Professional Documents
Culture Documents
NATIN!
Hal:
“The Passionate Shepherd to His Love” ni Christopher Marlowe
ODA (Dalitpuri)
Nagpapahayag ng isang papuri sa isang bagay o tao, panaghoy,
o iba pang masiglang damdamin. Sa makabagong panulaan, ito
ay isang uri ng tulang lirikong higit na dakila at marangal. Wala
itong tiyak na bilang ng pantig o kaya’y tiyak na bilang ng mga
taludtod sa isang taludturan.
Hal:
“Ode to Nightingale” ni John Keats
DALIT (Dalitsamba)
Ito ay isang maikling awit na pumupuri sa Diyos. Kalimitang
itong wawaluhing pantig na may dalawa, tatlo, o kaya’y apat na
taludturang may apat na taludtod bawat isa.
SONETO (Dalitwari)
Ito ay tulang may labing- apat na taludtud hinggil sa damdamin
at kaisipan, may malinaw na batiran ng likas na pagkatao.
Karaniwang ang unang walong taludtod ay nagpapahayag ng isang
pangyayaring nagwawakas sa isang malubhang suliranin o sa
pagtataka sa malalim na kahulugan ng buhay at kalikasan.
Hal:
Sonnet 18 ni William Shakespeare
ELEHIYA (Dalitlumbay)
Isang tulang nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol
sa kamatayan o kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita
ng isang yumao.
Hal:
Isang Punongkahoy ni Jose Corazon de Jesus
Tulang Pasalaysay
Ang tulang pasalaysay ay mga tulang nagpapahayag ng
kwento o pangyayaring maaaring totoo o likhang isip
lamang sa pamamagitan ng taludtod.
EPIKO (Tulabunyi)
Isang mahabang tulang naglalarawan ng mga pakikipagsapalaran
ng pangunahing tauhan at punong-puno ng mga di pangkaraniwang
pangyayari. Ang pangunahing layunin ng tulang ito ay gisingin ang
damdaming humahanga sa kabayanihan ng pangunahing tauhan.
Ang pinakamahalaga rito ay ang pagtatagumpay sa laban sa mga
suliraning kinakaharap ng pangunahing tauhan.
Hal: Hudhud: Ang Kwento ni Aliguyon, Epiko ng Ifugao
Metrical Romance (Tulasinta)
Ito’y tula ng kasaysayang wala gaanong banghay at binubuo
ng mga kabanatang tumutukoy sa mga pakikipagsapalarang
puno ng mga hiwaga at kababalaghan. Ang mga pangunahing
tauhan ay karaniwang nabibilang sa lipi ng mga maharlika at
nagiging isang BAYANI.
Hal:
The Faerie Queene ni Edmund Spenser
Metrical Tale (Tulakanta)
Kapag ang tulang salaysay ay naging payak ito ay tinatawag na
tulakanta. Ang mga pangyayari sa tulakanta ay sadyang maaaring
mangyari sa tunay na buhay. Ang mga pangunahing tauhan ay
pangkaraniwang nilalang lamang.
Hal:
The Canterburry Tales ni Geoffrey Chaucer
BALLAD (Tulagunam)
Ito’y isang awit na isinasaliw sa sayaw subalit nang lumao’y
nakilala ito bilang isang tulang kasaysayang nasusulat sa mga
taludtod na wawaluhin o aaniming pantig at sa paraang payak at
tapatan.
Hal:
Ballad of the Gibbet ni Francois Villon
Tulang Dula o Pantanghalan
Ang tulang pantanghalan o pandulaan ay karaniwang
itinatanghal sa entablado o iba pang tanghalan.
Tulang Dulang Mag-isang Salaysay
(Dramatic Monologue)
Isang tao lamang ang nagsasalita mula sa simula hanggang sa
katapusan ng dula at hindi lamang para sa kanyang sarili kundi
gayundin para sa mga kalagayan at himig at sa lahat ng mga
natutukoy sa tula.
Hal:
My Last Duchess ni Robert Browning
Tulang Dulang Liriko-
Dramatiko
Taglay nito ang kawilihan sa mga kalagayan, kilos, at,
damdaming ipinapahayag sa pamamagitan ng mga salita ng
taong kinauukulan. Ang toun nito ay mailantad ang damdaming
nakapaloob sa mga pangyayari.
Hal:
Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus
Tulang Dulang Katatawanan
(Dramatic Comedy)
Ito ay nasusulat sa paraan at paksang-diwang kapwa katawa-
tawa: may mga tauhang ang papel na ginagampanan ay
nakalilibang; at nagtataglay ito ng isang masayang pagtatapos.
Hal:
Old Comedy ni Aristophanes
Tulang Dulang Kalunos-lunos
(Dramatic Tragedy in Poetry)
Tumatalakay ito sa pakikipagtunggali at pagkasawi ng isang
pangunahing tauhan laban sa isang lakas na higit na
makapangyarihan tulad ng tadhana. Kalimitang ang wakas nito
ay nagbubunga ng pagkahabag o pagkasindak sa panig ng mga
nakikinig at nanonood.
Tulang Dulang Madamdamin
(Melodrama in Poetry)
Ito ay naglalarawan ng galaw na lubhang madamdamin at
nagtataglay ng nakakasindak na pangyayaring higit sa
karaniwang mga karanasan ng normal na tao.
Hal:
Annabelle Lee ni Edgar Allan Poe
Tulang Dulang Katawa-tawang-
Kalunos-lunos (Dramatic Tragi-
comedy in Poetry)
Naglalarawan ng isang kalagayang katawa-tawa at kalunos-
lunos.
Tulang Dulang Parsa (Farce
in Poetry)
Isang uri ng dula na ang layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng
mga kawing-kawing na mga pangyayaring lubhang nakakatawa. Ang
balangkas nito ay higit na katawa-tawa kaysa makatwiran.
Hal:
The Vanity of Human Wishes ni Samuel Jackson
Tulang Patnigan (Justice Poetry)
Ang tulang patnigan ay tulang sagutan na itinatanghal
ng magkakatunggaling makata ngunit hindi sa paraang
padula. Ito ay paligsahan ng mga katwiran at tagisan ng
mga talino at tulain.
KARAGATAN
Isang paligsahan sa tula na nilalaro sa mga luksang lamayan o
pagtitipong parangal sa isang patay o yumao. Ang paksa nito ay
patungkol sa singsing ng isang dalaga na di umano’y nahulog sa
gitna ng karagatan. Ito ay binubuo ng mga saknong na may
apatang taludtod at lalabindalawahing pantig.
DUPLO
Ito ay pagtatalo rin na ginagamitan ng tula at kahusayan sa
pagbigkas. paligsahan sa tula na karaniwang ginaganap sa ikasiyam
ng gabi sa bakuran ng namatay matapos mailibing ang patay bilang
pag-aaliw sa mga naulila nito. Ang mga katuwirang ginagamit ay
karaniwang hango sa mga salawikain, kawikaan, at kasabihan.
Hal:
“Ama Namin” “Aba Ginoong Maria”
BALAGTASAN
Ito ay tagisan ng talino sa pamamagitan ng palitan ng katuwiran
sa pamaraang patula. Ang kauna-unahang balagtasan ay ay
pinaglabanan ng mga makatang sina Jose Corazon de Jesus at
Florentino T. Collantes na may paksang “Paruparu at Bubuyog.”
Ang naging lakandiwa sa pagtatalong ito ay si Lope K. Santos.