito sa buong tula na paulit-ulit na inilalahad nang persona na

sa pamamagitan ng mga tugtugin ay naging instrumento ito upang maibsan ang

pangungulilang nararamdaman sa kanyang sinisinta.

Ikalimang Bahagi sa Pagsusuri ng Tula: Istilo

Matutuklasan sa ikalimang bahagi sa Pagsusuri ng tula ang istilong

ginamit sa paglalahad ng akda, natuklasan ng mga mananaliksik na ang tatlong

akdang patula ni Jose Corazon de Jesus na napiling suriin ay iisa ang istilong

ginamit sa kabuuan ng tula. Ang pamamaraan ng paglalahad ay nasa anyong

pasalaysay at paglalarawan; Ang Pagbabalik na tula ay ikinuwento ng persona

ang mga pangyayaring naganap sa kanyang buhay at inilalarawan ang bawat

kilos, galaw at punto de vista nito mula sa paglalakbay patungo sa bukirin,

pagtatrabaho sa sakahan, hanggang sa kanyang pagbabalik. Samantalang ang

Kalupi ng Puso naman, ikinuwento ng persona rito ang mga pangyayaring

naganap at nadama noong siya ay nagmahal at nabigo sa pag-ibig, at inilarawan

din ang kanyang mga nadamang damdamin na isinulat niya sa kanyang kalupi o
dayari. Habang ang May mga Tugtuging hindi ko Malimot , ibinahagi ng persona

ang sakit na kanyang nararamdaman sa oras ng kanyang kalungkutan at

inilarawan ang kabiguan sa pag-ibig mula sa mga alaala, mga bagay na hindi

pwedeng ipagpilitan, hanggang sa hindi paglimot sa pagmamahalan at

pagsasamahang nabuo ng kanyang nakalipas na pag-ibig.

Ikaanim na Bahagi sa Pagsusuri ng Tula: Implikasyon

1. Balyu o Mensaheng hatid ng Akda

Bibigyang interpretasyon sa ikaanim na bahagi sa Pagsusuri ng tula ang

implikasyon na matatalakay dito ang balyu o mensaheng hatid ng Akda,

natuklasan ng mga mananaliksik na ang tatlong akdang patula ni Jose Corazon

de Jesus na napiling suriin ay iisa ang mensaheng nais ihatid sa damdamin ng

mambabasa. Ang tao, kapag nagmahal ay handa dapat sa kung ano ang

kahahantungan nito sa pag-ibig dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay puro

kasiyahan ang mangingibabaw. Kinakailangan ng mahusay na pagpapasya kung

papasok sa mundo ng pag-ibig ay dapat kinakailangan na maging matatag dahil

hindi sa lahat ng pagkakataon ay magiging maayos ang takbo ng

pakikipagrelasyon. Sa buhay ay mayroon pa ring darating na problema na kung

minsan ay mauuwi pa ito sa paghihiwalay. Hindi natin maaring ipilit kung ano

man ang ating ninanais dahil kasakiman na ito, kinakailangan na maging masaya

tayo sa taong ating mamahalin kung hindi man tayo ang piliin ay irespeto natin

ang naging desisyon nito. Kahit hindi man sila ang nagkatuluyan sa huli ay
katulad nga ng isinasaad sa tula na ang mga alaala nila sa nakalipas na pag-ibig

ay isa sa napakasaya at malungkot na pagyayari sa karanasan ng persona ngunit

ito ay kanyang pinahahalagahan na ayaw niya kalimutan kailanman.

Mungkahing Kagamitan sa Piling Tula ni Jose Corazon de Jesus

Ang lahat ng mga impormasyon sa ginawang pagsusuri ay inilahad sa awtput

ng pag-aaral na ito. Bilang pagkompleto sa pananaliksik na ito ay gumawa ang

mga mananaliksik ng video presentasyon na lalamanin ang tatlong (3) akdang

patula ni Jose Corazon de Jesus na magagamit ng mga guro, mag-aaral at

manunuri ng akdang patula upang mas maging madali ang kanilang pag-unawa

at paghahanap sa mga impormasyon kung paano sumuri ng isang akdang

panitikan nasa anyong patula. Matatagpuan ang mungkahing kagamitan na ito

sa link na;

 https://bit.ly/3ythxbm
Kabanata 4

KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Inilahad sa kabanatang ito ang lagom, konklusyon at rekomendasyon

tungkol sa ginawang pagsusuri sa “Jose Corazon de Jesus: Pagsusuring Kritikal

sa Kanyang mga Natatanging Akdang Patula”. Sa pag-aaral, sinikap ng bawat

mananaliksik na mabigyang kasagutan ang bawat suliraning may kaugnayan sa

pananaliksik.

Konklusyon

Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay ng mga sumusunod na konklusyon:

1. Ang panitikan ay isang malikhaing sining na kung saan ipinapahayag ang

damdamin, karanasan, nasaksihan, napuna, at pagiging matalino ng isang

manunulat. Ang panitikan ang sumasalamin sa kasaysayan ng ating bansa,

sapagkat nakasaad rito ang naging buhay noon, mga kultura at mga

kaganapan noong panahon na iyon.

2. Ang mga akda ni Jose Corazon de Jesus ay isang tradisyunal na tula sapagkat

sumusunod ito sa panuntunan. Ang kanyang mga akda ay kinakapalooban ng

sukat, tugma, kariktan at talinghaga. Ang tatlong tulang sinuri ay may

lalabindalawahin na sukat. Ang mga tula ni de Jesus ay kombinasyon ng

Tugmaang Ganap at Di Ganap at maingat nitong pinili ang mga salitang

ginagamit sa tula upang magkaroon ng kariktan at talinghaga.

3. Gumagamit si de Jeus ng mga tayutay sa kanyang mga tula upang palitawin

ang mga simbolismo at larawang diwa.


4. Parehas ang naging istilo ng may-akda sa tatlong tulang sinuri at kakikitaan

rin ng parehas na personang kumakatawan sa mga taong labis ang

pagpapahalaga sa pagmamahal. Makikita ring mahalaga ang ginagampanan

ng pag-ibig sa buhay ng isang tao.

5. Ang mga akdang tula ni Jose Corazon de Jesus ay klasikal na kailanman hindi

maluluma sapagkat ito ay pumapaksa sa pag-ibig na naging dahilan para

kilalanin siyang Makata ng Pag-ibig.

Rekomendasyon

Batay sa mga natuklasang impormasyon sa mga datos na pinagsikapang kinalap,

iminungkahi ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Magbasa ng mga akdang makapagpapalawak ng kabatiran at kasanayan sa

pag-alam ng mga temang tinatalakay.

2. Mag-aral kung paano sumuri ng isang akdang pampanitikan upang

magkaroon ng malalim na kaalaman tungkol sa mga tula na may impluwensya

sa ating kasaysayan at bahagi ng ating pagka-Pilipino.

3. Magkaroon ng malawakang pag-unawa sa mga mensaheng nakapaloob sa

bawat akda na lumilinang sa pag-uugali ng mga Pilipino upang mapanatiling

buhay ang kinagisnang mayamang kultura.

4. Gamitin ang iba’t-ibang estilo sa paglikha ng akda at paggamit ng

matatalinghaga at marikit na salita sa paglikha ng tula.

5. Sumulat ng mga akdang pampanitikan na may kabuluhan upang kapupulutan


ng bagong henerasyon ng gintong aral.

6. Gamitin ang iminungkahing kagamitan sa pagtalakay ng pagsusuri sa mga

akdang tula ni Jose Corazon de Jesus.

You might also like