You are on page 1of 2

Clarissa a.

Pacatang Kritisismo

TEORYANG SIKOANALITIKAL

Ang sayko-analikal na kritisismo ay ginamit upang pag-aralan ang pag-uugali ng mga tao
sa totoong buhay. Ito ‘yung pag-aaral tungkol sa mga kagustuhan ng isang tao na hindi
maipahayag sapagkat hindi ito lubusang tanggap sa lipunan. Sinisiyasat nito ang ilang
pangunahing mga pagpapalagay na nilikha ni Sigmund Freud.
Ang tao raw ay may mga ninanais sa buhay subalit hindi niya lamang pinapansin. May
mga karanasan na pilit kinakalimutan dahil sa ito ay hindi maganda. Lahat ng ito ay nakatago at
ito ay tinatawag na unconscious na bahagi ng pag-iisip ng tao. Hinahayaang itago hanggang sa
maipon ito at gagawa ng paraan ng upang makalabas mula sa pinagtataguan. Sinasabi ni Freud
na binubuo ng tatlong bahagi ang isip ng tao, ang ego, ang super-ego at ang id na kumakatawan
sa consciousness. conscience at unsconscious.
Isa sa pinakaimportanteng terminolohiyang Freudian ay ang dream work, na kung saan
ang mga totoong kaganapan at pagnanais sa buhay ay pumapasok at nagiging mga imahen sa
panaginip. Kagaya rin raw ng literatura ang mga panaginip, hindi hayagang ipinapakita ang
kahulugan. Halimbawa nito ay ang galit na naramdaman mo sa iyong ama. Bilang isang anak,
hindi mo kayang isumbat ang sama ng loob sa iyong ama dahilan sa pagbibigay galang sa
magulang, subalit sa iyong pagtulog, doon lumalabas ang tunay na ninanais ng iyong isip. Ngunit
kahit sa panaginip ay nagkakaroon pa rin ng pagkukubli ang isang bagay, maaring sa panaginip
ay may nasagasaan na pusang itim at lingid sa iyong kaalaman na ang pusang nasagasaan ay
nagrerepresenta sa iyong ama.
Pinaniniwalaan ni Frued na may malaking impluwensiya raw sa kilos o ikinikilos ng tao
ang unconscious na bahagi ng isipan na hindi intensyong sabihin o gawin ay tinatawag na
Freudian slip. Mga bagay na nakakubli subalit hindi mo lubos maisip na masasabi mo ang
ganoong bagay. May mga bagay rin daw na kinatatakutan, kinakalimutan at tunggalian ang tao
na hindi nakikita/ipinapakita o hindi napapansin/pinapansin ng mismong tao, ang ganitong
sitwasyon ay tinatawag na repression.
Batay sa haypotesis ni Sigmund Freud na tinatawag na Oedipus Rex sa kanyang akda
ang Oedipus Rex ay ang paniniwala na ang isang batang lalaki ay may pagnanasang palitan o
mawala ang kanyang ama para sa ina, The Interpretation of Dreams (1895), sinubukan na dalhin
ang mga modernong pananaw tungkol sa pag-uugali ng tao sa pag-aaral kung paano kumikilos
ang mga hindi makatotohanang ugali. Sinusuri nito ang ibabaw ng akdang pampanitikan, tinukoy
nito kung ano ang nasa ilalim ng teksto - kahit na hindi masasabi na ang mga alaala, motibo, at
takot ang humuhubog sa ganitong gawain.
Isa pang psychoanalyst ang nagbigay ng mga pamamaran sa teoryang ito, si Jacques
Lacan (1901-1981). Binigyan niya ng bagong diin ang tinatawag na unconscious ni Freud, na ito
raw ‘ang nukleyus ng ating pagkatao’. Kasi daw ipinapahiwatig niya na kung hindi ito ang
nukleyus ng ating pagkatao, kung sino raw itong nasa ating pagkatao na may malaking
kaugnayan o koneksyon sa ating mga sinasabi at ginagawa maging sa ating pag-iisip ng hindi
natin namamalayan.

You might also like