Ang tulang ito ay nagsasaad ng pagmamahal sa kanyang bayan
kahit labis pa sa kanilang buhay ang kapalit nito. Handa silang ilaban lahat hanggang makuha ang nais nilang makamit.
2. May Akda
Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda (19 Hunyo
1861– 30 Disyembre 1896) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at itinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.
3. Anyo ng Panitikan
Ang kundiman ay isang anyo ng panitikang patula, ito ay tulang
padamdamin o liriko. Nagsasaad ang tulang ito ng paglaban sa kanilang bayang sinilangan kahit higit pa sa buhay nila ang kapalit nito. Ginawa ng makata na direktibong sabihin ang kanyang damdamin,iniisip o mga ideya sa mga mambabasa.
4. Elemento ng Tula
a. Ang kundiman ay may tatlong saknong at 4 na taludtod sa
bawat saknong nito na may tugma. Ang unang saknong ay naglalarawan ng pagkadismaya ng may akda sa kanilang bayan dahil may matinding pagsubok ang kanilang dinadanas ngayon.
Ang pangalawang saknong naman ay tungkol sa kanilang
paghihinganti upang maibalik ang kanilang bayan. Ang inaping bayan ay kanilang ibabalik at ang salitang Tagalog ay muling mananaig.
Sa panghuling saknong naman, ito ay nagsasaad ng kanilang
pagtubos sa bayan, handa silang isugal lahat pati ang kanilang buhay mabalik lamang ito ng maayos.
B. Sukat
Mayroong tugma at sukat ang tulang Kundiman, ito ay
kinapapalooban ng sampu hanggang labin-limang pantig sa bawat saknong nito.