You are on page 1of 7

LIT106- Panulaang Pilipino

2/05/24

Ano ang Kahulugan ng Panitikan?


 Sa payak nitong kahulugan, ang panitikan ay ang kahit anong nasusulat na gawa
ng tao. Kabilang na rito ang mga libro, nobela, tula at iba pang komposisyong
mayroong halaga sa lipunan. Ito ay ginagamit ng mga Tao upang magpahayag ng
kanilang mga nararamdaman, mga naiisip, mga karanasan, at mga hangarin sa
pamamagitan ng pagsulat.
 Ang salitang ito ay tinatawag ding literatura (literature). Ito ay nagmula sa
salitang Latin na "litera" na nangangahulugang "titik". Ang salitang Tagalog
naman na "panitikan" ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ay nanggaling sa
salitang ugat na "TITIK", na dinagdagan ng panlaping "pang-at-an".
Samakatuwid, ito ay pinaikling salita na PANG+TITIK+AN. Sa pagtagal ng
panahon, ang konseptong ito ay nabago. Kung noon ay ang mga nasusula lamang
na gawa ng tao ang maituturing na literatura, ngayon, kabilang na din dito ang
nabibigkas na mga akda [oral literature).
 Ang panitikan ay maituturing ding sining na nabuo sa pamamagitan ng grupo ng
mga salita. Karamihan sa Literatura ay naipapahayag sa pamamagitan ng
pagsulat at ang iba naman ay naipasa sa pamamagitan ng paggamit ng bibig o
pagsasaila.
 Ang panitikan ay maituturing ding sining na nabuo sa pamamagitan ng grupo ng
mga salita. Karamihan sa literatura ay naipapahayag sa pamamagitan ng pagsulat,
at ang iba naman ay naipasa sa pamamagitan ng paggamit ng bibig o pagsasalita.
 Ang panitikan ay maaring mabuo sa anyong tuluyan (prose) o anyong patula
(poetry). Ito din ay maaring maging piksyon (kathang-isip) at di-piksyon (batay
sa totoong pangyayari). Karaming Depenisyon Wala naman sa Exam

 Ayon sa pinakabagong depinisyon sa Webster's New Colleglate Dictionary, ang


panitikan ay ang mga sulatin na naglalaman at nagpapakita ng kahusayan sa anyo
ng pagpapahayag. Nagpapahayag din ito ng mga ediya ng permanente at
pangkalahatang kapakinabangan.
 Batay naman sa librong "Pilosopiya ng Literatura" na isinulat ni G. Azarias, ang
literatura ay ang pagpapahayag ng nararamdaman ng tao tungkol sa iba't-ibang
bagay dito sa daigdig, tulad ng kanilang pamumuhay pamahalaan, lipunan, at
ugnayan ng kanilang kaluluwa sa dakilang lumikha.

Dalawang Uri ng Panitikan

Prosa o Tuluyan
 Ito ay uri ng panitikan na naglalaman ng mga pangungusap at mga talata. Sa
anyong prosa, ang daloy ng pagkakasulat ng mga ediya ay mas natural at tuloy-
tuloy. Wala itong sinusunod na bilang ng bigkas at walang sinusunod na tugmaan
sa dulo ng mga salita. Dito, mayroong kalayaan ang mga manunulat sa kung ano
ang nais nilang isulat. Ang kagandahan at kaayusan nito ay nakadepende sa
paraan ng manunulat kung paano niya bubuuin ang pagkakasunud-sunod ng mga
detalye.
Nobela
 Isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata. Ang pagbabasa nito ay
inaabot ng ilang basahan para matapos ang buong istorya. Ito ay naglalaman ng
madaming tauhan at maaring maganap ang mga pangyayari sa iba't-ibang
tagpuan. Ang nobela ay maaring maging piksyon o di- piksyon.
Maikling kwento
 Isang maikling akda na naglalaman ng kakaunting tauhan kompara sa nobela. Ito
ay may iisa lamang na banghay. Ang pagbasa nito ay kayang tapusin sa isang
upuan lamang.
Dula
 Akdang itinatanghal sa tanghalan. Ito ay nahahati sa ilang yugto at ang bawat
yugto naman ay nahahati sa ilang tagpo. Tinatawag na mandudula o dramaturgo
ang mga dalubhasa na sumusulat ng iskrip ng isang dula.
Alamat
 Ang alamat ay kwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay.
Pabula
 Ito ay isang uri ng panitikan na kung saan hayop ang gumaganap bilang tauhan.
Ito ay nagbibigay ng magandang aral lalo na sa mga bata.
Anekdota
 Ang anekdota ay isang maikling akda na naglalaman ng nakawiwiling pangyayari
sa buhay ng tao. Ang layunin nito ay magbigay ng aral sa mga mambabasa batay
sa karanasan ng tauhan sa kwento.
Sanaysay
 Ito ay isang maikling sulatin na nagpapahayag ng opinyon ng manunulat tungkol
sa isang paksa.
Talambuhay (Biography)
 Sulatin na tumatalakay sa buhay ng isang tao.
Balita
 Ito ay tala ng mga kaganapan na nagaganap sa lipunan at kapaligiran.
Patula
 Ito naman ay uri ng panitikan na may masining na pagpapahayag. Sa paggagawa
ng akdang nasa anyong patula, dapat may isinasaalang-alang na sukat, bilang ng
bigkas at mga taludtod, at may malikhaing paraan ng paghahatid ng mga mensahe
sa mambabasa.

Akdang pampanitikan sa ilalim ng Patula


 Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang
paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan
ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula.
Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin,
lalabindalawahin, lalabing-animin, at lalabing- waluhing pantig. Matalinghaga at
ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya
naman ay mahaba.
Mga Uri ng Tula
Awit
 Tungkol sa pag-ibig; hal.kundiman
Balagtasan
 Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang paksang
pagtatalunan karangalan ni Francisco
Tulang Patnigan(Joustic Poetry)
 Isang tula na may balangkas
 Maaaring maikli o mahaba, at ang mga kuwento na may kaugnayan sa maaaring
maging simple o kumplikadong pangyayari karaniwang hindi madrama
 Nagkukuwentong tula gaya ng mga epiko at ballad

Tulang pasalaysay
 Nagpapahayag ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tao. Ito ay maaring
makatotohanan o kathang-isip lamang.
Epiko
 Ang epiko ay istorya tungkol sa kabayanihan. Ito ay nagpapakita ng ugnayan ng
tao at mga diyos.
Balad
 Sa lahat ng tulang pasalaysay, ito ang pinakasimple at pinakamaikli. Ito ay tulang
pasalaysay na karaniwang inaawit.
Tulang Liriko
 Ito ay uri ng tula na ginawa upang awitin. Sa kabila nito, itinuturing na ding
tulang liriko ang isang tula kapag ito ay nagpapahayag ng nararamdaman at
nagpapakita ng emosyon ng isang makata.
Awiting bayan
 Ito ay maikling tula na ginawa upang awitin. Ang tema nito ay karaniwang
umiikot sa pagmamahal, desperasyon, kalungkutan, kasiyahan at pag-asa.
Soneto
 Ito ay tula na binubuo ng labing-apat na taludtod. nangangailangan ng mabigat o
matinding pagkukuro-kuro.
Hal.
Para Sa Makatang Makabayan Ni RON DE VERA

Elehiya
 Ito ay malungkot na tula o anumang katha na ipinatutungkol sa namatay.
 Ang elehiya ay isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-
guni hinggil sa kamatayan.
Mga Katangian ng Elehiya
 Tula ng pananangis - pag-alaala hinggil sa yumao
 Ang himig ay matimpi at mapagmuni-muni at di masintahin.
Hal.
Sa kanyang pagkamatay, ginugunita namin ang elehiyang ito.

Oda (Ode)
 Ang Oda ay isang tulang liriko na nagpapahayag ng masidhing damdamim.
Hal.
Kay Selya
Dalit
 Isang kanta na nagpapakita ng pagpupuri sa Panginoon.
Hal.
Ang sugat ay kung tinanggap, Di daramdamin ang antak, Ang aayaw, at di mayag
Galos lamang magnanaknak.

Awit at Korido
 Mga akdang nasa anyong patula. Ang sa saknong ng mga ito ay may natatanging
bilang o sukat at may magkakasintunog o magkakatugmang mga pantig. Ang
Korido ay salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang tauhang
malabayani na punung-puno ng kababalaghan. Ang awit namaiy salaysay sa
pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mga tauhan at walang sangkap
na kababalaghan.

Pagkakalba Ng Awit Sa Korido


Ang kaibahan ng awit at korido ay maaaring nasa sukat at anyo:
 Mabilis ang bigkas ng korido, may kabagalan naman ang awit
 Ang korido ay may walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa "allegro",
samantala ang awit ay may labindalawang pantig at inaawit na mabagal sa saliw
ng gitara o bandurya "allegro"
 Ang ikinaganda ng awit ay sa mga aral na ipinahihiwatig samantala sa korido ang
ikinawiwili ng mga mambabasa ay ang kuwento o kasaysayang napapaloob dito.

Kategorya ng Awit at Korido


 Nakapaloob sa kategoryang ito ang iba't ibang uri ng awit at korido na nalathala
sa Pilipinas. Karaniwang nakasaad ang lagom Isummaryl ng akda, ang halaga
niyon sa panitikan, at ang mga kritikang lumabas hinggil sa naturan. Halina't
makiisa sa pagbubuo ng nilalaman nito.

Katangian ng awit at korido


 Ang korido ay isang tulang panrelihiyon. Ang awit ay isang tulang nagsasaad ng
kabayanihan.
Mga Halimbawa ng Korido:
Ibong Adarna, Don Juan Tiñoso, Don Juan Teñoso, Mariang Kalabasa, Ang Haring
Patay, Mariang Alimango, Bernardo Carpio ni Jose de la Cruz, Rodrigo de Villas ni
Jose de la Cruz, Prinsipe Florennio ni Ananias Zorilla, Buhay na Pinagdaanan ni
Donya Maria sa Ahas.
Mga Halimbawa ng Awit:
Florante at Laura ni Francisco Balagtas, Buhay ni Segismundo ni Eulogio Juan de
Tandiona, Doce Pares na Kaharian ng Francia ni Jose de la Cruz, Salita at Buhay ni
Mariang Alimango, Prinsipe Igmidio at Prinsesa Clariana.

Tulang Pandulaan
 Ang tulang pandulaan ay naglalarawan ng mga dulang pangyayari na karaniwang
nagaganap sa araw araw nating pamumuhay o nangyayari sa tunay na buhay at
layunin nito na maitanghal. Masasabing ang katangian nito ay nabibilang o
patungkol sa dula at ang kaanyuan at kayarian nito ay patula.
Komedya
 Ang Komedya ay isang panitikan na naglalarawan sa isang dramatikong akda na
makabuluhan at may isang masayang pagtatapos. Parehong nakakaaliw at
nakakagigil, pati na rin ang nakakainis ang mga Komedya. Ito'y dahil ang sentral
na paksa ng komedya ay ang pagtatagumpay sa kahirapan, na hahantong sa isang
masayang konklusyon. Ngunit, layunin rin nito ang pagpapatawa at aliwin ang
madla. Ito'y nagsimula sa Athens, Greece. Simula noon, dumami na ang uri ng
mga komedya katulad ng komedya ng katatawanan, komedya ng pag-uugali,
komedya ng trahedya, at komedyang sentimental.

Pangunahing Pagkakaiba - Drama vs Melodrama


 Ang drama at Melodrama ay parehong genre sa panitikan. Ang dula ay isang
malawak na genre ng pampanitikan na tumutukoy sa mga makatotohanang
character at makatotohanang mga kwento. Ang Melodrama, sa kabilang banda, ay
nailalarawan sa pamamagitan ng labis na emosyon at sitwasyon, at mga
stereotypical character. Samakatuwid, ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng
drama at melodrama ay ang drama ay naglalarawan ng mga makatotohanang
character at nakatuon sa pag-unlad ng character samantalang ang melodrama ay
naglalarawan ng mga pinalaki na mga character na nagmumula sa mga
stereotypes.

Ano ang Drama?


 Ang drama ay isang genre ng pampanitikan na nagtatanghal ng mga
makatotohanang karakter na nakikipag-usap sa makatotohanang mga salungatan
o pakikibaka. Ang mga ito ay mga seryosong kuwento na may mga setting o
sitwasyon na naglalarawan ng mga ordinaryong character na salungat sa kanilang
sarili, ang lipunan, o puwersa ng kalikasan.
 Ang drama ay isa sa mga pinakamalaking genre ng pampanitikan sapagkat may
kasamang malawak na hanay ng trabaho. Ang bawat isa sa mga akdang
pampanitikan na ito ay may iba't ibang mga tema ng paksa-paksa tulad ng drama
sa krimen, ligal na drama, romantikong drama, makasaysayang drama, horror
drama, melodrama, atbp.
 Ang mga tema ng dramatiko ay maaaring magsama ng mga kasalukuyang isyu,
iba't ibang mga problema sa lipunan, katiwalian, pagkiling sa lahi, hindi
pagkagusto sa relihiyon, kahirapan, kaguluhan sa politika, paghati sa klase, sakit
sa kaisipan, hindi pagkakapareho ng sekswal, alkoholismo o iba pang pabagu-
bago ng mga alalahanin.

Ano ang Melodrama?


 Ang Melodrama ay isang subgenre ng drama, na nailalarawan sa mga
stereotypical character, pinalaking emosyon, at mga interpersonal na salungatan.
Ang isang melodrama ay may kapana-panabik at kapanapanabik na balangkas na
may maraming mga twists at liko at suspense. Ang mga character ay labis na
kapansin-pansin at pinalaking at madalas na lumilitaw bilang mga stereotypes, na
nagtatampok ng matagal na paghihirap na mga kalaban, lalo na ang mga babaeng
sumusubok na walang kabuluhan upang malampasan ang mga imposible na
sitwasyon.
 Ang Melodrama ay karaniwang nakaka-sensational at idinisenyo upang mag-
apela nang malakas sa mga damdamin, nangunguna sa detalyadong
characterization. Ang mga tema ng melodrama ay umiikot sa trahedya, hindi
nabanggit na pag-ibig, at pagkawala. Ang mga soap opera, telenovelas ay ilang
mga halimbawa ng melodramas sa TV. Ang 'Mildred Pierce' (1945), 'Ngayon,
Voyager' (1942), 'Nakasulat sa Hangin' (1956), ay ilang mga halimbawa ng
melodramatic films.

Mga Tema
 Kasama sa dramatikong mga tema ang mga seryosong problema sa lipunan tulad
ng kawalan ng katarungan, hindi pagkakapantay-pantay, katiwalian, kahirapan,
atbp.
 Ang mga tema ng melodramatic ay umiikot sa emosyonal na salungatan;
karamihan sa mga ito ay nakasentro sa paligid ng pamilya at mga relasyon.
Plot
Ang mga drama ay may makatotohanang mga plot. Ang mga melodramas ay may
nakamamanghang at kapanapanabik na mga plot.

Trahedya
 Ang trahedya ay isa sa pinakamatandang uri ng dula. Ang tema ng isang trahedya
ay karaniwang tungkol sa pagkasira ng isang dinastiya, pagbagsak ng tao,
pagtataksil, at pagkamatay.
Parsa o Saynete (Farce)
 Ang parsa ay isang kategorya ng komedya na gumagamit ng mga nakakatawang
sitwasyon na ang layon lamang ay makapag- patawa ng madla.

Ano ang Bugtong?


 Ang bugtong o riddle sa wikang ingles ay isang tanong o pangungusap na
nilulutas bilang isang palaisipan. Ito ay may doble at nakatagong kahulugan na
nangangailangan ng konsentrasyon at maingat na pagninilay-nilay para mahulaan
ng tama ang sagot.
 Noong araw, ang mga bugtong ay nagsisilbing pampalipas oras ng mga kabataan
at matatanda. Ito ay isang masayang libangan na naging bahagi na ng mayamang
kultura ng mga Pilipino.

Ano ang Pakinabang ng mga Bugtong?


 Ngayong makabagong panahon, ang mga bugtong palaisipan ay patuloy na
itinuturo sa mga paaralan dahil ito ay nakakatulong sa pagpapabuti ng ating IQ,
pagpapatalas ng memorya, at pag-improve ng ating konsentrasyon o pagninilay-
nilay na nagreresulta ng pagiging mas produktibo.

Salawikain
 Ginagamit ito sa isang pangungusap o pahayag upang bigyang-diin ang isang
kaisipan o punto. Ito ay isang maikling pangungusap na makabuluhan at kapaki-
pakinabang kung gagamitin bilang gabay sa ating pang- araw-araw na buhay.
 Ito ay mga tradisyunal na kasabihan ng ating mga ninuno na patuloy na
nagpasalin-salım hanggang makarating sa ating henerasyon at naglalayong
magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
 Ang bawat salawikain ay naglalaman ng mga karunungan at aral tungkol sa
kabutihang asal, pakikipag-kapwa tao, pagmamalasakit sa bayan, at pagmamahal
at paglilingkod sa Diyos.
 Bahagi ng panitikang Pilipino ang mga salawikain. Binubuo ito ng mga salitang
matatalinhaga at mapalamuti. Ito rin ay maaaring binubuo ng mga idyoma. Ang
bawat kasabihan ay may nakatagong kahulugan. Ang mga salawikain ay binubuo
ng mga taludtod, mayroong mga sinulat na magkakatugma at mayroon namang
hindi. Ito ay na-aayon sa opinion at saloobin ng indibidwal na gumawa o sumulat
nito.

Sawikain
 Ang sawikain ay kasabihan o' kawikaan na may dalang aral na maaaring tumukoy
sa isang idyoma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.
Ang sawikain ay tinatawag din na idioma. Ito'y salita o' grupo ng mga salitang
patalinghaga ang gamit at hindi nagbibigay ng tuwirang kahulugan.
 Ang sawikain ay maari ring isang moto o mga parirala na nagpapahiwatig ng
sentimiento ng isang grupo ng mga tao. Kadalasang malalim ang mga gamit na
salita at pinapalitan ang pangkaraniwang pagtawag sa isang bagay at ginagawang
matatalinhagang pahayag.
Halimbawa ng Sawikain :
Butas ang bulsa
Kahulugan: walang pera
Halimbawa ng Gamit: Nagsusugal si Juan kaya palaging butas ang bulsa.
Halimbawa ng Sawikain:
llaw ng tahanan
Kahulugan: Ina
Halimbawa ng Gamit: Mahal na mahal namin ang aming ilaw ng tahanan

"Ang panitikan ay hindi sarili ng ilang tao lamang yaoý pag-aari ng sino mang may
tapat na pagnanasang maghain ng kanyang puso, diwa't kaluluwa alang-alang sa
Ikaluluwalhati ng sangkatauhang kinabibilangan niya.”

K.

2/12/24

Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Tula

 Maraming paraan kung paano ipahayag ang damdamin, ideya o saloobin. Isa na
rito ang pagpapahayag sa pamamagitan ng tula. Ang masining na pagpapahayag
ng dandamin, kaisipan o saloobin tungkol sa pag-ibig, kapaligiran, damdamin,
politika at iba pa ay tinatawag na tula.

Bakit Masining?(Oo)

Ayon kay Alejandro Abadillia


"Ang tula ay isang pagbabagong hugis ng buhay. Isang paglalarawan ng
buhay na hinango sa guni-guni na pinararating sa ating damdamin at
ipinahahayag sa pananalitang nag-aangkin ng tumpak na aliw-iw at lalong
mainam sa mga sukat at tugma".

Ayon kay Fernando Monleon


“Ang saklaw ng pagtula ay higit na malawak kaysa alinman sa ibang gagad
na mga sining, pagsama-samahin man ang mga iyon. Ang manlililok ay
makagagagad ng anyo lamang; ang mangguguhit-larawan, ng anyo at kulay
lamang; ang artista ng dulaan - samantalang hindi pa napagkakalooban ng mga
makatang mga pangungusap-tanging ng anyo, kulay at galaw lamang. Ang tula'y
siyang lumalagom sa kabilang daigdig at iniuugnay ito sa ibang mga sining. Ang
puso ng isang nilikha ay siyang bayan ng tula, at tanging ng tula lamang".

Ayon kay Regalado


"Ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at kabuoan ng tanang
kariktan nakikita sa silang ng alin mang langit."

You might also like