You are on page 1of 5

Aries Andrie S.

Barcebal
Elleandre Bianca SJ. Antonio

PAGSUSURI NG TULA SA FILIPINO 10

1. Pamagat

Ang tulang ito ay nagsasaad ng pagmamahal sa kanyang bayan kahit labis pa sa


kanilang buhay ang kapalit nito. Handa silang ilaban lahat hanggang makuha
ang nais nilang makamit.

2. May Akda

Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda (19 Hunyo 1861– 30
Disyembre 1896) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na
tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng
mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at itinala bilang
isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang
Bayani.

3. Anyo ng Panitikan

Ang kundiman ay isang anyo ng panitikang patula, ito ay tulang padamdamin o


liriko. Nagsasaad ang tulang ito ng paglaban sa kanilang bayang sinilangan kahit
higit pa sa buhay nila ang kapalit nito. Ginawa ng makata na direktibong sabihin
ang kanyang damdamin,iniisip o mga ideya sa mga mambabasa.

4. Elemento ng Tula

A. Ang kundiman ay may tatlong saknong at 4 na taludtod sa bawat saknong


nito na may tugma.

Ang unang saknong ay naglalarawan ng pagkadismaya ng may akda sa


kanilang bayan dahil may matinding pagsubok ang kanilang dinadanas
ngayon.

Ang pangalawang saknong naman ay tungkol sa kanilang paghihinganti


upang maibalik ang kanilang bayan. Ang inaping bayan ay kanilang ibabalik
at ang salitang Tagalog ay muling mananaig.
Sa panghuling saknong naman, ito ay nagsasaad ng kanilang pagtubos sa
bayan, handa silang isugal lahat pati ang kanilang buhay mabalik lamang ito
ng maayos.

B. Sukat

Mayroong tugma at sukat ang tulang Kundiman, ito ay kinapapalooban ng


sampu hanggang labin-limang pantig sa bawat saknong nito.

C. Sesura

Ang tulang ito ay may saglit na pagtigil sa bawat saknong nito, upang
magbigay ng panibagong damdamin.

D. Tugma

Mayroong tugma ang tulang Kundiman, maayos ang pagkakagawa nito at


hindi basta-basta lamang, tama ang pasok ng mga salita at maayos ang
tugma nito.

E. Tono

Ang tono ng tulang ito ay malungkot at pagkadismaya dahil nakikita o


naririnig natin na pilit nilang inilalaban ang mahal nila sa inang bayan kahit
ano man ang kapalit nito kaya nilang ipaglaban para sa lahat.

F. Simbolo

Araw

Sumisimbolo ito sa panibagong pag asa gaya ng pagsikat ng araw tuwing


umaga.

Nagturong-puno

Ito ang pinaka sangay o namumuno sa kanilang lupain, ito ang may hawak ng
kanyang pinamumunuan sa inang bayan.
G. Tayutay

Ang tulang Kundiman ay ginamitan ng mga malalalim at matatalinhagang


salita. Ginamit nila ito upang lubos na maipakita ang sining sa tula at ang
kagandahan nito na tungkol sa pagmamahal sa inang bayan. Mga halimbawa
ng tayutay na nakapaloob dito ay:

Pagsasatao (Personification)

Ito ay ginagamit upang pagtaglayin ang katangiang pantao.

(talion,gawi,kilos) at bigyang buhay ang mga bagay na walang buhay sa


pamamagitan ng mga bagay na nagsasaad ng kilos.

H. Guni guni

Ang tulang Kundiman ay may guni guning kinalaman sa pagmamahal sa


kanilang inang bayan.

I. Teoryang Pampanitikan

Ang tulang ito ay nasa teoryang realismo at naturalismo sapagkat ito ay


nagpapakita ng mga karanasan at nasaksisan ng may akda sa kanyang
lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi
tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at
pagkaepektibo ng kanyang sinulat

J. Bisang Pampanitikan

A. Bisa sa Isip
Ako ay nalinawan na ipinaglalaban nila ang pagmamahal nila sa kanilang
inang bayan kahit anuman ang kapalit nito.

B. Bisa sa Kaasalan

Itong tulang Kundiman ay naturuan akong maging mapagmahal sa bayan,


huwag ikahiya ang bayang sinilangan, sapagkat, ito ay kanlungan ng mga
nagbuwis ng buhay, para lang makamit ang tunay na kapayapaan.
C. Bisa sa Damdamin

Parang gusto kong pumasok sa tula para damayan ang nagsulat, dahil sa
kanyang mga nararanasan, gusto kong sabihin sa kanya na, "Proud" ako dahil
kahit napapalibutan ng kasamaan at paghihirap nila sa ating Inang Bayan.

D. Bisa sa Lipunan

Ang tulang ito ay malaki ang magiging epekto sa lipunan at tao, ito ay
makapag bibigay ng aral sa mga tao kung ano nga ba ang pag mamahal sa
kanilang bayan noon.

7. Pangkalahatang Reaksyon

Ang tulang aking nabasa ay sumasalamin sa mga pagsasakripisyo,


paghihinagpis, paghihirap, at lahat ng mga pangyayari at pasakit sa buhay ng
bawat tao, dumaan sila sa mga yugto ng kanilang mga buhay at pamumuhay,
mula sa kanilang, pagkakababa, dahang dahang sila ay babangon at
magkakaroon ng pag-asa at kaliwanagan.
8. Pagpapahalagang Katauhan

MAKADIYOS
Sinasalamin ng tula ang pagiging maka diyos, sapagkat, pinapahalagahan at
ginagalang ang bawat buhay ng taong naghihirap, at lahat ng kanilang mga
pasakit. Isinasabuhay din ng tula ang mga aral na mapupulot dito,
isinasaalang alang ang kabanalan ng kanilang bayang kinagisnan, sinilangan,
dugo luha, at ang bawat bagay sa daigdig ay dapat lang na ipaglaban at
pangalagaan, sapagkat ito ay nanggaling sa panginoong makapangyarihan.

You might also like