You are on page 1of 19

Immaculate Heart of Mary School

Pacita 2 Guevarra Subdivision, City of San Pedro, Laguna


S.Y. 2019 – 2020

TULA

Ipinasa ni:
Kelsy H. Martinez
Ipinasa Kay:
Gng. Cleotilde Pastolero

JANUARY 20, 2020


LAYUNIN

Ang sulating pananaliksik na ito ay isinasagawa bilang proyekto sa Filipino


10.

Ito ay kinapapalooban ng mga araling tumatalakay sa: Elemento ng Tula,


Uri ng Tula, at Uri ng Tayutay.

Ito ay isinasagawa upang makapagbigay kabatiran at karagdagang kaalaman


sa mga mambabasa sa Tula.
Ang May Akda
TALAAN NG NILALAMAN

Layunin
 Tula 1
 Mga Elemento ng Tula 1-2
 Uri ng Tayutay 2-4
 Mga Uri ng Tula 4-7
 Tulang Pandamdamin 7-8
 Tulang Pasalaysay 8-10
 Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Dula 11-12
 Tulang Dula 12-14
 Tulang Patinigan 14
 Mga Uri ng Taludturan 14-15

Bibliograpiya
TULA
“Ang tula ay isang anyo ng panitikan na nagbibigay-tuon sa pagpapahayag ng mga
damdamin at ideya sa pamamagitan ng natatanging estilo at indayog (ritmo).”1

“Ang tula ay isang paraan ng pagpapahayag ng masidhing damdamin sa pamamagitan ng


matatayog na kaisipan at larawang-diwa na nakapaloob sa mga saknong.
Ang tula ay isang akdang pampanitikang naglalarawan sa buhay ng tao na ipinahahayag
sa pananalitang may talinghaga.”2
“Ang tula ay isang anyo ng panitikan
Ang paksa ng tula ay karaniwang hango sa sumusunod:

buhay at gawain ng tao


kalikasan at kapaligiran
mga karaniwang naririnig, nakikita, o aktwal na nararanasan.”3

“Ang tula ay paglalarawan sa tulong ng guni guni, at sa pamamagitan ng wika, ng mga


tunay na saligan para sa mararangal na damdamin. Ang marangal na damdamin ay naglalagay sa
atin sa pataas na landas ng sangkatauhan.”4

Mga Elemento ng Tula

Bawat akdang pampanitikan ay may element na nagpapatunay ng pagiging masining nito


tulad ng tula.
Binubuo ng sukat, tugma, aliw-iw o indayog, talinghaga, at kariktan ang element ng isang
tula.
 Sukat
Ayon sa mga pag-aaral nina Lope K. Santos, Iñigo Ed. Regalado, at Julian C. Balmaceda
1
Angelita A. Binsol. TANGLAW SA WIKA AT PANITIKAN III. “Tula”. Diwa Learning Systems, Inc., Makati City, 2009 p. 5.
2
Teresita Cristobal Cruz. GINTONG BIYAYA 8. “Tula”. FNB Educational, Inc., Baesa, Quezon City, 2013 p. 3.
3
Teresita Cristobal Cruz. GINTONG ANI IV. “Tula”. FNB Educational, Inc., Quezon City, 2009 p.3.
4
Imelda V. Animoza. PINTIG III. “Tula”. JO-ES Publishing House, Inc., Dalandanan, Valenzuela City, 2006 p.3.
(minsan ay binabaybay na Balmaseda), ang sukat sa panulaan ay malaon sa kapuluan. Ito’y
ibinabatay sa magkakatulad na bilang ng pantig sa bawat tiyak na nating talutod o mga taludtod.
Karaniwan ang sukat ng mga taludtod sa mga tulang Pilipino ay aapatin (4), aanimin (6),
sasampuin (10), lalabindalawahin (12), lalabingapatin (14), lalabing-animin (16), at
lalabingwaluhin (18).

 Tugma
Kapag pinag-uusapan ang tugma, ang pumapasok agad sa ating isipan ay ang
magkakahawig na tunog ng nga salita sa dulo ng bawat taludtod ng mga saknong na tula. Kung
ang huling salita ng isang taludtod ay kasintunog ng huling salita ng sumusunod pang taludtod,
ang dalawang taludtod na ito ay sinasabing magkatugma.
Ang tugma sa Pilipino ay sumasaklaw sa tugmaang ganap at di-ganap. Ang tugmaang
ganap ay nangangahulugang nagtatapos ang mga taludtod sa patinig o sa impit na tunod at sa
gayon ay may ganap na pagkakatugmaan ang huling pantig ng mga taludtod sa tula.
Ang tugmaang di-ganap ay nangangahulugang ang mga taludtod ng tula ay nagtatapos sa
katinig na bagama’t may iisang uri ng pantig sa loob ng pantig, ang huli naming letra ay
magkakaiba.

 Aliw-iw o Indayog – Ito ang nagbibigay ng tono upang maging maganda ang pagbigkas ng
tula. Nakalatag din ang ang mga salitang ginamit na batayan kung paano bibigkasin ang tula.
Isa pang nakatutulong sa aliw-iw o indayog ay ang damdaming nakapaloob sa taludturan ng
isang tula.
 Talinghaga – May malalim at malawak na pagpapakahulugan sa mga taludtod ng tula.
Kasama rito ang tayutay na anyo ng paglalarawan-diwa. Kasama rin ang mga idyomatikong
pahayag na may konotasyong pagpapakahulugan.
 Kariktan – Ang makikita sa kabuuan ng tula, maaaring aral na ibig ihatid sa mga mambabasa
at ang paraan ng masining na pagkakabuo nito.

Uri ng Tayutay

“Sa pagbuo ng larawan ng isang tula, nakatutulong ang pagkamalikhain at imahinasyon.


Tinatawag na tayutay ang pahayag na gumagamit ng mga salita sa natatangi o di-literal na
paraan:

1. Pagtutulad o Simile
Paghahambing ito ng dalawang magkaiba o magkauri ng bagay, tao, o pangyayari.
Gumagamit ditto ng mga salitang parang, tulad, tila, wangis, waring, animo’y, at iba
pa.
Magdalena O. Jocson. HIYAS NG LAHI 8. “Mga Elemento ng Tula”. Vibal Group Inc., Quezon City, 2016 p. 105.
Halimbawa:
Ang buhay ay parang gulong; minsa’y nasa ibabaw, minsa’y nasa ilalim.

2. Pagwawangis o Metapora
Naghahambing din ito tulad ng simile. Ang kaibahan lamang ay hindi na gumagamit
ditto ng mga salitang pantulad. Tuwiran na ritong ipinaangkin ang katangian ng
tinutularan.
Halimbawa:
Ang buhay ng tao’y isang paglalayag.

3. Pagsasatao o Personipikasyon
Ginagamit ito para bigyang-buhay o lapatan ng katangian ng tao ang mga bagay o
walang buhay. Maari itong talino, gawi, o kilos ng mga tao.
Halimbawa:
Ngumiti ang kapalaran nang Manalo si Ron ng malaking premyo sa lotto.

4. Panawagan o Apostrophe
Pagkausap ito sa isang tao o inaaring tao na hindi naman kaharap.
Halimbawa;
O tukso, layuan mo ako!

5. Pagpapalit-tawag o Metonomiya
Ipinagpapalit nito ang dalawang bagay o kaisipan.
Halimbawa:
Mahiganting Langit, bangis mo’y nasaan, ano’t naniniig sa pagkagulaylay?

6. Pagpapalit-saklaw o Sinekdoke
Ipinagpapalit nito ang dalawang bagay sapagkat mayroon silang pagkakaugnayan
gaya ng bahagi at kabuuan.
Halimbawa:
Hiniling ng binata ang kamay ng dalaga.”1
“7. Pagmamalabis o Hyberbole
Pagpapahayag na malayo sa katototohanan o imposibleng sa katotohanan o
imposibleng mangyari dahil nilalabisan ang ibinibigay na katangian sa tinutukoy.
Halimbawa:
Yumanig ang kanilang kinaroroonan dahil sa kaniyang pag-iyak.

8. Pag-uyam o Ironya
Kunwari ay pumupuri subalit ang katotohanan nito ay nangungutya.
Halimbawa:
Talagang mayaman siya, kinukuha niya ang kaban ng bayan.

9. Pagtatambis o Oksimoron
Paggamit ng mga salita o pahayag na magkasalungat.
Halimbawa:
Kung gaano katalino ang bunso ay gano’n naman siya kabagal.”2

Mga Uri ng Tula

“A. Tulang Pandamdamin


1. Oda
Ang oda ay isang tulang liriko. Punong-puno ito ng marangal na damdamin. Ang oda
ay isang tulang nagpapatungkol sa kaisipang binubuhay sa tulong ng
personipikasyon. Mula sa tulang ingles ay mababangit ang ilang halimbawa tulad ng
sumusunod:
“Ode to the West Wind”
“Ode TO Duty” ni Wordsworth
“Ode on the Death of Wellington” ni Tennyson

Sa Filipino, isang magandang halimbawa ng oda ang tulang “Bayan ko” ni Jose
Corazon de Jesus.

1
Loc. Cit. Binsol. “Uri ng Tayutay”. pp. 195-196.
2
Loc. Cit. Acosta at Banawa. “Uri ng Tayutay”. pp. 76-77.
2. Elehiya
Ito ay isang uri ng tulang liriko. Nagninilay ito ng isang pangyayari. Nagbubulay sa
mayamang haraya ang sumusulat nito hinggil sa kamatayan.

Si Rufino Alejandro ay nagsalin ng isang saknong mula sa tulang “Elegy” ni Thomas


Gray. Ganito ang salin ni Rufino Alejandro.

Magawa pa kaya ng marangyang tumba’t


Bantayog na buhay
Ang papagbalikin sa katawang lupa
ang hiningang nanaw?
Ang piping alabok kaya’y magising pa
Sa tawag ng Dangal?
Maaliw pa kaya ng puring matabil
Yaong kamatayan?

3. Soneto
Ito ay maikling tula, awit, o balad. Ang soneto ay may 14 na taludtod.

B. Tulang Pasalaysay
Nagsasaad ng isang pangyayari na maaring totoo o likhang isip lamang ang tulang
pasalaysay. Ilan sa mga uri ng ganitong tula ang epiko, awit at korido, at pasyon.

1. Ang epiko ay isang mahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan.


Ang mga tauhan sa ganitong uri ng tula ay kadalasang nagtataglay ng di-pangkaraniwang
katangian tulad ng “Biang ni Lam-ang”, “Bidasari” ng mga Muslim, at “Hudhud” at
“Alim” ng mga ifugao.

2. Ang awit at korido – ito ay isang uri ng tulang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng


mga dugong mahal tulad ng mga hari at reyna, prinsipe at prinsesa, at mga kabalyerong
mandirigma.
Ang pinakatampok na awit sa Panitikang Pilipino ay “Florante at Laura’ ni Francisco
Balagtas. Ito ay tulang may labindalawang pantig sa bawat taludtod.
Samantalang ang pinakasikat na korido sa mga paaralan ay “Ibong Adarna” ni Jose Dela
Cruz. Ito ay tulang may walong pantig sa bawat taludtod.

3. Ang Pasyon
Ito ay patulang paglalahad ng buhay at pagpapakasakit ng Panginoong Hesukristo.

Marami ang nagsisulat ng Pasyon ngunit ang namamayani sa ating panahon ay


Pasyong Pilapil. Ito ay may limang taludtod sa isang saknong.

Pansinin ang imbokasyong ito.

O, Diyos sa kalangitan
Hari ng sangkalupaan
Diyos na walang kapantay
Mabait lubhang maalam
At puno ng karunungan.

C. Tulang Dula
Ang tulang dula ay ipinalalabas sa tanghalan, sa kalye, at sa harap ng madling
nanonood. Nagkakaiba-iba ng bilang ang mga kasangkot sa ganitong tulang dula.
Ang mga halimbawa ng tulang dula ay moro-moro, komedta, tibag, oanunuluyan,
at sarsuwela.

D. Tulang Patnigan
Tulang Patnigan ang tawag sa isang uri ng pagtatalong patula na ginagamitan ng
matalas nap ag-iisip at pangangatuwiran.

E. Tulang Pantanghalan
Gamit ang mga berso sa halip na tuwirang pagsasalita.”1

1
Teresita Cristobal Cruz. GINTONG BIYAYA 8. “Mga Uri ng Tula.” FNB Educational, Inc., Baesa, Quezon City, 2013 pp. 33-35.
“Ayon naman sa bilang ng taludtod, ang tula ay nauuri sa soneto, tanaga, at haiku.
a. Soneto – May labing-apat na taludtod ito.
b. Tanaga – May labing-apat na taludtod ito.

c. Haiku – Ito ay may tatlong taludtod. May limang pantig sa una, pitong
pantig sa ikalawa, at limang pantig sa ikatlo.”2

Tulang Pandamdamin:
Ang Manggagawa
Jose Corazon de Jesus
Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday,
Alipatong nagtilamsik, alitaptap sa karimlan
Mga apoy ng pawis mong sa bakal kumikinang,
Tandang ikaw ang may gawa nitong buong santinakpan.

Nang tipakin moa ng bato ay natayo ang katedral


Nang pukpukin moa ng tanso ay umugong ang batingaw
Nang lutuin mo ang pilak ang salapi ay lumitaw
Si Puhunan ay gawa mo, kaya ngayo’y nagyayabang.

Kung may ilaw na kumislap ay ilaw ng iyong tadyang


Kung may gusaling maangat, tandang ikaw ang pumas an
Mula sa duyan ng bata ay kamay mo ang gumalaw.
Hanggang hukay ay gawa moa ng kurus na nakalagay.

Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal,

2
Teresita Cristobal Cruz. GINTONG ANI IV. “Mga Uri ng Tula”. FNB Educational, Inc., Quezon City, 2009 pp.30-31.
Pagkat ikaw ang yumari nitong buong kabihasnan.
Bawat patak ng pawis mong yumayari ng dangal
Dinala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay…

Mabuhay ka nang buhay na walang wakas walang hanggan


At hinto ang pag-ikoy nitong mundo pagnamatay.

Tulang Pasalaysay:
Isang uri ng tula na nag ng mga pangyayari sa pamamagitan ng mga taludtod ang tulang
pasalaysay. Naglalahad ito ng mga tagpo o pangyayari. Ang ilang uri nito ay ang Epiko, Balada,
Pasyon, Awit, at Korido.

Epiko
Tulang pangkabayanihan sa isang lugar.
Halimbawa:
Ibalon – Bicol Maragtas – Visayas Darangan – Mindanao
Balada
Uri ng tulang pasalaysay na malungkot ang namayaning damdamin sa mga pangyayari.
Halimbawa:
Ang Pamana ni Jose Corazon de Jesus
Pasyon
Nagsasalaysay ng hirap at sakit ni Hesukristo. Inaawit tuwing Mahal na Araw.

Awit
Nagsasalaysay pa rin na may labindalawang sukat.

Op.cit. Jocson. “Tulang Pandamdamin”. p. 34


Korido
Tulang pasalaysay na may wawaluhing sukat.
Halimbawa: Ibong Adarna

Mamang Pulis
Patrocinio V. Villafuerte

Alam ninyo, Mamang Pulis


Dito po sa lugar naming
Kayrami ng kabataang
Palaboy-laboy sa dilim!
Takbo rito… Takbo roon
At sigawangsakdal tining,
Maraming di makatulog
Bawat isa’y naninimdim

At ipinagtataka ko,
Bakit jaya sa ‘sang pook
Doon sila nagmumukmok?
Ang Tingin ko sa kanila
Sila’y tila mga lamok,
Nagtatago sa liwanag
At sa dilim nanunubok.

Aba, naku… Mamang pulis


Nang sila po’y silipin ko,
Lahat sila’y humihithit
Ng maraming sigarilyo

Usok nito’y inaamoy


Hinihigop pa nang husto,
Mayamaya silang lahat
Ay tila nahihilo

Ang sabi po ng titser ko,


Ang paghithit ay masama,
Lalo’t kung may halong gamut,
Aba, nakapipinsala;
At para raw maputol na
Ang di mabuting gawa,
Ipagsumbong daw sa pulis,
Panganib na nakaamba.

Kaya sige, Mamang Pulis


Sumama na kayo sa’kin,
Kabataang naroroon
Sana’y inyo nang hulihin;
Ang pagkalat nitong bisyo’y
Siya pa bang hihintayin?
Ayokong ang katulad ko ko
Ay kanilang biktimahin.

Op.cit. Jocson. “Tulang Pasalaysay”. pp. 52-53.


Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Dula

Ang dulang Tagalog ay nagtangkang bumangon noong panahon ng Hapon. Layunin


nitong magbigay ng aliw sa mga mamamayan.
Dahil araming nawalan ng hanapbuhay noong panahong iyon, kinalugdan ng mga tao ang
pagpapalabag ng iba’t ibang dulang maiikli. Kadalasang dinudumog ang mga teatro upang
mapanood ang mga dulang adluan ng pansamantalang aliw. Noon nagging tanyag ang mga
teatrong Life Avenue, Manila Grand Opera House, at iba pa.
Isang grupo ng Pilipino ang nagsikap na mapataas ang panlasa ng mamamayan sa
panonood ng dula sa Metropolitan Theater itinanghal ang higit na mahuhusay na dula. Malaki
ang naitulong ditto ng Dramatic Philippines na pinamunuan nina Francisco Sycip, Narciso
Pimentel, at Francisco Rodrigo.
Ang mga dulang itinanghal ay pumapaksa sa pag-ibig sa bayan, sa pamilya, pagmamahal
mg ina sa anak, ng anak sa ina at iba’t ibang anyo ng pagpapahalaga sa kataimtiman ng
damdamin ng tao. Gayundin naman, dumagsa rin ng panahong iyon ang mga paksang katawa-
tawa upang maikubli ang tunay na damdamin sa bayan ng nga mananakop.
Ilan sa mga napatanyag na mandudula sa panahon ng Hapon ay sina Julian M.
Hernandez. Samantala, ang Dramatic Philippines naman ay nagtanghal ng mga dula ni Wilfrido
M. Guerrero.
Dula ang kauna-unahang anyo mg panitikan na nagging tanyag sa Panahon ng
Amerikano. Ang moro-moro at sarsuwela ang dalawang anyo ng dula na higit na nakilala sa
panahong ito. Ang paksa ng dula ay makabayan. Kabilang ang “ Ama ng Dulang Pilipino”. Ang
dulang “Walang Sugat” ay isang sarsuwela tungkol sa kalupitan ng mga kastila. Ng nasabing
dula ay naghangad ng pagbabagong panlipunan.
Isa pang mahusay na manunulat ng dula ay si Aurelio Tolentino. Siya ang nagbigay-
buhay sa salitang dula at dulaan na kasingkahulugan ng “teatro”.
Si Aurelio Tolentiono ay sumulat ng dulang “kahapon, ngayon, at bukas”. Ito ay isang
makabayang dula.
Isa pang mahusay na manunulat ng dula ay si Julian Cruz Balmaceda. Siya ay kinilalang
pinakabatang mandudula sa panahon ng Amerikano.
Kinilala ang husay ni Julian Cru Balmaceda sa dulang “Sa Bunganga ng Pating.” Ito ay
isang tumutuligsa sa mga usererong labis magpatubo ng pautangang pera.
Isa pang mahusay na mandudulang Tagalog si Patricio Mariano. Ang kanyang mga
isinulat na dula ay puno ng simbolismo. Karagdagang katangian ng kanyang mga dula ang
pagiging maromansa ng mga ito. Ang dulang “Ang Anak ng Dagat” ang obra maestra ni Patricio
Mariano. Ito ay dulang mayaman sa mga pagpapahalagang-pantao.
Isa pang natatanging pangalan sa larangan ng dulang Pilipino si Juan Abad. Ilan sa
tanyag niyang dula ang “Mabuhay ang Pilipinas” at Tanikalang Ginto”. Kapuwa makabayan ang
mga dulang ito at nagpapahayag ng paglaban sa mga Amerikano.
Si Juan Dela Cruz Matapang ay isa pang tanyag na mandudula. Ang dula ng “Hindi Ako
Patay” ay nagpapahayag ng pagtuligsa sa panghihimasok ng mga Amerikano.
Sina Jose Maria Rivera at Hermogenes Ilagan ay dalawang tampok na pangalan na
lumikha ng tatak sa larangan ng dulang Tagalog. Tampok ang kanilang dulang “Mga kamag-
anak” at “Biyaya ng Pag-ibig”.

Tulang Dula

Uri ng tula na nagpapahayag ng mga pangyayaring parang nagkataon o maaring ang


pagtakas ng isinasalaysay na mga pangyayari sa karaniwang pangyayaring nagaganap sa buhay
ng tao. Ang dula ay ang pagtatanghal ng kalooban ng isang pakikipagtunggali ng tao sa
mahiwagang kapangyarihan ng kalikasang humahadlang at humaharap sa atin: isa ito sa
inilalagay sa tanghalan upang doon makibaka sa kamatayan, sa batas-panlipunan, sa mapag-
adhikang interes, kapinsalaan, at batas iba’t ibang paghahangad ng mga taong nakapaligid sa
kaniya.
Ang uring ito ng tula ay hindi lamang saumasaklaw sa moro-moro o komedya, tibag,
panuluyan, sarsuwela, senakulo, kundi gayon din sa mag-isang salaysay (monologo), lirikong
dula, tulang dulang katatawanan, tulang kalunos-lunos, melodrama tula at dulang parsa.

1. Moro-moro o komedya
Isa sa ugat ng dulang Tagalog noong panahon ng Espanyol na pasalaysay ang paraan
ng pagkakasulat. Layunin nitong palaganapin ang diwa ng Kristiyanismo. Isa itong
libangan ng mga Pilipino na itinatanghal sa pagdiriwang ng piyesta sa iba’t ibang
lugar.
2. Panuluyan
Dulang panlansangan tungkol sa paghahanap ng matutuluyan ni Birheng Maria na
malapit nang manganak. Ginagawa ito tuwing buwan ng Disyembre bilang
paghahanda sa kapaskuhan.

Op.cit. Cruz. “Ang kaligirang Pangkasaysayan ng Dula”. pp. 157-159


Tulang Dulang Madamdamin/Melodrama

3. Tibag
Tungkol sa paghahanap ng krus na pinagpakuan kay Hesukristo. Nang makita at
bilang panggalang, iprinusisyon nina Reyna Elena at Prinsipe Constantino.

4. Sarsuwela
Isang masayang dula. May tugtugan at awitan. Minsan ay may kasama ring sayaw,
may kalakip na pampatawa, may kaunting aksiyon o tunggalian. Ang salitaan ay
patula o paawit.

5. Senakulo
Pandulaang bersiyon ng Pasyon tungkol sa hirap at sakit ng Panginoong Hesukristo.

Iba pang uri:

1. Tulang Dulang Mag-isang Salaysay (Monologo)


Isang tao lamang amg nagsasalita mula sa simula hanggang sa katapusan ng dula. Hindi
lamang para sa kaniyang sarili kundi gayon din para sa mga kalagayan at himig at sa
lahat ng mga natutukoy sa tula.

2. Tulang Dulang Liriko – Dramatiko


Taglay nito ang kawilihan sa mga kalagayan, kilos, at damdaming ipinahahayag sa
pamamagitan ng mga salita ng taong kinauukulan. Samantalang ang tulang dulang mag-
isang salaysay ay tahasang nagkukuwento ng mga pangyayari, tinutulungan naman ng
dramatiko-liriko ang mga pangyayaring ito upang malantad ang mga damdamin.

3. Tulang Dulang Katatawanan / Komedya


Nasusulat sa pamamaraan at paksang-diwang parehong katawa-tawa; may mga tauhang
ang papel na ginagampanan ay nakalilibang at nag-aangkin ng isang masayang
pagtatapos.

4. Tulang Dulang Madamdamin/ Melodrama


Isang dula na naglalarawan ng galaw ng isang lubhang madamdamin at nakasisindaw na
pangyayari, nakahihigit sa karaniwang karanasan ng isang tao, Dito’y nagkakamit ng
kaligayahan ang mga tauhan at tunay na buhay ang tagpong itinatanghal.

5. Tulang Dulang Kalunos-lunos / Trahedya


Tumutukoy ito sa pakikipagtunggali at pagkasawi ng isang pangunahing tauhan laban sa
isang lakas na higit na makapangyarihan, tulad ng tadhana, bagay na sa wakas ay
nagbubunga ng pagkahabag o pakakasindak ng tumutunghay.
6. Tulang Dulang Parsa
Itinatanghal ang mga pangyayaring lubhang katuwa-tuwa, sagana sa mga kabaligtaran, at
ang balangkas ay higit na katawa-tawa kaysa makatuwiran.

Tulang Patnigan
“Ang tulang patnigan ay isang uri ng tula na may pagtatalo. Ibig sabihin, ito’y tulang
sagutan na itinatanghal ng mga nagtutunggaling makata. Pahusayan ito ng mga katuwiran at
tagisan ng mga talino at tulain.”1
“1. Karagatan
ay binubuo ng mga saknong na apatang taludtod at may sukat na lalabindalawahin.
Sinasabi ring ito’y higit na makinis kaysa sa duplo at nag-aangkin ng malulundong
talinghaga at malalalim na palaisipan.
2. Duplo
Ito ang sumusunod na anyo ng tula na naging tanyag at pumalit sa karagatan. Ito ay
isang paligsahan sa mahusay na patula at paglalahad ng katuwiran.
3. Balagtasan
Ito ay isang pagtatalo sa paraang patula. Hinango sa karagatan at duplo ang estilo nito.
Ang salitang “Balagtasan ay hinango sa pangalan ng “Ama na Panulaan” na si Francisco
Balagtas.”2

Mga Uri ng Taludturan

1. Tradisyunal o Pinagkaugalian
Ang tulang tradisyunal ay may sukat at tugma
Tinatawag na sukat ang magkakasimbilang na pantig sa bawat taludtod.

2. Blangko-Berso
Pinatanyag ni Christopher Matlowe ang ganitong uri ng tula.
May sukat ang ganitong uri ng tuls ngunit walang tugma.
Ang Bibliya at ang ilang tula ni Shakespeare ay nasusulat sa blangko berso. Hindi naging
tanyag sa Filipino ang ganitong uri ng tula.

Op.cit. Jocson. “Tulang Dula”. pp.71-72.

Loc. Cit. Jocson. “Tulang Patnigan”. pp. 151-152


3. Malayang Taludturan
Ito ang uri ng tula na walang sukat at walang tugma sa panulaan Filipino, dalawa ang
kinikilalang Ama ng malayang taludturan: sina Amado V. Hernandez at Alejandro G.
Abadilla.

Sa tulang ingles, si Walt Whitman ang itinuturing na Ama ng malayang taludturan.

Op.cit. Cruz. “Mga Uri ng Taludturan”. p. 21


Bibliograpiya

Acosta, Merct T.. BANYUHAY 10. “Uri ng Tayutay”.


Marilao, Bulacan: KLEAFS Publishing, Inc.,
2017, pp. 76-77

Animoza, Imelda V.. PINTIG III. “Tula”. Dalandanan,


Valenzuela City: JO-ES Publishing House, Inc.,
2006, p. 3

Binsol, Angelita A.. TANGLAW SA WIKA AT PANITIKAN III.


Makati City: Diwa Learning Systems, Inc.,
2009

Cruz, Terisita C.. GINTONG ANI IV. QUEZON City:


FNB Educational, Inc., 2009

Cruz, Teresita C.. GINTONG BIYAYA 8. Baesa,


Quezon City: FNB Educational, Inc., 2013

Jocson, Magdalena O.. HIYAS NG LAHI 8.


Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016

You might also like