You are on page 1of 6

Bicol University Polangui Campus

Computer Studies Department


Polangui, Albay

PANURING PAMPANITIKAN

“Katarungan para sa mga Lumad”


ni Gregorio V. Bituin Jr.

(Isang Pagsusuri hinggil sa sitwasyon

ng mga pangkat minorya)

Inihanda ni:

John Gil Talangan Padie

BSCS-3B

Inihahandog kay:

Bb. Ruby Liza R. Capate

Guro sa SOSLIT

Mayo, 2022
I. PAMAGAT

“Katarungan para sa mga Lumad”

II. TALAMBUHAY NG MAY-AKDA


Si Gregorio V. Bituin Jr. kilala
rin sa bansag na”Matang Apoy” ay isang
pilipinong makata, manunulat,
mananaliksik, aktibista, tagasalin at
small-time pabliser ng mga aklat.
Nakapaglathala na ng mga libro ng
kanyang likhang tula, sanaysay, at
maikling kwento, sa Ingles at Filipino.
Taal na Manileño, anak ng amang
Batangueño at inang Karay-a mula
Antique, si Greg ang nagtatag at
namamahala sa Aklatang Obrero
Publishing Collective; dating opisyal ng aktibistang grupong
Kalipunan ng Malayang Kabataan (Kamalayan); editor ng librong
Maso – Katipunan ng Panitikan ng Manggagawa, Una, Ika-2 at Ika-3
Aklat; editor ng librong Komyun – Katipunan ng Panitikan ng
Maralita, Una at Ikalawang Aklat; editor ng librong Tibak –
Katipunan ng Panitikang Aktibista, Unang Aklat; managing editor
ng dyaryong Taliba ng Maralita (KPML); cultural and literary
editor ng pahayagang Obrero (BMP); cultural and literary editor
ng dyaryong Ang Sosyalista; kasapi ng magasing Ang Masa; dating
editor ng magasing Maypagasa ng Sanlakas; kasapi ng Kamakatahan
poets at emanilapoetry; kasaping tagapagtatag ng grupong MASO at
PANITIK; naging fellow sa LIRA (Linangan sa Imahen, Retorika at
Anyo) mula Setyembre 8, 2001 hanggang sa pagtatapos nila noong
Marso 8, 2002.

III. A. TALASALITAAN

1. Nang dugo ng lumad (katutubo) ay sumirit


2. Nagsiiyakan ang mga pipit (ibon)
3. Sa karapatan nilang winaglit (kinalimutan o winala)
4. Sapagkat pinaslang (pinatay) ang mga lumad
5. Hustisya ba’y kailan lalantad (lalabas)
6. Dinulot sa kanila’y hilahil (kaguluhan)
7. Ang mga berdugong (tagapatay) dala’y baril
B. TAYUTAY

1. “Nang dugo ng lumad ay sumirit


Nagsiiyakan ang mga pipit”
2. “Lumuha ang mga nasa langit”
3. “Bulaklak ay di makabukadkad
Umiyak ang paruparo’t higad”
4. “Ang lupa’y sa dugo nangabilad
Pagkat pinaslang ang mga lumad”
5. “Pamayanan ay nangagsitigil
Dinulot sa kanila’y hilahil”

Para sa bilang isa hanggang lima. Paradoha. Ito ang


tatutay na ginamit sa linyang ito ng tula na kung saan
ang ginamit na salita ay simple lamang subalit ito ay
nalalaman ng malalim at matinding kahulugan.

6. “Ang mga berdugong dala’y baril


Ay dapat nang tuluyang mapigil”

Pagapapalit-tawag o metonomiya. Ito ang atyutay na


ginmit sa linya na kung saan angkaroon ng papapalit ng
matalinhagang salita sa natural salita, sa halip na
mamamatay ay pinalitan ito ng berdugo.

C. TALINHAGA

1. Nang dugo ng lumad ay sumirit


Nagsiiyakan ang mga pipit

2. Bulaklak ay di makabukadkad
Umiyak ang paruparo’t higad

3. Pamayanan ay nangagsitigil
Dinulot sa kanila’y hilahil

IV. PARAPO

Nang dugo ng lumad ay sumirit


Nagsiiyakan ang mga pipit
Lumuha ang mga nasa langit
Mga puno’y saksi sa paggipit
Sa karapatan nilang winaglit
Bulaklak ay di makabukadkad
Umiyak ang paruparo’t higad
Ang lupa’y sa dugo nangabilad
Pagkat pinaslang ang mga lumad
Hustisya ba’y kailan lalantad

Pamayanan ay nangagsitigil
Dinulot sa kanila’y hilahil
Pagpaslang ba’y kailan titigil
Ang mga berdugong dala’y baril
Ay dapat nang tuluyang mapigil

V. PAKSA

Ang paksa ng tulang “Katarungan para sa mga Lumad” ni


Gregorio V. Bituin ay napapatungkol sa patuloy na paghahanap
ng hustisya para sa mga pinatay na katutubo.

VI. ELEMENTO
A. Anyo/Uri ng Tula
Ang tula ay isang panitikan na nabibigay daan
upang maipahayag ang damdamin o saloobin. Ito ay
nagsisilbing boses sa pagpapahayag ng mga bagay-
bagay na dapat paniwalaan ng nakararami.

And tula na ito ay isang tulang pangkaraniwan o


tradisyonal. Ang tulang ito ay ay maroong sukat
at tugma at naglalaman ng mga matatalinhagang
salita.
a.1 Sukat
Ang sukat na mayroon ang tula; may sampung pantig sa
bawat linya ng tula

a.2 Tugma
Ang tula ay may ganap na tugmaan. Malinaw na makikita
sa bawat taludtod ng tula ang tugmaan ng mga salitang nasa
huli.

Patunay:
Nang dugo ng lumad ay sumirit
Nagsiiyakan ang mga pipit
Lumuha ang mga nasa langit
Mga puno’y saksi sa paggipit
Sa karapatan nilang winaglit

a.3 Estropa
May estropang tatlo na taludtod

a.4 Sesura

B. Persona
Ang personang nagsasalaysay sa tula ay isang taong
maalam at may malasakit sa mga taong naghahanap ng
hustisya at katarungan.

C. Himig
Ang himig na mayroon ang tula ay mapanghikayat.

D. Damdamin
Ang damdamin ng tula ay malungkot at masalimuot.

E. Diksyon
Mababatid sa tula na gmumait ang may akda ng mga
salitang hindi pangkaraniwang ginagamit at naririnig
ng mga tao sa pangaraw-araw na pananalita. Ito ay
malalalim at lubos na hindi mauunawaan sa isang bigkas
lamang at walang lubos na paliwanag.

F. Poetic License
Suriin: Nang dugo ng lumad ay sumirit
Nagsiiyakan ang mga pipit

Paliwanag:
Batid natin na ang salitang pipit ay
nangangahulugang isang uri ng ibon. Dahil ang salitang
“sumirit” ay nagtatapos sa letrang t at i, nagisip ang
may akda ng salitang may kahalintulad na titik sa
hulihan ng salita na maaring gamitin upang bigyang
pakahulugan ang linyang tula. Ginamit niya ang ibong
pipit sa halip na salitang ibon lamang.
VII. DULOG
Ang tula ay ginamitan ng may akda ng tinatawag na dulog
“Realismo”, na kung saan ang mga pangyayaring ipinapahayag
sa bawat linya ng tula ay hinango o nagmula sa totong
karanasan sa buhay.

VIII. MGA BISA NG AKDA


VIII.a Bisang Pangkaisipan

Ang paghahanap ng hustisya at katarungan sa mga taong


nagnanais ay makakmit sa patuloy na pagpapakita ng tapang at
dediksayon na maipahayg ito sa mga taong dapat na makarinig
at makabatid.

VIII.b Bisang Pandamdamin

Ang pagmamahal ay susi sa pagbibigay ng hustisya at


katarungan sa lahat ng tao at pangyayari.

VIII.c Bisang Pangkaasalan

Ang pagpatay sa mga taong walang ginawang kasalan ay


isang maling gawain, ang sinumang tao ang kumitil sa buhay
ng may buhay ay taong walang puso at maayos na kaisipan.

You might also like