Professional Documents
Culture Documents
Ang ating kalusugan ay isa sa mga pinaka importanteng aspeto sa buhay. Nakaaapekto
ito sa ating araw-araw na mga gawain kung sakaling tayo ay nagkakasakit at nanghihina. Kaya’t
sa panahon ngayun kinakailangan nating maging mag-ingat at panatilihing malayo sa mga sakit
lalong-lalo na sa nagkakalat ngayun na virus, na sadyang kinatatakutan ng lahat ng dahil sa
lubhang sakit na dala nito. Virus na mas kilala sa tawag na “Novel Coronavirus Disease’19”.
Sa ngayon, wala pang gamut o bakuna laban sa COVID- 19, kaya’t kinakailangan nating
maging maingat at alerto upang makaiwas, lagi nating tatandaan ang katagang “Ang pag-iwas ay
mas mahusay kaysa lunas”. Naikakalat o naipapasa ang COVID-19 sa pamamagitan ng
pagsaganap ng mga maliit na talsik ng laway mula sa pagsasalita, pagbahing o pag-ubo ng isang
tao na may COVID-19. Kaya’t para maiwasan natin ang virus na ito, pinapayuhan tayo ng DOH
o Department of Health na gawin ang sumusunod na protective measures. Ito pa rin ang pinaka
mabisang paraan upang maprotektahan ang sarili sa COVID-19. (A) Regular na maghugas ng
kamay. Hugasan ang kamay ng sabon at malinis na tubig nang hindi bababa sa 20 segundo.
Gumamit ng alcohol base sanitizer kung walang sabon at tubig. (B) Sundin ang tamang paraan
ng pag-ubo; Una, takpan ang ilong at bibig ng tisyu o manggas ng damit o loob ng siko sa tuwing
uubo o babahing. Pangalawa, lumayo sa mga tao kung babahing o uubo. Pangatlo, huwag
dumura kung saan-saan, itapon ang ginamit ng tisyu sa tamang tapunan, lagging maghugas ng
kamay pagkatapos umubo o bumahing at gumamit ng hand sanitizer o alcohol. (C) Panatilihing
ang isang metrong distansya sa mga taong may respiratory symptoms. (D) Iwasan ang hindi
protektadong paghawak sa mga faim at wild animal (buhay o patay). (E) Siguraduhing naluto
nanag mabuti ang pagkain bago kainin lalo na ang mga karne at isda.